Noli Me Tangere (36 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
13.74Mb size Format: txt, pdf, ePub

¿Tumútunog sa maláyò ang caayaayang alin~gawn~gáw? Pagdaca'y nan~gag tatácbuhan ang m~ga batang lalaki at nan~gag-úunahan sa pagtún~go sa labás n~g báyan upang salubún~gin ang m~ga banda n~g música. Limá ang inupahan, bucód sa tatlóng orquesta. Hindî dapat mawala ang música n~g Pagsanghang ang escribano ang siyang may arì, at gayón din ang música n~g S.P. de T., na balitang totoo n~g panahóng iyón, dahil sa ang namamatnugot ay ang maestro Austria ang lagalag bagáng si "cabo Mariano," na ayon sa sabihana'y dala raw niya sa dulo n~g canyáng batuta ang pagcabantog at ang magagandang tínig. Pinupúri n~g m~ga musico ang canyáng marcha fúnebre "El Sauce", at canilang pinanghihinayang siya'y hindî nacapag-aral n~g música, sa pagcá't sa cagalin~gan niyáng umísip ay macapagbibigay dan~gal sana siyá sa canyáng kináguisnang báyan.

Pumasoc na ang música sa bayan at tumutugtog n~g masayang m~ga "marcha" na sinúsundan n~g m~ga bátang marurumi ang pananamit ó halos m~ga hubo't hubád: may ang bárò n~g canyáng capatíd ang suot, may ang salawál n~g canyáng amá. Pagdacang tumitiguil ang música'y nasasaulo na nilá ang tugtuguing caniláng nárinig, caniláng inuulit na sa aguing-íng n~g bibig ó isinusutsot ang tugtuguing iyón n~g lubós na cakinisan, at caniláng pinasisiyahan na cung magandá ó pan~git.

Samantala'y nan~gadaratin~gan ang m~ga carromata, m~ga calesa ó m~ga coche n~g m~ga camag-anac, n~g m~ga caibigan, n~g m~ga hindî cakilala n~g m~ga tahur na dalá ang canicanilang lalong magagaling na m~ga manóc at m~ga supot n~g guintô, at nan~gaháhandang ipan~ganib ang caniláng pamumúhay sa sugalan ó sa loob n~g "rueda" n~g sabun~gán.

--¡Tumatanggap ang alférez sa gabigabí n~g limáng pong piso!--ang ibinúbulong n~g isáng laláking pandác at matabâ sa tain~ga n~g m~ga bágong dating;--paririto si capitang Tiago at maglálagay n~g bangcâ; may labíng-walóng libong dalá si capitang Joaquin. Magcacaroon n~g "liampó," sampóng líbo ang ilálagay na puhúnan ni insíc Carlos. Magsisirating na gáling sa Tanawan, sa Lipá at sa Batan~gan at gayón din sa Santa Cruz, ang malalacás na m~ga "punto" (mananayà). N~guni't magchocolate cayó. Hindî tayo aanitan ni capitang Tiago, na gaya n~g taóng nagdaan: tátatlong misa de gracia ang canyáng pinagcagugulan, at aco'y may mutyâ sa cacáw. At ¿cumusta pô bâ ang familia?

--¡Mabuti po! ¡mabuti po! ¡salamat!--ang isinásagot n~g m~ga nan~gin~gibang báyan;--at ¿si párì Dámaso?

--Magsesermón sa umaga si pári Dámaso at pagcágabí casama nating siya'y magbábangcâ.

--¡Lalong mabuti! ¡lalong mabuti! ¡cung gayo'y walang ano mang pan~ganib!

--¡Panátag, totoóng panatag tayo! ¡Bucód sa roo'y susubò si insic Carlos!

At inaacma n~g matabang tao ang canyáng m~ga daliring warì'y nabibilang n~g salapî.

Sa labas n~g bayan ang nangyayari nama'y nabibihis ang m~ga tagabundoc n~g lalong magagaling nilang pananamit upang dalhín sa bahay n~g canicanilang mamumuhunan ang pinatabang magalíng na m~ga inahing manoc, m~ga baboy-ramó, m~ga usa, m~ga ibon; inilululan n~g m~ga ibá sa mabibigat n~g hilahing m~ga carretón ang cáhoy na panggátong; ang m~ga iba'y m~ga bún~gáng cáhoy, bihirang makitang m~ga dápò na nasusumpun~gan sa gúbat; at ang m~ga iba'y nagdádala namán n~g bigà na may malalápad na m~ga dáhon, ticás ticas na may m~ga bulaclac, na cúlay apóy upang ipamúti sa m~ga pintuan n~g m~ga báhay.

N~guni't ang kinaroroonan n~g lálong malakíng casayahang hálos ay caguluhan na'y doón sa isang malápad na capatágang mataas, na iláng hacbáng lámang ang láyò sa báhay ni Ibarra. Cumacalairit ang m~ga "polea", umaalin~gawn~gaw ang m~ga sigawan, ang mataguintíng na tunóg n~g batóng nilalabrá, ang martillong pumúpucpoc n~g pácò, ang palacól na inilalabrá n~g cahab-an. Caramihang táo ang dumúducal n~g lupa at gumágawâ silá n~g isáng maluang at malálim na húcay naghahanay ang ibá n~g m~ga batóng tinibág sa tibagan n~g báyan, nagbábaba n~g lulan n~g m~ga carretón, nagbúbunton n~g buhan~gin, nan~gaglálagay n~g m~ga torno at m~ga cabrestante....

--¡Dito! ¡doón iyan! ¡Madali!--ang isinísigaw n~g isáng maliit na matandáng laláking ang pagmumukhá'y masayá at matalínò, na ang háwac na pinacatungcód ay isáng metro na may tansô ang m~ga cantó at nacabilíbid doón ang lúbid n~g isáng plomada. Iyón ang maestro n~g paggawâ, si ñor Juang arquitecto, albañil, carpintero, blanqueador, cerrajero, pintor, picapedrero at manacánacâ pang escultor.

--¡Kinacailan~gang itó'y mayari n~gayón din! ¡Hindî macapagtatrabajo búcas at gágawin na ang ceremonia sa macalawa! ¡Madalî!

--¡Gawín ninyó ang hoyo sa isáng paraang maipasoc na angcáp na angcáp ang tila híhip na itó!--ang sinasabi sa iláng m~ga picapedrero na nan~gagpapakinis n~g isang malaking batóng parisucát;--¡sa loob nitó iin~gatan ang ating m~ga pan~galan!

At inuulit sa báwa't tagaibáng báyang lumalapit, ang macalilibong canyáng sinábi na:

--¿Nalalaman bâ ninyó ang áming itátayô? Talastasín ninyóng itó'y isáng escuélahan, huwáran n~g m~ga ganitóng bágay rin, catúlad n~g m~ga escuélahan sa Alemania, higuít pa ang cabutihan! ¡Ang arquitectong si guinóong R. at acó ang gumuhit n~g plano, at acó ang namamatnugot sa paggawâ! Siyá n~gâ, pô; tingnán ninyo. Itó'y maguiguing isáng palaciong may dalawáng pinacapacpác; úcol ang isa sa m~ga bátang lalaki at ang isá'y sa m~ga bátang babae. Magcacaroon dito sa guitnâ n~g isáng malaking halamanang may tatlóng huwád sa bucál n~g túbig na sumusumpít na paitaas, at caligaligaya ang sambúlat n~g m~ga patác; m~ga púnò n~g cáhoy diyan sa m~ga taguilíran, maliliit na halamanan, at n~g ang m~ga báta'y magtatanim at mag-aalágà n~g m~ga halaman sa m~ga horas n~g pagliliháng, sasamantaláhin ang panahón at hindi sasayán~gin. ¡Tingnán ninyó't malalalim ang m~ga simiento! Tatlóng metro at pitompó't limáng centímentro. Magcacaroon ang bahay na itó n~g tatlóng bodega, m~ga yun~gíb sa ilálim n~g lúpà m~ga bilangguan sa m~ga tamád mag-aral sa malapít, sa totóong malapit sa m~ga pinaglalaruan at sa "gimnasio", at n~g márinig n~g m~ga pinarurusahang bátà cung paano ang guinágawang pagcacatuwâ n~g m~ga masisipag-mag-áral. Nakikita pô bâ ninyó ang malaking lugar na iyáng waláng caanoano man? Itinátalaga ang capatagang iyáng lampaslampasan ang han~gin upang diyán man~gagtacbúhan at man~gaglucsuhan ang m~ga bátà. Magcacaroon ang m~ga batang babae n~g halamanang may m~ga uupán, m~ga "columpio", m~ga cacahúyan at n~g doon silá macarapaglarô n~g "comba", m~ga bucál n~g túbig na pumapaimbulog, culun~gan n~g m~ga ibon at ibá pa. Itó'y maguiguing isang bágay na cárikitdikitan.

At pinapagkikiskis ni ñor Juan ang m~ga camáy sa galác, at ang iniisip niya'y ang pagcabantóg na mátatamo. Magsisìparito ang m~ga tagá ibáng lupain upang daláwin iyón at sila'y man~gagtatanong:--¿Síno ang dakilang arquitectong gumawâ nitó?--¿Hindî bâ ninyó nalalaman? ¡Tila mandin hindî catotohanang; hindî ninyó makilala si ñor Juan! ¡Marahil totoóng maláyò ang inyong pinangalin~gan!--ang isásagot n~g lahát.

Nagpaparoo't paríto sa magcabicabilang dúlong taglay ang ganitong m~ga pagdidilidili, na canyang inuusisang lahat, at ang lahát ay canyáng minámasdan.

--Sa ganáng ákin ay napacarami namang cahoy ang gamit na iyan sa isang cabria--ang canyáng sinabi sa isang taong nanínilaw, na siyang namamatnubay sa ilang m~ga manggagawà;--casucatan na, sa ganang akin, ang tatlóng mahahabang trozo na papagtutungcuíng-calan ó "trípode", at sacâ tatló pang cahoy na papagcapitcapitin!

--¡Aba!--ang isinagót n~g laláking nanínilaw na n~gumín~gitî n~g cacaibá;--lálong malakíng pangguiguilalás ang áting tátamuhin samantalang lálong marámi ang m~ga casangcapang gamítin nátin sa gawaing itó. Lálong maínam ang anyô n~g caboôan, lálong mahalagá at caniláng wiwicâin: ¡gaano calakíng págod ang guinúgol díto! ¡Makikita ninyo cung anó ang cábriang áking itátayô! At pagcatápos ay áking pamumutihan n~g m~ga banderola, n~g m~ga guirnaldang m~ga dáhon at m~ga bulaclác ...; masasabi ninyó pagcatapos na nagcaróon cayó n~g magandáng caisipán n~g pagcacátanggap ninyó sa ákin sa casamahán n~g inyóng m~ga manggagáwa, at walâ n~g maháhan~gad pa si guinóong Ibarra!

Sa dácong malayôlayô roo'y may natatanawáng kiosko, na nagcacahugpong sa pamamag-itan n~g isáng bálag na nahahabun~gan n~g m~ga dáhon n~g ságuing.

Ang maestro sa escuélahang may m~ga tatlompóng bátang laláki ay nan~gaggágawâ n~g m~ga corona, nan~gagtatali n~g m~ga bandera sa m~ga malilíit na man~ga halíguing cawáyang napupuluputan n~g damít na putíng pinacumbô.

--¡Pagsicápan ninyóng umínam ang pagcacasulat n~g m~ga letra!--ang sinasabi sa m~ga nagpípinta n~g m~ga salitáng itátanyag sa lahát;--¿paririto ang Alcalde, maráming m~ga cura ang magsísidalo, maráhil patí n~g Capitan General na n~gayo'y na sa lalawigan! Cung makita niláng magalíng cayóng magdibújo, marahil cayo'y puríhin.

--¿At handugán camí n~g isáng pizarra ...?

--¿Síno ang nacaaalam! datapuwa't humin~gî na si guinoong Ibarra n~g isá sa Maynilà. Dárating búcas ang iláng bágay na ipamamahágui sa inyóng pinacaganting pálà.... Datapuwa't pabayaan ninyó ang m~ga bulaclác na iyán sa túbig, gágawin natin búcas ang m~ga ramillete, magdádala pa cayó ríto n~g m~ga bulaclác, sa pagca't kinacailan~gang malatagan ang mesa n~g m~ga bulaclac, ang m~ga bulaclác ay nacapagbíbigay sayá sa m~ga matá.

--Magdádala ríto ang áking amá búcas n~g m~ga bulaclác n~g bainô at sacâ isáng bácol na m~ga sampaga.

--Hindi tumatanggáp n~g báyad ang aking amá sa tatlóng carritóng buhan~ging dinalá rito.

--Ipinan~gacò n~g aking tiong siya ang magbabayad sa isáng maestro,--ang idinugtong n~g pamangkin ni capitang Basilio.

At túnay n~ga namán; kinalugdán ang panucálang iyón n~g lahát hálos. Hinin~gî n~g curang siyá ang mag-áamang-binyág at magbebendición sa paglalagáy n~g únang bató, pagdiriwáng na gágawin sa catapusáng araw n~g fiesta, at siyáng gágawing isá sa m~ga pinacamalaking pagsasaya. Patí n~g coadjutor ay lumápit n~g boóng cakimîan cay Ibarra, at sa canya'y inihandóg ang lahát n~g m~ga pamisang pagbayaran sa canyá n~g m~ga mapamintacasi hanggáng sa mayarì ang báhay na iyón. Mayroon pa, sinabi ni hermana Rufa, ang mayaman at mapag-impoc na babaeng sacali't cuculan~gin n~g salapî, canyáng lilibutin ang iláng báyan upang magpalimós, sa ilálim n~g tán~ging pagcacasunduang sa canyá'y babayaran ang paglalacbáy, ang m~ga cacánin at ibá pa. Pinasalamatan siyá ni Ibarra at siyá'y sinagót:

--Walâ táyong macucuhang mahalagáng bágay, sa pagcá't hindi acó mayáman at hindî namán simbahan ang báhay na itó. Bucód sa rito'y hindî co ipinan~gácong áking itátayô ang báhay na itóng ibá ang magcacagugol.

Pinagtatakhan siyá at guinagawang ulirán n~g m~ga bináta, n~g m~ga estudianteng gáling Maynilang pumaroón doón at n~g makipagfiesta; n~guni't gaya n~g nangyayari hálos cailán man, pagca ibig nating tuláran ang m~ga tinátakhang m~ga táo, ang nagágagad lámang natin ay ang canyáng waláng cabuluháng m~ga guinágawâ, at cung magcaminsan pa'y ang canyáng m~ga sawíng caasalan, nan~gagtataca palibhasa'y walá táyong cáya sa ibáng bágay, minámasdan n~g maraming sa canya'y nan~gagtátaca cung paano ang pagtatali n~g binátang iyón n~g canyáng corbata, ang m~ga ibá nama'y ang anyô n~g cuello n~g bárò, at hindî cácaunti ang nagmámasid cung ilán ang m~ga botón n~g canyáng americana at chaleco.

Tila mandin pawang nan~gapawi magpacailán man ang m~ga masasamáng nangyayari sa panahóng hináharap na guinuguniguni ni matandáng Tasio. Iyán n~gâ ang sinabi ni Ibarra isáng áraw sa canyá; n~guni't siyá'y sinagót n~g matandáng mapag-ísip n~g malulungcót:

--Inyó pô sánang alalahanin ang sinasabi ni Baltazar:

"Cung ang isalubong sa iyong pagdatíng Ay masayáng mukhá't may pakitang guìliw, Lálong pag-in~gáta't caaway na lihim..."

Cung gaano ang galíng ni Baltazar sa pagca poeta ay gayón din sa catalinuhang umísip.

Itó at ibá pang m~ga bágay ang m~ga nangyari sa áraw na sinusundan n~g fiesta bago lumubóg ang áraw.

=XXVII.

SA PAGTATAKIPSILIM.=

Gumawâ rin namán n~g malaking handâ sa báhay ni capitang Tiago. Nakikilala natin ang may báhay; ang canyáng hilig sa caparan~galanan, at dápat na hiyaín n~g canyáng capalaluang pagca tagá Maynila, sa caríkitan n~g piguing, ang m~ga tagalalawigan. May isá pang cadahilanang sa canya'y pumipilit na pagsicapan niyáng siya'y macapan~gibabaw na lubos sa m~ga ibá: casáma niyá ang canyáng anác na si María Clara at sacâ naroroon ang canyáng mamanugan~gin, caya't waláng pinag uusapan ang m~ga tao cung dî siyá lámang.

At siyá n~ga namán: hinandugan ang canyáng mamanugan~gin n~g isá sa lálong m~ga dalubasang pámahayagan sa Maynilà n~g isáng "artículo" (casulatan) sa canyáng únang mukhâ, na ang pamagát (n~g artículong iyón) ay "¡Siya'y inyong tularan!" pinuspos siya n~g m~ga pan~garal at inaalayan siyá n~g iláng m~ga papuri. Tinawag siyáng "marilag na binata at mayamang mamumuhunan;" pagcatapos n~g dalawáng renglon ay sinabing siya'y "tan~ging mapagcaawang-gawâ"; sa sumúsunod na párrafo'y ikinápit namán sa canyá ang saysay na: "alagad ni Minervang naparoon sa Ináng Bayan upang bumátì sa wagás na lúpà n~g m~ga arte at m~ga carunun~gan" at sa dácong ibabà pa'y "ang español filipino" at iba't ibá pa. Nag-aalab ang loob ni capitang Tiago sa magandang pakikipag-unahán sa gawáng magaling, at canyáng iniísip na bacá magalíng na canyáng pagcagugulan ang pagtatayô namán n~g isáng convento.

Nang m~ga nagdaáng áraw ay dumatíng sa báhay na tinatahanan ni María Clara at ni tía Isabel ang maraming caja n~g m~ga cacánin at m~ga inumíng gáling Europa, m~ga salaming pagcálalaki, m~ga cuadro at ang piano n~g dalaga.

Dumatíng si capitang Tiago n~g áraw rin n~g vispera: paghalíc sa canyá n~g camáy n~g canyang anác na babae, hinandugán niyá itó n~g isáng magandang relicariong guintô na may m~ga brillante at m~ga esmeralda, na ang lamá'y isáng tatal n~g bangca ni San Pedro, sa dacong inup-án n~g ating Pan~ginoong Jesucristo n~g panahón n~g pan~gin~gisda.

Walâ n~g lalalò pa sa galing n~g pagkikita n~g bibiananin at n~g mamanugan~gin; cauculán n~gang silá'y mag-úsap n~g nauucol sa escuelahan. Ang ibig ni capitang Tiago'y tawaguing "Escuela ni San Francisco."

--Maniwalà cayó sa ákin,--ang sabi ni capitang Basilio,--¡isáng magalíng na pintacasi si San Francisco! Wala cayong pakikinaban~gin cung tatawaguin ninyong "Escuela n~g Instrucciôn Primaria". ¿Sino pô si Instrucción Primaria?

Dumating ang iláng m~ga caibigang babáe ni María Clara at caniláng inanyayahan itong magpasial.

--N~guni't bumalic ca agád,--aní capitang Basilio sa canyáng anác na babáe na sa canyá'y humihin~ging pahintulot;--nalalaman mo n~g sasalo sa átin sa paghápon si parì Dámasong bágong carárating.

Other books

Lights Out Liverpool by Maureen Lee
My Forever by Nikki McCoy
The Tailor's Girl by McIntosh, Fiona
The Gravedigger’S Daughter by Joyce Carol Oates
Beware the Solitary Drinker by Cornelius Lehane
A Different Blue by Harmon, Amy
Reluctance by Cindy C Bennett