Noli Me Tangere (75 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
8.55Mb size Format: txt, pdf, ePub

Binantâ ni Ibarrang lumayô, datapuwa't piniguil siyá n~g dalaga.

--Crisóstomo!--anya;--sinugò ca n~g Dios at n~g acó'y iligtas sa waláng cahulilip na capighatian ... ¡pakinggán mo acó at sacâ mo acó hatulan!

Matimyás na bumitíw sa canyá si Ibarra.

--Hindi acó naparito't n~g hin~gan catang sulit n~g guinawâ mo ...; naparito acó't n~g bigyan catang capayapaan.

--¡Aayaw acó n~g capayapaang iniháhandog mo sa akin; acó ang magbibigay sa akin din n~g capayapaan! Pinawáwal-an mo acóng halagá, at ang pagpapawaláng halagá mo'y siyáng sampong sa camatayan co'y magbibigay capaitan!

Namalas ni Ibarra ang masilacbóng samà n~g loob at pagpipighati n~g abáng babae, at tinanóng niyá itó cung anó ang hináhan~gad.

--¡Na icaw ay maniwalang sinintá co icaw cailán man!

N~gumiti n~g boong saclap si Crisóstomo.

--¡Ah! ¡nagcuculang tiwalà ca sa akin, nagcuculang tiwalà, ca sa iyong catoto sa camusmusán, na cailán ma'y hindi ikinaila sa iyó ang isa man lamang na caisipán!--ang bigláng sinabi n~g dalaga na nagpipighati.--¡Aking natátaroc ang iniisip mo! Pagcâ napagtanto mo ang aking buhay, ang malungcot na buhay na ipinatanto sa akin n~g panahóng acó'y may sakit, maháhabag ca sa akin at hindi mo n~gin~gitian n~g ganyán ang aking dalamhatì. ¿Bakit bagá't hindi mo pa binayaang acó'y mamatáy sa m~ga camáy n~g hangál na gumágamot sa akin? ¡Icaw sana't acó'y liligaya!

Nagpahin~gang sumandali si María Clara't sacâ nagpatuloy n~g pananalitâ:

--¡Inibig mo, nagculang tiwalà ca sa akin, patawarin nawâ acó n~g aking Iná! Sa isá sa m~ga calaguimlaguim na gabì n~g aking masacláp na pagcacasakit, ipinahayag sa akin n~g isáng táo ang pan~galan n~g aking tunay na amá, at ipinagbawal sa aking icáw ay aking sintahin ... liban na lámang cung ang akin ding amá ang magpatawad sa iyó sa paglabág na sa canyá'y iyóng guinawâ!

Umudlót si Ibarra at nagugulumihanang tinitigan ang dalaga.

--Oo,--ang ipinagpatuloy ni María Clara; sinabi sa akin n~g táong iyóng hindî maitutulot ang ating pag-iisang catawán, sa pagcá't ibabawal sa canyá n~g canyang sariling budhî, at mapipilitang canyang ihayág, cahi't magcaroon n~g malakíng casiráan n~g puri, sa pagca't ang aking amá'y si....

At saca ibinulóng sa tain~ga n~g binata ang isáng pan~galang sa cahinaan n~g pagsasasalita'y si Ibarra lámang ang nacárin~gig.

--¿Anó ang aking magagawâ? ¿Dapat co bang yurakin dahil sa aking pagsinta ang pag-aalaala co sa aking iná, ang capurihán n~g aking amáamahan at ang dan~gal n~g aking tunay na amá? ¿Magagawâ co bá itó na hindî icáw ang unaunang magpapawaláng halagá sa akin?

--¿N~guni't ang catibayan, nagcaroon ca ba n~g catibayan? ¡Nan~gan~gailan~gan icáw n~g catibayan!--ang bigláng sinabi ni Crisóstomo, na parang sinásacal.

Dinucot n~g dalaga sa canyáng dibdíb ang dalawáng papel.

--Nárito ang dalawáng súlat nang aking ina, dalawáng súlat na itinitic sa guitnà n~g mataós na sigáw n~g sariling budhî n~g panahóng tagláy pa niyá acó sa canyáng tiyán. Tanggapín mo't iyong basahin, at iyong makikita cung paano ang canyáng pagsumpa sa akin at paghahan~gád na acó'y mamatay ..., ang aking camatayang hindi nasunduan, bagá man pinagpilitan n~g aking amá, sa pamamag-itan n~g m~ga gamót! Nalimutan ang m~ga súlat na itó nang aking amá, sa bahay na canyáng tinahanan, nacuha n~g táong iyón at inin~gatan, at caya lamang ibinigay sa akin ay nang palitan co n~g iyóng súlat ..., dî umano'y n~g siya raw ay macaasang hindî acó pacácasal sa iyó cung waláng capahintulutan ang aking amá. Búhat n~g daladalahin co sa aking catawán ang dalawáng súlat na iyáng naguíng capalít n~g súlat mo, nacacáramdam acó n~g lamíg sa aking pusò. Aking ipinahamac icáw ipinahamac co ang aking sinta.... ¿anó ang hindî gágawin n~g isáng anác na babae sa icagagaling n~g isáng ináng patay na at n~g dalawáng amáng capuwa buháy? ¿Akin bang masasapantahà man lámang cung saan gagamitin ang iyong súlat?

Nanglúlumo si Ibarra. Nagpatuloy si María Clara:

--¿Anó pa ang nálalabi sa akin? ¿masasabi co ba sa iyo cung sino ang aking amá, masasabi co ba sa iyong humin~gi ca sa canyá n~g tawad, sa iyó pa namáng anác n~g pinapaghirap niyá n~g hindi cawasa? ¿masasabi co ba sa aking amá na icaw ay patawarin, masasabi co ba canyáng acó'y canyáng anác, acó pa namáng pinacahan~gadhan~gád niyá ang aking camatayan? ¡Walâ na n~gang nálalabi sa akin cung hindi ang pagtitiis, in~gatan co sa sarili ang lihim at mamatáy sa pagpipighati!... N~gayón, caibigan co, n~gayóng nalalaman mo na ang buhay n~g iyong abang si María, ¿mangyayari pa bang maidulot mo pa sa canya iyáng pagpapawaláng halagáng n~giti?

--¡María, icaw ay isáng santa!

--Lumiligaya acó, sa pagca't, acó'y iyong pinaniniwalaan....

--Gayón man,--ang idinugtóng n~g binatà, na nagbago n~g anyô n~g tinig,--nabalitaan cong mag-aasawa ca raw....

--Oo,--at humagulhól ang dalaga;--hinihin~gi sa akin n~g aking amá ang pagpapacahirap na itó ... bagá man hindi niyá catungcula'y sininta niyá acó't canyáng pinacain, tinutumbasan co ang utang na loob na itó, sa pagbibigay capanatagan sa canyá, sa pamamag-itan nitóng bagong pakikimag-anac na itó, n~gunit....

--¿N~guni't....

--Hindi co lilimutin ang pagtatapat na aking isinumpâ sa iyó.

--¿Anó ang inaacala mong gawín?--ang idinugtóng ni Ibarra, at pinagsisicapang basahin sa canyáng m~ga matá ang canyáng balac.

--¡Madilím ang hináharap na panahón at na sa cadiliman ang Palad! Hindi co nalalaman ang aking gagawin; n~guni't talastasin mong minsan lamang cung acó'y umibig, at cung walang pag-ibig ay hindi acó cacamtan nino man. At icaw, ¿anó ang casasapitan mo?

--Ang calagayan co'y isáng bilanggong tanan ... tumatacas acó. Hindî malalao't malalaman ang aking pagcatacas, María....

Tinangnán ni María Clara n~g dalawáng camáy ang ulo n~g binatà, hinagcáng muli't muli ang m~ga labì, niyacap niyá siyá, at sacâ biglang linayuan pagcatapos.

--¡Tumacas ca! ¡tumacas ca!--anya;--¡tumacas ca, paalam!

Tinitigan siyá ni Ibarra n~g m~ga matáng nagníningning; n~guni't sa isáng hudyát n~g dalaga'y lumayo ang binatang tila lan~gó, hahapayhapay....

Mulíng linucsó ang pader at sumacay sa bangca. Tinatanaw siyá sa paglayô ni María Clarang nacadun~gaw sa palababahan n~g batalán.

Nagpugay si Elías at niyucuran siyá n~g boong galang.

TALABABA:

[271] Ang nangyari ay nangyari na. Pasalamat tayo sa Dios at wala ca n~gayón sa capuluang Marianas upáng magtaním n~g camote.

[272] ¡Huwag po sana cayóng halíng; iyá'y ang Virgen sa Antipolo! Iyáng ang nacapangyayari sa lahát; huwag po sana cayóng halíng!

[273] ¡Cung iya'y hindi lalaki at hindi siyá mamatáy, iya'y babaeng totoong mainam na mainam!

[274] ¡Wala! gaya n~g sabi namin: ang sumucob sa magaling na lilim ay mabuting pamalo ang sa canyá'y inilálapit.

[275] ¡Siyá n~ga! Sa canya'y totoong nararapat; sinabi co na sa una cong pagcakita pa sa canyá: ito'y isang filibustero. ¿Ano ang sinabi sa iyo, pinsan, n~g general? ¿Ano naman ang sinabi mo sa canyá, anó ang balitang sinabi mo sa canya tungkól cay Ibarra?

[276] Maniwala po cayó na pagca siya'y hinatulan n~g parusang patayín, na gaya n~g maáasahan, ay dahil sa aking pinsan.

[277] ¡Ay, pagcabutibuti mong pumaraan sa matalinong pakikipagsalitaan! Nalalaman naming icaw ang tanun~gan n~g capitan general, na hindi mapanatag cung hindi ca makita!... ¡Ah, Clarita!; pagcalakilaking tuwa ang makita co icáw!

[278] Naparito cami't n~g upáng cayó'y aming dalawin; ¡cayó'y nacaligtas, salamat sa inyóng m~ga caibigan!

[279] Siya n~ga, Clarita, n~guni't nacaraan na ang panahón n~g m~ga himala; sinasabi naming m~ga castila: Magculang tiwala ca sa Virgen at cumarimot ca.

[280] Naparito n~ga po cami't ang sadya pa naman namin ay pakiusapan cayó tungcól sa
Virgen.

[281] Magsasalitaan tayo tungcól sa pamumuhay.

=LXI.=

=ANG PANGHUHULI SA DAGATAN.=

--Pakinggán pô ninyó ang aking gágawing aking inisip,--ani Elías na nag ninilaynilay, samantalang pinatutun~guhan nilá ang San Gabriel. Itatagò co cayó n~gayón sa bahay n~g isá cong caibigan sa Mandaluyong; dádalhin co sa inyó ang lahát ninyóng salapî, na aking iniligtás at itinagò co sa paanán n~g balitì, sa matalinghagang pinaglibin~gan sa inyóng núnong lalaki; at umalís cayó rito sa Filipinas.

--¿At n~g pasaibang lupaìn acó?--ang isinalabat ni Ibarra.

--Upáng manatili cayó sa capayapaan sa natitira pa ninyóng búhay. May m~ga caibigan cayó sa España, cayó'y mayaman, macapagpapa
indulto
cayó. Sa papaano mang paraan, ang ibang lupai'y isáng bayang sa ati'y lalong magalíng cay sa sarili.

Hindi sumagót si Crisóstomo; naglininglining na hindi umiimic.

Dumarating silá n~g sandalíng iyón sa ilog Pasig, at nagpasimulâ ang bangcâ n~g pagsalun~ga sa agos. Nagpápatacbo ang isang nagcacabayo sa ibabaw n~g tuláy n~g España at may náririn~gig na isáng mahaba't matinding tunóg n~g pito.

--Elías,--ang muling sinabi ni Ibarra; nanggaling ang inyóng casawîang pálad sa aking familia, iniligtas ninyóng macaalawa ang aking búhay, at hindi lamang may malaking utang na loob acó sa inyó, cung di namán cautan~gán co rin sa inyó ang pagsasauli n~g inyóng cayamanan, at yayamang gayó'y sumama cayó sa akin at magsama tayong parang magcapatid. Dito'y sawi rin cayóng capalaran.

Umiling n~g boong capanglawan si Elias, at sumagót:

--¡Hindi mangyayari! Tunay n~ga't hindi acó mangyayaring sumintá't magtamó n~g ligaya sa lupang aking kinamulatan, n~guni't mangyayaring acó'y magkahirap at mamatáy sa lupaíng iyán at marahil ay dahil sa canyá; handóg dín cahi't cacaunti! ¡Ibig cong ang capahamacan n~g akíng baya'y siyáng aking maguíng capahamacán, at sa pagcát hindi pinapagcacaisa tayo n~g isáng mahal na caisipan, sa pagcá't hindi tumítiboc ang ating m~ga pusò sa íisang pan~galan, nais cong mapakisama acó sa aking m~ga cababayan sa casawiang palad n~g lahát, mapakisama man lamang acó sa pagtan~gis sa pagdaralita naming lahát, na inisín n~g íisang casamáng palad ang lahat naming m~ga pusò!

--¿Cung gayó'y bakit inihahatol ninyó sa aking acó'y manaw?

--Sa pagcá't sa ibáng panig ay mangyayaring cayó'y lumigaya at acó'y hindi, sa pagcá't hindi cayó handa sa pagcacahirap, at sa pagcá't casususutan ninyó ang inyóng bayan, cung dahil sa canyá'y masawing palad cayó isáng araw; at wala n~g totoong casamasamaang palad na gaya n~g masusot sa canyáng bayang kinamulatan.

--¡Hindi matuwíd ang inyóng palagáy sa akin!--ang bigláng sinabi ni Ibarra sa masaclap na tutol;--nalilimutan ninyóng carárating co pa lamang dito'y pagdaca'y hinanap co ang canyang icagagaling.

--Huwág pô cayóng manghinuha, guinoo, hindi co cayó sinísisi; ¡maano na n~gang cayó'y siyáng uliranín n~g lahat! Datapuwa't aayaw acóng humin~gi sa inyó n~g m~ga hindi mangyayari, at huwag po cayóng magagalit cung sabihin co sa inyóng cayó'y dinaraya n~g inyóng pusò. Dating iniibig pô ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, sa pagcá't ganyán ang sa inyó'y itinurò n~g inyóng amá; dating iniibig pô ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, palibhasa'y sa canyá naroroon ang inyóng sinta, cayamanan, cabataan, sa pagcá't n~gumin~giti sa inyó ang lahát hindi pa gumagawa sa inyó n~g lihís sa catuwiran ang kinamulatan ninyóng bayan; dating iniibig ninyó ang kinamulatan ninyóng bayan, cawan~gis n~g ating pag-ibig sa lahát n~g bagay na nagbibigay sa atin n~g caligayahan. Datapuwa't ang araw na cayó'y maghirap, magutom, pag-usiguin, ipagcanulo at ipagbilí n~g inyó ring m~ga cababayan, sa araw na iya'y inyóng susumapain ang inyóng sariling catawan, ang inyóng kinamulatang bayan at ang lahat.

--Nacasasakit sa akin ang inyong m~ga salita,--aní Ibarra na naghíhinanakit.

Tumun~gó si Elias, nagdilidili at muling nagsalita:

--Ibig cong iligtás cayó sa carayaan, guinoo, at ilihís co sa inyó ang isáng malungcót na pagsasapit sa panahóng hináharap. Inyó pong alalahanin ang pakikipag-usap co sa inyó sa bangca ring itó at liwanag nitó ring buwang itó, na may isáng buwan na n~gayón, humiguit cumulang; sumasaligaya cayó niyón. Hindi macarating hanggang sa inyó ang pamanhíc n~g m~ga culang-palad; pinawaláng halagá ninyó ang caniláng m~ga daíng, sa pagcá't daing n~g m~ga masasamáng tao, lalong pinakinggán ninyó ang caniláng m~ga caaway at, cahi't acó'y nan~gatuwira't cayo'y aking pinamanhica'y cumampí rin cayó sa panig n~g m~ga umáapi sa canilá, at niyaó'y sumasainyóng m~ga camáy ang acó'y sumamáng tao ó ang acó'y papatáy upáng aking maganáp ang isáng mahál na pan~gacò. Hindi itinulot n~g Dios, sa pagcá't namatáy ang matandáng punò n~g m~ga tulisán ... ¡Nacaraan ang isáng buwán at n~gayó'y ibá na ang inyóng caisipán!

--Sumasacatuwiran po cayó, Elías, n~guni't ang tao'y isáng hayop na sumusunod sa casalucuyang m~ga nangyayari: niyó'y nabubulagan acó, masama ang aking loob, ¿ayawán co ba? N~gayó'y inaclás n~g capahamacán ang aking piríng; tinuruan acó n~g aking pag-iisá at paghihirap sa bilangguan; nakikita co n~gayón ang cakilakilabot na
cáncer
na cumíkitib sa m~ga namamayan dito n~gayón, na cumacapit sa canyáng m~ga lamán at nagcacailan~gan n~g isáng makirót at ganáp na paglipol. ¡Binucsán nilá ang aking m~ga matá, ipinamalas sa akin ang bulóc na sugat at caniláng pinipilit na acó'y maguing masamáng tao! At yamang caniláng inibig, magpifilibuster acó, n~guni't tunay na filibustero; tatawaguin co ang lahát n~g culang pálad, ang lahát n~g nacaráramdam n~g tibóc n~g pusò sa loob n~g canyáng dibdib, yaóng m~ga taong sa inyó'y nan~gagpasugò sa akin ... hindi acó maguiguing masamáng tao, cailán ma'y hindi masamáng tao ang nakikibaca dahil sa canyáng kinaguisnang bayan, tumbalíc. Sa loob n~g tatlóng daang taó'y silá'y hinahalina natin, hinihin~gan natín silá n~g pagsintá, minímithî nating tawaguin siláng capatíd, ¿anó ang caniláng isinaságot? Tayo'y sinasagot n~g lait at paglibác, at ikinacait sa atin patí n~g ating calagayang pagca tao na gaya rin n~g ibá. ¡Waláng Dios, waláng pag-asa, waláng habág sa capuwa tao; wala n~ga cung di ang catuwiran n~g lacás!

Nagn~gan~galit si Ibarra; nan~gan~gatal ang canyáng boong catawán.

Dumaan silá sa tapát n~g palacio n~g General, at caniláng námasid na tíla nan~gagsísigalaw at nan~gagcácagulo ang m~ga bantáy na sundalo.

--¿Canilá na yatang nasiyasat ang pagcacatanan?--ang ibinulóng ni Elías--Humigâ po cayó, guinoo, at cayó'y tatabunan co n~g damó, sa pagcá't daraan tayo sa tabi n~g Polvorista'y baca máino n~g bantay na sundalo cung bakit dalawá tayo.

Ang bangcâ ay isá riyán sa maninipis at makikipot na sasakyáng hindi lumalacad cung di dumúdulas sa ibabaw n~g tubig.

Other books

The Cat Who Talked to Ghosts by Lilian Jackson Braun
White Trash Damaged by Teresa Mummert
What Love Looks Like by Mondoux, Lara
In Gallant Company by Alexander Kent
Alliance of Serpents by Kevin Domenic
No One Sleeps in Alexandria by Ibrahim Abdel Meguid
Love Nip by Mary Whitten
Coq au Vin by Charlotte Carter