Noli Me Tangere (52 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
4.48Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¡Duwag!--ang sigaw n~g babae,--¡hindi ca macapan~gahas lumapit!

At linurhan ang alférez upang ito'y lalong magn~gitn~git. Pinagdimlan ang lalaki at umaatun~gal na hinandulong ang babae; n~guni't hinaplit nito n~g caguilaguilalas na caliksihan ang mukha n~g lalaki at saca sumagasang tumacbong tuloytuloy sa canyang silid, at biglang sinarhan n~g malacas ang pinto. Hinabol siya n~g alférez, na humahagoc sa galit at sa sakit n~g palong tinanggap, n~guni't walang nasunduan cung di mapahampas sa pintò, bagay na sa canya'y nagpabulalas n~g m~ga tun~gayaw.

--¡Sumpaín nawà ang iyong angcan, babaeng baboy! ¡Bucsán mo, p--p--, bucsan mo, sa pagca't cung hindi'y babasaguin co ang iyong bun~gô!--ang iniaatun~gal, at kinacalabog ang pinto n~g canyang m~ga suntoc at sicad.

Hindi sumasagot si doña Consolación. Nariri~ngig sa dacong loob ang calampagan n~g m~ga silla at m~ga baul, na anaki mandin nagtatayo n~g isang cutà sa pamamag-itan n~g m~ga casangcapang-bahay. Yumayanig ang bahay sa m~ga sicad at m~ga tun~gayaw n~g lalaki.

--¡Huwag cang pumasoc! ¡huwag cang pumasoc!--ang sabi n~g maasim na tinig n~g babae; ¡papuputucan co icaw pagca sumun~gaw ca!

Tila mandin untiunting pumapayapa ang lalaki, at nagcasiya na lamang siya sa magpalacadlacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dulo n~g salas, na ang isang halimaw na na sa sa jaula ang catulad.

--¡Pasalansan~gan ca't magpalamig icáw n~g ulo!--ang patuloy na paglibac n~g babae, na tila mandin nacatapos na n~g pagtatayo n~g caniyang pangsangalang na cutà.

--¡Isinusumpa co sa iyo, na pagca kita'y nahaguip, cahi't ang Dios ay hindi ca makikita, salaulang babaeng p--!

--¡Oo! masasabi mo na ang ibiguin!... ¡aayaw cang aco'y magsimba! ¡aayaw mo acong bayaang gumanap sa Dios!--ang sabi n~g boong capalibhasaang siya lamang ang marunong gumawà.

Dinampot n~g alférez ang canyang capacete, naghusay n~g caunti, at saca umalis na ang hakbang ay malalaki, datapwa't pagcaraan n~g ilang sandali'y dahandahang bumalic: siya'y nag-alis n~g canyang m~ga bota. Palibhasa'y bihasang macapanood ang m~ga alila roon n~g m~ga ganitong pangyayari, caraniwang sila'y inaabot n~g yamot, n~guni't canilang pinagtakhan ang pag-aalis n~g m~ga bota, bagay na hindi dating guinagawa, caya't nan~gagkindatan ang isa't isa.

Naupo ang alférez sa isang silla, sa tabi n~g dakilang pinto, at nacapagtiis na maghintay roon n~g mahiguit na calahating oras.

--¿Tunay bagang umalis ca na ó naririyan ca pa, lalaking cambing?--ang tanong na manacanaca n~g tinig, na pinagbabagobago ang lait, n~guni't nalalao'y ilinalacas.

Sa cawacasa'y untiunting inalis niya ang m~ga casangcapang ibinunton sa tabi n~g pinto: naririnig n~g lalaki ang calampag, caya't siya'y n~gumin~giti.

--¡Asistente! ¿umalis na ba ang pan~ginoon mo?--ang sigaw ni doña Consolación.

Sumagot ang asistente sa isang hudyat n~g alférez:

--Oo po, guinoo, umalis na.

Narin~gig ang masayang tawa n~g babae, at saca hinugot ang talasoc n~g pinto ...

Isang sigaw, ang calabog n~g catawang natutumba, m~ga sumpa, atun~galan, m~ga tun~gayaw, m~ga hampas, m~ga tinig na paós ... ¿Sino ang macapagsasaysay n~g nangyari sa cariliman n~g silid na tulugan?

Ang asistente ay napasapanig n~g bahay na pinaglulutuan, at nagbigay sa tagapagluto n~g isang hudyat na macahulugan.

--¡At icaw ang magbabayad!--ang sinabi sa asistente n~g tagapagluto.

--¿Aco? ¡Cung sacali'y ang bayan ang siyang magbabayad! Itinanong niya sa akin kung umalis na: tunay; n~guni't bumalik.

=XL.=

=ANG CATUWIRA'T ANG LACAS.=

Niyao'y may icasampong oras na n~g gabi. Nanghihinamad na napaiimbulog at nagnining sa madilim na lan~git ang ilang globong papel, na ipinaitaas sa pamamag-itan n~g asó at n~g han~ging pinainit. Ang ilang m~ga globong pinamutihan n~g m~ga bomba't coetes ay nan~gasunog at isinasapan~ganib ang lahat n~g bahay; dahil dito'y may nakikita pang m~ga tao sa m~ga palupo, na may m~ga dalang isáng mahabang cawayang sa dulo'y may nacacabit na basahan at saca isang baldeng tubig. Naaaninagnagan ang maiitim nilang anyo sa malamlam na liwanag n~g impapawid, at ang cahalimbawa nila'y m~ga fantasmang mula sa alang-alang na nanaog upang manood n~g m~ga casayahan n~g m~ga tao. Sinusuhan din naman ang maraming m~ga "rueda", m~ga "castillo", m~ga toro ó m~ga calabaw na apoy, at isang malaking volcang sa ganda at cadakilaa'y linaluan ang calahatlahatang nakita hanggang sa panahong iyon n~g m~ga taga San Diego.

N~gayo'y tumutun~go ang caramihang m~ga tao sa dacong plaza n~g bayan, upang panoorin ang huling palalabasin sa teatro. Dito't doo'y may nakikitang m~ga ilaw n~g Bengala (luces de Bengala), na siyang lumiliwanag n~g catacataca sa masasayang m~ga pulutong; gumagamit ang m~ga bata n~g m~ga sigsig sa paghahanap n~g m~ga bombang hindi pumutoc, at iba pang m~ga labí na mangyayari pang gamitin, datapuwa't tumugtog ang música n~g isang palatandaan, at n~g magcagayo'y linisan n~g lahat ang capatagang iyon.

Mainam na totoo ang pagcacapaliwanag sa tablado, libolibong m~ga ilaw ang nacaliliguid sa m~ga haligui, nacabitin sa bubun~gan, at nasasabog sa sahig na masinsin ang pagcacapulupulutong. Isáng alguacil ang siyáng nag-aalaga n~g m~ga ilaw na iyón, at pagca napaparoon at n~g mapagbuti ang m~ga ilaw na cucutapcutap, siya'y pinagsusutsutanan at sinisigawan n~g madla;--¡Nariyan na, nariyan na siyá!

Sa haráp n~g escenario (palabasan) ay pinagtotonotono n~g orquesta ang canilang m~ga instrumento, ipinaririn~gig ang m~ga pan~gunahin n~g m~ga tugtuguin; sa licuran n~g orquesta'y naroroon ang lugar na sinasabi n~g corresponsal sa canyáng sulat. Ang caguinoohan sa bayan, ang m~ga castila at ang m~ga mayayamang dayo'y nan~gagsisiupo na sa nahahanay na m~ga silla. Ang bayan, ang m~ga taong walang catungculan at walang m~ga dan~gal na caloob n~g pamahalaa'y siyang nacalalaganap sa nan~gatitirang lugar sa plaza; may pas-ang bangco ang m~ga iba, na ang caraniwa'y hindi n~g upuan cung di n~g bigyang cagamutan ang pagca pandac: pinanggagalin~gan ang ganitóng gawâ n~g maiin~gay na m~ga pagtutol n~g m~ga walang bangco; pagcacagayo'y nan~gagsisipanaog agad-agad ang m~ga nacatayo sa bangco; n~guni't hindi nalalao't sila'y muling pumapanhic, na parang walang ano mang nangyari.

M~ga pagpaparoo't parito, m~ga sigawan, m~ga in~gayan sa pagtataca, m~ga halakhacan, isáng huli na sa panahóng "buscapié", isang "reventador" ang siyang nan~gagdáragdag n~g cain~gayan. Sa daco rito'y may nababaling paa n~g isáng bangco at nan~gahuhulog sa lupa, sa guitna n~g tawanan n~g caramihan, ang m~ga taong nanggaling sa malayo at n~g macapanood ay n~gayo'y siyang naguiguing panoorin; sa daco roo'y nan~gag-aaway sa pagpapan~gagaw sa lugar; sa dacong malayo pa roo'y may naririn~gig na isáng calampagan n~g nababasag na m~ga copa at m~ga botella: yao'y si Andeng na may daláng m~ga alac at m~ga pangpatid uhaw; main~gat na tan~gan n~g dalawang camay ang malapad na bandeja, n~guni't canyang nacasalubong ang sa canya'y nan~gin~gibig, na nag-acalang magsamantala n~g gayong calagayan ...

Nan~gun~gulo sa pamamanihala at cahusayan n~g panoorin ang teniente mayor na si don Filipo; sa pagca't malulugdin sa "monte" ang gobernadorcillo. Ganito ang sabi ni don Filipo cay matandang Tasio:

--¿Ano caya ang mabuti cong gawin?--ang sabi niyá;--hindi tinanggap n~g Alcalde ang pagbibitíw co n~g catungculan;--"¿inaacala po ba ninyóng salá't cayó sa lacás sa pagganap n~g inyóng m~ga catungculan?"--ang itinanóng sa akin.

--At ¿ano ang inyong isinagot?

--¡Guinoong Alcalde!--ang aking isinagot;--ang m~ga lacas n~g isang teniente mayor, cahi't magpacawalawalang capacanan, pawang catulad n~g m~ga lacas n~g lahat n~g m~ga pinuno: nanggagaling ang m~ga lacas na iyan sa m~ga matataas na pinunò. Tinatanggap n~g cahi't hari man ang canyang m~ga lacas sa bayan at tinatanggap naman n~g bayan sa Dios ang canyang lacas. ¡Itong bagay na ito pa naman ang wala sa akin, guinoong Alcalde!--Datapuwa't hindi aco pinakingan n~g Alcalde, at sinabi sa aking pag-uusapan na raw namin ang m~ga bagay na ito pagca tapos n~g m~ga fiesta.

--¡Cung gayo'y tulun~gan nawa cayo n~g Dios!--ang sinabi n~g matanda, at nag-acalang umalis.

--¿Aayaw po ba cayong manood n~g palabas?

--¡Salamat! hindi co kinacailan~gan ang sino man sa pananaguinip at sa paggawa n~g m~ga caululan, sucat na acong mag-isa,--ang isinagot n~g filósofong calakip ang isang tawang palibac;--datapuwa't n~gayo'y naalaala co, ¿hindi ba tinatawag ang inyong paglilining n~g caugalia't hilig n~g ating bayan? Payapa, n~guni't malulugdin sa m~ga panooring nauucol sa m~ga pagbabaca at sa m~ga labanang sumasabog ang dugò, ibig ang pagcacapantay-pantay, datapuwa't sumasamba sa m~ga emperador, sa m~ga hari at sa m~ga príncipe; hindi mapagpitagan sa religión, n~guni't iniwawaldas ang pamumuhay sa m~ga walang cabuluhang pag paparan~galan sa m~ga fiesta; ang m~ga babae rito sa atin ay may caugaliang matimyas, n~guni't nan~gahahaling pagca nacacakita n~g isang princesang nagpapa-ikit n~g sibat ... ¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang cadahilanan nito? Talastasin po ninyong dahil sa....

Pinutol ang canilang salitaan n~g pagdating ni María Clara at n~g canyang m~ga caibigang babae. Tinanggap sila ni don Filipo, at sinamahan sila sa canicanilang upuan. Sumusunod sa canila ang curang may casamang isa pang franciscano't ilang m~ga castila. Casama rin naman n~g cura ang ilang m~ga mamamayang ang hanap-buhay umalacbay tuwina sa m~ga fraile.

--¡Bigyang pala nawà sila n~g Dios naman sa cabilang buhay!--anang matandang Tasio, samantalang lumalayo.

Pinasimulan ang palabas cay Chananay at cay Marianito, sa pagcanta n~g "Crispino e la comare". May m~ga mata at may pakinig ang lahat n~g na sa escenario, liban lamang sa isá: si párì Salvi. Tila mandin walang sinadyâ n~g nagbibigay paroon cung di bantayan si María Clara, na ang tinataglay na cahapisa'y nagbibigay sa canyang cagandahan n~g isang anyong cahimahimalá sa ningning at cahalagahan, na ano pa't napagwawaring tunay n~g ang may catuwirang siya'y panoorin n~g boong pagliyag. N~guni't hindi nan~gagsasaysay n~g pagliyag ang m~ga mata n~g franciscano, na lubhang natatago sa malalim na hungcag na kinalalagyan n~g canyang m~ga panin~gin; nababasa sa m~ga titig na iyon ang isang bagay na cahapisang may malaking pagn~gin~gitn~git: ¡gayon marahil ang m~ga mata ni Caín sa panonood, buhat sa malayo, n~g Paraiso, n~g m~ga caligayahan, doo'y ipinakilala sa canya n~g canyang ina!

Nagtátapos na ang "acto" (bahagui) n~g pumasoc si Ibarra; pinanggalin~gan ang pagdating niya roon n~g isang bulungbulun~gan: siya at ang cura ang siyang pinagtinin~gan n~g pagpansin n~g lahat.

Datapuwa't parang hindi nahiwatigan n~g binata ang bagay na iyon, sa pagca't bumati siya n~g walang kimì cay María Clara at sa canyang m~ga caibigang babae, at naupo sa tabi n~g canyang casintahan. Si Sinang ang tan~ging nagsalitâ:

--¿Pinanood mo ba ang volcan?--ang initanong.

--¿Hindi caibigan? ako'y napilitang aking samahan ang Capitan General.

--Cung gayo'y ¡sayang! Casama namin ang cura, at sinasaysay sa amin ang m~ga naguing buhay n~g m~ga napacasama; ¿nakita mo na? tacutin cami at n~g huwag caming macapagsaya, ¿nakita mo na?

Nagtindig ang cura at lumapit cay don Filipo, na tila mandin canyang pinakipagtalunan n~g masilacbo. Mainit ang pananalita n~g cura, mahinusay naman at mahina ang pananalita ni don Filipo.

--Dinaramdam co pong hindi aco macapagbigay-loob sa inyo; ang sabi ni don Filipo;--si guinoong Ibarra'y isa sa m~ga lalong malalaki ang ambag, at may catuwirang macalagay rito samantalang hindi nanggugulo n~g capayapaan.

--¿N~guni't hindi ba panggugulo n~g capayapaan ang magbigay casalanan sa mabubuting m~ga cristiano? ¡Iya'y isang pagpapabayang macapasoc ang isang lobo sa cawan n~g m~ga mababait na tupa. ¡Sasagot ca sa bagay na ito sa harap n~g Dios at sa harap n~g m~ga matataas na puno!

Cailan man po'y nananagot aco, padre, sa lahat n~g m~ga gawang bucal sa aking sariling calooban,--ang isinagot ni don Filipo na yumucod n~g caunti;--datapuwa't hindi binibigyang pahintulot aco n~g aking maliit na capangyarihang makialam sa m~ga bagay na nauucol sa religión. Ang m~ga nag-iibig man~gilag na canyang macapanayam ay huwag makipagsalitaan sa canya: hindi naman namimilit si guinoong Ibarra canino man.

--¡N~guni't isáng pagbibigay puang sa pan~ganib, at cung sino ang umiibig sa pan~ganib ay sa pan~ganib namamatay!

--Wala acóng nakikitang anó mang pan~ganib, padre: ang guinoong Alcalde at ang Capitan General, na aking m~ga punong matataas, capuwa nakipag-usap sa canyá sa boong hapong itó, at hindi n~ga acó ang sa canila'y magpapakilalang masama ang canilang guinawa.

--Cung hindi mo siyá palalayasin dito'y cami aalis.

--Daramdamin cong totoo, datapuwa't hindi aco macapagpapalayas dito sa canino man.

Nagsisi ang cura sa sinabi, n~guni't wala n~g magawa. Humudyát sa canyáng casama, na nagtindig na masama ang loob, at capuwa sila umalis. Guinagád silá n~g m~ga taong caniláng cacampí, baga man inirápan muna nila n~g boong pagtataním si Ibarra.

Napuspos ang ugong n~g m~ga bulungbulun~gan at salisalitaan: n~g magcagayo'y nan~gagsilapit at nan~gagsibati sa binatang si Ibarra ang ilang m~ga tao, at sinabi sa canyá:

--¡Sumasainyo cami; huag po ninyóng pansinin ang m~ga iyán!

--¿Sinong m~ga "iyan"?--ang itinanong na nagtátaca.

--¡Iyang m~ga nagsialis at n~g mapan~gilagan ang macapanayam po ninyo!

--¿At n~g mapan~gilagan ang aking pakikipanayam? ¿ang aking pakikipanayam?

--¡Opo! ¡anila'y excomulgado raw po cayó!

--Sa pagtatacá ni Ibarra'y hindi naalaman cung anó ang sasabihin, at lumin~gap sa canyáng paliguid. Canyáng nakita si María Clara na tinatacpan ang mukha n~g canyáng abanico.

--N~guni't ¿ito baga'y dapat cayang mangyari?--ang sa cawacasa'y bigláng sinabi n~g malacás;--¿casalucuyan bang na sa unang panahón tayo n~g cadilimán? Sa macatuwid baga'y....

At lumapit sa m~ga dalaga, at binago ang anyo n~g pananalitâ.

--Pagpaumanhinan ninyó acó,--anyá,--nacalilimot acóng mayroon paláng sa aki'y naghihintay na aking catipán; magbabalic acó at n~g cayo'y aking masamahan.

--¡Huwag cang umalís!--ang sa canya'y sinabi ni Sinang;--sasayaw si Yeyeng sa "La Calandria"; ¡totoong calugodlugod sumayaw!

--Hindi maaari, caibigan co, datapuwa't aco'y bábalic.

Lalong lumala ang m~ga bulungbulun~gan.

Samantalang lumalabas si Yeyeng na nacasuot "chula" at sinasabi ang "Da usté su permiso?" ("¿Ipinagcacaloob po ba ninyo ang inyong pahintulot?") at sinasagot siya ni Carvajal n~g "Pase usté adelante" ("Tumuloy po cayo") at iba pa, nan~gagsilapit ang dalawang sundalo n~g guardia civil cay don Filipo at hinihin~ging ihinto ang pagpapalabas.

Other books

The Bag of Bones by Vivian French
Heartbreaker Hanson by Melanie Marks
Stay by Deb Caletti
The House of Dreams by Kate Lord Brown
4 Vamp Versus Vamp by Christin Lovell
The Heart of Mine by Amanda Bennett
Fire Season by Philip Connors
Singing Heart by Purcell, Darlene
Deadly Captive by Bianca Sommerland