Authors: JosÈ Rizal
N~guni't ang lálong nacahihicayat n~g pagmamasíd ay ang isáng matatawag nating náiimos na gúbat sa dágat na iyón n~g m~ga lúpang lináng. Diya'y may m~ga cátandâtandàang m~ga cáhoy, na guáng ang catawán, at cayâ lámang namámatay ay pagcâ tinámâan n~g lintíc ang matàas na dúlo at nasusunog: ang sabihana'y hindî lumalakit sa îbá ang apóy na iyón at namámatay doón din; diyá'y may m~ga pagcálalaking m~ga batóng dináramtan n~g terciopelong lúmot n~g panahón at n~g "naturaleza": humíhimpil at nagpapatongpatong sa caniláng m~ga gúang ang alabóc na pinacacapit n~g ulán at ang m~ga íbon ang siyáng nagtátanim n~g m~ga binhî. Malayang lumalagô ang m~ga cacahuyan: m~ga damó, m~ga dawag, m~ga tabing na damóng gumagapang na nan~gagsasalasalabat at nagpapalipatlipat sa isá't isáng cahoy, bumibitin sa m~ga san~gá, cumacapit sa m~ga ugát, sa lupà, at sa pagcá't hindî pa mandin nasisiyahan sa ganitó si Flora[183], ay nagtátanim siyá n~g m~ga damó sa ibábaw n~g damó; nabubuhay ang lúmot at ang cábuti sa m~ga gahác-gahác na balát n~g cáhoy, at ang m~ga damóng dápò, m~ga cawilíwíling manunuluyan, ay napapagcamal-an sa canilang m~ga pagcâyacap sa cahoy na mápagpatuloy.
Iguinagalang ang gúbat na iyón: may m~ga sali't-sáling sabing sinásalitâ tungcól doon; n~guni't ang lâlong malápit sa catotohanan, at sa pagca't gayó'y siyang hindî lubhang pinaniniwalaan at hindî naman napag-aalaman, ay ang sumusunod:
Nang ang baya'y walâ cung dî isang walang halagang tumpóc n~g m~ga dampâ, at saganang sumísibol pa sa pinacalansan~gan ang damó; n~g panahóng yaóng pagcagabi ay nanasoc doón ang m~ga usá at m~ga baboy-ramó, dumatíng isáng áraw ang isáng matandáng castilang malalálim ang m~ga matá at totoong magalíng magwícang tagalog. Pagcatápos na matingnán at malíbot ang m~ga lúpà sa magcabicabilà, ipinagtanóng niyá cung sinosino ang may arì n~g cagubatang inaagusan n~g tubig na malacúcò. Nan~gagsiharáp ang iláng nan~gagsabing umanó'y silá raw ang may árì, at ang guinawâ n~g matandá'y binilí sa canilá ang gúbat na iyón, sa pamamag-ítan n~g m~ga damít, m~ga híyas at cauntíng salapî. Nawalâ pagcátapos ang matandâ na hindî maalaman cung paáno. Pinananaligan na n~g táong siyá'y "encantado", n~g máino n~g m~ga pastól ang isáng caan~gutáng nagbubuhat sa carátig na gúbat; caniláng binacás, at ang násumpun~gan nila'y ang matandáng lalaking bulóc na at nacabítin sa san~gá n~g isáng "balítì". Nacatatacot na siyá n~g panahóng buháy pa, dáhil sa canyáng malalim at malagunlóng na voces, dáhil sa malalim niyang m~ga matá at dáhil sa táwa niyáng waláng ín~gay; n~guni't n~gayóng siyá'y magbigtí ay lumiligalig siyá sa pagtulog n~g m~ga babae. Itinapon n~g iláng babae sa ílog ang m~ga híyas at sinunog ang damít na canyáng bigáy, at mulà n~g ilibíng ang bangcáy sa púnò n~g balítì ring iyón, sino mang táo'y walâ n~g man~gahás na doo'y lumápit. Isáng pastól na nagháhanap n~g canyáng m~ga hayop, ibinalitang nacakita raw siyá roón n~g m~ga ílaw; nan~gagsiparoón ang m~ga bínatà at nacárinig na silá n~g m~ga daíng. Isáng cúlang pálad na nan~gin~gibig, na sa pagmimithî niyáng mápuna n~g sa canyá'y nagwáwalang bahálà, nan~gácong mátitira siyáng magdamág sa lílim n~g cáhoy at ipupulupot niyá sa punò nitó ang isáng mahabang yantóc, namatáy dahil sa matindíng lagnát na sa canya'y dumápò kinabucasan n~g gabí n~g canyáng pakikipagpustahan. May pinagsasalitaanan pang m~ga catha't sali't saling sabi tungcól sa gubat na iyón.
Hindî nag-iláng buwán at naparoon ang isáng binatang wari'y mestizong castílà, na ang sabi'y anác daw siyá n~g nasírà, at nanahán sa súloc na iyón at nan~gasíwà sa pagsasaca, lalonglalò na sa pagtataním n~g tínà. Si Don Saturnino'y isáng binatang malungcót ang asal at lubháng magagalitín, at cung minsa'y malupít; datapuwa't totoong masipag at masintahin sa paggawâ: binacuran n~g pader ang pinaglibin~gán sa canyáng amá, na manacânacâ lamang dinadalaw. Nang may cagulan~gan na'y nag-asawa sa isáng batang dalagang taga Maynílà, at dito'y naguíng anác niya si Don Rafael, na amá ni Crisóstomo.
Batangbatà pa si Don Rafael ay nagpílit nang siyá'y calugdán n~g m~ga táong bukid: hindî nalao't pagdaca'y lumagô ang pagsasacang dinalá at pinalaganap n~g canyáng amá, nanahán doon ang maraming táo, nan~gagsiparoon ang maraming insíc; ang pulô n~g m~ga dampá'y naguíng isáng nayon, at nagcaroon n~g isáng curang tagalog; pagcatapos ay naguíng isáng bayan, namatáy ang cura at naparoon si Fr. Dámaso; n~guni't ang libin~ga't caratig na lupa'y pawang pinagpitaganan. Nan~gán~gahas na maminsanminsan ang m~ga batang lalaking man~gagsiparoong may m~ga daláng panghampás at m~ga bató, upang lumiguid sa palibot libot at man~guha n~g bayabas, papaya, dúhat at iba pa, at cung minsa'y nangyayaring sa casalucuyan n~g caniláng guinàgawà, ó cung caniláng pinagmámasdang waláng imíc ang lubid na gagalawgalaw buhat sa san~gá n~g cáhoy, lumálagpac ang isá ó dalawáng batóng hindi maalaman cung saán gáling; pagcacagayo'y casabay n~g sigáw na:--¡ang matandâ! ¡ang matanda!--caniláng ipinagtatapunan ang m~ga bun~gang cáhoy at ang m~ga panghampás, lumúlucso silá sa m~ga cáhoy at nan~gagtatacbuhan sa ibabaw n~g malalakíng bató at sa m~ga cacapalán n~g damó, at hindî silá tumitiguil hanggáng sa macalabás sa gubat, na nan~gamúmutlâ, humihin~gal ang ibá, ang iba'y umíiyac, at cácauntî ang nan~gagtátawa.
TALABABA:
[178] Wala caming nasumpong na alin mang bayang ganito ang pan~galan, n~guni't marami ang nacacatulad n~g calagayan n~g bayang ito.--J. R.
[179] Pan~galan ni Venus; sa Siria; ni Céres, sa Fenicia, at ni Juno sa Cartago.
[180] Anác na babae ni Júpiter at ni Latona, capatíd na babae ni Apolo at diosa sa pan~gan~gaso.
[181] Caunaunahang ciudad n~g Tonia, sa Asia Menor, balità dahil sa carikitdikitang templo ni Diana, na sinunog ni Eróstrato. Ipinalagay ang templong iyo'y isá sa pitóng m~ga caguilaguilalás na edificiong itinayo sa daigdig.
[182] Malalaking ibong totoong mahábà ang m~ga paa.
[183] Flora.
=XI.=
=ANG MAN~GA MACAPANGYARIHAN=
Man~gaghati-hati cayó at cayó'y man~gaghari.--(Bagong Machiavelo)
[184]
¿Sinosino bagá ang m~ga nacapangyayari sa bayan?
Cailán ma'y hindî nacapangyari si Don Rafael n~g nabubuhay pa siyá, bagá man siyá ang lalong mayaman doon, malakí ang lúpá at hálos may útang na loob sa canyá ang lahát. Palibhasa'y mahinhíng loob at pinagsisicapang huwág bigyáng cabuluhán ang lahát n~g canyáng m~ga guinágawà, hindî nagtatag sa báyan n~g canyáng partido [185], at nakita na natin cung paano ang m~ga paglaban sa canyá n~g makita nilang masamâ ang canyáng calagayan.--¿Si Capitang Tiago caya?--Totoo't cung siyá'y dumárating ay sinasalubong siyá n~g orquesta n~g m~ga nagcacautang sa canyá, hináhandugan siyá n~g piguíng at binúbusog siyá sa m~ga álay. Inilalatag sa canyáng mesa ang lalong magagalíng na bún~gang cáhoy; cung nan~gacacahuli sa pan~gán~gaso n~g isáng usá ó baboy-ramó'y sa canyá ang icapat na bahagui; cung nababatì niyá ang cainaman n~g cabayo n~g isáng sa canyá'y may utang, pagdatíng n~g calahating horas ay sumásacanyang cuadra[186] na: ang lahát n~g itó'y catotohanan; n~guni't siyá'y pinagtátawanan at tinatawag siyá sa lihim na Sacristan Tiago.
¿Ang gobernadorcillo bagá cayâ?
Itó'y isáng cúlang palad na hindî nag-uutos, siyá ang sumúsunod; hindî nacapagmúmura canino man, siyá ang minumura; hindî nagágawa niyá ang maibigan, guinágawâ sa canyá ang calooban n~g ibá; ang capalít nitó'y nanánagot siyá sa Alcalde mayor n~g lahát n~g sa canyá'y ipinag-utos, ipinagawâ at ipinatatag sa canyá n~g m~ga ibá, na para manding nanggaling sa bun~gô n~g canyáng úlo ang lahát n~g iyon; n~guni't dápat sabihin, sa icapupuri niyá, na ang catungculang canyáng háwac ay hindî niyá ninacaw ó kinamcám: upang tamuhi'y nagcagugol siyá n~g limáng libong piso, at maraming cadustâan, n~guni't sa napapakinabang niyá'y canyáng inaacalang murangmura ang m~ga gugol na iyón.
¿Cung gayo'y bacâ cayâ ang Dios?
¡Ah! hindî nacatitigatig ang mabait na Dios n~g m~ga conciencia at n~g pagcacatulog n~g m~ga mámamayan doon: hindî nacapan~gin~gilabot man lamang sa canila; at sacali't másalitâ sa canilá ang Dios sa alin mang sermón, waláng sálang naiisip niláng casabáy ang pagbubuntóng hinin~gá: ¡Cung íisa sana ang Dios!... Bahagyâ na nilá nagugunitâ ang Dios: lalong malakí pa n~ga ang capagurang sa canila'y ibiníbigay n~g m~ga santo at m~ga santa. Nápapalagay ang Dios sa m~ga táong iyóng tulad diyán sa m~ga haring naglálagay sa canyáng paliguid n~g m~ga tinatan~gi sa pagmamahal na m~ga lalaki't babae: ang sinusuyò lamang n~g baya'y itóng canilang m~ga tinatan~gì.
May pagcawan~gis ang San Diego sa Roma; n~guni't hindî sa Roma n~g panahóng guinuguhitan n~g araro n~g cuhilang si Rómulo[187] ang canyáng m~ga cútà; hindî rin sa Romang nacapaglalagdâ n~g m~ga cautusan sa sandaigdíg sa palilígò sa sarili't sa m~ga ibáng dugô, hindî: wan~gis ang San Diego sa casalucuyang Roma, at ang bilang caibhán lamang ay hindî m~ga monumentong mármol at m~ga coliseo ang naroon, cung dî sawaling monumento at sabun~gáng pawid. Ang pinaca-papa sa Vaticano'y[188] ang cura; ang pinaca hárì sa Italiang na sa Quirinal[189] ay ang alférez n~g Guardia Civil; datapowa't dapat unawâing ibabagay na lahát sa sawálì at sa sabun~gáng pawid. At dito'y gaya rin doong palibhasa'y ibig macapangyari ang isá't isá, nan~gagpapalagayang ang isá sa canila'y labis (sa macatuwid ay dapat mawalâ ang isá sa canila), at dito nanggagaling ang wálang licát na samaan n~g loob. Ipaliliwanag namin ang aming sabi, at sásaysayín namin ang caugalìa't budhî n~g cura at n~g alférez.
Si Fr. Bernardo Salví ay yaong batà at hindî makibuing franciscanong sinaysay na namin sa unahán nitó. Natatan~gì siya, dahil sa canyáng m~ga ásal at kílos sa canyáng m~ga capowâ fraile, at lálonglálò na sa napacabalasic na si párí Dámasong canyáng hinalinhán. Siyá'y payát, masasactín, halos laguì na lamang nag-íisip, mahigpít sa pagtupád n~g canyáng m~ga catungculan sa religión, at mapag-in~gat sa carilagán n~g canyáng pan~galan. May isáng buwan lamang na nacararating siyá roón, halos ang lahát ay nakicapatid na sa V.O.T.[190], bagày na totoong ipinamamangláw n~g canyáng capan~gagáw na cofradía n~g Santísimo Rosario. Lumúlucso ang cálolowa sa catuwâan pagcakita n~g nacasabit sa bawa't liig na apat ó limáng m~ga escapulario, at sa bawa't bayawáng ay isáng cordóng may m~ga buhól, at niyóng m~ga procesión n~g m~ga bangcáy ó m~ga fantasma[191] na may m~ga hábitong guinggón. Nacatipon ang sacristán mayor n~g isáng mabutíbutí n~g puhunan, sa pagbibilí ó sa pagpapalimós, sa pagca't ganitó ang marapat na pagsasalitâ, n~g m~ga casangcapang kinakailan~gan upáng mailigtás ang cálolowa at mabáca ang diablo: talastás n~g ang espíritung itó, na n~g una'y nan~gán~gahas na sumalansáng n~g pamukhâan sa Dios, at nag-aalinlan~gan sa pananampalataya sa m~ga wicà nitó, ayon sa sabi sa librong santo ni Job, na nagpailangláng sa aláng-álang sa ating Pan~ginoong Jesucristo, na gaya n~g guinawâ namán n~g Edad Media[192] sa m~ga bruja[193], at nananatili, ang sabihan, hanggá n~gayón sa paggawa n~g gayón din sa m~ga asuang[194] sa Filipinas; datapowa't tila mandín n~gayón ay naguíng mahihiyâing totoo na, hanggáng sa hindî macatagál sa pagtin~gín sa capirasong damít na kinalalarawanan n~g dalawáng brazo, at natatacot sa m~ga buhól n~g isáng cordón: n~guni't dito'y waláng napagkikilala cung dî sumusulong namán ang dunong sa panig na itó, at ang diablo'y aayaw sa pagsúlong, ó cung dilî caya'y hindî malulugdín sa pagbabagong asal, tulad sa lahát n~g namamahay sa m~ga cadiliman, sacasacali't hindî ibig na sapantahain nating tagláy niyá ang m~ga cahinàan n~g loob n~g isáng dalagang lálabing-limáng taón lamang.
Alinsunod sa aming sinabi, si párì Salví'y totoong masigasig gumanap n~g canyáng m~ga catungculan; napacasigasig namán, ang sabi n~g alfèrez,--Samantalang nagsesermon--totoong siya'y maibiguíng magsermon--pinasasarhan niyá, ang m~ga pintuan n~g simbahan. Sa ganitóng gawá'y natutulad siyá cay Nerón[195] na ayaw magpaalis canino man, samantalang cumacanta sa teatro: n~guni't guinagawa iyón ni Nerón sa icágagaling, datapuwa't guinágawà ang m~ga bagay na iyón n~g cura sa icasasamâ n~g m~ga calolowa. Ang lahát n~g caculan~gán n~g canyáng m~ga nasásacop, ang cadalasa'y pinarurusahan n~g m~ga "multa"; sa pagcá't bihírang bihirang namamalò siyá,; sa bagay na ito'y náiiba siyáng lubhâ cay pári Dámaso, na pinaghuhusay ang lahát sa pamamag-itan n~g m~ga panununtóc at panghahampás n~g bastong nagtátawa pa at taglay ang magandáng han~gád. Sa bagay na itó'y hindî siya mapaghihinanactán: lubós ang canyáng paniniwalang sa pamamálò lamang pinakikipanayaman ang "indio"; ganitó ang salitâ n~g isáng fraileng marunong sumulat n~g m~ga libro, at canyáng sinasampalatayanan, sa pagcá't hindî niyá, tinututulan ang anó mang nálilimbag: sa hindî pagcámasuwayíng ito'y macaráraing ang maraming tao.
Bihírang bihírang namamalo si Fr. Salví, n~guni't gaya na n~ga n~g sabi n~g isáng sa baya'y matandáng filosofo[196], na ang naguiguing caculan~gán sa bílang ay pinasasaganà namán sa tindí; datapuwa't hindî rín namán siyá mapaghihinanactan tungcól sa ganitóng gawâ. Nacapan~gín~gilis n~g canyáng m~ga ugát ang canyáng m~ga pag-aayuno[197] at pan~gin~gilin n~g pagcain n~g m~ga lamáng-cáti na siyáng ikinapaguíguing dukhâ n~g canyáng dugô, at, ayon sa sabihan n~g táo, pumápanhic daw ang han~gín sa canyáng úlo.
Ang alférez, na gaya na n~ga n~g sinabi namin, ang tan~ging caaway n~g capangyarihang ito sa cálolowa, na may pacay na macapangyari namán sa catawán. Siyá lamang ang tan~gì, sa pagca't sinasabi n~g m~ga babae na tumatacas daw sa cura ang diablo, dahiláng sa n~g minsang nan~gahás ang diablo na tucsuhín ang cura, siyá'y hinuli nitó, iguinapos sa paa n~g catre at sacá pinálò n~g cordón, at cayâ lamang siyá inalpasán ay n~g macaraan na ang siyám na araw.
Yaya mang gayó'y ang táong pagcatapos n~g ganitóng nangyari, makipagcagalít pa sa cay párì Salvî ay maipapalagay na masamâ pa sa m~ga abáng diablong hindî marunong mag-in~gat, cayâ n~ga't marapat na magcaroon n~g gayóng capalaran ang alférez. Doña Consolación cung tawaguin ang canyáng guinoong asawa, na isáng matandáng filipina, na nagpapahid n~g maraming m~ga "colorete"[198] at m~ga pintura; ibá ang ipinan~gan~galan sa canyá n~g canyáng esposo at n~g ibá pang m~ga táo. Nanghihigantí sa sariling catawán ang alférez, sa canyáng pagcawaláng palad sa matrimonio, na nagpapacalasíng hanggang sa dî macamalay-táo; pinag-"eejercicio"[199] ang canyáng m~ga sundalo sa arawan at siyá'y sumisilong sa lílim, ó cung dilî cayâ, at itó'y siyáng lalong madalás, pinapagpag niyá n~g pálò ang licód n~g canyáng asawa, na cung dî man isáng "cordero" (tupa) n~g Dios na umáalis n~g casalanan nino man, datapuwa't nagagamit namán sa pagbabawas sa canyá n~g maraming m~ga cahirapan sa Purgatorio, sacali't siyá'y máparoon, bagay na pinag-aalinlan~ganan n~g mapamintacasing m~ga babae. Nan~gaghahampasang magalíng ang alférez at si Doña Consolacióng parang nan~gagbíbiruan lamang, at nag-aalay siláng waláng bayad sa m~ga capit-bahay n~g m~ga pánoorin: "concierto vocal" at "instrumental"[200] n~g apat na camáy, mahinà, malacás, na may "pedal"[201] at lahát.