Noli Me Tangere (59 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
8.06Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿Dalawá at limang daan?

--¿Tatló?

--¡Tatló!

--¡Sa susunod!

Ilinaganap n~g nan~gagcacabilog na mapakialam sa buhay n~g may buhay, ang balitang papaglalabanin ang dalawang bantog na manoc; capuwa sila may m~ga pinagdaanan at capuwa cabalitaan sa galing. Ibig n~g lahat na makita, masiyasat ang dalawang cabalitaan; may m~ga nagpapasiya, may nanghuhula.

Samantala'y lumalaki ang cain~gayan, nararagdagan ang caguluhan, linulusob ang Rueda, linulundag ang m~ga gradería. Dala n~g m~ga "soltador" sa Rueda ang dalawang manoc, isang puti at isang pula, na capuwa may sandata na, baga man ang m~ga tari ay may caluban pa. Naririn~gig ang m~ga sigaw na "sa puti!", "sa puti!", may man~gisan~gisa namang sumisigaw n~g "sa pula!" Ang puti ang siyang "llamado" at ang pula ang "dejado".

Sa guitna n~g caramiha'y nan~gagpapalibotlibot doon ang guardia civil; hindi nila suot ang pananamit na ucol sa mahal na capisanang ito; datapuwa't hindi naman sila nacapaisano. Salawal na guingong may franjang pula, barong nababahiran n~g azul na galing sa naaalis na tina n~g blusa, gorrang pangcuartel narito ang canilang panglinlang na soot na nababagay naman sa canilang inuugali: namumusta at nagbabantay, nanggugulo at nan~gagsasalitang di umano'y panan~gagasiwaan nila ang pananatili n~g capayapaan.

Samantalang nan~gagsisigawan, isinasahod ang camay, kinacalog sa camay ang caunting salaping pinacacalasing; samantalang hinihicap sa bulsa ang catapustapusang salapi, ó sacali't walang salapi ay nan~gan~gaco, at ipinan~gan~gacong ipagbibili ang calabaw, ang malapit n~g anihin sa bukid, at iba pa; dalawang bagongtao, na wari'y magcapatid, sinusundan n~g m~ga panin~ging nananaghili ang m~ga naglalaro, nan~gagsisilapit, bumubulong n~g ilang kiming pananalitang sino may walang nakikinig, nalalao'y lalong nan~galulungcot at nan~gagtitin~ginang masasama ang loob at nan~gagn~gin~gitn~git. Paimis na sila'y pinagmamasid ni Lucas n~gumin~giti n~g n~giting malupit, pinatutunog ang m~ga pisong pilac, dumaan siya sa siping n~g dalawang magcapatid, at saca siya sumigaw nasa "Rueda" ang tin~gin:

--Narito ang limampo, limampu laban sa dalawampo, ¡sa puti!

Nan~gagtitigan ang magcapatid.

--¡Sinasabi co na sa iyo,--ang ibinubulong n~g matandang capatid,--na huwag mong ipaglahatan ang cuarta; cung nakinig ka sana sa akin, n~gayo'y may ipupusta tayo sa pula!

Lumapit n~g boong cakimian ang bunso cay Lucas at kinalabit siya sa bisig.

--¡Aba! ¿icaw pala?--ang biglang sinabi nito, na lumin~gon at nagpapacunwari n~g pagtataca; pumapayag ba ang capatid mo sa sinabi co sa canya ó naparito ca't pumupusta?

--¿Paanong ibig ninyong cami'y macapusta'y natalo na ang lahat naming salapi?

--¿Cung gayo'y pumayag na cayo?

--¡Aayaw siya! cung pautan~gin sana ninyo cami n~g caunti, yamang sinasabi ninyong cami inyong nakikilala....

Kinamot ni Lucas ang ulo, hinila ang baro at muling nagsalita:

--Tunay n~gang cayo'y aking nakikilala; cayo'y si Tarsilo at si Bruno, m~ga cabataan at malalacas. Talastas cong ang matapang ninyong ama'y namatay dahil sa ibinibigay sa canyang isang daang palo sa araw araw n~g m~ga sundalo; alam cong hindi ninyo iniisip na ipanghiganti siya ...

--Huwag po sanang makialam cayo sa aming pamumuhay;--ang isinalabat sa canya n~g matandang capatid na si Tarsilo, iya'y nacahihila n~g casacunaan. Cung wala caming capatid na babae'y malaon n~g panahong cami'y binitay na sana!

--¿Binitay na cayo? ang m~ga duwag lamang ang nabibitay, ang walang salapi at walang tumatangkilik. At sa paano ma'y malapit ang bundoc.

--¡Sandaang piso laban sa dalawampo, sa puti aco!--ang sigaw n~g isang nagdaan.

--Pautan~gin ninyo cami n~g apat na piso ..., tatlo ... dalawa,--ang ipinamanhic n~g lalong bata;--pagdaca'y babayaran namin cayo n~g ibayo; pasisimulan na ang soltada.

Muling kinamot n~g Lucas ang úlo.

--¡Tst! Hindi akin ang salaping ito, ibinigáy sa akin ni Don Crisóstomo at inilalaan sa m~ga ibig maglingcód sa canyá. N~guni't aking nakikitang cayo'y hindi gaya n~g inyóng amá; iyon ang túnay na matapang; ang hindi matapang ay huwag maghanap n~g m~ga laro.

At saca umalis doon, baga man hindi totoong nagpacalayo.

--¿Pumayag na tayo, may pinagcacaibhan pa ba?--ani Bruno. Iisa ang kinauuwian n~g mabitay ó mamatay na marahil: walang ibang kinauukulan nating m~ga dukha.

--Tunay na n~ga, n~guni't gunitaín mo ang ating capatíd na babáe.

Samantala'y nagliwanag ang "rueda", magpapasimula ang labanan. Tumatahimic na ang m~ga tínig, at nan~gatira sa guitna ang dalawáng "soltador" (tagá-bitáw) at ang mananari. Sa isáng hudyát n~g "sentenciador" (tagahátol) ay inalsán n~g mananari ang m~ga tari n~g canicanyang calúban, at cumíkintab ang m~ga maninipis na m~ga talím, na pawang nan~gagbabala, maniningning.

Lumapit sa bácod ang dalawang magcapatid na capuwa malungcot, itinuon ang canilang noo sa cawayan at nan~gagmamasid. Lumapit ang isang lalaki sa canila at sila'y binulun~gan sa tain~ga.

--¡Pare! ¡isang daang piso laban sa sampo, sa puti acó!

Tiningnan siya ni Tarsilo n~g patan~ga. Sinicó siyá ni Bruno, at sinagót niyá itó n~g isáng ún~gol.

Tan~gan n~g m~ga soltador ang m~ga manóc n~g isáng anyóng calugód-lugód, at iniin~gatan nilang huwag siláng masugatan. Dakilang catahimican ang naghahari: masasapantahang liban na lamang sa dalawang soltador ang m~ga naroroo'y pawang m~ga cagulatgulat na m~ga taotaohang pagkít. Pinaglapit nilá ang dalawang manóc; tinangnan n~g isá ang úlo n~g canyang manóc at n~g tucaín n~g calában upang magalit, at bago guinawa naman n~g isa sa canyang manóc ang gayon din; dapat magcaroon n~g pagcacatulad sa lahat n~g pag-aaway, na anó pa't cung anó ang nangyayari sa m~ga sasabun~gin sa Paris ay cawan~gis din sa m~ga sasabun~gin dito. Pinapagharap, pagcatapos at pinapagcahig silá, at sa gayong paraa'y nauunawa n~g m~ga caawaawang m~ga hayop cung sino ang bumunot sa canila n~g isang maliit na balahibo at cung sino ang canilang macacalaban. Nagsisipanindig na ang canilang m~ga puloc, nan~gagtititigan at m~ga kidlat n~g galit ang siyang nan~gagsisitacas sa canilang mabibilog at maliit na m~ga mata. Pagcacagayo'y dumating na capanahunan; binitiwan silá sa lupa, na nan~gagcacalayo n~g caunti, at saca sila linayuan.

Marahang nan~gaglalapit sila. Nan~garirinig ang yabag n~g canilang yapac sa matigas na lúpa; sino ma'y hindi nagsasalita, sino ma'y hindi humihin~ga. Ibinababa at itinataas ang úlo, na wari'y nan~gagsusucatan sa tin~ginan, bumubulong ang dalawang sasabun~gin n~g marahil pagbabala ó pagpapawalang halagá. Natanawan nila ang maningning na dáhon n~g tari, na nagsasabog n~g malamig ang nan~gan~gazul na sinag; nagbibigay sigla sa canila ang pan~ganib, at walang ano mang tacot na nagpapanalubong ang dalawa, n~guni't sa isang hakbang na layo'y nan~gagsihinto, nan~gagtitigan, ibinaba ang ulo at muling pinapan~galinag ang canilang balahibo. Sa sandaling iyó'y naligo n~g dugo ang canilang maliit na útac, sumilang ang lintíc, at taglay ang canilang catutubong tapang ay mabilis na nagpanalpoc ang dalawa, nagcapanagupa ang tuca laban sa tuca, ang dibdib laban sa dibdib, ang patalim laban sa patalím at ang pacpác laban sa pacpác: naiwasan n~g isa't isá n~g boong catalinuan ang sacsác at walang nanglaglag cung hindi iláng balahibo lámang. Muling nagtitigan na naman; caguinsaguinsa'y biglang lumipad ang puti, napaimbulog at iniwawasiwas ang pamatay na tari; n~guni't ibinaluctót n~g pula ang canyang m~ga hita at ibinaba ang úlo, caya walang nahampas ang puti cung di ang han~gin; n~guni't pagbaba sa lapag, sa pan~gin~gilag na siya'y masacsac sa licód, malicsing pumihit at humarap sa calaban. Dinaluhong siya n~g sacsác n~g pula n~g boong galit, n~guni't marunong magsanggalang n~g boong calamigan n~g loob: hindi n~ga walang cabuluháng siyá lubós na kinalulugdan n~g caramihang naroroon. Hindi kinalilin~gatan n~g lahat ang matamang panonood n~g m~ga nangyayari sa paglalaban, at may m~ga iláng cahi't hindi sinasadya'y nan~gapapasigaw. Unti-unting nasasabugan ang lupa n~g m~ga balahibong pula at puti, na pawang natitina n~g dugo: datapuwa't hindi ang salitaa'y ititiguil ang labanan sa unang pagcacasugat: sa pagsunod n~g filipino sa m~ga cautusáng lagda n~g Gobierno, ang ibig niya'y matalo cung sino ang unang mamatay ó cung sino ang unang tumacbo. Nadidilig na n~g dugo ang lupa, madalas ang sacsacan, n~guni't hindi pa masabi cung sino sa dalawa ang magtatagumpay. Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.

N~g magcagayo'y inihatol n~g sentenciador, sa pag-alinsunod sa cautusan n~g pamahalaan, na ang pula'y nanalo. Isang walang wastong sigawan ang siyang nagpasalamat sa gayong hatol, sigawang narin~gig sa boong bayan, mahaba, nagcacaisa ang taas n~g tinig at tumagal n~g ilang sandali. Cung gayo'y na pagtatanto n~g nacacapakinig sa malayo, na ang "dejado" ay siyang nanalo, sa pagca't cung hindi gayo'y hindi tatagal ang sigaw n~g pagcatwa. Gayon din ang nangyayari sa m~ga nación: isang maliit na macapagtagumpay sa isang malaki, inaawit at sinasabisabi sa lubhang mahabang panahon.

--¿Nakita mo na?--ani Bruno n~g boong sama n~g loob sa capatid,--cung pinaniniwalaan mo aco'y mayroon na sana n~gayon tayong sandaang piso; dahil sa iyo'y wala tayo n~gayon cahi't isang cuarta.

Hindi sumagot si Tarsilo, datapuwa't tumin~gin n~g pasulyap sa canyang paliguidliguid na anaki'y may hinahanap na sino man.

--Naroo't nakikipag-usap cay Pedro,--ang idinugtong ni Bruno;--¡binibigyan siya n~g salapi, pagcaramiraming salapi!

At ibinibilang n~ga naman ni Lucas sa camay n~g asawa ni Sisa ang m~ga salaping pilac. Nan~gagpalitan pa n~g ilang salitang palihim at bago naghiwalay na capuwa nasasayahan alinsunod sa namamasid.

--¡Marahil si Pedro'y nakipagkayari sa canya: iyan, iyan ang tunay na hindi nag-aalinlan~gan!--ang buntong hinin~ga ni Bruno.

Nananatili si Tarsilo sa pagca mukhang malungcot at nag-iisip-isip: pinapahid n~g mangas n~g canyang baro ang pawis na umaagos sa canyang noo.

--Capatid co,--ani Bruno,--acó'y yayao, cung hindi ca magpapasiya; nanatili ang "regla", dapat manalo ang lasak at hindi n~ga dapat nating sayan~gin ang panahón. Ibig cong pumusta sa susunod na soltada; ¿anó bagá mangyayari? Sa ganyá'y maipanghihiganti natin ang tatay.

Gayon ma'y huminto at muling nagpahid n~g pawis.

--¿Anóng dahil at huminto ca?--ang tanóng ni Brunong nayayamot.

--¿Nalalaman mo ba cung anó ang sumusunod na soltada? ¿Carapatdapat ba ang?...

--¡Bakit hindi! ¿hindi mo ba naririn~gig? Ang búlik ni capitang Basilio ang mapapalaban sa lásak ni capitang Tiago; ayon sa lacad n~g "regla" n~g sabong ay dápat manalo ang lásak.

--¡Ah, ang lasak! acó ma'y pupusta rin ... datapwa't lumagáy muna tayo sa matibay na calagayan.

¿Nagpakita n~g pagcayamot si Bruno, n~guni't sumunód siyá sa canyáng capatíd; tiningnan nitóng magaling ang manóc, siniyasat na magaling, nag-isip-isip, naglininglining, nagtanong n~g ilán, ang culang palad ay nag-aalinlan~gan; nagn~gin~gitn~git si Bruno at minamasdan siyáng malaki ang galit.

--N~guni't hindi mo ba nakikita iyang malapad na caliskis na nariyán sa tabi n~g tahid? ¿hindi mo ba nakikita ang m~ga paang iyán? ¿anó pa ang ibig mo? ¡Masdan mo ang m~ga hítang iyán, iladlad mo ang m~ga pacpác na iyán! At itong baac na caliskis sa ibabaw n~g malapad na itó, at saca itóng doble (kambal)?

Hindi siyá naririn~gig ni Társilo, ipinagpapatuloy ang pagsisiyasat sa anyo at calagayan n~g hayop; ang calansing n~g guinto't pilac ay dumarating hanggang sa canyang m~ga tain~ga.

--Tingnan namán natin n~gayon ang bulík,--ang sabi n~g tinig na tila sinasacal.

Tinatadyacan ni Bruno ang lupa, pinapagn~gan~galitn~git ang canyang m~ga n~gipin, n~guni't sumusunod din sa capatid niya.

Lumapit sila sa cabilang pulutong. Diya'y sinasandatahan ang manóc, humihirang n~g tári, inihahanda n~g mananari ang sutlang mapula, na pinagkitan at macailang hinagod.

Binalot ni Társilo ang háyop n~g malungcot at nacalalaguim na titig: tila mandin hindi niya nakikita ang manóc cung di ibang bagay sa hinaharap na panahón. Hinagpós ang noo, at:

--¿Handa na ba icáw?--ang tanóng sa capatid na malagunlong ang tinig.

--¿Acó? ¡mula pa n~g una; hindi kinacailan~gang sila'y akin pang makita!

--Hindi at dahil sa ... ating cahabaghabag na capatid na babae....

--¡Aba! ¿Hindi ba sinabi sa iyong ang mamiminuno'y si don Crisóstomo? ¿Hindi mo ba nakitang siya'y casama n~g Capitan General sa pagpapasial? ¿Anó ang capan~ganibang ating cahihinatnan?

--¿At cung mamatay tayo?

--¿Eh anó iyón? ¿Hindi ba namatay ang ating amá sa capapalo?

--¡Sumasacatuwiran ca!

Hinanap n~g magcapatid sa m~ga pulutóng n~g táo si Lúcas.

Pagcakita nilá sa canya'y huminto si Társilo.

--¡Huwag! umalis na tayo rito, tayo'y mapapahamac!--ang biglang sinabi.

--Lumacad ca cung ibig mo, acó'y tátanggap.

--¡Bruno!

Sa cawaláng palad ay lumapit ang isang táo at sa canilá'y nagsabi:

--¿Pupusta ba cayó? Aco'y sa búlik.

Hindi sumagot ang dalawáng magcapatid.

--¡Logro!

--¿Gaano?--ang tanóng ni Bruno.

Binilang ang canyang m~ga aapating pisong guinto: tinititigan siya ni Brunong hindi humihin~ga.

--¡May dalawang daang piso acó, limampong piso laban sa apat na po!

--¡Hindi!--ani Brunong waláng alinlan~gan; magdagdag pa cayó ...

--¡Magaling! limampo laban sa tatlompo!

--¡Lambalin ninyó cung inyóng ibig!

--¡Magaling! ang búlik ay sa aking pan~ginoon at bago acóng capapanalo; isáng daan laban sa anim na pong piso.

--¡Casunduan! Maghintay cayo't cucuha acó n~g salapi.

--Datapuwa't acó ang maghahawac,--anang isá, na hindi totoong nagcacatiwala sa anyo ni Bruno.

--¡Gayon din sa akin!--ang tugón nito, na umaasa sa catigasan n~g canyang camaoo.

At nilin~gon ang canyáng capatid at pinagsabihan:

--Yayao acó, cung matitira icáw.

Nag-isip-isip si Tarsilo: canyang sinisinta ang canyang capatid at gayon din ang sabong. Hindi mapabayaang nag-iisa ang canyang capatid, caya't bumulong:

Other books

30,000 On the Hoof by Grey, Zane
The Demon in the Freezer by Richard Preston
Naked in Knightsbridge by Schmidt, Nicky
The Best Book in the World by Peter Stjernstrom
Beautifully Broken by Shayne Donovan
Love & Lies: Marisol's Story by Ellen Wittlinger
War Against the Mafia by Don Pendleton
Double Negative by Ivan Vladislavic
Seduced by Metsy Hingle