Noli Me Tangere (71 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
13.02Mb size Format: txt, pdf, ePub

Ipinag-utos n~g alférez sa directorcillong tanun~gín ang bilanggóng iyón.

--¡Guinoo, guinoo!--ang hibic;--¡akin pong sasabihin ang lahat ninyóng maibigang sabihin co!

--¡Cung gayo'y mabuti! tingnán natin; ¿anó ang pan~galan mo?

--¡Andóng, pô!

--¿Bernardo ... Leonardo ... Ricardo ... Eduardo ... Gerardo ... ó anó?

--¡Andóng, pô!--ang inulit n~g culáng culáng ang isip.

--Ilagáy ninyóng Bernardo ó anó man,--ang inihatol n~g alférez.

--¿Apellido?

Tiningnán siyá n~g taong iyóng nagugulat.

--¿Anó ang pan~galan mong dagdág sa n~galang Andóng?

--¡Ah, guinoo! ¡Andóng Culáng-culáng po!

Hindi napiguil ang tawa n~g nan~gakikinig; patí ang alférez ay tumiguil n~g pagpaparoo't parito.

--¿Anó ang hanap-buhay mo?

--Mánunubà pô n~g niyóg, at alila pô n~g aking biyanáng babae.

--¿Sino ang nag-utos sa inyóng looban ninyó ang cuartel?

--¡Walâ pô!

--¿Anóng walâ? Huwág cang magsinun~galing at titimbaín ca! ¿sino ang nag-utos sa inyó? ¡Sabihin mo ang catotohanan!

--¡Ang catotohanan pô!

--¿Sino?

--¡Sino pô!

--Itinatanong co sa iyó cung sino ang nag-utos sa inyóng cayó'y man~gag-alsá.

--¿Alin pô bang alsá?

--Iyón, cung cayá ca doroon cagabí sa patio n~g cuartel.

--¡Ah, guinoo!--ang bigláng sinabi ni Andóng na nagdádalang cahihiyan.

--¿Sino n~ga ang may casalanan n~g bagay na iyán?

--¡Ang akin pong biyanáng babae!

Tawanan at pangguiguilalás ang sumunód sa m~ga salitáng itó. Humintô n~g paglacad ang alférez at tiningnán n~g m~ga matáng hindi galít ang caawaawà, na sa pagcaisip na magaling ang kinalabasan n~g canyáng m~ga sinabi, nagpatuloy n~g pananalitáng masayá ang anyô.

--¡Siyá n~gà pô; hindi pô acó pinacacain n~g aking biyanáng babae cung di iyóng m~ga bulóc at walà n~g cabuluhán; cagabí, n~g acó'y umuwi rito'y sumakít ang aking tiyán, nakita cong na sa malapit ang patio n~g cuartel, at aking sinabi sa sarili;--N~gayó'y gabí, hindi ca makikita nino man.--Pumasoc acó ... at n~g tumitindig na acó'y umalin~gawn~gáw ang maraming putucan: itinatali co pô ang aking salawal....

Isang hampás n~g yantóc ang pumutol n~g canyáng pananalitâ.

--¡Sa bilangguan!--ang iniutos n~g alférez;--¡ihatíd siyá n~gayóng hapon sa cabecera!

TALABABA:

[261]
¡Vae Victis!
wicang lating ang cahulugáng sa wicang tagalog ay
¡Sa aba n~g m~ga nagágahis!
M~ga salita ni Breno sa m~ga romano, na sa tuwi na'y inuulit hanggáng sa m~ga panahóng itó, bagá man n~gayo'y naghahari ang cagandahang asal. N~gayó'y gaya rin n~g una, na ang sa lalong malalacás ang siyá lamang m~ga catuwirang nagwáwagui.--P.H.P.

=LVIII.=

=ANG SINUMPA.=

Hindî nalao't cumalat sa bayan ang balitàng ilalacad ang m~ga bilanggô; nacalaguím muna ang pagcarin~gig n~g gayóng balità, at sacá sumunód ang m~ga iyacan at panambitanan.

Nan~gagtatacbuhang warì'y m~ga ulól ang m~ga casambaháy n~g m~ga bilanggô; nan~gagsísiparoon sa convento, mulâ sa convento'y napapasa cuartel at mulà sa cuartel ay napasasa tribunal, at sa pagcá't hindi silá macásumpong n~g aliw saan man, caniláng pinúpunô ang alang-alang n~g m~ga sigáw at panambitan. Nagculóng ang cura sa pagcá't may sakít, dinagdagán n~g alférez ang dami n~g m~ga sundalong na bábantay sa canyá, at sinasalubong n~g culata n~g m~ga sundalong iyón ang m~ga babaeng nan~gagmamacaamò; ang gobernadorcillo, taong waláng cabuluhán, anaki'y lalo pang haling at waláng cabuluhán mandín cay sa dati. Sa tapát n~g bilanggua'y nan~gagtatacbuhang pacabicabilà ang m~ga babaeng may lacás pa; ang m~ga walâ na namá'y nan~gagsisiupò sa lupà't tinatawag ang m~ga pan~galan n~g m~ga taong caniláng iniirog.

Manin~gas ang araw, n~guni't sino man sa m~ga cahabaghabag na iyó'y hindi nacaiisip umuwî. Si Doray, ang masayá't lumiligayang asawa ni don Filipo'y nagpapacabicabilang puspós n~g capighatían, kilic ang canyáng musmós na anác na lalaki: cápuwâ silá umiiyac.

--Umuwî na pô cayó,--ang sa canyá'y sinasabi; malalagnat ang inyóng anác.

--¿Bakit pa mabubuhay cung walà rin lamang isáng amáng sa canyá'y magtuturò?--ang isinasagót n~g nalulunos na babae.

--¡Walâ pong casalanan ang inyóng asawa; marahil siyá'y macabalíc din!

--¡Siyá n~gá, cung patáy na cami!

Tumatan~gis si capitana Tinay, at tinatawag ang canyáng anác na si Antonio; tinítingnan n~g matapang na si capitana María ang maliit na rejas, sa pagcá't sa dacong loob niyó'y naroroon ang canyáng dalawáng cambál, na siyáng tan~ging m~ga anác niyá.

Naroroon ang biyanán n~g mánunubà n~g niyóg; hindi siyá tumatan~gis: nagpaparoo't parito, na cumúcumpas na lilis ang m~ga manggás at pinagsasabihan n~g malacás ang nan~gároroon:

--¿May nakita na ba cayóng cawan~gis nitó? ¿Hulihin ang aking si Andóng, paputucan siyá, isuot sa pan~gáw at ilalacad sa cabecera, dahil lamang sa ... dahil lamang sa may bagong salawal? ¡Humíhin~gî ang ganitóng gawa n~g ucol na gantí! ¡Napacalabis namán ang m~ga guardia civil! ¡Isinusumpá cong pagca nakita co uling sino man sa canilá'y humahanap n~g cublíng lugar sa aking hálamanan, gaya n~g madalás na totoong guinágawa nilá, aalsán co silá n~g ipinamamayan, aalsán co silá n~g ipinamamayan! ¡ó cung hindi acó namán ang caniláng alsán!!!

N~guni't iilan tao ang pumápansin sa maca Mahomang biyanán.

--Si don Crisóstomo ang may casalanan n~g lahát n~g itó,--ang buntóng hinin~ga n~g isáng babae.

Naroroon di't nagpapacabicabila, na cahalò n~g marami, ang maestro sa escuelahan; hindi na pinapagcúcuscos ang m~ga palad n~g camáy ni ñor Juan; hindi na dinadaladala niyá ang canyáng
plomada
at ang canyáng
metro:
itím ang pananamit n~g lalaki, sa pagcá't nacárin~gig siyá n~g masasamáng balità, at palibhasa'y nananatili siyá sa canyáng asal na ipalagáy ang dárating na panahóng parang nangyari na, ipinaglúlucsà na niyá ang pagcamatáy ni Ibarra.

Tumiguil, pagca á las dos n~g hapon, sa tapát n~g tribunal, ang isáng carretóng waláng anó mang pandóng, na hinihila n~g dalawáng vacang capón.

Liniguid n~g caramihan ang carretón, na ibig niláng alsín sa pagcasingcaw at ipagwasacan.

Huwág cayóng gumawâ n~g gayón,--ani capitana María;--¿ibig ba ninyóng silá'y maglacád?

Itó ang pumiguil sa m~ga casambaháy n~g m~ga bilanggó. Lumabás ang dalawampóng sundalo at caniláng liniguid ang sasakyán. Lumabás ang m~ga bilanggô.

Ang unauna'y si don Filipo, na gapós; bumating nacan~gitî sa canyáng asawa; tuman~gis n~g masacláp si Doray at nahirapan ang dalawáng guardia upáng humadláng sa canyá at n~g huwág mayacap ang canyáng asawa. Sumipót na umiiyac na parang musmós si Antoniong anác ni capitana Tinay, bagay na siyang lalong nacáragdag n~g m~ga pagsigáw n~g canyáng familia. Humagulhól si Andóng pagcakita sa canyáng biyanáng babae, na siyáng may cagagawán n~g canyáng pagcapahamac. Baliti rin si Albinong nagseminarista, at gayón din ang dalawáng cambál na anác ni capitana Maria. Masasamà ang loob at hindi umiimic ang tatlóng binatàng itó. Ang hulíng lumabàs ay si Ibarra, na waláng talì, n~guni't napapag-itanan n~g nagháhatid na dalawáng guardia civil. Namúmutlâ ang binatà; humanap siyá n~g isáng mukháng catoto.

--¡Iyàn ang may casalanan!--ang ipinagsigawan n~g maraming tinig;--¡iyán ang may casalanan ay siyáng waláng talì!

--¡Walang anó mang guinagawâ ang aking manugang ay siyang naca-"esposas"!

Linin~gón ni Ibarra ang m~ga guardia:

--¡Gapusin ninyó acó, n~guni't gapusin ninyóng mabuti acó, abo't sico!--ang canyáng sinabi.

--¡Walang tinatanggáp camíng utos na ganyán ang aming gawín!

--¡Gapusin ninyó acó!

Sumunod ang m~ga sundalo.

Sumipót ang alférez na nan~gan~gabayo, at batbát n~g m~ga sandata patí n~g m~ga n~gipin; may sumúsunod sa canyáng sampô ó labinglimáng sundalo pa.

Bawa't isáng bilanggó'y may canicanyáng casambahay na nanghihinaing upáng cahabagan, na dahil sa canyá'y tumatan~gis at nagpapalayaw n~g lalong matitimyas na tagurî. Si Ibarra lamang ang tan~ging doo'y walâ sino man; nan~gagsialís doon patí si ñor Juan at ang maestro sa escuelahan.

--¿Anó pô ba ang guinawâ sa inyó n~g aking asawa't n~g aking anác?--ang sa canyá'y sinasabi ni Doray na tumatan~gis; ¡tingnán pô ninyó ang caawaawà cong anác! ¡inalsan ninyó siyá n~g amá!

Ang pighatî n~g m~ga casambahay ay naguíng galit sa binatà, na pinagbibintan~gang siyáng may cagagawán n~g caguluhan. Ipinag utos n~g alférez ang pagya-o.

--¡Icáw ay isáng duwág!--ang sigáw n~g biyanán ni Andóng. Samantalang nakikihamok ang m~ga ibá dahil sa iyó, icaw nama'y tumatagò, ¡duwág!

--¡Sumpaín ca nawâ!--ang sabi sa canyá n~g isáng matandáng lalaki na sa canyá'y sumúsunod;--¡pusóng ang guintóng tinipon n~g iyóng magugulang at n~g siràin ang aming capayapàan! ¡Pusóng!, ¡pusóng!

--¡Bitayin ca nawâ, hereje!--ang sigáw sa canyá n~g isáng camag-anac na babae ni Albino, at sa hindi na macapiguil ay nuha n~g isáng bató at sa canyá'y ipinucól.

Sinundán ang uliráng iyón, at sa ibabaw n~g sawíng palad na binatà'y umulán ang alabóc at m~ga bató.

Tiniis ni Ibarra n~g waláng imíc, waláng poot at waláng daíng ang tapát na panghihingantí n~g gayóng caraming m~ga púsòng nan~gasugatan. Yaón ang paalam, ang
adios
na sa canyá'y dulot n~g canyáng bayang kinálalagyan n~g lahát n~g canyáng m~ga sinísinta. Tumun~gó, marahil canyáng dinidilidili ang isáng taong pinalò sa m~ga lansan~gan sa Maynilà, ang isáng matandáng babaeng nahandusay na patáy pagcakita sa ulo n~g canyáng anác na lalaki; marahil dumaraan sa canyáng m~ga matá ang nangyari sa buhay ni Elías.

Minagaling n~g alférez na palayuin ang caramihang tao, n~guni't hindi humintô ang pangbabató at ang m~ga paglait. Isá lamang iná ang hindi ipinanghíhiganti sa canyá ang canyáng m~ga pighatî: itó'y si capitana María. Hindi cumikilos, nacahibic ang m~ga labì, punô ang m~ga matá n~g m~ga luhàng umaagos na waláng in~gay, canyáng pinanonood ang pagpanaw n~g canyáng dalawáng anác na lalaki; sa panonood sa canyáng hindî pagkilos at sa canyáng pipíng dalamhatì, nawáwalâ ang pagcatalinhagà ni Niobe.

Malayò na ang pulutóng.

Sa m~ga taong nacasun~gaw sa bihibihirang bintanàng nacabucás, ang lalong nagpakita n~g habag sa binatà'y yaóng m~ga hindi nababahalà at waláng adhicâ cung di manood lamang. Nan~gagtagò ang canyáng m~ga caibigan, patí si capitang Basilio'y nagbawal sa canyáng anác na si Sinang, na huwág umiyác.

Nakita ni Ibarra ang umaaso pang bahay niyáng natupoc, ang bahay n~g canyáng m~ga magugulang, ang bahay na sa canyá'y pinan~ganacán, ang kinabubuhayan n~g lalong matatamís na alaala n~g canyáng camusmusán at n~g canyáng cabinatàan; ang m~ga luhàng malaong canyáng pinipiguilpiguil ay bumalong sa canyáng m~ga matá, lumun~gayn~gay at tuman~gis, na hindi magcaroon n~g alíw na mailihim ang canyáng pag-iyac, palibhasa'y nacagapos, ó macapucaw man lamang ang canyáng pighatî n~g habag sa can~gino man. N~gayó'y walâ siyáng bayan, bahay, casintahan, m~ga catoto, at mahihintay na maligayang panahóng dárating.

Mulà sa isáng mataás na lugar ay pinanonood ang malungcót na pulutóng na iyón n~g isáng tao. Siyá'y isáng matandáng lalaki, namúmutlà, payat na payát ang mukhà, nacabalot sa isáng cumot na lana, at nanúnungcod n~g boong pagál. Siyá ang matandáng filósofo Tasio, na nang mabalitàan ang nangyari ay nagbantáng iwan ang canyáng hihigán at dumaló, n~guni't hindi itinulot n~g canyáng lacás na macarating siyá hanggáng sa tribunal. Sinundán n~g matá n~g matandà ang carretón hanggáng sa itó'y nawalâ sa malayò: nanatiling sumandalî sa pag-iisip-isip na nacatun~gó, nagtindig pagcatapos at nag inatâ n~g boong hirap na tinun~go ang canyáng bahay, na nagpápahin~ga maya't mayâ.

Nasumpun~gan siyáng patáy, kinabucasan, n~g m~ga nag-aalagà n~g m~ga hayop, sa paanan n~g pagpasoc sa canyáng tahanang nag-íisa.

=LIX.=

=ANG KINAGUISNANG BAYAN AT ANG M~GA PAG-AARI.=

Lihim na ibinalità n~g telégrafo ang nangyaring iyón sa Maynilà at n~g macaraan ang tatlompó't anim na horas ay nan~gagsasaysay na n~g bagay na iyón n~g malakíng talinghagà at hindi cacauntîng m~ga pagbabalà, ang m~ga pamahayagan, na dinagdagán, pinagbuti at binawasan n~g fiscal. Samantala'y m~ga balitàng tan~ging mulâ sa m~ga convento ang nan~gaunang tumacbóng salinsalin sa m~ga bibíg, sa lihim, na nagbíbigay n~g malakíng tacot sa bawa't macaalam. Ang nangyaring iyóng sa libolibong pagcacabalità'y nagcaiba n~g lubhâ, pinaniniwalâan n~g humiguit cumulang na cadalian, alinsunod sa cung nagpapapuri ó nacasásalansang sa m~ga hidwáng hílig at anyô n~g caisipán n~g bawa't isá.

Bagá man hindi nasisirà ang catahimican n~g bayan, sa paimbabáw man lamang, n~guni't naliligalig ang capayapaan n~g bahay, tulad sa nangyayari sa isang lawà: bagá man nakikitang patag at waláng anó mang alon ang dacong ibabaw, n~guni't sa ilalim ay gumágamáw, nan~gagtatacbuhan at nan~gagháhabulan ang m~ga piping isdâ. Nan~gagpasimuláng nan~gagpainog-inog, wan~gis sa m~ga paró-paró, ang m~ga cruz, m~ga condecoración, m~ga galón, m~ga catungculan, m~ga caran~galan, capangyarihan, calakhán, matataas na camahalan at ibá pa, sa isáng impapawid na guintóng salapî sa m~ga matá n~g isáng bahagui n~g m~ga mámamayan. Sa isáng bahagui namán n~g m~ga mámamayang iyá'y napailangláng sa abót n~g panin~gin ang isáng alapaap na madilím, at nan~gin~gibabaw sa culay abó-abóng pinacapang-ilalim, ang maiitim na parang anino n~g m~ga rejas, m~ga tanicalâ, at pati n~g calaguimlaguim na bibitayán. Warì'y náririn~gig sa han~gin ang m~ga tanóng, ang m~ga bató, ang m~ga sigáw na pinápacnit n~g m~ga pahirap; nagagamagam ang Marianas at ang Bagumbayang cápuwâ nan~gababalot n~g isáng parang maduming pigtâ n~g dugóng culubóng: na sa culabô ang m~ga man~gin~gisdâ at ang m~ga isdâ. Ang nangyaring iyó'y iniláladlad ni Capalaran sa guniguní n~g m~ga tagá Maynilàng tulad sa m~ga tan~ging paypáy na galing sa China: napipintahan n~g itim ang isáng mukhâ; ang isá namá'y puspós n~g dorado, matitingcád na m~ga culay, m~ga ibon at m~ga bulaclac.

Naghaharì sa m~ga convento ang malakíng ligalig. Isinísingcaw ang m~ga carruaje, nan~gagdádalawan ang m~ga provincial, may lihim na m~ga pulong. Nan~gagsisiharap silá sa m~ga palacio upáng caniláng ihandóg ang caniláng tulong sa
Gobierno na na sa calakilakihang pan~ganib.
Muling napagsalitaanan ang m~ga cometa, ang m~ga pasaring, ang m~ga matutulis na pananalità, at ibá pa.

--¡Isáng
Te Deum,
isáng
Te Deum!
--ang sinasabi n~g isáng fraile sa isáng convento;--¡at n~gayó'y sino ma'y huwag magcuculang sa pagpasacoro! ¡Hindi cacaunting cagalin~gan ang guinawâ n~g Dios, na ipakita cung gaano ang cahalagahan natin, n~gayón pa namán sa m~gá panahóng itóng totoong nápacasasamâ!

Other books

Two Passionate Proposals by Woods, Serenity
Unholy Innocence by Stephen Wheeler
Dark Exorcist by Miller, Tim
Beyond Blonde by Teresa Toten
Road to Casablanca by Leah Leonard
Honor Among Thieves by David Chandler
The Grownup by Gillian Flynn
Labyrinths of Reason by William Poundstone
Tales From A Broad by Fran Lebowitz