Noli Me Tangere (27 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
13.15Mb size Format: txt, pdf, ePub

Hindî cumikilos ang teniente mayor at nacatitig sa gobernadorcillo.

--¿At anó ang íbig n~g cura?--ang itinanong ni capitang Basilio.

--¡Abá! ang íbig n~g cura'y ... anim na procesión, tatlóng sermón, tatlóng malalaking misa ... at cung may lumabis na salapî, comediang Tundó at cantá sa m~ga pag-itan.

--¡Ayaw namáng camí n~g lahát n~g iyán!--ang sinábi n~g m~ga bátà at n~g iláng matandâ.

--¡Siyáng ibig n~g párí cura!--ang inulit n~g gobernadorcillo.--Aking ipinan~gacò sa curang magaganap ang canyang calooban.

--Cung gayó'y ¿bakin inanyayahan pa ninyóng cami magpúlong?

--¡Inanyayahan co cayó't ... n~g sa inyo'y áking sabihin ang gayóng bágay!

--At ¿bákit hindî ninyó sinábi sa pagsisimulâ pa n~g salitaan?

--Ibig co sánang sabihin, m~ga guinóo, n~guni't nagsalita si capitáng Basilio'y ¡hindî na acó nagcapanahón ...! ¡kinacailan~gang sumunód sa curá!

--¡Kinacailan~gang sumunód tayó sa canyá!--ang inúlit n~g iláng matatandâ.

--¡Kinacailan~gang sumunod, sa pagca't cung hindî, tayo'y ibibilanggong lahát n~g alcalde!--ang idinugtóng n~g boóng capanglawan n~g ibá, namáng matatandâ.

--¡Cung gayo'y sumunód, cayó at cayó na lámang ang gumawa n~g fiesta!--ang ipinagsigawan n~g m~ga báta--¡iniuurong namin ang aming m~ga ambág!

--¡Nasin~gíl n~g lahat!--ang sinabi n~g gobernadorcillo.

Lumapit si Don Filipo sa gobernadorcillo at saca sinabi niya rito n~g boóng capaítan.

--Inihándog co sa pagcaamís ang pag-ibig co sa aking sarilí upang magtagumpay lamang ang magandang caisipan; cayô namá'y inihayin ninyó sa pagcaapí ang inyóng camahalan upáng manálo ang masamáng panucála, at inyóng iniwasác ang lahát.

Samantala'y--isinasabi namán ni Ibarra sa maestro n~g escuela:

--¿May-ibig bâ cayóng ipagbilin sa pan~gúlong báyan n~g lalawigan? Paroroon acó n~gayón din.

--¿Mayroon pô bâ cayóng pakikialaman doón?

--¡Mayroon pô táyong pakikialaman doón!--ang talinghagang sagót ni Ibarra.

--Sa daa'y sinasabi n~g matandang filósofo cay Don Filipong sinusumpa ang sarilíng pálad.

--¡Tayo ang may casalanan! ¡Hindî cayó tumutol n~g cayo'y bigyán nila n~g aliping sa inyo'y magpúnò, at aking nalimutan ang bagay na ito, sa aking cahalin~gan!

=XXI.=

=CASAYSAYAN NANG BUHAY NANG ISANG INA=

Waláng tinutun~go sa canyang paglacad, walang linalayon sa linipadlipad, susumandali ma'y di napapanatag.

(Alaejos)

Tumatácbo si Sisang patun~gó sa canyáng báhay, tagláy iyóng caguluhan n~g baít na nangyayari sa ating cataohan, pagcâ sa guitnâ n~g isáng casacunaán ay walâ sino mang nagmamalasakit sa atin at sa ati'y tumatacas ang m~ga pag-asa. Cung nagcacagayo'y anaki'y dumidilim na lahát sa ating paliguid, at sacali't macakita tayo n~g isáng máliit na ilaw sa maláyò, tinátacbo natin ang ilaw na iyón, pinag-uusig natin, at hindî natin alumana cáhi't makitang sa calaguitnâan n~g landás ay may isang malalim na ban~gín.

Ibig n~g ináng iligtás ang canyáng m~ga anác, n~guni't ¿paano? Hindî itinátanong n~g m~ga iná ang gágawing m~ga paraan, pagca nanucól sa canilang m~ga anác.

Tumátacbong nagsísikip ang dib-dib, palibhasa'y pinag-uusig n~g m~ga guniguníng calaguímlaguim. ¿Nárakip na cayâ ang anác niyang si Basilio? ¿Saán tumácas ang canyáng anác na si Crispin?

Nang malápit na siyá sa canyáng báhay ay canyáng natanawan ang m~ga capacete n~g dalawáng sundalong na sa ibábaw n~g bacuran n~g canyáng halamanan. Hindî mangyayaring maisaysay cung anó ang dinamdám n~g canyáng pusó: nalimutan niyá ang lahát. Hindî cailâ sa canyá ang canpan~gahasan n~g m~ga táong iyóng hindî nan~gagpipitagan cahi't sa lálong mayayaman sa bayan, ¿anó cayâ ang mangyayari sa canyá at sa canyáng m~ga anác na pinagbibintan~gan nan~ganácaw? Hindî m~ga táo ang m~ga guardia civil, sila'y m~ga guardia civil lamang: hindî nilá dinírin~gig ang m~ga panghihimanhic at sila'y bihasang macapanood n~g m~ga lúhà.

Hindî sinásadya'y itinaás ni Sisa ang canyáng m~ga matá sa lan~git, at ang lan~git ay n~gumín~gitî n~g caayaayang caliwanagan; lumalan~go'y ang ilang maliliit at mapuputing alapaap sa nan~gan~ganinag na azúl. Humintò siyá upang piguilin ang pan~gan~gatal na lumalaganap sa canyáng boong katawán.

Iniiwan na n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay at silá'y waláng casama; walâ siláng hinuli cung dî ang inahíng manóc na pinatátabâ ni Sisa. Nacahin~gá siyá at lumacás ang canyáng loób.

--¡Pagcábabait nilá at pagcágaganda n~g caniláng m~ga calooban!-ang ibinulóng na hálos umíiyac sa catowáan.

Cahi't sunuguin n~g m~ga sundalo ang canyáng báhay, huwag lámang piitín nilá ang canyáng m~ga anác, ay silá'y pacapupuspusin dín niyá n~g pagpupuri.

Muling tinitigan niyá, sa pagpapasalamat, ang lan~git na pinagdaraanan n~g isang cawan n~g m~ga tagác, iyáng matutûling m~ga alapaap n~g m~ga lán~git n~g Filipinas, at sa pagca't nanag-úli sa canyáng púsó ang pananálig ay ipinagpatúloy niyá ang paglácad.

Nang malapit na si Sisa sa m~ga catacot-tacot na m~ga táong yao'y nagpalin~gaplin~gap sa magcabicabíla at nagcóconowáng hindî niyá nakikita ang canyáng inahing manóc na pumípiyac at humihin~ging sáclolo. Bahagya pa lamang nan~gacacaraan sa canyáng tabí ay nag-acála siyang tumacbó, n~guni't piniguil ang tulin n~g canyáng paglacad n~g pagiin~gat na bacâ siyá'y máino.

Hindî pa siyá nacalálayô n~g malaki n~g márinig niyáng siyá'y caniláng tinatawag n~g boong caban~gisán.

Hindî kinukusa'y lumapit si Sisa, at náramdaman niyáng hindî niyá maigaláw ang canyáng dilà sa tácot at natútuyô ang canyáng lalamunan.

--¡Sabìhin mo sa amin ang catótohanan ó cung hindî itatáli ca namin sa cáhoy na iyon at papuputucán ca namin n~g dalawa!--anang isá sa caniláng may pagbabálà ang tunóg n~g voces.

Tumin~gin ang babae sa dacong kinalalagyan n~g cáhoy.

--¿Icaw bâ ang iná n~g m~ga magnanacaw, icáw?--ang tanóng naman n~g isá.

--¡Iná n~g m~ga magnanacaw!--ang di sinásadya'y inúlit ni Sisa.

--¿Saán nároon ang salapíng iniuwî sa iyo cagabí n~g iyóng m~ga anác?

--¡Ah, ang salapi!...

--¡Howag mong itangguí ang salapíng iyán, sa pagca't lálong mápapasamá icaw!--ang idinugtóng n~g isá. Naparíto cami't n~g dacpín ang iyóng m~gá anác; ang pinacamatanda'y nacatanan sa amin, ¿saan mo itinágò ang bunsô?

Humin~gá si Sisa n~g márin~gig ang gayong sabi.

--¡Guinoó!--ang isinagot--¡malaon na pong araw na hindî co nakikita ang aking anác na si Crispín: ang boóng acálà co'y masusumpun~gan co siyá caninang umaga sa convento, doo'y ang sinábi lamang sa aki'y....

--Nagsuliapan ang dalawang sundálo n~g macahulugán.

--¡Magaling!--ang bigláng sinabi n~g isá sa canilá; ibigay mo sa amin ang salapi, at hindî ca na namin babagabaguin.

--¡Guinoo!--ang isinamò n~g cúlang palad na babae!--ang aking m~ga anac ay hindî nagnanacaw cahi't madayucdóc; bihasa caming magútom. Hindî nag-uuwî sa akin si Basilio cahi't isang cuarta; halughuguín ninyó ang boong bahay, at cung cayo'y macasumpong cahi't sisicapat man lamang, gawín ninyó sa amin ang bawa't maibigan. ¡Caming m~ga dukhâ ay hindî magnanacaw!

--Cung gayón--ang ipinagpatuloy n~g sundálo n~g madálang na pananalitâ, at canyáng tinititigan ang m~ga matá ni Sisa,--icáw ay sumáma sa amin; pagsisicapan na n~g iyóng m~ga anác na humarap at isísipót ang salaping ninacaw: ¡Sumama ca sa amin!

--¿Acó? ¿sumama acó sa inyó?--ang ibinulóng n~g babae na umudlót at minamasdan n~g boong pagcagulat ang m~ga pananamít n~g sundalo.

--¿At bakit hindî?

--¡Ah! ¡mahabág cayó sa akin!--ang ipinamanhíc na halos lumúluhod.--Totoong acó'y mahírap; walâ acóng guintô ó hiyas man lamang na súcat maialay sa inyó: nacúha na ninyó ang aking tan~ging pag-aarì, ang inahíng manóc na inacala co sanang ipagbili ... dalhín na ninyó ang lahat n~g inyóng masumpong sa aking dampâ; n~guni't ¡pabayaân na ninyó rito acóng pumayapâ; pabayaan na ninyóng mamatay acó rito!

--¡Súlong na! kinacailan~gang sumama ca sa amin; at cung aayaw cang sumama n~g sa magalin~gan, icaw ay gagapusin namin.

Tuman~gis si Sisa n~g capaitpaitan. Hindî nababagbag ang loob n~g m~ga taong iyón.

--¡Ipaubayà man lamang ninyóng acó'y mauna n~g malayô-layô!--ang ipinakiusap n~g maramdaman niyang siya'y tinatangnan n~g boong calupitan at siya'y itinutulac.

Naawà ang dalawang sundalo at nag-usap sila n~g marahan.

--¡Hala!--ang wíca n~g isá--sa pagca't buhat dito hanggang sa pumasoc tayo sa bayan ay macatátacbo ca, icaw ay lalagay sa pag-itan naming dalawâ. Cung naroroon na tayo, macapagpapauna ca sa amin n~g may m~ga dalawampong hakbang; n~guni't ¡mag-in~gat ca! ¡huwag cang papasoc sa alín mang tindahan at huwag cang hihintô. ¡Hala, lacad na at magmadalî ca!

Nawal-ang cabuluhan ang m~ga pagsamò, nawal-ang cabuluhan ang m~ga pan~gan~gatuwiran, hindî pinansin ang m~ga pan~gacò. Sinasabi n~g m~ga sundalong lumalagay na silá sa pan~ganib at malabis n~g totoo ang canilang ipinagcacaloob.

Nang malagay na siya sa guitna n~g dalawa'y naramdaman niyang siya'y namámatay n~g hiyâ. Tunay n~ga't walâ sino mang lumalacad sa daan, n~guni't ¿ang hán~gin at ang liwánag n~g áraw? Ang tunay na cahihiya'y nacacakita n~g tumitin~gin sa alin mang dáco. Tinacpán n~g panyô ang mukhâ, at sa paglácad niyáng waláng nakikitang anó man ay tinan~gisan n~g waláng imic ang canyáng pagcaamís. Napagtatalastas niyá ang canyáng cahirapan, nalalaman niyáng sa canyá'y walá sino mang tumitin~gin at sampò n~g canyáng asawa'y hindî siyá ipinagmamalasakit; n~guni't tunay na alám niyáng siya'y ma'y capurihan at kinalulúgdan n~g madlá hanggáng sa horas na iyón; hanggang sa horas na iyó'y canyáng kinaháhabagan yaóng m~ga babaeng nan~gagdáramit n~g catawatawá na pinamámagatan n~g bayang caagulo n~g m~ga sundalo. N~gayó'y tila mandin sa ganáng canyá'y napababâ siyá n~g isáng baytang sa kinálalagyan n~g m~ga babaeng iyón sa hagdanan n~g búhay.

Narinig niya ang yabág n~g lácad n~g m~ga cabayo: yaó'y ang m~ga nagdádala n~g m~ga isdâ sa m~ga báyang dáco roon. Guinágawa nilá ang gayóng m~ga paglalacbáy na nagpupulupulutong n~g maliliit ang m~ga lalaki't babae, na nan~gacasacay sa masasamáng cabayo, sa guitnâ n~g dalawáng bákid na nan~gacabítin sa magcábilang taguiliran n~g háyop. Ang ilán sa canilá'y n~g magdaan isáng áraw sa harapán n~g canyáng dampâ ay nan~gagsihin~gî n~g tubig na inumin, at siyá'y hinandugán n~g iláng isdâ. N~gayó'y n~g man~gagdaan silá sa canyáng tabi, sa acálà niyá'y siyá'y tinatahac at guiniguiic, at ang caniláng m~ga tin~gíng may calakip na habág ó pagpapawaláng halagá ay lumálampas sa panyó at tinutudlâ ang canyáng mukhâ.

Sa cawacasa'y lumayô ang m~ga maglalacbay at nagbuntóng hinin~gá si Sisa. Inihiwalá niyáng sandalî ang panyô sa canyang mukhâ upang canyáng matingnán cung silá'y maláyò pa sa báyan. May nátitira pang iláng m~ga halígui n~g telégrafo bago dumating sa "bantayan". Cailan ma'y hindî niyá náramdaman ang caunatan n~g gayong láyò, cung dî niyón lamang.

Sa tabi n~g daa'y may isáng malagóng cawayanang sa lilim niyó'y nagpapahin~ga siyá n~g unang panahón. Diya'y pinakikiusapan siyá n~g catamistamisan n~g sa canyá'y nan~gin~gibig; tinutulun~gan nito siyá n~g pagdadalá n~g cáhoy at m~ga gúlay; ¡ay! nagdaan ang m~ga áraw na iyóng túlad sa panag-inip; ang nan~gin~gibig ay canyáng naguing asawa, at ang asawa'y inatan~gan n~g catungculang "cabeza de barangay" at n~g magcagayó'y nagpasimula ang casaliwaang pálad n~g pagtawag sa caniláng pintuan.

Sa, pagca't nagpapasimulâ ang áraw n~g pag init na totoo, siya'y tinanóng n~g m~ga sundalo cung ibig niyang magpahin~ga.

--¡Salamat!--ang canyáng isinagót na nan~gin~gilabot.

Datapuwa't n~g totoong siya'y mapuspos n~g malaking pangguiguipuspos ay n~g malapit na siyang dumating sa bayan. Sa malakíng samâ n~g canyáng loob ay siya'y lumín~gap sa magcabicabilâ; malalawac na m~ga paláyan, isáng maliit na sangháng inaagusan n~g tubig na pangdilíg, salupanít na m~ga cáhoy; ¡walâ siyáng makitang isáng ban~gíng pagpatibulirán ó isáng malakí't matigás na batóng paghampasán n~g sariling catawán! Canyáng pinagsisihan ang canyáng pagcasama sa m~ga sundalo hanggáng doon; ¡n~gayó'y pinanghihinayan~gan niyá ang malalim na ilog na tumátacbo sa malapit sa canyáng dampâ, sapagca't ang matataas na m~ga pampan~gin niyao'y nasasabugan n~g m~ga matutulis na buháy na batóng nan~gagháhandog n~g catamistamisang camatayan. N~guni't ang pagcaalaala niyá sa canyáng m~ga anác, sa anác niyáng si Crisping hindî pa niya natatalos n~g sandalíng iyón ang kinasapitan, ang siyáng tumangláw sa canyá n~g gabíng iyón n~g canyáng búhay cayá't canyáng naibulong sa pag-sang-ayon sa marawal na palad:

--¡Pagcatapos ... pagcatapos ay mananáhan camí sa guitnâ n~g cagubatan!

Pinahíran n~g lúha ang canyáng m~ga matá, pagpílit na tumiwasáy at nagsabi sa m~ga guardia n~g marahang tínig:

--¡Na sa bayan na tayo!

Hindî mapaglírip ang anyô n~g canyáng pagcápanalitâ; yao'y daing, sisi, hibic, yaó'y dalán~gin, yaón ang pighatíng binuò sa tínig.

Sinagót siyá n~g isáng tan~gô n~g m~ga sundalong sa canyá'y naháhabag. Nagmadaling nagpauna si Sisa at pagpílit na mag-anyóng tiwasáy ang loob.

Nang sandalíng iyó'y pagpasimulâ ang pagrepique n~g m~ga campana't ipina-aalam ang pagcatapos n~g mísa mayor. Tinulinan ni Sisa ang paglacad, at n~g cung mangyayari'y huwag niyáng macasalubong ang m~ga táong lalabas sa simbahan. Datapuwa't ¡hindî nangyari! waláng nakitang paraan upang maiwasan ang gayóng pagcasalubong.

Bumatì n~g masacláp na n~giti sa dalawáng cakilala niyá, na sa canyá'y nag-uusísa sa pamamag-itan n~g tin~gín, at mulâ niyó'y n~g canyáng mailágan ang gayóng m~ga cahirápan n~g loob, tumun~gó siyá at ang lúpang tinutuntun~gan niyá ang canyáng minasdán, at ¡bagay na caguilaguilalas! natitisod siyá sa m~ga bató n~g lansán~gan.

Tumiguil n~g sandalî ang m~g táo pagcakita sa canyá, silá-silá'y nan~gag-uusap at sinusundan siyá n~g caniláng títig: nakikita niya ang lahát n~g itó, náraramdaman niya, bagaman siyá'y laguing nacatin~gín sa lúpà.

Narin~gig niyá ang voces n~g isáng waláng cahihiyang babae, na nasalicuran niyá at nagtátanong n~g hálos pasigáw:

--¿Saan ninyó nahuli ang babaeng itó? ¿At ang salápi?

Yaó'y isáng babaeng waláng tápis, dilaw at verde ang sáya at ang báro'y gasang azul; napagkikilala sa canyang pananamít na siyá'y isáng caagulo n~g sundalo.

Nacaramdam si Sisa n~g isáng parang tampál: wari'y hinubdán siyá n~g babaeng iyón sa haráp n~g caramíhan. Sandalíng tumungháy upang siyá'y magsáwa sa libác at pag-amís: nakita niyang ang m~ga táo'y maláyò, totoong maláyò sa canyá; gayôn ma'y náramdaman niyá ang calamigán n~g caniláng tin~gin at canyang náririn~gig ang caniláng m~ga bulungbulun~gan. Lumalacad ang abáng babaeng hindî nararamdaman ang pagtungtóng sa lúpa.

Other books

A Love All Her Own by Janet Lee Barton
Deep in the Heart of Me by Diane Munier
Masks of the Illuminati by Robert A. Wilson
Becoming Sister Wives: The Story of an Unconventional Marriage by Kody Brown, Meri Brown, Janelle Brown, Christine Brown, Robyn Brown
AMERICAN PAIN by John Temple
Quantum Break by Cam Rogers
Once by James Herbert