Noli Me Tangere (34 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.84Mb size Format: txt, pdf, ePub

At pinaspás n~g matandâ ang canyáng úlo, na anàkí ibig niyang palayuin ang isáng pag-iísip, at sacâ nagpatúloy n~g pananalitâ:

--Ang icalawáng maihahatol co sa inyó'y magtanóng pô cayó sa cura, sa gobernadorcillo, sa lahát n~g m~ga táong nacacacaya; bibigyan cayó nilá n~g m~ga masasamâ, han~gál at waláng cabuluháng m~ga cahatulán; datapuwa't hindî pagtalîma ang cahulugán n~g pagtatanóng, magpacunuwarî cayóng sinúsunod ninyó silá cailan man at mangyayaring gawin ninyo, at inyóng ipahayag na iniaalinsunod ninyó sa canilá ang inyóng m~ga gawâ.

Naglininglínìng n~g sandali si Ibarra at nagsalitâ, pagcatapos:

--Magalíng ang inyóng hátol, n~guni't mahirap sundin. Dapuwa't ¿hindî n~gâ cayâ maipagpatuloy co ang aking panucálà na hindî tumakip sa panúcalang iyán ang isáng dilím? ¿Hindî bagá cayâ magawâ ang isáng cagalin~gan cahi't tahákin ang lahát, yámang hindî cailan~gan n~g catotohanang manghirám n~g pananamit sa camalîan?

--¡Dáhíl diyá'y walâ sino man sumisinta sa catotohanang hubád! Magalíng ang bágay na iyán sa salitâ, mangyayari lamang sa daigdîg na pinápanaguimpan n~g cabatâan. Náriyan ang maestro sa escuela, na walang tumútulong síno man, sangól na púsong nagmithî n~g cagalin~gan ay walang ináni cung di libác at m~ga halakhác; sinábi ninyó sa áking cayó'y taga ibang báyan sa inyóng sariling lupaín, at naniniwalâ acó. Mulâ sa únang áraw n~g inyóng pagdatíng díto'y inyóng sinactán ang calooban n~g isáng fraileng cabalitaan sa m~ga táong siya'y isáng banál, at ipinalalagay n~g canyáng m~ga cápuwâ fraileng siyá'y isáng pantás. Loobin nawâ n~g Dios na ang guinawâ ninyóng itó'y huwág siyáng maguing cadahilanan n~g m~ga mangyayari sa inyó sa hináharap na panahón. Huwág po ninyóng acalâing dáhil sa pinawawal-áng halagá n~g m~ga dominico at agustino ang guinggóng hábito, ang cordón at ang salaulang pangyapác, na dahil sa minsang ipinaalaala n~g isáng dakílang doctor sa Santo Tomás, na ipinasiyá n~g papa Inocencio III, na lalong nauucol daw sa m~ga baboy cay sa m~ga tao ang m~ga palatuntunan n~g m~ga franciscano'y hindî silá man~gagcácaisa upang papagtibayin yaóng sábi n~g isáng fraileng procurador: "Higuit ang ikinapangyayari n~g lálong walang cabuluháng uldóg" cay sa Gobierno, cáhi't maguing casama pa nitó ang lahát niyáng m~ga soldado "Cave ne cadas". Totóong macapangyarihan ang guintô; madalás na inihápay n~g gúyang vacang guintô ang túnay na Dios sa canyáng m~ga altar, at nangyayari itó búhat pa sa panahón ni Moísés.

--Hindî acô lubháng mapangláwin sa pag-iísip n~g mangyayari sa anó mang bágay, at sa gánang ákin ay hindî namán napacapan~ganib ang pamumuhay sa áking lupaín,--ang isínagót ni Ibarrang n~gumin~gitî.--Inaacalà cong nápacalampas namán ang m~ga tácot na iyán, at umaasa acóng áking magágawâ ang aking m~ga panucála, na hindî acó macacakita n~g malalaking m~ga hadláng sa dácong íyan.

--Hindî n~ga, sacali't cayó'y tangkilikin nilá; datapuwa't magcacaroon cayó n~g m~ga hadláng cung cayo'y hindî tangkilin. Casucatán na upang madúrog na lahát ang inyóng m~ga pagsusumicap sa m~ga pader n~g bahay n~g tinatahanan n~g cura, ang iwaswás n~g fraile ang canyáng cordón ó ipagpág cayâ niyá ang canyáng hábito; itátanggui n~g alcalde bucas, sa papaano mang dahilán, ang sa inyo'y ipinagcaloob n~gayon; hindî itutulot n~g síno mang ináng pumásoc ang canyáng anác sa páaralan, at cung macágayo'y baligtád ang ibubun~ga n~g inyóng lahát na m~ga pagpapagal: macapanghihinà n~g lóob sa m~ga magpapanucálà pagcatapos, na tumikím gumawâ n~g anó mang bagay na cagalin~gan.

--Bagá man sa inyóng sabí,--ang tugón n~g binátà, hindî acó macapaniwálà sa capangyarihang iyang sinabi ninyó, at cáhit ipagpalagáy n~g catotohanan, cahi't paniwalâan túnay n~ga, mátitira rin sa áking pinacalábis ang bayang may pag-iísip, ang Gobiernong may manin~gas na han~gad sa pagtatátag n~g m~ga panucalang totoong maiinam, taglay niyá ang m~ga dakilang adhicâ at talagáng ibig n~ga niya ang icágagaling n~g Filipinas.

--¡Ang Gobierno! ¡Ang Gobierno!--ang bulóng n~g filósofo, at sacà tumin~galà upang tin~gnán ang bubun~gán.--Bagá man túnay na magcaróon n~g manin~gas na nasang padakilâin ang lupaíng itó sa icágagaling n~g m~ga taga rito rin at n~g Ináng Báyan; bagá man manacanacang alalahanin n~g man~gisan~gisang m~ga nan~gan~gatun~gculan ang magagandang caisipán n~g m~ga háring católico, at bangguitín cung siya'y napapag-isá, ang Gobierno'y hindî nacakikita, hindî nacaririnig, hindî nagpapasiyá, liban na lamang sa ibiguin n~g cura ó provincial na canyáng makita, mápakinggan at mápasiyahán; lubós ang pagsampalatayang cayâ lamang siyá matíbay ay dahil sa canilá; na cung siya'y nananatili'y sa pagca't siya'y inaalalayan nilá; cung siya'y nabubuhay, sa pagca't ipinahihintulot niláng siyá'y mabuhay, at sa araw na iwan siyá n~g m~ga fraile'y siya'y matútumbang gáya n~g pagcatumbá n~g isang taotaohan pagca walâ n~g sa canya'y pang-alalay. Tinatacot ang Gobierno sa panghihimagsík n~g bayan, at tinatacot ang bayan sa m~ga hucbó n~g Gobierno: nagmulà rito ang isang magaang na laróng nacacatulad sa nangyayari sa m~ga matatacutin cung sila'y pumapasoc sa m~ga malulungcót na lúgar; ipinalálagay niláng m~ga "fantasma" ang canilang sarilíng m~ga anino, at ipinalálagay niláng m~ga voces n~g ibá ang m~ga alín~gawn~gaw n~g caniláng sariling m~ga voces. Hindî macawáwalà ang Gobierno sa pananalima sa m~ga fraile, samantalang hindî siyá nakikipag-alam sa bayáng itó; mabubuhay siyang catúlad niyáng m~ga bátang báliw, na pagdaca'y nan~gán~gatal márinig lámang ang voces n~g sa canya'y tagapag-alágà, na caniláng pinacasusuyò n~g dî anó lámang at n~g sa canila'y magpaumanhin. Hindî nagháhan~gad ang Gobiernong siya'y magtamó sa hináharap na panahón n~g sariling lacás na sagánà, siya'y isáng bísig lámang, sa macatuwíd ay tagaganáp; ang úlo'y ang convento, sa macatuwíd ay siyáng tagapag-utos, at sa ganitóng hindî niyá pagkilos, nagpapaubayà siyáng siya'y caladcarín sa magcabicabilang ban~ging malalalim, siya'y naguiguing lilim lamang, nawáwal-an siyang cabuluhán, at sa canyáng cahinaan at casalatan sa caya'y ipinagcacatiwalà niyang lahát sa m~ga camáy na upáhan. Cung hindî'y inyó pong isúmag ang anyô n~g pamamahálà sa atin n~g ating Pámunuan sa m~ga ibang lupaíng inyóng linacbáy ...

--¡Oh!--ang isinalabat ni Ibarra,--mapapacalabis namán ang m~ga cahin~giang iyan; magcásiya na lámang táyo sa pagcakitang ang baya'y hindî dumáraing, at hindî nagcacahirap na gaya n~g m~ga ibáng lupaín, at ito'y salámat n~ga sa Religión at sa cabaîtan n~g m~ga púnong dito'y namamahálà.

--¡Hindî dumáraing ang bayan, sa pagcá't waláng voces, hindî cumikilos sa pagca't hindî nacacaramdam sa mapan~ganib na pagtulog, at hindî nahihirapan, ang wicà po ninyó, sa pagca't hindî niyá nakikita cung paano ang pagdurugô n~g canyáng púsò, ¡N~guni't makikita't maririn~gig isáng áraw at ¡sa abá n~g m~ga lumiligaya sa pagdaráyà at sa gabí cung man~gagsigawâ, dahil sa ang acálà nilá'y natutulog na lahát. ¡Pagca naliwanagan n~g sícat n~g áraw ang carumaldumal na anác n~g m~ga cadilimán, cung magcágayo'y dárating ang cakilakilabot na pananag-úlì n~g ísìp, búbugsô at sasambulat ang hindî maulátang lacás na kinulóng sa lubháng mahábang panahón, ang napacaraming camandág na isaisang patác na sinálà, ang di masayod na m~ga himutóc na linunod ... ¿Cung magcágayo'y sino cayâ ang magbabayad niyang m~ga útang na manacânacang sinísin~gil n~g báyan ayon sa ating nababasa sa pigtâ n~g dugong m~ga dahon n~g Historia?

--¡Hindî ipahihintulot n~g Dios, n~g Gobierno at n~g Religióng dumating ang araw na iyan!--ang mulíng isinagót ni Crisóstomo, na nalálaguim n~g laban sa canyang saríling calooban.--Sumasampalataya sa religión at sumisinta sa España ang Filipinas; talastas n~g Filipinas cung gaano calakí ang m~ga cagalin~gang guinágawâ n~g nación sa canya. Tunay n~ga't may m~ga capaslan~gang nagagawa, hindî co rin naman icacailang siya'y may m~ga caculan~gan; datapuwa't nagpapagal ang España n~g pagbabago n~g m~ga cautusán at m~ga palácad na námamasid niyáng dî totóong wastô upang mabigyáng cagamutan ang gayóng m~ga capaslan~gán at m~ga caculan~gan; nagbabalac n~g m~ga bago't bagong panucálà, hindî masamang asal.

--Nalalaman co, at nárito ang casám-ang lálò. Ang m~ga pagbabagong utos na nanggagaling sa mataas, pagdatíng sa baba'y nawawal-ang cabuluhán, dahil sa m~ga pangit na pinagcaratihan n~g lahát, sa halimbawa, ang manin~gas na han~gad na pagdaca'y yumaman at ang camangman~gan n~g bayang ipinauubáya ang lahat n~g gawín n~g may m~ga salanggapang na budhî. Hindî nasasalansà n~g isáng tadhanà n~g hárì ang m~ga gawang lisyà n~g m~ga namiminúnò, samantálang hindî aban~gán n~g isáng mapagmalasakit na macapangyarihan ang lubós na pagtalima sa tadhánang iyón n~g hárì, samantalang hindî ipinagcacaloob ang calayâang magsalitâ laban sa malalabis na m~ga cagagawan n~g nan~gaglúlupit na m~ga harîharían sa bayan: mátitira sa pagcapanucála, ang m~ga panucála, ang m~ga capaslan~ga'y mananatili't hindî masasawatâ, at gayón ma'y tahímic na matutulog ang ministro, sa galác na siya'y nacatupád n~g canyáng catungcúlan. Hindî lamang ito, sacali't pumarito ang isáng guinóong may mataas na catungcúlang may taglay na m~ga dakila't magagandáng m~ga han~gád, samantalang sa licura'y tinatawag siyáng-ulól, sa haráp niya'y ganitó ang ipasísimulang sa canya'y iparinig: "hindî po nakikilala n~g inyóng camahalan, ang lupaing ito, hindî pô nakikilala n~g inyóng camahalan ang m~ga "indio", pasasamain pô n~g camalian ninyó silá, ang mabuti po'y magcatiwalâ cayó cay "fulano" at cay "zutano" at ibá pa," at sa pagca't hindî n~ga naman nakikilala n~g camahalan niya ang lupaing hangga n~gayo'y na sa América ang canyáng boong acálà, at bucod sa roo'y ma'y m~ga caculan~gan at may m~ga hindî mapagtagumpayán n~g marupóc niyáng lóob, na gaya rin naman n~g lahát n~g táo, siya'y napahihinuhod. Nadidilidili naman n~g camahalan niyang kinailan~gang siya'y magpatúlò n~g maráming páwis at magcahírap n~g dî cawásà upang camtán niyá ang catungculang hinahawácan, na tatlóng taón lamang ang itátagal n~g catungculang iyón, na sa pagca't siyá'y may catandaan na'y kinacailan~gang huwag n~g mag-íisip n~g m~ga pagtutuwid n~g licô at n~g m~ga pagsasanggalang sa naaapi, cung dî ang iguiguinhawa niya sa panahông darating; isáng malíit na "hotel" (magandang bahay) sa Madrid, isáng mainam na tahanan sa labás n~g ciudad at isáng magaling na pakikinabang sa taóntaón sa patubuang salapi upang macapagbúhay-guinháwa sa pan~gulong báyang tahanan n~g hárì ang m~ga bagay n~gang itó ang dapat paghanapin sa Filipinas. Huwág táyong humin~gî n~g m~ga cababalaghán, huwág nating hin~ging magmalasakit sa icagagaling n~g lupaíng itó ang tagá ibáng lupaíng naparirito at n~g macakita n~g cayamanan at pagcatapos ay aalis. ¿Anóng cahalagahan sa canyá n~g pagkilalang lóob ó n~g m~ga sumpâ n~g isáng bayang hindî niya kilalá, na walâ síyáng ano mang súcat alalahanin at walâ naman doon ang canyáng m~ga sinisinta? Upang tumimyas ang dan~gal ay kinacailan~gan umalin~gawn~gaw sa m~ga tain~ga n~g ating m~ga iniibig, sa han~ging sumisimoy sa ating tahanang bahay ó sa kinamulatang bayang mag-iin~gat n~g ating bun~gô at m~ga but-ó, ... ibig nating maramdaman ang pagcaunlac sa ibabaw n~g ating libin~gan, at n~g mapapag-init n~g canyáng m~ga sinag ang calamigán n~g camatayan, n~g huwag namang totoong mauwi na n~ga tayo sa wala, cung di may matirang anó mang macapagpapaalaala sa atin. Alin man dito'y walâ tayong maipan~gacò sa pumaparito upang mamanihalà n~g ating capalaran. At ang lalò pang kasamasamaan sa lahát ay nan~gagsisi-alis pagka nagpapasimulâ na n~g pagcaunawà n~g canilang catungculan. N~guni't lumálayô tayo sa ating pinag-uusapan.

--Hindî, bago tayo magbalíc sa pinag-uusapan natin ay kinacailan~gang cong pagliwanaguin ang iláng m~ga tan~ging bagay,--ang dalidaling isinalabat n~g binatà. Mangyayaring sumang-ayon acóng hindî nakikilala n~g Pamahalaan ang calagayan, caugalian at minimithî n~g bayan, datapuwa't sa acala co'y lalong hindî nakikilala n~g bayan ang Pamahalaan. May m~ga cagawad ang Pamahalaang walang cabuluhan, masasamâ, cung itó ang ibig ninyóng aking sabihin, datapuwa't mayroon namang m~ga cagawad na magagalíng, at ang magagalíng na ito'y waláng magawâ, sa pagca't sumasaguitnâ sila n~g caramihang hindî gumágalaw, aayaw gumalaw, ang m~ga mamamayan bagang bahagyâ, na nakikialam sa m~ga bagay na sa canya'y nauucol. N~guni't hindî acó naparito't n~g makipagmatuwiran sa inyo tungcol sa bagay na itó; naparito acó't n~g sa inyo'y humin~ging cahatulan, at ang inyong sabi'y yumucód acó sa m~ga diosdiosang catawatawá.

--Tunay n~gâ, at itó rin ang aking inuulit, sa pagca't dito'y kinacailan~gang ibabâ ang ulo ó pabayaang ilagpác.

--¿Ibaba ang ulo ó pabayaang ilagpac?--ang inulit ni Ibarrang nag-iisip-isip.--Totoong napacahigpit ang páhiran~gang iyán! N~guni't ¿bakit? Diyata't ¿hindî n~gâ cayâ mangyayaring magcaayos ang pagsinta sa aking tinubuang lupa at ang pagsinta sa España? ¿Kinacailan~gan bagang magpacaîmbi upang maguing magalíng na binyagan, papan~gitin ang sariling budhi upang macagawa n~ga n~g isáng magaling na panucalà? Sinisinta co ang aking tinubuang lúpà, ang Filipinas, sa pagca't siya ang pinapacacautan~gan co n~g buhay at n~g aking caligayahan, at sa pagca't dapat sintahin n~g lahat n~g tao ang canyang tinubuang lúpa; sinisinta co ang España, ang lupang tinubuan n~g aking magugulang, sa pagca't baga man sa lahat n~g bagay na nangyayari, pinagcacautan~gan siya at pagcacautan~gan n~g Filipinas n~g canyáng caligayahan at n~g canyang cagalin~gan sa panahong dárating; católico acó, nananatili sa aking dalisay ang pananampalataya n~g aking m~ga magugulang, at hindî co maalaman cung anóng cadahilanan at aking ibábabâ ang aking úlo, gayóng mangyayari namang aking itunghay; cung anong cadahilanan at aking ihahayin ang aking ulo sa aking m~ga caaway, gayong sila'y mangyayari co namang yurakin!

--Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang....

--¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan? N~guni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa linilin~gap co ang capurihan n~g religión.

Itinun~gó ang úlo n~g matandáng filósofo.

--Guinoong Ibarra.--ang canyang isinagót n~g madalang na pananalitá:--cung nananatili sa inyong alaala ang m~ga gunitaing iyan, m~ga gunitaing hindî co maihahatol na inyóng limutin; huwag pô ninyóng ipagpatuloy ang panucalang inyóng binabantang gawín, at hanapin ninyó sa íbang dáco ang icagagaling n~g inyóng m~ga cababayan. Humihin~gi ang panucalà ninyo na ang ibang tao ang gumawâ, sa pagca't upang mayarì, hindi lamang salapi at han~gad na macayari ang kinacaìlan~gan; bucód sa rito'y kinacailan~gan dito sa ating lupaín ang pagca matiisin, malabis na catiyagaa't pagsusumicap at matibay na pag-asa, sa pagca't hindî nahahanda ang linang; pawang m~ga dawag lamang ang nacatanim.

Other books

Saratoga by David Garland
Married in Seattle by Debbie Macomber
VA 2 - Blood Jewel by Georgia Cates
Written in the Ashes by K. Hollan Van Zandt