Noli Me Tangere (70 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
12.93Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿Ang binatang si Ibarra at ang teniente mayor?...

Itinuro n~g alférez ang bilangguan.

--Waló ang náriyan,--anyá;--namatáy si Bruno caninang hating gabí, n~guni't nacatitic na ang canyáng m~ga saysáy.

Bumati ang cura cay doña Consolación, na ang isinagót ay isáng hicáb at isáng ¡aah! at naupô sa sillóng na sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì.

--Macapagpapasimulà na tayo!--ang mulíng sinabi.

--Cunin ninyó ang dalawáng nan~gasasapan~gáw!--ang ipinag-utos n~g alférez, na pinagpilitang ang tinig niyá'y mag-anyóng cagulágulatang, at humaráp sa cura at idinugtóng na nagbago n~g tinig:

--¡Nan~gasúsuot sa pan~gáw na may patláng na dalawáng butas!

Ipaliliwanag namin sa m~ga hindî nacacaalam cung anó ang cagamitáng itó sa pagpapahirap, na ang pan~gáw ay isá sa m~ga lalong waláng cabuluhán. Humiguít cumulang sa isáng dangcál ang lalayò n~g m~ga butas na pinagsusuutan n~g m~ga paa n~g m~ga pinipiit; cung patlan~gan n~g dalawáng butas, may cahirapan n~g cauntî lamang ang calagayan n~g napipiit, na anó pa't nagdáramdam na tan~ging bagabag sa m~ga bucong-bucong at nacabucacà ang dalawáng paa, na nagcaca-layô n~g may mahiguit na isáng vara: hindi n~gâ nacamámatay agad-agád, ayon sa mapagcucurong magaang n~g sino man.

Ang tagatanod bilangguang may casunod na apat na sundalo'y inalis ang talasoc at binucsán ang pintô. Nan~gagsilabás ang isáng amoy na labis n~g bahò at isáng han~ging malapot at malamig sa macapál na dilim na iyón, casabáy n~g pagcárin~gig n~g iláng himutóc at pagtan~gis. Nagsindi n~g fósforo ang isáng sundalo, datapuwa't namatáy ang nin~gas sa han~ging iyóng nápacabigat at bulóc na bulóc, caya't nan~gapilitang hintayín niláng macapagbagong han~gin.

Sa malamlám na liwanag n~g isáng ilaw ay caniláng naaninagnagan ang iláng may m~ga mukháng tao: m~ga taong nacayacap sa caniláng m~ga tuhod at sa pag-itan n~g dalawáng tuhod niláng itó'y ikinúcublí ang caniláng ulo, m~ga nacataób, nan~gacatindíg, nan~gacaharáp sa pader, at ibá pa. Nárin~gig ang isáng pucpóc at pagcalairit, na caacbay n~g m~ga tun~gayaw; binúbucsan ang pan~gáw.

Nacayucód si doña Consolación, nacaunat ang m~ga casucasuan n~g liig, luwâ ang m~ga matá at nacatitig sa nacasiwang na pintó.

Lumabás ang isáng anyóng nacapag-aalap-ap na naguiguitnâ sa dalawáng sundalo; yaó'y si Társilo na capatíd ni Bruno. May m~ga «esposas» ang m~ga camáy; ipinamámasid n~g canyáng m~ga wasác wasác na m~ga damít ang canyáng batibot na m~ga casucasuan. Tinitigan niyáng waláng pacundan~gan ang asawa n~g alférez.

Sa licuran ni Társilo'y sumipót ang isáng anyóng cahabaghabág, na tumátaghoy at umiiyac na anaki'y musmós; piláy cung lumacad at may dun~gis na dugô ang salawál.

--Iyá'y isáng mapangdayà,--ang inihiwatig n~g alférez sa cura; nagbantáng tumacas, n~guni't nasugatan siyá sa hità. Ang dalawáng itó ang tan~ging m~ga buháy sa canilá.

--¿Anó ang pan~galan mo?--ang itinanóng n~g alférez cay Társilo.

--Társilo Alasigan.

--¿Anó ang ipinan~gacò sa inyó ni don Crisóstomo upáng looban ninyó ang cuartel?

--Cailán ma'y hindi nakikipag-usap sa amin si don Crisóstomo.

--¡Huwág mong itangguí! Cayâ binantà ninyóng camí ay subukin.

--Nagcacamali pô cayó; pinatáy pô ninyó sa capapalò ang aming amá, siyá'y ipinanghihiganti namin, at walâ n~g ibá. Hanapin pô ninyó ang inyóng dalawáng casama.

Nagtátaca ang alférez na tiningnán ang sargento.

--Nan~garoon silá sa ban~gin, doon silá itinapon namin cahapon, doon silá mabúbuloc. N~gayó'y patayin na ninyó acó, wala na cayóng malalamang anó pa man.

Tumahimic at nangguilalás ang lahát.

--Sabihin mo sa amin cung sino sino ang iyóng m~ga ibáng cainalám,--ang ibinantâ n~g alférez na iniwawasiwas ang isáng yantóc.

Sumun~gaw sa m~ga labì n~g may sala ang isáng n~giti n~g pagpapawaláng halagá.

Nakipag-usap n~g sandali sa cura ang alférez, na marahan ang caniláng salitaan; at sacá humaráp sa m~ga sundalo.

--¡Ihatid ninyó siyá sa kinalalagyan n~g m~ga bangcáy!--ang iniutos.

Sa isáng suloc n~g patio, sa ibabaw n~g isáng carretóng lumà, ay nacabuntón ang limáng bangcáy, na halos natátacpan n~g capirasong gulanít na baníg na punô n~g carumaldumal na m~ga dumí. Nagpaparoo't parito sa magcabicabilang dulo ang isáng sundalo, na mayá't mayá'y lumúlurâ.

--¿Nakikilala mo ba sila?--ang tanóng n~g alférez na itinataás ang banig.

Hindi sumagót si Társilo; nakita niyá ang bangcáy n~g asawa n~g ulól na babae na casama n~g m~ga iba; ang bangcáy n~g canyáng capatíd na tadtád n~g sugat ang catawán, sa cásasacsac n~g bayoneta, at ang cay Lucas na may lubid pa sa liig. Lumungcót ang canyáng panin~gin at tila mandín nagpumiglás sa canyáng dibdib ang isáng buntóng hinin~gá.

--¿Nakikilala mo silá?--ang mulíng sa canyá'y itinanóng nilá.

Nanatili sa pagca pipí si Társilo.

Isáng haguinít ang siyáng umalin~gawn~gáw sa han~gin at pumalò ang yantóc sa canyáng licód. Nan~giníg, nan~gurong ang canyáng m~ga casucasuan. Inulit-ulit ang pagpalò n~g yantóc, n~guni't nanatili si Társilo sa pagwawaláng bahalà.

--¡Hagupitín siyá n~g palò hanggáng sa pisanan ó magsalità!--ang sigáw n~g alférez na nagn~gin~gitn~git.

--¡Magsabi ca na!--ang sinabi sa canyá n~g directorcillo;--sa papaano ma'y pápatayin ca rin lamang.

Mulíng inihatid siyá sa salas na kinalalagyan n~g isáng napipiit, na tumatawag sa m~ga santo, nan~gan~galigkig ang m~ga n~gipin at ang m~ga paa'y cusang nahuhubog.

--¿Nakikilala mo ba iyán?--ang tanóng ni parì Salvi.

--¡N~gayón co lamang siyá nakita!--ang sagót ni Társilo, na minámasdan ang isá n~g may halong habág.

Binigyán siyá n~g isáng suntóc at isáng sicad n~g alférez.

--¡Inyóng igapos siyá sa bangcó!

Hindi na inalís sa canyá ang m~ga «esposas» na nadúdumhan n~g dugô, at siyá'y itinali sa isáng bangcóng cahoy. Lumin~gap ang caawaawà sa canyáng paliguid, na anaki'y may hinahanap siyáng anó man, at n~g canyáng nakita si doña Consolación, siyá'y humalakhác n~g patuyâ. Sa pagtatacá n~g m~ga nanonood ay sinundán nilá ang tinítingnan n~g nagagapos, at ang caniláng nakita'y ang guinoong babae, na nan~gan~gatlabì n~g cauntî.

--¡Hindi pa acó nacacakita n~g ganyáng capan~gít na babae!--ang biglang sinabi n~g malacás ni Társilo, sa guitná n~g hindî pag-imíc nino man;--ibig co pang humigâ sa ibabaw n~g isáng bangcò, na gaya n~g calagayan co n~gayón, cay sa humigâ acó sa siping niyá na gaya n~g alférez.

Namutlâ ang Musa.

--Papatayin pô ninyó acó sa palò, guinoong alférez,--ang ipinagpatúloy;--n~gayóng gabi ipanghíhiganti aco n~g inyóng asawa pagyacap niyá sa inyó.

--¡Lagyán ninyó n~g pang-al ang bibig!--ang sigáw n~g alférez na nahíhibang at nan~gán~gatal sa galit.

Tila mandin waláng ibáng hináhan~gag si Társilo cung di ang siyá'y magcapang-al, sa pagca't pagcatapos na siyá'y malagyan n~g pang-al na iyón, nagsaysáy ang canyáng m~ga matá n~g isáng kisláp n~g catuwáan.

Sa isáng hudyát n~g alférez, pinasimulan n~g isáng guardiang may hawac na isáng yantóc, ang canyáng cahapishapis na catungculan, Nan~gurong ang boong catawán ni Társilo; isáng un~gol na sacál at mahabà ang siyáng nárin~gig, bagá man napapasalan ang canyáng bibig n~g damit; tumun~gó: napípigtâ ang canyáng damít n~g dugô.

Tumindig n~g boong hirap si parì Salvi, na namúmutlà't sirâ ang panin~gín, humudyát n~g camáy, at linisan ang salas na nan~gán~galog ang m~ga tuhod. Nakita niyá sa daan ang isáng dalagang nacasandál sa pader, matuwíd ang catawán, hindi cumikilos, nakíkinig na lubós, tinítingnan ang álang-álang, nacaunat ang m~ga nan~gán~gayumcom na m~ga camáy sa lumang muog. Binibilang manding hindi humíhin~ga ang m~ga hampás na macalabóg, waláng taguintíng at yaóng cahambál-hambál na daing. Siyá ang capatíd na babae ni Társilo.

Samantala'y ipinagpapatuloy sa salas ang cagagawang iyón; ang culang palad, sa hindi na macayang bathing hirap, ay napipi at hinintáy na man~gapagál ang canyáng m~ga verdugo. Sa cawacasa'y inilawít ang m~ga bisig n~g sundalong humihin~gal; ang alférez, na namúmutlâ sa galit at sa pangguiguilalás, humudyát n~g isá upang calaguín ang pinahihirapan.

Nang magcágayo'y nagtindíg si doña Consolación at bumulóng n~g ilán sa canyáng asawa. Tuman~gô itó, sa pagpapakilalang canyáng naunawà.

--¡Dalhín siyá sa bal-on!--anyá.

Natatalastas n~g m~ga filipino cung anó ang cahulugán n~g salitáng itó; isinasatagalog nilá sa sabing
timbain.
Hindi namin maalaman cung sino cayâ ang nacaisip n~g ganitóng gawâ. Ang Catotohanang umaahon sa isáng bal-on, marahil ay isáng pagbibigáy cahulugáng nápacamatindíng libác.

Sa guitnâ n~g patio n~g tribunal ay naroroon ang caayaayang pader na na caliliguid sa isáng bal-on; ang pader na yaó'y batóng buháy na magaspáng ang pagcacágawâ. Isáng casangcapang tulad sa pinggáng cawayan (timbalete) ang siyáng doo'y gamit sa pagcuha n~g tubig na malapot, marumí at mabahò. M~ga papantin~gin, m~ga dumi at ibá pang masasamáng tubig ang doo'y natitipon, sa pagcá't ang bal-ong yaó'y tulad naman sa bilangguan; doon inihuhulog ang lahat n~g pinawawalang halagá ó ipinalalagay na wala nang cabuluhán; casangcapang doo'y mahulog, magpacabutibuti, wala n~g halagá. Gayón ma'y hindi tinatabunan cailán man: manacánacang pinahihirapan ang m~ga bilanggóng hucayi't palaliman ang bal-ong iyón, hindi dahil sa balac na muha n~g capakinaban~gán sa parusang iyón, cung dî dahil sa m~ga cahirapang nangyayari sa gawáng iyón: ang bilanggóng doo'y lumusong ay nacacacuha n~g lagnát na ang caraniwa'y ikinamámatay.

Pinanonood ni Társilo, na nacatitig, ang m~ga paghahandâ n~g m~ga sundalo; siyá'y namúmutlâ n~g mainam at nan~gán~gatal ang canyáng m~ga labì ó bumúbulong n~g isáng dalan~gin. Warì'y nawalâ ang pagmamataas niyá sa canyáng di maulatang hirap, ó cung hindi ma'y hindi na totoong masimbuyó. Macailang inilun~gayn~gáy ang nacalindíg na liig, tumitig sa lupà, sang-ayong magdalità.

Dinalá siyá nilá sa pader na nacaliliguid sa bal-on, na sinúsundan ni doña Consolacióng nacan~gitî. Isáng sulyáp, na may tagláy na panaghilì, ang itinapon n~g sawíng palad, sa nagcacapatong-patong na m~ga bangcáy, at isáng buntóng hinin~gá ang tumacas sa canyáng dibdib.

--¡Magsabi ca na!--ang mulíng sinabi sa canyá n~g directorcillo,--sa papaano ma'y bibitayin ca; mamatáy ca man lamang na hindi totoong naghirap n~g malakí.

--Aalis ca rito upáng mamatáy,--ang sinabi sa canyá n~g isáng cuadrillero.

Inalisán nilá siyá n~g pang-al, at ibinitin siyáng ang tali ay sa m~ga paa. Dapat siyáng ihugos n~g patiwaric at manatiling malaón laón sa ilalim n~g tubig, catulad n~g guinágawâ sa timbâ, na ang caibhán lamang ay lalong pinalalaon ang tao.

Umalis ang alférez upáng humanap n~g relós at n~g bilan~gin ang m~ga minuto.

Samantala'y nacabitin si Társilo, ipinapawid n~g han~gin ang canyáng mahabang buhóc, nacapikit n~g cauntî.

--Cung cayó'y m~ga cristiano, cung may pusò cayó,--ang ipinamanhic n~g paanás,--ihugos ninyó acó n~g matulin, ó ihugos ninyó sa isáng paraang sumalpóc ang aking ulo sa bató at n~g acó'y mamatáy na. Gagantihin cayó n~g Dios sa magandáng gawáng ito ... marahil sa ibáng araw ay mangyari sa inyó ang kináhínatnan co.

Nagbalíc ang alférez at pinan~guluhan ang paghuhugos na tan~gan ang relós.

--¡Marahan, marahan!--ang sigáw ni doña Consolacióng sinusundan n~g matá ang cahabaghabág;--¡mag-in~gat cayó!

Marahang bumábabà ang timbalete; humihilahis si Társilo sa m~ga batóng nan~gacaumbóc at sa m~ga mababahong damóng sumisibol sa m~ga guiswác. Pagca tapos ay hindi na cumilos ang timbalete; binibilang n~g alférez ang m~ga segundo.

--¡Itaás!--ang matinding utos, n~g macaraan na ang calahating minuto.

Ang in~gay na mataguintíng at nagcacasaliwsaliw n~g m~ga patac n~g tubig na nahuhulog sa ibabaw n~g tubig ang siyáng nagbalità n~g pagbabalíc n~g may sala sa caliwanagan. N~gayón, palibhasa'y lalong mabig-at ang pabató, siyá'y nanhíc n~g mabilis. Nanglálaglag n~g malaking in~gay ang m~ga batóng natitingcab sa m~ga tabí n~g balón.

Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc n~g carumaldumal na pusalì, puspos n~g m~ga sugat at m~ga galos ang canyáng mukhâ, ang catawa'y basâ at tumutulò, n~g siyá'y sumipót sa m~ga matá n~g caramihang hindi umíimic; pinapan~gán~galigkig siyá sa guináw n~g han~gin.

--¿Ibig mo bang magsaysáy?--ang sa canyá'y caniláng itinanóng.

--¡Huwág mong pabayaan ang capatid cong babae!--ang ibinulóng n~g caawaawà, na tinititigan n~g pagsamò ang isáng cuadrillero.

Mulíng cumalairit ang pinggáng cawayan, at mulíng nawalá ang pinahihirapan. Nahihiwatigan ni doña Consolacióng hindî gumágalaw ang tubig. Bumilang n~g isáng minuto ang alférez.

Nang mulíng ipanhic si Társilo'y nacawin~gî at nan~gin~gitim ang mukhâ. Tinitigan niyá ang m~ga naroroon at nanatiling nacadilat ang m~ga matáng nan~ga múmula sa dugô.

--¿Magsasabi ca ba?--ang mulíng itinanóng n~g alférez na ang tinig ay nanglúlupaypay.

Umilíng si Társilo, at muli na namang inihugos siyá. Untiunting nasásarhan ang m~ga pilic-matá niyá, ang balingtatáo n~g canyáng m~ga matá'y nananatili sa pagtitig sa lan~git na pinapawiran n~g mapuputíng alapaap; ibinabalì ang liig upáng macapanatili sa panonood n~g liwanag n~g araw, n~guni't pagdaca'y napilitang lumubog sa tubig, at tinacpán n~g carumaldumal na tabing na iyón ang canyáng minámasdang daigdíg.

Nagdaan ang isáng minuto; namasid n~g tumítin~ging Musa ang malalaking bulubóc n~g tubig na napaiibabaw.

--¡Nauuhaw!--ang sabing tumatawa.

At mulíng tumining ang tubig.

Isáng minuto't calahati ang itinagál n~gayón, bago humudyát ang alférez.

Hindi na nacawin~gi ang mukhá ni Társilo; nasisilip sa nacasiwang na pan~gisáp ang puti n~g matá, lumálabas sa bibig ang tubig na pusaling may cahalong cumacayat na dugô; humihihip ang han~ging malamíg, n~guni't hindi na nan~gan~gán~galigkig ang canyáng catawán.

Nan~gagtin~ginan ang lahát na waláng imíc, nan~gamumutlâ at pawang nan~ga alaguím. Humudyat ang alférez upáng alisin sa pagcabitin si Társilo at lumayóng naglilininglining; macailang idiniit ni doña Consolación sa nacalilís na m~ga paa n~g bangcáy ang baga n~g canyáng tabacô, n~guni't hindi cumatál ang catawán at namatáy ang apóy.

--¡Nag-inís siyá sa sarili!--ang ibinulóng n~g isáng cuadrillero;--masdán ninyó't binaligtád ang canyáng dilà, na anaki pinacsâ niyáng lunukín.

Pinagmámasdang nan~gán~gatal at nagpápawis niyóng isáng bilanggô ang m~ga guinagawâng iyón; lumilin~gap na ang camukhá'y ulól sa lahát n~g panig.

Other books

Raine on Me by Dohner, Laurann
Blood of the Sorceress by Maggie Shayne
Summer Girl by Casey Grant
Wine of Violence by Priscilla Royal
Unexpected Gifts by S. R. Mallery
Placebo by Steven James
First Kiss by Bernadette Marie
The Omega Command by Jon Land