Noli Me Tangere (32 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
8.66Mb size Format: txt, pdf, ePub

N~guni't n~g makita ang alférez, na sa canya'y nagsásalitâ, náguitlá ang babae at nagtatacbó, at nawalâ sa guitnâ n~g cacahuyan.

--¿Sino ang babaeng iyón?--ang itinanóng.

--Isáng cahabaghabág na babaeng pinílit sirâin ang ísip sa cagugulat at cápapahírap!--ang isinagót ni don Filipo;--may ápat na áraw nang iya'y ganyán.

--¿Iyan bagá ang isáng nagn~gan~galang Sisa?--ang tanong ni Ibarra n~g boong pagmamalasakit.

--Ang babaeng iyá'y dinakip n~g inyó pong m~ga sundalo,--ang ipinagpatuloy n~g sabing may capaitan n~g teniente mayor;--siya'y inilibot sa boong báyang batíd, dáhil sa hindî co maalamang m~ga bagay n~g canyáng m~ga anác na lalaki, na ... hindî nan~gagcaroon n~g caliwanagan.

--¿Bakit?--ang itinanóng n~g alférez na humaráp sa cura:--¿iyán pô bagá ang iná n~g inyóng dalawáng sacristán?

Sumáng-áyon ang cura sa pamamag-ítan n~g pagtan~gô.

--¡Na nan~gawaláng hindî man lamang guinawâ ang anó mang pagsisiyásat tungcól sa canilá!--ang idinugtong ni Don Filipo n~g wári may poot, at tinititigan ang gobernadorcillo na ibinabâ ang m~ga matá.

--¡Hanápin ninyó ang babaeng iyán--ang ipinag-utos ni Crisóstomo sa m~ga alílang lalaki:--Aking ipinan~gacong pagpapagalan co ang pag-uusísà cung saan naroon ang canyáng m~ga anac na lalaki.

--¿Nan~gawalà, ang wicà ninyó?--ang itinanóng n~g alférez.--¿Nan~gawalà ang inyóng m~ga sacristan, padre cura?

Inúbos ininóm n~g cura ang vaso n~g álac na na sa canyáng haráp, at sacâ tuman~gô, bilang sagót na oo.

--¡Carambas, párì cura!--anáng alférez na casabáy ang táwang libác, at natútuwa, dahil sa siya'y nacacaganti,--pagca nawáwalâ ang iláng píso lámang n~g cagaláng-gálang na camahalan pô ninyo'y maagang maaga pa'y inyóng guiniguising ang aking sargento, upang hanapin ang inyóng salapî; n~guni't nawáwalâ ang dalawang sacristan ninyo'y hindî pô cayó nagsasabi; at cayó pô, guinoong capitán ... totoo n~gang cayó po'y....

At hindî tinapos ang canyang salitâ cung dî ang guinawa'y nagtawá, casabay n~g paglulubóg n~g canyang cuchara sa mapuláng lamán n~g papaya.

Sumagot ang curang malakí ang hiyâ at natútulig.

--Nagcágayon acó't dahil sa acó ang nanánagot n~g salapî....

--¡Mabúting sagót, cagalanggalang na pastól n~g m~ga cáluluwa!--ang salabat sa canyá n~g alférez na namumualan n~g kinacain.--¡Mabúting sagót, banál na laláki!

Nag-acalang mamaguitna si Ibarra, n~guni't nagpilit si párì Salving manag-úli sa dating catahimican n~g loob, at sumagot na caacbay ang n~gíting pílit:

--At ¿nalalaman pô bâ ninyó, guinóong alférez, cung anó ang sabihanan tungcól sa pagcawalâ n~g m~ga bátang iyan? ¿Hindî? ¡Cung gayo'y ipagtanong pô ninyó sa inyóng m~ga sundálo!

--¿At ano?--ang sigaw n~g alférez na nawala ang towa.

--¡Ang sabihana'y n~g gabing iyón mawala ang m~ga bata'y may m~ga tumunóg na ilang putóc n~g fusil!

--¿Iláng putóc?--ang inúlit n~g alférez na canyang minámasdan ang m~ga cahárap.

Nan~gagsitan~gó ang nan~garoroon, bilang pagpapatunay na may nárin~gig n~ga silá.

Nang magcágayo'y sumagót si párì Salví n~g madalang na pananalita, taglay ang malupit na paglibac.

--Sa nangyayari'y aking nakikitang bucod sa hindî cayó nacacahuli n~g m~ga gumágawa n~g masamá'y hindî po ninyó nalalaman ang m~ga guinagawa n~g inyóng m~ga capamahay, at gayón ma'y íbig po ninyóng masoc na tagapan~garal at magtúrò sa m~ga iba n~g canilang m~ga catungculan: dapat po ninyong maalaman ang casabihang; lalong nacacaalam ang ulól sa canyang sariling bahay....

--¡M~ga guinoo!--ang isinalabat ni Crisóstomo n~g canyang makitang namumutla na ang alférez;--tungcol n~ga sa bagay na itó'y ibig cong maalaman cung anó ang inyóng pasiyá sa isang aking panucálà. Inaacalà cong ipagcatiwálà ang pag-aalágà sa babaeng diyáng sira ang ísip sa isang mabúting manggagamot at samantala'y hahanapin co ang canyang m~ga anác, sa pamamag-ítan n~g túlong at m~ga hatol ninyóng dalawá.

Ang pagbabalíc n~g m~ga alílang nan~gagsabing hindî nilá nasumpun~gan ang sirá ang ísip na babáe ang siyáng nacalubós n~g pagcapayapà sa dalawáng nagcacagalit, at caniláng dinalá ang salitaan sa ibang bagay.

Nan~gagbahabahagui sa iláng pulutong ang m~ga matanda't m~ga bátà n~g matápos ang pagcain at samantalang sila'y biníbigyan n~g chá at café. Cumuha ang ibá n~g m~ga "tablero" at ang ibá nama'y nan~gagsicuha n~g "baraja," n~guni't lalong minagaling n~g m~ga dalagá ang man~gatanóng sa "Rueda de la Fortuna" (gulong n~g capalaran), sa pagcaibig niláng maalaman ang sa canila'y mangyayari sa panahóng hínaharap.

--¡Hali cayó, guinoong Ibarra.--ang sigáw namán ni cápitang Basilio, na lan~gó na n~g cauntî. May usapín tayong labing limáng taóng taón na n~gayón ang itinátagal, at waláng hucóm sa Audienciang súcat macahátol: ¿mangyayari bang tingnan natin cung áting mabíbigyang hanggá sa "tablero"?

--¡N~gayón din pô, at sumasang-ayon acó n~g boong catowaan!--¡Hintayín po ninyó acóng saglít, sa pagca't nagpapaalam ang alférez!

Nang maalaman nilá ang gayóng paglalarô, nan~gagcapísan ang lahát n~g matatandáng lalaking marúnong n~g "ajedrez" sa palíguid n~g "tablero"; mahalagá ang laróng iyón, caya't nacaakit patí sa m~ga hindî nacacaalam. Hinaráp n~g m~ga matatandáng babae, gayón man, ang cura, upang makipagsalitaán sa canyá tungcól sa m~ga bagay na nauucol sa religión; datapuwa't hindî marahil minámagaling ni fray Salví ang lugar na kinálalagyan at ang capanahunang iyón, cayâ n~gâ't pawang m~ga malalábò ang caniyáng m~ga isinásagot at mapapanglaw at may gálit na hálò, at ang canyang m~ga matáng hindî tumitin~gin man lamang sa canyáng m~ga kinacausap ay nagpapalin~gaplin~gap sa magcabicábilâ.

Nagpasimulâ ang larô n~g boong cacadakilâan.

--Cung magtablá ang larô, papagtatablahín naman natin ang áting usapín--ang sabi ni Ibarra.

Nang na sa calaghatîan na ang larô, tumanggap si Ibarra n~g isáng telegrama na nagpaningning n~g canyang m~ga matá at nacapagbigáy sa canyá n~g pamumutlà. Itinagó niyá sa canyáng "cartera" ang telegrama, na hindî binucsán, at canyáng sinulyáp ang pulutong n~g m~ga cabatâang nagpapatuloy n~g pagtatanóng cay Capalaran, sa guitnâ n~g m~ga tawanan at m~ga sigawan.

--"¡Jaque" sa "Hári!"--anang binatà.

Napilitang itagò ni capitang Basilio ang "Hari" sa licód n~g "Reina."

--¡"Jaque" sa "Reina"!--ang muling sinábi ni Ibarra, na pinagbabalâan n~g canyáng "Torre" ang "Reina," na ipinagsasanggalang n~g isang "Peón."

Sa pagca't hindî matacpán ni capitang Basilio ang "Reina" at hindî namán niyá maiurong itó, dahil sa "Haring na sa sa licód", humin~gî siyá n~g panahón upang siya'y macapa-isip.

--¡Sumasang-ayon pô acó n~g boong tuwâ!--ang sagót ni Ibarra;--mayroon pa namang sasabihin acó n~gayón din sa iláng lalaki sa pulutóng na iyón.

At nagtindíg siyá, pagcapagcaloob sa canyáng calaban n~g icaapat na bahágui n~g isang oras upang mag-ísip.

Tan~gan ni Idáy ang mabílog na cartóng kinasusulatan n~g apat na po't walóng tanóng, at si Albino ang may tan~gan n~g libro n~g m~ga sagót.

--¡Casinun~galin~gan! ¡hindî totoo! ¡casinungalin~gan!--ang isinísigaw ni Sinang na halos umíiyac.

--¿Anó bâ ang nangyayari sa iyo?--ang sa canyá'y tanóng ni María Clara.

--Tingnán mo, aking itinanóng: "¿Cailán bagá acó magcacabait?" binitiwan có ang m~ga "dado", at ang guinawa niyang curang iyang bantilaw ay binasa sa libro ang ganito: "¡Pagca nagcabuhóc ang palaca!" ¿Itó ba'y mabuti?

At saca n~giniwian ni Sinang ang naguíng seminarista, na hindî tumitiguil n~g pagtatawa.

N~guni't ¿Síno ba ang may utos sa iyong magtanong ca n~g gayon?--ang sinabi sa canya n~g pinsan niyang si Victoria--¡Súcat na ang magtanóng n~g gayón upang marapat sa gayóng m~ga sagót!

--¡Tumanóng pô cayó!--ang sinabi nila cay Ibarra, casabay n~g paghahandog sa canya n~g "rueda"--Pinagcayarian naming cung sino ang magcamit n~g lalong magaling na sagót ay tatangap sa m~ga iba n~g isang handóg. Nacatanóng na camíng lahat.

--¿At Sino ang nagcamit n~g lalong magalíng na sagót?

--¡Si María Clara! ¡si María Clara!--ang isinagót ni Sinang.--Ibiguin man niya't hindî'y siya'y pinatanong namin: "¿Tapát baga't hindî magmamaliw ang canyáng pagliyag?" at ang libro'y sumagót....

N~guni't tinacpan ni María Clarang namúmulang mainam ang bibíg ni Sinang, at hindî itinulot na maipatuloy ang sinasabi.

--¡Cung gayo'y ibigay ninyó sa akin ang "rueda"!--ani Crisóstomong n~gumin~gitî.

Tumanóng: "¿Lalabas ba n~g magalíng ang casalucuyan conglinalayon?"

--¡Napacapan~git naman n~g tanóng na iyan!--ang sigaw ni Sinang.

Iniabsang ni Ibarra ang m~ga "dado" at alinsunod sa canyang "numero" ay hinanap ang mukha at ang talata n~g na sa libro.

--"¡Ang m~ga panaguinip ay pawang m~ga panaguinip n~ga!"--ang binása ni Albino.

Kinúha ni Ibarra ang telegrama at nan~gan~gatal na bínucsán.

--¡N~gayó'y nagsinun~galíng ang libro ninyó!--ang isinigaw na puspós n~g tuwâ.--Basahin ninyo:

"Sinang-ayunan ang panucálang escuela, hinatúlang cayó ang nanálo sa usapin."

--¿Anó ang cahulugán nitó?--ang itinanóng nilá sa canyá.

--¿Hindî bâ ang sábi ninyo'y bibigyan n~g pabúya (regalo) ang magtamó n~g lalong mabúting sagót?--ang itinanóng niyá, na nan~gan~gatal ang voces sa lakí n~g canyáng tuwâ, samantalang hinahati n~g boong in~gat ang papel.

--¡Siyá n~ga! ¡siya n~ga!

--Cung gayó'y nárito ang aking pabúyà,--ang sinabi, at ibinigay cay María Clara ang calaháti;--magtátayô acó sa báyan n~g isáng páaralang úcol sa m~ga bátang lalaki't babáe; ang páaralang itó'y siyáng áking pabúyà.

--At ¿anóng cahulugan niyang calahátì n~g papel?

--¡Itó'y iháhandog co namán sa nagcaroón n~g lalong masamâ sa m~ga sagót!

--¡Cung gayó'y acó! ¡sa akin marapat ibigáy!--ang sigáw ni Sínang.

Ibinigáy sa canyá ni Ibarra ang papel at matúling lumayô.

--¿At anó ang cahulugán nitó?

Datapowa't maláyò na ang mapalad na bináta, at nagbalíc na mulî siyá sa pakikilarô n~g "ajedrez."

Lumapit si Fr. Salví na wari'y nag-wáwalang anó man sa masayáng lúpon n~g m~ga cabatâan. Pinapahid ni María Clara ang isang lúha sa catuwâan.

Humintô n~g magcágayon ang tawanan at napipí ang salitàan. Tumítin~gin ang cura sa m~ga bagongtao't dalaga, na di niyá matutuhan cung anó ang sasabihin; hiníhintay namán niláng magsalitâ ang cura at hindî silá umíimic.

--¿Anó itó?--ang sa cawacasa'y naitanong n~g cura, at kinúha ang libro at canyang binúbuclatbuclat.

--¿Ang "Rueda de la Fortuna",--isáng librong liban~gan, ang sagót ni León.

--¿Hindî ba ninyó nalalamang casalanan ang maniwála sa m~ga bágay na ganitó?--ang winicà, at sacâ pinunitpunit n~g boong gálit ang m~ga dáhon n~g libro.

Nagpumiglás sa m~ga lábi n~g lahat ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at samâ n~g loob.

--¡Lálong malakíng casalanan ang gawín ang maibigan sa bágay na hindî canyá't lában sa calooban n~g túnay na may árì!--ang itinútol ni Albinong nagtindig.--Amang cura, nácaw ang táwag sa ganyáng gawâ at ito'y bawal n~g Dios at n~g m~ga táo.

Pinapagdaóp ni María Clara ang m~ga camay, at tinitigang tumatan~gis ang m~ga wacás n~g librong iyóng hindî pa nalalaong nag-alay sa canya n~g lubháng malakíng ligaya.

Hindî sumagót cay Albino si fray Salví, laban sa inaasahan n~g m~ga nanonood; nátira siyá sa panonood cung paano ang linipadlipad n~g m~ga pinagpunitpunit na m~ga dáhon n~g libro, na ang ibá'y ipináwid n~g hán~gin sa gúbat at ang ibá namá'y sa túbig; pagcatápos ay lumayóng guíguirayguíray at nacapatong ang dalawáng camáy sa ulo. Humintong sandalî at nakipág-usap cay Ibarra na naghatíd sa canyá sa isá sa m~ga cocheng náhahandang pangdalá ó panghatid sa m~ga panauhín.

--¡Mabuti at lumayas ang pang-abóy-galác na iyán,--ang ibinulóng ni Sinang.!May pagmumukháng wári'y sinasabing: "Huwág cang tatawa't nalalaman co ang iyong m~ga casalanan."

Sa malakíng catuwâan ni Ibarra, sa pagcapagbigay niyá sa canyáng maguiguing asawang si María Clara n~g canyang pabuyà, nagpasimulâ siyá n~g paglalaróng hindî na iniisip ang guinágawá, at hindî na nag-aabalá n~g pagbabálacbalac n~g pagwawárì n~g boong pag-iin~gat n~g calagayan n~g m~ga "pieza."

Dahil sa ganito'y ang nangyari, baga man si capitang Basilio'y báhagyâ n~g nacapagsásangalang, ang laro'y nagcapantay, salamat sa maraming pagcacamaling sa huli'y guinawâ n~g binátà.

¡Papagtablahin natin! ¡papagtablahin natin! ang sabi ni capitang Basiliong malakí ang tuwâ.

--¡Papagtablahin natin!--ang inulit n~g binátà,--cahi't maguíng anó man ang inihatol n~g m~ga hucóm sa ating usapín.

Nangagcamáy ang dalawa na nan~gagpisilan n~g boong pagguiguiliwan.

Samantalang ipinagcacatuwa n~g m~ga caharap ang nangyaring itó na nagbíbigay wacás sa isáng usapíng totoong nagpapahírap na sa dalawang magcalaban, ang bigláng pagdating n~g apat na guardia civil at isáng sargento, na pawang sandatahan at nacalagay sa dúlo n~g fusil ang bayoneta, siyáng sumirà n~g casayahan at nagdúlot n~g panghihilacbót sa pulutóng n~g m~ga babae.-

--¡Huwág kikilos ang sino man!--ang sigaw n~g sargento.--¡Papúputucan ang cumilos!

Hindî inalintana ni Ibarra ang gayóng paháyop na pagmamatapang, tumindig siyá at lumápit sa sargento.

--¿Anó pô ang inyóng ibig?--ang itinanóng.

--Na n~gayón din ay ibigáy sa amin ang isáng may casalanang nagn~gan~galang Elías, na sa inyó'y namimiloto canínang umaga,--ang isinagót na may anyóng pagbabálà.

--¿Isáng may casalanan?... ¿Ang piloto? ¿Cayó po'y nagcacamali marahil!--ang itinugón ni Ibarra.

--Hindî pô; n~gayo'y isinumbóng na naman ang Elías na iyáng nagbúhat n~g camáy sa isáng sacerdote....

--¡Ah! ¿at iyán ba ang piloto?

--Iyán n~gâ, áyon sa sábi sa amin; tumátanggap pô cayó sa inyong m~ga pagsasaya, guinoong Ibarra, n~g táong may masamang caasalan.

Tiningnan ni Ibarra ang sargento mulâ sa m~ga paa hanggáng sa úlo at sinagót siyá n~g lubháng malaking pagpapawaláng halagá:

--Hindî co cailan~gang acó'y magsúlit sa inyó n~g áking m~ga guinágawâ! Tinatangggap namin n~g boong cagandahan n~g loob ang sino man sa áming m~ga pagsasayá, at cayó man, cung cayó'y pumaríto sana, inyó disíng nasunduan ang isáng luclucan sa mesa, na gáya naman n~g inyóng alférez na capanayám namin ditong dalawáng horas lámang ang calálampas.

At pagcawicà nito'y tinalicuran siyá.

Kinagát n~g sargento ang canyáng m~ga bigote, at sa pagca't napagdilidili niyáng siyá ang lalong mahínà, ipinag útos na paghanapin sa magcabicabilâ at sa m~ga cacahuyan ang piloto, na ang anyô nitó'y nacatitic sa capirasong papel na canyáng dalá. Itó ang sinabi ni Don Filipo sa canyá:

Other books

JM03 - Red Cat by Peter Spiegelman
Constant Lovers by Chris Nickson
Fabled by Vanessa K. Eccles
Capital Punishment by Robert Wilson
Jailbreak by Giles Tippette
When Harriet Came Home by Coleen Kwan
Hard Money by Short, Luke;