Noli Me Tangere (77 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.47Mb size Format: txt, pdf, ePub

Sinabi niyá ang m~ga salitáng itó n~g madálang, mahinà ang tinig, banayad, waláng luhà.

--N~guni't tan~gá, ¿hindi ba macalilibong magaling si Linares cay ...?

--¡Nang buháy pa siyá'y macapag-aasawa acó ... inaacalà cong magtanan pagcatapos ... waláng hináhan~gad ang aking amá cung di ang pakikicamag-ánac! N~gayóng patáy na siyá, sino ma'y hindi macatatawag sa aking esposa ... Nang buháy pa siyá'y mangyayaring acó'y magpacasamâ, málalabi sa akin ang sayá n~g loob sa pagcaalam na siyá'y buháy pa at marahil maaalaala acó; n~gayóng siyá'y patáy na ... ang convento ó ang libin~gan.

Palibhasa'y totoong matindí ang pananalita n~g dalaga, nawala cay parì Dámaso ang masayáng anyô at naggunamgunam.

--¿Lubhâ bang malakí ang pag-ibíg mo sa canyá?--ang itinanóng n~g pautál.

Hindi umimic si María Clara. Inilun~gayn~gay ni parì Dámaso sa canyáng dibdib ang canyáng ulo at hindi umimic.

--¡Anác co!--ang biglang sinabi n~g tinig na sira;--patawarin mo acó, na hindi co sinasadya'y aking ipinahamac ang iyong caligayahan. Ang mangyayari sa iyo sa hinaharap ang aking iniisip, minimithî co ang iyong caligayahan. ¿Paano ang aking pagpapahintulot na pacasál icaw sa isáng tagá rito, upang icaw ay aking mapanood ná esposang cahabaghabág at ináng culang palad? Hindi co maialís sa iyóng ulo ang iyóng pagsintá, caya't humadláng acó n~g boo cong lacás, guinawa co ang lahát n~g lihís sa catuwiran, dahil sa iyó, sa iyo lamang dahil. Cung icaw ay naguing asawa niyá, tatan~gis ca pagcatapos, dahil sa calagayang pagca inianác dito n~g asawa mo, na laguing nabibin~git sa lahát n~g pag-api't pagpapahirap na waláng calasag sa pagsasanggaláng; cung maguíng iná ca na'y tatan~gisan mo ang casawiang palad n~g iyong m~ga anác; cung silá'y papag-aralin mo't n~g dumúnong, inihahandà mo sa canilá ang masacláp na mararating; maguiguing caaway silá n~g religión, at cung magcágayo'y makikita mo silá sa pagcabitay ó sa pagcapatapon; cung pabayaan mo namáng mangmáng, makikita mo namáng silá'y tinatampalasan at sumasacaimbihán! ¡Hindi co n~ga mangyaring maitulot! Dahil dito'y inihahanap catá n~g isáng asawang macapaghahandóg sa iyó n~g pagca ináng maligaya n~g m~ga anác na macapag-uutos at hindi mapag-uutusan, na macapagpaparusa't hindi magdaralità.... Nalalaman cong mabait n~ga ang yong catoto buhat sa camusmusán, minámahal co siyá't gayón din ang canyáng amá, datapuwa't pinagtamnán co silá n~g gálit, mula n~g makita cong silá ang maguiguing dahil n~g iyong casawaliang palad, sa pagcá't catá'y minamahal, catá'y pinacasisintá, catá'y iniibig na cawan~gis n~g pag-ibig sa isáng anác; waláng umiirog sa akin cung di icaw na n~ga lamang; napanood co ang iyóng pag-lakí; hindi nacararaan ang isáng oras na hindi catá inaalaala; napapanaguinip co icaw; icaw ang tan~ging catuwaan co....

At tuman~gis si parì Dámasong tulad sa isáng musmós.

--¡Cung gayón, cung acó'y inyóng minámahal, huwag po sanang ipahamac ninyó acó magpacailán man; patáy na siyá, ibig cong mag-monja!

Itinuon n~g matandâ ang noo sa canyáng camáy.

--¡Mag-monja, mag-monja!--ang inulit ulit.--Hindi mo nalalaman, anác co, ang pamumuhay, ang talinghagang nagcúcubli sa loob n~g m~ga pader n~g convento, hindi mo nalalaman! Macalilibong iniibig cong mapanood cong icaw ay nagcacasákit sa mundo, cay sa makita co icaw na nacuculong sa convento. Sa mundo'y máririn~gig ang iyong m~ga daíng, doo'y wala cung di ang m~ga pader ... ¡Icaw ay magandá, totoong magandá, hindi ca sumilang sa maliwanag upang icaw ay másoc sa pag-momonja, upang maguing esposa ca ni Cristo! Maniwalà ca sa akin, anác co, kinacatcat na lahát n~g panahón; macalilimot ca cung malaon, iibig ca, iibig ca sa asawa mo ... cay Linares.

--¡O ang convento ó ... ang camatayan!--ang inulit ni María Clara.

--¡Ang convento, ang convento ó ang camatayan!--ang mariing sabi ni parì Dámaso.--María, matanda na acó, hindi na mangyayaring tumagál pa ang aking pagcacalin~ga sa iyo't sa iyóng capanatagan.... Humirang ca n~g ibang bagay, humanap ca n~g ibáng sisintahin, ibáng binatà, cahi't na sino, datapuwa't huwag lamang ang convento.

--¡Ang convento ó ang camatayan!

--¡Dios co, Dios co!--ang isinigaw n~g sacerdote, na tinacpan n~g m~ga camáy ang ulo;--pinarurusahan mo acó, anóng gagawin! datapuwa't calin~gain mo ang aking anác na babae!...

At linin~gón ang dalaga:

--¿Ibig mong maguing monja? maguiguing monja ca; aayaw acong mamatáy icaw.

Hinawacan ni Maria Clara ang canyang dalawáng camay, pinisíl, hinagcán at lumuhod.

--¡Ináama co, ináama co!--ang inulit-ulit.

Umalis pagcatapos si parì Damasong mapangláw, nacatun~gó at nagbúbuntong hinin~gá.

--¡Dios, Dios, tunay n~gang nabubuhay ca, yamang acó'y iyóng pinarurusahan! ¡n~guni't manghiganti ca sa akin at huwag mong pahirapan ang waláng casalanan, iligtás mo ang aking anác!

=LXIII.=

=ANG GABING SINUSUNDAN N~G PASCO N~G PAN~GAN~GANAC.=

Sa itaas, sa balisbís n~g isáng bundóc, sa tabí n~g isáng agúsan, natatago sa guitnâ n~g m~ga cahoy ang isáng dampâ na nacalagay sa ibabaw n~g m~ga licolicong punò n~g m~ga cahoy. Sa ibabaw n~g canyáng bubóng na cúgon ay gumagapang na saganà sa calaguan ang calabaza, na humihitic n~g m~ga bun~ga at n~g m~ga bulaclác; napapamutihan ang abáng tahanang iyón n~g m~ga sun~gay n~g usa't n~g m~ga bun~gô n~g baboy-ramó, na may m~ga pan~gil ang ibá. Diyán tumatahan ang isáng mag-ánac na tagalog, na ang pan~gan~gaso't pagpuputól n~g cahoy na panggatong ang guinágawa.

Sa lilim n~g isáng cahoy, ang nunong lalaki'y gumágawa n~g m~ga walis na tinting, samantalang naglálagay ang isáng dalaga sa isáng bacol n~g m~ga itlóg n~g inahíng manóc, m~ga dayap at m~ga gulay. Dalawáng batà, isáng lalaki't isáng babae'y magcasamang naglálaro. May isá pang batàng lalaking putlain, mukháng namámanglaw, malalaki ang m~ga matá at malalim cung tumin~gín, at siyá'y nacaupô sa ibabaw n~g isáng nacahigáng punò n~g cahoy. Mapagkikilala natin sa canyáng namamayat na mukha ang anác na lalaki ni Sisa, si Basilio, na capatíd ni Crispín.

--Paggalíng n~g paá mo,--ang sabi sa canyá n~g batang babae;--maglálaro tayo n~g pico-picong-tagúan, acó ang inainahan.

--Saasama ca sa amin sa pag-akyát sa taluctóc n~g bundóc,--ang dagdág n~g batàng lalaki;--iinom ca n~g dugó n~g usáng pinigaan n~g catas n~g dayap at icaw ay tatabâ, at cung mataba ca na'y tuturuan catá n~g paglucso sa magcabicabilang malalaking bató, na na sa ibabaw n~g agúsan.

N~gumin~gitî n~g mapangláw si Basilio, tinítingnan ang súgat n~g canyáng paá at pagcatapos ay ibinabaling ang panin~gin sa araw na mainam na totoo ang sicat.

--Ipagbili mo ang m~ga walís na itó,--anáng nunong lalaki sa dalaga;--at ibilí mo n~g anó man ang m~ga capatid mo, sa pagcá't Pascó n~gayón.

--¡M~ga reventador, ibig co n~g m~ga reventador!--ang sigáw n~g batàng lalaki.

--¡At ibig co namán ang isáng ulong mailagáy co sa aking manica!--ang sigáw namán n~g batàng babae, at tinangnán sa tápis ang canyáng capatid.

--At icaw, ¿anó namán ang ibig mo?--ang tanóng n~g nunò cay Basilio.

Tumindíg itóng nahihirapan at lumapit sa matandáng lalaki.

--Guinoo,--ang sinabi niyá;--¿nagcasakít po palá acóng mahiguít na isáng buwán?

--Buhat n~g masumpong ca naming hindi nacacaalam-tao't punô n~g m~ga sugat ay dalawang buwan na sa itaás ang nacararaan; ang isip nami'y mamámatay icaw....

--¡Gantihín nawa cayó n~g Dios; camí po'y totoong mahihirap!--ang mulíng sinabi ni Basilio; datapuwa't yayamang Pascó n~gayón, ibig cong pa sa bayan upáng aking tingnán ang aking iná't capatid na maliit. Marahil hinahanap nilá acó.

--N~guni't anác co, hindi ca pa magalíng at malayo ang bayan mo; hindi ca darating doon sa hating gabí.

--¡Hindi po cailan~gan, guinoo! Marahil po'y totoong namamanglaw ang aking iná't capatíd na maliit; sa taón taó'y nagsasamasama camí sa fiestang itó ... n~g taóng nagdaa'y isáng isda ang aming kinaing tatló ... ang iná co marahil ay iyác n~g iyác n~g paghánap sa akin.

--¡Hindi ca darating na buháy sa bayan, batà! Sa gabíng itó'y may inahíng manóc tayo at tapa n~g baboy-ramó. Hahanapin ca n~g aking m~ga anác na lalaki cung umuwi siláng galing sa parang....

--Marami po cayóng m~ga anác, at ang aking iná'y wala cung di camíng dalawá lamang; ¡marahil ipinalalagay na acóng patáy! ¡Ibig co pô siyang bigyán sa gabíng itó n~g galác, n~g isáng aguinaldo ... isáng anác!

Naramdamán n~g matandáng lalaking nangguiguilid ang canyáng luhà, ipinatong sa ulo n~g batàng lalaki ang canyáng camáy at sinabi sa canyáng nababagbag ang pusò:

--¡Tila ca matandáng tao! Halá, paroon ca na, hanapin mo ang iyong nanay, ibigay mo sa canyá ang aguinaldo ... n~g Dios, gaya n~g sabi mo; cung nalaman co lamang ang pan~galan n~g iyong bayan, sana'y naparoon acó n~g icaw ay may sakit. Lácad na, anác co, at samahan ca nawa n~g Dios at n~g poong si Jesús. Sasamahan ca n~g apó cong si Lucía hanggáng sa bayang malapit dito.

--¿Bakit, aalis ca ba?--ang tanóng sa canyá n~g batàng lalaki.--Diyán sa ibabá'y may m~ga sundalo, maraming m~ga tulisán. ¿Aayaw ca bang makita ang aking m~ga reventador? ¡Pum! ¡purumpum!

--¿Aayaw ca ba n~g pico-picong taguan?--ang tanóng namán n~g batàng babae;--¿nacapagtago ca na ba? ¿Hindi ba totoong nacatutuwa ang habulin at magtago?

N~gumitî si Basilio; dinampót ang canyáng tungcód at nagsalitáng nanglálaglag ang m~ga luhà sa m~ga matá:

--Bábalic acó agad,--anyá;--dadalhín co rito ang maliit cong capatíd, makikita ninyó siyá at cayó'y makikipaglarô sa canyá; siyá'y casíng lakí mo.

--¿Pipilaypilay rin ba cung lumacad?--ang tanóng n~g batàng babae;--cung gayó'y siyá ang ating gagawing iná-inahan sa pico-pico.

--Huwag mo camíng calilimutan,--ang sabi sa canyá n~g matandáng lalaki;--dalhín mo itong tapa n~g baboy-ramó at ibigay mo sa iyong nanay.

Sinamahan siyá n~g m~ga batá hanggáng sa tulay na cawayang nacalagáy sa ibabaw n~g agúsang main~gay ang lagaslás.

Pinacapit siyá ni Lucía sa canyáng m~ga bisig at nawalâ silá sa m~ga panin~gín n~g m~ga batà.

Malicsíng lumacad si Basilio, bagá man may tali ang canyáng binti.

....................................................................

Humahaguinit ang han~ging sa labás at nan~gán~galigkig sa guináw ang m~ga tagá San Diego.

Niyó'y gabíng sinúsundan n~g Pascó n~g Pan~gan~ganác, n~guni't gayón ma'y malungcót ang bayan. Waláng nacasabit sa m~ga bintanang isáng farol man lamang na papel, waláng anó mang cain~gayan sa m~ga bahay na nagbabalità n~g casayahang gaya n~g m~ga nacaraang taón.

Sa «entresuelo» n~g bahay ni capitang Basilio'y nagsasalitaan sa tabí n~g isáng
rejas
, ito't si don Filipo (pinapagcaibigan silá n~g pagcapahamac ni don Filipo), samantalang sa cabiláng
rejas
namá'y tumátanaw sa daan si Sinang, ang canyáng pinsang si Victoria at ang magandáng si Iday.

Nagpápasimula n~g pagsicat ang buwáng patunáw sa naaabot n~g panin~gin at pinapagcuculay guintô ang m~ga alapaap, m~ga cahoy at m~ga bahay, at tulóy nan~gagbibigay n~g mahahaba't wari'y m~ga fantasmang m~ga anino.

--¡Hindi cácauntî ang inyóng capalarang lumabás, na alinsunod sa pasyá n~g hucóm ay walang casalanan, sa m~ga panahóng itó!--ang sabi ni capitang Basilio cay don Filipo;--tunay n~ga't sinunog nilá ang inyóng m~ga libro, n~guni't lalong malakí ang nan~gawalâ sa m~ga ibá.

Lumapit sa
rejas
ang isáng babae at tumin~gín sa dacong loob. Nagníningning ang canyáng m~ga matá, namamayat ang canyáng mukhâ, lugáy at gusót ang canyáng m~ga buhóc, binibigyan siya n~g buwán n~g cacaibáng anyô.

--¡Si Sisa!--ang bigláng sinabi ni don Filipo, at saca siyá humaráp cay capitang Basilio, samantalang lumálayô ang ulól na babae.

--¿Hindi po ba na sa sa bahay siyá n~g médico?--ang itinanóng;--¿gumaling na po ba?

N~gumitî n~g masacláp si capitang Basilio.

Natacot ang médicong siyá'y isumbóng na caibigan ni don Crisóstomo, at ang guinawa'y pinaalís si Sisa sa canyáng bahay. N~gayó'y muling nagpapacabicabila na namáng ulól na gaya n~g dati, umaawit, hindi gumagawâ n~g masamâ can~gino man at natitira sa gubat....

--¿Anó anó pa po ang m~ga nangyari sa bayan mulâ n~g umalis camí rito? Nalalaman cong tayo'y may curang bago at bagong alférez....

--¡Catacotacot na m~ga panahón, umúudlot ang cataohan!--ang ibinulóng ni capitang Basilio, na ang nacaraan ang iniisip.--Tingnán po ninyó, kinabucasan n~g inyóng pag-alís ay nasumpun~gang patáy ang sacristang mayor, nacabitin sa palupo n~g canyáng bahay. Dinamdám na totoo ni parì Salví ang canyáng pagcamatáy at sinamsam na lahát ang canyáng m~ga papel.--¡Ah, namatáy rin ang filósofo Tasio, at ibinaón siya sa libin~gan n~g m~ga insíc.

--¡Cahabaghabag namán si don Anastasio!--ang ibinuntóng hinin~gá ni don Filipo,--¿at ang canyang m~ga libro?

--Sinunog na lahát n~g m~ga madasalin, sa pagcá't sa ganyá'y inaacalà niláng silá'y mararapat sa Dios. Walâ acong nailigtas cahi't ang libro man lamang ni Ciceron ... waláng guinawáng anó man ang gobernadorcillo upang sansalain ang gayóng gawâ.

Capuwà hindi umimíc ang dalawá.

Naririn~gig n~g sandalíng iyón ang awit na cahapishapis at mapangláw n~g ulól na babae.

--¿Nalalaman mo ba cung cailán ang casál ni María Clara,--ang tanóng ni Iday cay Sinang.

--Hindi,--ang isinagót nitó;--tumanggap acó n~g isáng sulat ni María Clara, n~guni't aayaw cong bucsán sa tacot na aking maalaman. ¡Caawaawa si Crisóstomo!

Ang balità'y cung di cay Linares, si capitang Tiago'y nabitay sana, ¿anó ang cahihinatnán ni María Clara?--ang pahiwatig ni Victoria.

Nagdaan ang isáng batàng lalaking pipilaypilay; tumatacbóng ang tun~go'y sa plaza na pinanggagalin~gan n~g awit ni Sisa. Siya'y si Basilio. Nasumpun~gan n~g batà ang canyáng bahay, na waláng tao at guibà; pagcatapos n~g maraming pagtatanóng, ang canyáng nausisa lamang ay ang canyáng iná'y ulól at nagpapagalagala sa bayan; walâ siyang cabalibalità cay Crispin.

Kinain ni Basilio ang luhà, linunod ang canyáng pighatî, hindi na nagpahin~ga't hinanap ang canyáng iná. Dumatíng sa bayan, ipinagtanóng ang canyáng iná, at dumatíng ang awit sa canyáng m~ga tain~ga. Piniguilan n~g culang palad ang pan~gan~gatál n~g canyáng m~ga bintî at nag-acalang tumacbó't n~g payacap sa canyáng iná.

Linisan n~g ulól na babae ang plaza't tinun~go ang tapát n~g bahay n~g bagong alférez. N~gayo'y gaya rin n~g unang may isáng bantay na sundalo sa pintuan, at isáng ulo n~g babae ang siyáng nanun~gaw sa bintanà, n~guni't hindi na ang Medusa, n~gayó'y isáng batà ang gulang; hindi pawang sawíng palad ang bawa't alférez.

Other books

The Plague Dogs by Richard Adams
Just a Boy by Casey Watson
Falling Fast by Sophie McKenzie
Long After Midnight by Iris Johansen
Ice Breaker by Catherine Gayle
Lucy and the Doctors by Ava Sinclair
The Parting by Beverly Lewis
The Collectors by David Baldacci
Dangerous Joy by Jo Beverley