Noli Me Tangere (24 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.72Mb size Format: txt, pdf, ePub

Hindî napiguil ni Ibarra ang isáng n~gitî.

--Cayô po'y nagtátawa--ang mulíng sinabi n~g maestro na nagtátawa rin namán:--ang masasabi co pô sa inyó'y hindî acó macatawa n~g mangyari sa akin ang bagay na iyón. Nacatindíg acó; náramdaman cong umaacyát sa aking úlo ang dugô at isáng kidlát ang nagpapadilím sa aking ísip. Nakita cong maláyò ang cura, totoong maláyò; lumapit aco't upang tumútol sa canyá, na dî co maalaman cung anó ang sa canyá'y aking sasabihin. Namaguitnâ ang sacristan mayor, nagtinig ang cura at sinabi sa akin sa wícang tagalog na nagagalit:--"Howág mong paggamitan acó n~g hirám na m~ga damít; magcásiya ca na lámang sa pagsasalitâ n~g iyóng sariling wícà, at howág mong sirâin ang wícang castilang hìndî ucol sa inyó. ¿Nakikilala mo bâ si maestrong Ciruela? Unawain mong si Ciruela'y isáng maestrong hindî marunong bumasa'y naglalagay n~g escuelahan."--Inacalà cong siyá'y piguilin, n~guni't nasoc siyá sa canyáng cuarto at biglang isinará n~g boong lacas ang pintô. ¿Anó ang aking magágawâ acóng bahagyâ na magcásiya sa ákin ang áking sueldo, na upang másin~gil co ang sueldong itó'y aking kinacailan~gan ang "visto bueno" n~g cura at maglacbay acó sa "cabecera" (pan~gúlong báyan) n~g lalawigan; anó ang magágawâ cong laban sa canyá, na siyang pan~gulong púnò n~g calolowa, n~g pamamayan at n~g pamumuhay sa isáng báyan, linálampihan n~g canyáng capisanan, kinatatacutan n~g Gobierno, mayaman, macapangyarihan, pinagtatanun~gan, pinakikinggan, pinaniniwalâan at linilin~gap n~g lahát? Cung inaalimura acó'y dapat acóng howág umimíc; cung tumutol aco'y palalayasin acó sa áking pinaghahanapang-búhay at magpacailan ma'y mawawalâ na sa akin ang catungculan co, datapuwa't hindî dahil sa pagcacágayón co'y mápapacagaling ang pagtúturò, cung dî baligtád, makikicampí ang lahát sa cura, caririmariman acó at acó'y tatawaguing hambóg, palálò, mápagmataas, masamáng cristiano, masamâ, ang túrò n~g magúlang, at cung magcabihirà pa'y sasabihing caaway acó n~g castilà at "filibustero." Hindî hinahanap sa maestro sa escuela ang marunong at masípag magtúrò; ang hiníhin~gî lámang sa canyá'y ang matutong magtiís, magpacaalimura, huwág cumilos, at, ¡patawárin nawâ, acó n~g Dios cung aking itinacuíl ang aking "conciencia" at pag-iísip! datapuwa't ipinan~ganác acó sa lupaíng itó, kinacailan~gan cong mabuhay, may isáng iná acó, caya't nakikisang-ayon na lámang acó sa aking capalaran, túlad sa bangcáy na kinácaladcad n~g álon.

--¿At dahil po bâ sa hadláng na itó'y nanglupaypáy na cayó magpacailan man?

--¡Cung acó n~ga disin ay nagpacadalâ!--ang isinagót;--¡hanggang doon na lamang sána sa m~ga nangyaring iyón ang dinating cong m~ga casaliwàang palad! Túnay n~ga't mulâ, niyaó'y totoong kinasusutan co na ang aking catungculan; nag-isip acóng cumita n~g ibáng hánap-búhay na gáya n~g aking hinalinhán, sa pagca't isáng pahírap ang gawâ, pagcâ guináganap n~g masamâ sa loob at nacapagpapaalaala sa akin ang escuelahan sa aráw-áraw n~g aking pagcaalimúra, na síyáng naguiguing dahil n~g aking pag-lan~gap n~g totoong capaitpaitang m~ga pagpipighatî sa mahahábang horas. N~guni't ¿anó ang aking gágawin? Hindî co mangyaring masabi ang catotohanan sa aking iná; kinacailan~gang cong sabihing nacapagbíbigay ligáya n~gayón sa akin ang canyáng tatlóng taóng m~ga pagpapacahírap upang acó'y magcaroon n~g ganitóng catungculan; kinacailan~gang papaniwalâin co siyáng ang hanap-búhay co'y totoong nacapagbíbigay dan~gál; na ang pagpapacapagod co'y cawiliwíli; nasasabugan n~g m~ga bulaclac ang landás; na waláng naguiguing bun~ga ang aking pagtupad n~g m~ga catungculan cung dî ang pagcacaroon n~g m~ga caibigan; na aco'y iguinagalang n~g bayan at pinupuspos n~g m~ga paglín~gap; sa pagca't cung hindî gayón ang aking gawin, bucod sa acó'y na sa casawíang palad na'y papagdadalamhatîin co pa ang ibá, bágay na bákit walâ na acóng capakinaban~gan ay ipagcacasala co pa. Nananatili n~ga aco sa aking calagayan at hindî co mìnagalíng na acó'y manglupaypáy: binantâ cong makilában sa masamang pálad.

Tumíguil na sandali ang maestro, at saca nagpatúloy:

--Mulâ n~g aco'y maalimura n~g gayóng pagcágaspang-gaspáng, sinúlit co ang áking sarili, at nakita kong tunay n~gâ namáng nápacahan~gal acó. Pinág-arálan co áraw-gabi ang wicang castílà, at ang lahát n~g m~ga nauucol sa áking catungculan; pinahihiram acó n~g m~ga libro n~g matandáng filósofo, binabasa co ang lahát n~g áking násusumpong, at sinisiyasat co ang lahát n~g áking binabasa. Dáhil sa m~ga bágong caisipáng násunduan co sa isa't isá ay nagbágo ang áking palácad n~g bait, at áking nakita ang maraming bagay na ibá ang anyô cay sa pagcâtin~gin co n~g úna. Nakita cong m~ga camalian ang m~ga dating ang boong acála co'y m~ga catotohanan, at nakita cong pawang m~ga catotohanan ang m~ga ipinalálagay co n~g únang m~ga camalian. Ang m~ga pamamálò, sa halimbawà, na búhat sa caunaunáhang mulá'y siyáng saguísag n~g m~ga escuélahan, at ang ísip co n~g úna'y siyáng tan~ging paráang lálong malacás sa pagcatuto,--binihasa tayo sa ganyáng ang paniniwálà,--aking napagwarì n~g matápos, na dî lámang hindî nacatutulong n~g pagsulong n~g bátà sa pag-aaral, cung dî bagcós pang nacasisirà sa canyá n~g di anó lamang. Napagkilála cong maliwanag na hindî n~gâ mangyayaring macapag-isip cung na sa m~ga mata ang "palmeta" ó ang m~ga pamálò; ang tácot at ang pan~gin~gilabot ay nacagúgulo n~g bait canino man, bucód sa ang panimdim n~g bátà, palibhasa'y lálong guisíng ay lálò namáng madalíng cálimbagan n~g anó man. At sa pagcá't n~g mangyáring malimbag sa úlo ang m~ga caisipán ay kinacailan~gang maghári ang catiwasayan, sa labás hanggáng sa loob, na magcaroon n~g catahimican ang isip, magtamasa n~g capayapaan ang catawán at ang cálolowa at magtaglay n~g masigláng loob, inacála cong ang únang dápat cong gawin ay ang maguing carayámà co ang m~ga bátà, sa macatuwid baga'y huwag nilá acóng catacutan at ipalagáy nilá acóng caibigan, at ang silá'y matutong magmahál sa caniláng saríli. Napagkilala co rin namáng ang caniláng pagcakita sa araw-araw n~g pamamalo'y pumápatay sa caniláng púsò n~g áwà, at pumúpugnaw niyáng nin~gas n~g dan~gal, macapangyaríhang panggaláw n~g daigdig, at nálalakip sa gayón ang pagcawalâ n~g hiyâ, na mahirap n~g totoong mulíng magbalíc. Naliwanagan co rin namang pagcâ napapálo ang isá, nagtátamong caaliwan pagcâ napapalò namán ang m~ga ibá, at n~gumin~gitî sa towâ pagcâ náririn~gig niyá ang canilang pag-iyac; at ang pinapamámalò, bagá ma't masamâ sa loob ang pagsunód sa únang áraw, nabibihása na cung matápos at ikinaliligaya ang cahapishapis niyáng tungculin. Ikinalaguím co ang nagdaang panahón, aking pinagsicapang pagbutihin ang casalucuyan sa pagbabago n~g dating cagagawán. Pinacsâ cong calugdán at cawilihan ang pag-aáral, áking tinícang ang "cartilla'y" huwág málagay na librong maitím na napapaligûan n~g m~ga lúhà n~g camusmusán, cung dî isáng caibigang sa canyá'y mag-uulat n~g caguiláguìlalas na m~ga líhim; na ang escuelaha'y huwág maguíng púgad n~g m~ga capighatîan, cung dî isáng paraisong liban~gan n~g ísip. Untîuntî n~gang inalís co ang m~ga pamamálò, dinalá co sa áking báhay ang m~ga pamálò, at ang inihalíli co'y ang pagbíbigáy unlác sa masisipag mag-áral at n~g caigayahan n~g ibá at ang pagpapakilala n~g canícanílang sariling dan~gál. Cung hindî natututo sa pinag-aaralan, ipinalálagay cong sa caculan~gán n~g pagsusumákit, cailan ma'y hindî co sinasabing dahil sa capurulán n~g ísip; pinapaniniwalà co siláng caniláng tagláy ang lálong masaganang cáya, cay sa tunay na abót n~g caniláng lacás, at ang paniniwalang itóng caniláng pinagsisicapang papagtibayin, ang siyáng sa canilá'y pumipilit na mag-áral, túlad namán sa pagcacatiwálà sa sariling lacás na siyáng nagháhatid sa cabayaníhan. N~g nagpapasimulâ pa lámang acó'y tíla mandín hindî lálabas na magalíng ang áking bágong palácad: marámi ang hindî na nag-áaral; datapowa't ipinatuloy co, at aking námasid na untî-unting sumásaya ang m~ga loob, dumarami ang pumapasoc na m~ga bátà at lálong nagmamálimit, at ang minsang mapuri sa harapán n~g lahát, kinabucasa'y nag-iibayo ang natututuhan. Hindî nalao't cumalat sa bayang hindî acó namamalò; ipinatawag acó n~g cura, at sa pan~gan~ganib cong bacâ mangyari na namán ang gaya n~g úna, bumatì acó sa canyá n~g mapangláw sa wícang tagalog. Nito'y hindî siyá nanglibác sa ákin. Sinábi sa áking pinasásamâ co raw ang m~ga bátà; na sinasayang co ang panahón; na hindî acó gumáganap sa áking catungculan; na ang amáng hindî namamálò ay napopoot sa canyáng anác, ayon sa Espíritu Santo; na ang letra'y pumapasoc sa pamamag-itan n~g dugô, at ibá't ibá pa; sinaysay sa ákin ang isáng buntóng m~ga casabihán n~g panahón n~g m~ga catampalasanan, na anó pa't wari'y casucatan n~g nasabi ang isáng bágay n~g m~ga táo sa úna upang huwág n~g matutulan, at alinsunod sa ganitóng palácad n~g ísip ay dapat na n~gâ marahil nating paniwalâang nagcaroon sa daigdíg n~g m~ga cakilakilabot na anyô n~g m~ga háyop na kinathâ n~g ísip n~g m~ga táo n~g m~ga panahóng iyón at caniláng iniukit sa caniláng m~ga palacio at m~ga catedral. Sa cawacasa'y ipinagtagubilin sa áking aco'y magsípag at manumbalic acó sa unang caugalîan, sa pagca't cung hindî, siya'y magsusumbong sa alcalde lában sa ákin. Hindî humintô ríto ang áking casaliwâang pálad: n~g macaraan ang iláng áraw ay nan~gagsirating sa sílong n~g convento ang m~ga amá n~g m~ga bátà, at nan~gailan~gan acóng pasaclólo sa boong aking pagtitiis at pagsang-ayon. Nan~gagpasimula n~g pagpupuri sa m~ga panahóng únang ang m~ga maestro'y may matigás na loob at ang pagtúturong guinagawa'y tulad sa pagtutúro n~g caniláng m~ga núno."--¡Ang m~ga taóng yaón ang túnay na m~ga marurunong!--ang sábi nilá;--ang m~ga táong yaó'y namamalò at tinútuwid ang licóng cáhoy. ¡Silá'y hindî m~ga bátà, silá'y matatandáng malakí ang pinagdanasan, may m~ga buhóc na putî at mababalásic! Si Don Catalinong hárì niláng lahát na nagtátag n~g escuélahang iyón, hindî nagcuculang sa dalawampo't limá ang pálong ibinibigay, caya't naguing marurunong at m~ga pári ang canyáng m~ga anác. ¡Ah! mahahalagá cay sa átin ang m~ga táo sa úna, ópò, mahahalagá cay sa átin."--Hindî nan~gagcásiya ang m~ga ibá sa ganitóng magagaspáng na m~ga pasáring; sinabi nilá sa áking maliwanag, na cung ipatutuloy co ang aking palácad, ang caniláng m~ga anác ay hindî matututo, at mapipilitan siláng alisín sa áking escuélahan. Nawalang cabuluhan ang aking m~ga pagmamatuwíd sa canilá: palibhasa'y batà acó'y hindî nila binibigyan n~g malaking catuwiran. ¡Gaano calaki ang aking iaalay, magcaroon lamang acó n~g m~ga úban! Binábangguit nila sa akin ang minamagalíng nilang pan~gan~gatuwiran n~g cura, ni Fulano, ni Zutano, at binabangguit naman nila ang canilang saríling catawan, at sinasabi nilang cung hindî sa m~ga pamamalò n~g canicanilang m~ga maestro'y hindî sana sila nan~gatúto n~g anó man. Nacabawas n~g cauntî n~g capaitan n~g capighatîan cong itó ang magandang paglín~gap na ipinakita sa akin n~g ilan.

Dahil sa nangyaring itó, napilitan acóng huwag gumamit n~g isang palacad, na pagcatapos n~g malaking pagpapagal ay nagpapasimulâ na n~g pamumun~ga. Sa aking pagn~gan~galit, dinalá co kinabucasan sa escuelahan ang m~ga pamalò, at mulíng sinimulâan co ang aking catampalasanang gawâ. Nawalâ ang catiwasayan, at mulíng nagharì na naman ang capanglawan sa m~ga mukhâ n~g m~ga batang nagpapasimulâ na n~g pagguíliw sa akin: sila ang tan~ging m~ga carayamà co, ang tan~gi cong m~ga caibigan. Baga man pinagsisicapan cong magdamót n~g pamamalò, at cung namamalò man aco'y pinagágaang co hanggang sa abot n~g caya; gayón ma'y dinaramdam nila n~g malabis ang canilang pagcaamís, ang canilang pagcaimbí at nan~gagsisitan~gis n~g dî ugaling saclap. Dumarating sa aking púsò ang bagay na iyón, at cahit nagn~gitn~gitn~git acó sa sariling calooban n~g laban sa canilang halíng na magúgulang, gayón ma'y hindî acó macapanghiganti sa m~ga walang malay-salang tinatampalasan n~g maling m~ga caisipan n~g canilang m~ga ama. Nacapapasò sa akin ang canilang m~ga lúhà: hindî magcasiya sa loob n~g aking dibdíb ang aking púsò, at n~g araw na iyo'y iniwan co ang pagtuturò, baga man dî pa sumasapit ang horas, at omowî acó sa aking bahay upang tuman~gis na nagíisa.... Marahil mamanghâ pô cayó sa aking pagcamaramdamin, n~guni't cung cayó'y malagay sa aking catayua'y inyóng mapagcucúrò. Sinasabi sa akin n~g matandang Don Anastasio:--"¿Humíhin~gî n~g palò ang m~ga ama? ¿Bakit hindî ninyó sila ang pinalò?" Dahil dito'y nagsasakit acó.

Nakíkinig si Ibarrang nag-iisíp ísip.

--Bahagyâ pa lamang acóng gumágaling sa sakít ay nagbalíc acó sa escuélahan at nasumpun~gan cong icalimang bahagui na lamang ang natitira sa canila. Nan~gagsitacas ang m~ga pinacamagaling, dahil sa panunumbalic n~g dating palacad, at sa m~ga natitira, sa ilang batang cayâ pumapasoc sa escuélaha'y n~g hindî macagawâ sa canilang bahay, síno ma'y walang bumatì sa akin sa aking paggalíng: sa ganang canila'y walang malasakit ang gumalíng acó ó hindî; marahil lalong inibiig sana nila ang acó'y manatili sa pagcacasakít, sa pagca't tunay n~ga't lalong mainam mamalò ang maestrong panghalíli sa akin, n~guni't ang capalít naman nito'y bihirang pumaroon sa pagtutúrò sa escuélahan. Ang m~ga ibang tinuturuan co, yaóng m~ga batang napipilit n~g canilang m~ga magulang na pumasoc sa escuelahan, ang guinagawa'y nan~gaglalagalag sa ibang daco. Binibigyang casalanan nila acó, na sila'y aking pinagpakitaan n~g mairuguíng loob at sinisisi nila acó n~g maínam. Gayón man, ang isang anac n~g tagabúkid, na dumadalaw sa akin sa boong aking pagcacasakít, cayâ hindî na pumapasoc ay dahil sa siya'y nagsacristan: sinasabi n~g sacristan mayor na hindî raw marapat na magmaranî sa escuélahan ang m~ga sacristan, sa pagca't bababà ang canilang urì.

--At ¿nagcásiya na pô bâ cayó sa inyóng m~ga bagong tinuturuan?

--¿May magagawâ pa pô ba acóng ibang bagay?--ang isinagót.--Gayón man sa pagca't maraming nangyaring m~ga bagay-bagay, samantalang may sakít acó'y nahalinhan camí n~g cura. Sumibol sa akin ang isang bagong pag-asa, at guinawâ co na naman ang isang pamulíng pagtikím, at n~g huwag malubos na totóo ang pagcasayang n~g panahón n~g m~ga batà at pakinaban~gan hanggang sa abót n~g caya ang m~ga palò; na ang m~ga pagcahiyang iyó'y mapag-anihan man lamang nilá n~g cahi't cacaunting bún~ga, ang siya cong inísip. Yamang hindî nila acó mangyaring caguiliwan n~gayón, ninais cong may maalaala sila sa aking hindî napacasacláp cung may maisimpan silang anó mang bagay na pakikinaban~gang acó ang may túrò. Talastas na po ninyóng na sa wícang castílà ang m~ga libro sa caramihan n~g m~ga escuelahan, líban na lamang sa catecismong tagalog na nagbabago, alinsunod sa samahan n~g m~ga fraileng kinapapanigan n~g cura. Ang caraniwan n~g m~ga librong itó'y m~ga "novena" m~ga, trisagio, ang catecismo ni pari Astete, na ang nacucuba nilang cabanalan doo'y cawan~gis din cung naguing sa m~ga hereje ang m~ga librong iyón. Sa pagca't hindî manyaring sila'y aking maturuan n~g wicang castíla, at hindî co rin naman maisatagalog ang gayóng caraming m~ga libro, pinapilitan cong halinhang untî-untî n~g maiiclíng bahaguing sipi sa m~ga napapakinaban~gang m~ga librong tagalog, gaya baga n~g maliit na casaysayan n~g pakikipagcapuwâ tao ni Hortensio at ni Feliza[253], ilang m~ga maliliit na librong patnugot sa pagsasaca, at iba pa. Manacanacang isinasatagalog co ang malilíit na libro, gaya n~g Historia n~g Filipinas ni parî Barranera, at pagcatapos ay aking idinídicta, upang canilang tipuning na sa m~ga cuaderno, at cung minsa'y aking dinaragdagan n~g saríling m~ga pagpapahiwatig. Sa pagca't walâ acong m~ga "mapa" upang sa canila'y macapagtúrô acó n~g Geografía, sinalin co ang isang mapang nakita co sa "cabecera" (pan~gúlong bayan n~g lalawigan), at sa pamamag-itan n~g sinalin cong itó, at n~g m~ga baldosa n~g yapacan, na iulat co sa canila n~g cauntî ang anyô nitông ating lupaín. N~gayó'y ang m~ga babae naman ang nan~gagcaguló; nan~gagcasiya ang m~ga lalaki sa pag-n~gitî, dahil sa gayóng gawâ co'y canilang namamasdan daw ang isa sa aking m~ga caululan. Ipinatawag acó n~g bagong cura, at cahi't hindî acó pinag-wicâan, gayón ma'y sinabi sa aking ang religión daw ang dapat cong pagsicapan, at bago co iturò ang m~ga bagay na itó'y dapat na ipakilala n~g m~ga batà, sa pamamamag-itan n~g isang pagsusulit, na totoong nasasaulo na nila ang m~ga Misterio, ang Trisagio at ang Catolicismo n~g Doctrina Cristiana.

Other books

Fairy School Drop-out by Meredith Badger
White Dusk by Susan Edwards
The Best Laid Plans by Tamara Mataya
Two Halves Series by Marta Szemik
Thanks a Million by Dee Dawning
Behindlings by Nicola Barker
All the Old Haunts by Chris Lynch