Noli Me Tangere (35 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.8Mb size Format: txt, pdf, ePub

Napag-uunawà ni Ibarra ang cahalagahan n~g m~ga salitang itó; datapuwa't hindî siya macapanglulupaypá'y; na sa canyang gunita ang alaala cay María Clara; kinacailan~gang mayari ang canyang inihandóg na pan~gacò.

--¿Wala na bagáng ibang sa inyo'y maihatol ang dinanas ninyó cung di ang mahigpít na paraang iyan?--ang itinanong sa mahinang pananalita.

Tinangnán siyá n~g matandáng lalaki sa bísig at saca siya dinalá sa bintanà. Isang han~ging malamig na pan~gunahin n~g timog ang siyang humihihip; nalalatag sa m~ga mata niya ang halamang ang hangganan ay ang malawac na gubat na siyang pinacabacod.

--¿Bakit pô ba hindî natin tutularan ang gawa niyáng mahinang catawán n~g halamang iyang humihitic sa dami n~g bulaclac at m~ga búco?--anang filósofo, na itinuturò ang isang magandang púnò n~g rosa.--Pagcahumihihip ang han~gin at ipinagwawagwagan siya, ang guinagawa niya'y yumúyucod, anaki'y itinatagò ang canyang mahalagang taglay. Cung manatili ang punò n~g rosa sa pagcatuwid, siya'y mababali, isasabog n~g han~gin ang m~ga bulaclac at maluluoy ang m~ga búco. Pagcaraan n~g han~gin, nananag-uli ang punò n~g rosa sa pagtuwid, at ipinagmamalaki ang canyang cayamanan, ¿sino ang sa canya'y macacapípintas dahil sa canyang pahihinuhod sa pan~gan~gailan~gan, sa macatuwid baga'y sa pan~gan~gailan~gang pagyucod? Tan-awain po ninyo roon ang lubhang mayabong na cáhoy na "cúpang" na iyón, na iguinagalaw n~g boong cadakilaan ang canyang na sa caitaasang m~ga dahong pinagpupugaran n~g lawin. Ang "cúpang" na iya'y dinala co ritong galing sa gubat n~g panahong siya'y mahinà pang usbóng; inalalayan co ang canyang catawan n~g maliliit na m~ga patpat sa loob n~g di cacaunting panahón. Cung dinalá co rito ang cahoy na iyang malaki na't sagana sa buhay, wala n~gang salang hindi sana siya nabuhay: ipinagwagwagan disin siya n~g han~gin n~g panahóng hindi pa nacacacapit ang canyang m~ga ugat sa lupa upang macapagbigay sa canya n~g kinacailan~gang icabubuhay, alinsunod sa canyang laki at taas. Ganyan din pô naman ang maguiguing wacas ninyo, halamang inacat na nanggalíng sa Europa at inilipat sa mabatóng lupaíng itó, cung hindî cayó hahanap n~g sa inyo'y aalalay, at hindî cayó magpapacalíit. Masama pô ang inyóng calagayan, cayó'y nag-íisá, mataas; umuugà ang lúpà, nagbabalità ang lan~git n~g malakíng unós, at napakita n~g nacahihicayat n~g paglapit n~g lintíc ang maruruclay na dulo n~g inyong angcán. Hindî catapan~gan, cung di capan~gahasang tacsil ang mag-isang makihamoc sa boong casalucuyang náririto; wala sino mang pumipintas sa pilotong nan~gún~gubli sa isang doon~gán sa unang hihip n~g han~ging nagbabalita n~g darating na bagyó. Hindî caruwagan ang yumucod cung nagdaraan ang punglo (bala); ang masama'y ang lumantad upang mahandusay at huwag na muling buman~gon.

--¿At magcacaroon cayâ n~g inaasahan cong bun~ga ang pag-amis sa sariling itó?--ang itinanóng ni Ibarra;--¿maniniwalà cayâ sa akin at lilimutin cayâ n~g sacerdote ang guinawâ co sa canyang pag-imbi? ¿Tunay n~gâ cayang tutulong sila sa akin sa icalalagô n~g pagpapaaral sa m~ga batà, na siyáng makikipan~gagaw sa convento n~g m~ga cayamanan n~g bayan? ¿Hindî caya mangyaring sila'y magpacunwarî n~g pakikipag-ibigan, magpaimbabaw n~g pagtatangkilic, at sa ilalim, sa m~ga cadiliman ay siya'y bacahin, siraing unti-unti, sugatan ang canyang bucóng-búcong at n~g lalong madaling maibuwal siyá, cay sa labanan n~g pamukhaan? ¡Alinsunod sa iniacalà po ninyong m~ga anyo'y maaasahang mangyayari ang lahat!

Nanatili ang matandang lalaki sa hindî pag-imíc at hindî macasagót. Nag-isip-isíp n~g ilang sandalî at sacâ nagsalitâ ulî:

--Cung gayón ang mangyari, cung maluoy ang inyóng panucalà, macaaaliw sa inyong hapis ang pagcaalam ninyong inyong guinawâ ang lahat ninyong macacaya, at gayon man ang cahinatna'y may cauntî ring pakikinaban~gin: itatag ang unang bató, magtanim, at marahil cung macaraan na ang sigabo n~g unós ay sumibol ang iláng butil, magnawnaw pagcalampas n~g capahamacán, máligtas ang angcan sa pagcapahamac at sa cawacasa'y maguing binhi n~g m~ga anac n~g maghahalamáng namatay. Mangyayaring macapagpalacás n~g loob ang gayóng ulirán sa m~ga ibáng nan~gatatacot lamang magpasimulâ.

Pinaglininglining ni Ibarra ang m~ga catuwirang itó, napagmasid ang canyáng calagayan at napagwaring totoong na sa catwiran ang matandáng lalaki sa guitnâ n~g canyang pagcamahiliguin sa paniniwala sa mapapanglaw na casasapitan n~g anó mang panucalà.

--¡Naniwalâ acó sa inyó!--ang bigláng sinabi, at pinacahigpit ni Ibarra ang camay n~g matandáng lalakì.--Hindi nasayang ang aking pag-asang bibigyan pô ninyô acó n~g magalíng na cahatulán. N~gayón dín ay paparoón acó sa cura't aking bubucsán sa canyá ang nilalaman n~g aking pusò, sa pagca't ang catotohana'y walà naman siyáng guinagawâ sa aking anó mang bágay na masamâ, sa pagca't hindî naman maguiguing cawan~gis na lahat n~g nag-usig sa aking amá. Bucód sa rito'y may ipakikiusap pa acó sa canyá tungcól sa icagagalíng niyáng culang palad na ulol na babaeng iyán at n~g canyáng m~ga anác; ¡nananalíg acó sa Dios at sa m~ga tao!

Nagpaalam sa matandáng lalaki, sumacay sa cabayo at yumao.

--¡Masdán nating magaling!--ang ibinulóng n~g mapag-isip n~g mapapanglaw na filósofo; na sinusundán si Ibarra n~g canyáng tanaw;--hiwatigan nating mabuti cung paano cayâ ang gagawín ni Capalarang pagyarì n~g pinasimulaang "comedia" sa liban~gan.

--N~gayo'y tunay na siya'y nagcacámali: pinasimulaan ang "comedia" n~g caunaunahan pa bago nangyari ang sa libin~gan.

=XXVI.=

=ANG "VISPERA" NG "FIESTA."=

Tayo'y na sa icasampô n~g Noviembre, vispera (araw na sinusundan) n~g fiesta (pagsasayá).

Iniiwan ang caugaliang anyó sa araw-araw, at gumagamit ang bayan n~g isáng waláng cahulilip na casipagan sa bahay, sa daan, sa simbahan, sa sabun~gan at sa cabukiran; pinupunô ang m~ga bintanà (durun~gawán ó linib) n~g m~ga "bandera" at n~g m~ga "damáscong" may iba't ibang culay; napupuspos ang alang-alang n~g m~ga ugong n~g m~ga putóc at n~g música; nasasabugan at nalalaganapan ang han~gin n~g m~ga cagalacan.

Sarisaring minatamis na m~ga bun~gang cahoy rito ang nan~gacalagay sa m~ga "dulcerang" (lalagyán n~g matamís) cristál na may sarisáring masasayáng cúlay na pinag aayos-áyos n~g dalaga sa isang "mesita" (maliít na mesa), na natátacpan n~g maputing "mantel" na "bordado." Sumisiap sa "pátio" ang m~ga sisiw, cumacacac ang m~ga inahing manóc, humagukhoc ang m~ga baboy, na nan~gaguíguitla sa catuwaan n~g m~ga tao. Nagmamanhic manaog ang m~ga alilang may m~ga daláng doradang "vagilia" (sasisaring bágay na lalagyan n~g pagcaing napapamutihan n~g m~ga dibujong dorado), pilac na m~ga "cubierto" (cuchara, cuchillo at tenedor) dito'y may kinagagalitan dahil sa pagcabasag n~g isang pingan, doo'y pinagtatawanan ang isang babayeng tagabukid; sa lahat n~g daco'y may nan~gag-uutos, nan~gag-uusapan, sumisigaw, nan~gagpipintasan, nangagbabalacbalac, nan~gag-aaliwan ang isa't isá, at pawang caguluhan, ugong, cain~gayán. At ang lahat n~g pagsusumicap na itó at itong lahat na pagpapagal ay dahil sa panauhing kilala ó hindî kilala; ang cadahilana'y n~g pagpakitaan n~g magandang loob ang taong marahil ay hindî pa nakikita cailan mán, at marahil cailan man ay hindî na pakikita pagcatapos; n~g ang tagaibang bayan, ang naglalacbay-bayan, ang caibigan, ang caaway, ang filipino, ang castila, ang dukhâ, ang mayaman ay umalis doon pagcatapos n~g fiestang natutuwa at walang maipintas: hindî man lamang hinihin~gì sa canilang cumilala n~g utang na loob, at hindî hinihintay sa m~ga panauhing yaong huwag gumawâ n~g anó mang isasamâ n~g mapagcandiling magcacasambaháy samantalang tinutunaw ó cung matunaw na sa tiyan ang canilang kinain. Ang m~ga mayayáman, ang m~ga nacakita n~g higuit cay sa m~ga ibá, palibhasa'y nan~gaparoon sa Maynilà, nan~gagsisibili n~g cerveza, champagne, m~ga licor, m~ga alac at m~ga pagcaing galing Europa, m~ga bágay na bahagyà na nilá natiticman ang isáng subò ó isáng lagóc. Magandang totoó ang pagcacahanda n~g canyáng mesa.

Sa dacong guitnâ'y naroroon ang isáng "pinya-pinyahang" kinatutusucan n~g m~ga panghinin~gáng marikít na lubhâ ang pagcacagawâ n~g m~ga "presidiario" sa m~ga horas n~g caniláng pagpapahin~galay. Ang m~ga panghinin~gáng itó'y may m~ga anyong "abanico," cung minsa'y catulad n~g m~ga pinagsalitsalit na m~ga bulaclac, ó isáng ibon, isáng "rosa", isáng dahon n~g anahaw, ó m~ga tanicalâ, na pinapagmulâ ang lahát n~g itó sa isáng caputol na cahoy lamang: isáng bilanggong pinarurusahan sa sapilitang pagtatrabajo ang may gawâ, isáng pan~gal na "cuchillo" ang gamit na casangcapan at ang voces n~g bastonero ang siyang nagtuturò.--Sa magcabilang tabí n~g pinyang itó, na tinatawag na "palillera", nacalagáy sa m~ga cristal na "frutero" (lalagyan n~g bun~gang-cahoy) ang nacatimbóng m~ga "naranjitas" (santones ang tawag n~g iba), lansones, ates, chicos at manggá pa cung magca minsan, bagá man buwan n~g Noviembre. Sacâ sa man~ga bandeja sa ibabaw n~g m~ga papel na may burdang inukit at may m~ga pintáng makikináng na m~ga cúlay, nacahayin ang m~ga "jamong" galing Europa ó galing China, isáng malaking "pastel" na ang anyó'y "Agnus Dei," (tupang may tan~gay na banderang may nacadibujong isang cruz), ó cayá'y calapati, ang Espíritu Santo marahil, m~ga "pavo rellenado," at ibá pa; at sa casamahan n~g lahat n~g ito'y ang pangpagana sa pagcaing m~ga frasco n~g m~ga "achara" na may caayaayang m~ga dibujong gawâ sa bulaclac n~g bun~ga at ibá pang m~ga gúlay at m~ga bun~gang halaman na totoong mainam ang pagcacahiwà na idinigkít n~g "almibar" sa m~ga taguiliran n~g m~ga garrafón.

Linilinis ang m~ga globong vidrio, na pinagmanamana n~g m~ga ama't n~g m~ga anác, pinakikintab ang m~ga tansong aro; hinuhubdan ang m~ga lampara n~g petróleo n~g canilang mapupuláng m~ga funda, na sa canila'y naglalagac sa loob n~g isang taón sa m~ga lan~gaw at sa m~ga lamoc na sa canila'y sumisirâ; umuugoy, cumacalansing, umaawit n~g caligaligaya ang m~ga "almendra" at m~ga palawit na cristal na nagkikinagan n~g sarisaring maniningning na cúlay dahil sa anyô n~g pagcacatapyas; na ano pa't anaki'y nan~gakikisaliw sa pagcacatuwâ, nan~gagsasayá pinagpag-iiba't-iba ang ningning at pinasisinag sa ibabaw n~g mapuputing m~ga pader ang m~ga cúlay n~g bahag-hari.

Ang m~ga bata'y nan~gaglalarô, nan~gagcacatuwâan, hinahabol ang maniningning na m~ga cúlay, nan~gatitisod, nababasag ang m~ga tubo, datapuwa't ito'y hindî nacacagambalà upang ipagpatuloy ang catuwaan n~g fiesta: ibáng ibá ang caniláng casasapitan at ang m~ga luhà n~g caniláng mabibilog na m~ga matá, ang siyang magsaysay cung mangyari ang ganitóng pagbabasag sa ibáng panahon n~g isáng taón.

Lumalabás, na gaya rin n~g m~ga cagalang-galang na m~ga lámparang itó, sa m~ga pinagtatagúan, ang m~ga pinagtiyagaang gawín n~g dalaga: m~ga "velo" na sa "crochet" ang pagcacayarì, maliliit na m~ga alfombra, m~ga bulaclac na gawáng camay; inilalabás din ang m~ga caunaunahang bandejang sa calaguitnaa'y may nacapintáng isáng dagatang may m~ga maliliit na isda, m~ga buaya, m~ga lamáng dagat, m~ga lúmot, m~ga coral at m~ga batóng vidriong maniningning ang m~ga cúlay. Namamauló ang m~ga bandejang itó sa m~ga tabaco, m~ga cigarrillo at maliliit na hitsóng pinilí n~g maiínam na m~ga dalirì n~g m~ga dalága.

Cumikintáb na parang salamín ang tablá n~g báhay; m~ga cortinang júsi ó piña ang m~ga pamuti n~g m~ga pintúan, sa m~ga bintana'y nacasabit ang m~ga farol cristal, ó papel rosa, azul, verde ó pulá: napupuspos ang bahay n~g m~ga bulaclac at n~g m~ga lalagyan n~g m~ga halamang namumulaclac ó magaling na m~ga pamuti na ipinapatong sa m~ga pedestal na loza sa China; pati n~g m~ga santo'y nan~gagsisigayac, ang m~ga larawan at ang m~ga, "reliquia" ay nan~gagsásaya namán, pinapagpagán silá n~g alabóc at binibitinan n~g pinagsalitsalit na m~ga bulaclac ang caniláng m~ga marco.

Nan~gagtátayô sa m~ga daán, sa láyong hálos nagcacatuladtulad, n~g maiinam na m~ga arcong cawayang binurdahan sa libolibong paraang tinatawag na "sincában", at naliliguid n~g m~ga caluscós, na makita lámang n~g m~ga bata'y nan~gagsasayahan na. Sa paliguid n~g patio n~g simbaha'y naroon ang malaking toldang pinagcagugúlan n~g mainam, na m~ga punò n~g cawayan ang m~ga túcod, at n~g doon magdáan ang procesion. Sa ilalim n~g toldang ito'y nan~gaglalaró ang m~ga báta, nan~gagtatacbuhan, nan~gag-aacayatan, nan~gaglulucsuhan at caniláng pinupunit ang m~ga bagong barong talagáng caniláng pagbibihisan sa caarawan n~g fiesta.

Nan~gagtayô doon sa plaza n~g tablado, palabasan n~g comediang ang m~ga guinamit na kasangcapa'y cawáyan, páwid at cáhoy. Diyan magsasaysay n~g m~ga cahan~gahan~gà ang comediang Tundo, at makikipag-unahan sa m~ga dios sa cababalaghan: diyán cácanta at sásayaw si na Marianito, Chananay, Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria at iba pa. Kinalulugdan n~g Filipino ang teatro at nan~gagsusumicap n~g pagdaló sa m~ga guinágawang palabas na m~ga drama; pinakikinggang hindî umiimíc ang cantá, kinatutuwâan ang sayáw at ang "mímica", hindî-sumusutsot, (tandâ n~g pagpintas,) n~guni't hindi namán pumapacpac (tanda n~g pagpupuri) ¿Hindî niyá naibigan ang pinalabas? Ang guinágawa'y n~ginan~gan~gan~gà ang canyáng hitsó, ó cung dílì cayá'y umaalis na hindî guinagambálà ang ibáng maráhil ay nan~galúlugod sa pinalálabas na iyón. Manacanacang humíhiyaw lámang ang m~ga mámamayang han~gál, pagcâ hináhagcan ó niyayacap n~g lumálabas na m~ga laláki ang lumálabas na m~ga babae; datapwa't hindî lumálampas sa gayóng gawâ. N~g úna'y walang pinalálabas cung hindî m~ga drama lamang; gumágawa ang poeta n~g bayan n~g isáng cathang doo'y hindî naaaring hindî magcaroon n~g labanán, pagcacadalawang minuto, isang mapagpatawang "túpay" at cakilakilabot na m~ga malicmatang pagbabagobago n~g anyô. Datapwa't mula n~g maisipan n~g m~ga artista sa Tundóng gumawa n~g labanán bawa't icalabing limáng "segundo" at maglagay n~g dalawang túpay, at magpalabas n~g m~ga cathang lálò n~g dî súcat mapaniwalâan, mulâ noó'y caniláng natabúnan ang caniláng m~ga capan~gagáw na m~ga tagá lalawígan. Sa pagca't totoóng malulugdin sa bagay na gayón ang gobernadorcillo, ang guinawâ niya'y canyang piniling camalam ang cura, ang comediang "Principe Villardo, ó ang m~ga pácong binúnot sa imbíng yun~gib", dramang may "magia" at may m~ga "fuegos artificiales."

Mayá't mayá'y nirerepique n~g boong galác ang m~ga campanà, ang m~ga campanà ring iyón ang dumúdoblas n~g camacasampong araw. M~ga ruedang may m~ga bomba at m~ga "verso" (morterete) ang siyáng umu-ugong sa împapawid; ipakikita ang canyáng dunong n~g "pirotécnico" ó castillerong filipino, na natutuhan ang canyáng "arte" na sino ma'y waláng nagtuturo, naghahanda n~g m~ga toro, m~ga castillong may m~ga paputóc at may m~ga "luces de Bengala", m~ga globong papel na pinapantog n~g han~ging mainit, m~ga "rueda de brillante," m~ga bomba, m~ga cohetes at ibá pá.

Other books

The Coroner by M.R. Hall
Worldwired by Elizabeth Bear
Manitou Blood by Graham Masterton
Touched by Darkness by Catherine Spangler
La chica sobre la nevera by Keret, Etgar
Savage by Robyn Wideman
El vampiro by John William Polidori
I'll Be Your Everything by Murray, J.J.