Noli Me Tangere (51 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
5.45Mb size Format: txt, pdf, ePub

Ayon sa sabihanan, kinabucasan n~g araw n~g sa canila'y pagcacasal, sa pakikipag-usap sa canyang asawa, na n~g panahong iyo'y cabo pa lamang, sinabi ni doña Consolacióng "Pilipinas"; inacala n~g cabong catungculan niyáng ipakilala ang pagcacamali at turuan, caya n~ga't canyáng tinuctucan at pinagsabihan:--"Sabihin mong Felipinas, babae, huwag ca sanang hayop. ¿Hindi mo ba nalalamang ganyan ang pan~galan n~g iyong p.bayan dahil sa nanggaling sa Felipe?" Ang babaeng pinapanaguinip ang matimyás na lugód n~g pagcabagong casal, inibig sumunod at sinabing; "Felepinas". Inacala n~g cabong nacalalapitlapit na, caya dinagdagan ang m~ga pagtuctoc, at sinigawan--"Datapuwa, babae, hindi mo ba masabi: Felipe? Huwag mong calimutan, talastasin mong ang haring Felipe ... quinto.... Sabihin mong Felipe, at saca mo iragdag ang "nas" na ang cahulugan sa wicang latin ay m~ga pulo n~g m~ga indio, at masusunduan mo ang pan~galan n~g iyong rep-bayan!"

Hinihípohipo ni Consolación, na n~g panahong iyo'y lavandera, ang búcol ó ang m~ga búcol n~g canyang ulo, at inulit, bagaman nagpapasimula na ang pagcaubos n~g canyáng pagtitiis:

--"Fe ...lipe, Felipe ...nas, Felipenas, ¿gayón n~gà ba?"

Nangguilalás n~g di ano lamang ang cabo. ¿Bakit baga't "Felipenas" ang kinalabasan at hindi "Felipinas"? Alin sa dalawa: ó sasabihing "Felipenas" ó dapat sabihing "Felipi"?

Minagaling n~g cabong huwag n~g umimic n~g araw na iyón, iniwan ang canyáng asawa at main~gat na nuhang tanóng sa m~ga limbag. Dito'y napuspos n~g hindi cawasa ang canyáng pagtatacá; kinusót ang canyáng m~ga matá:--Tingnan nating ... marahan! "Filipinas" ang siyang saysay n~g lahát n~g m~ga limbág, cung wicaing isá-isá ang m~ga letra; ang canyáng asawa at siyá ay cacapuwa wala sa catuwiran.

--¿Bakit?--ang ibinubulong,--macapagsisinun~galing baga ang Historia? ¿Hindi bagá sinasabi sa librong ito, na ang pan~galang ito'y siyang dito'y ikinapit, alang-alang sa infante na si don Felipe? ¿Bakit caya nagcapaapaano ang pan~galang ito? Baca caya naman isang indio ang Alonso Saavedrang iyón?...

Isinangguni ang canyang m~ga pag-aalinlan~gan cay sargento Gómez, na n~g panahón n~g canyáng cabataa'y naghan~gad na magpari. Hindi man lámang pinapaguingdapat n~g sargentong tingnan ang cabo, nagpalabas sa bibig n~g isáng cumpol na asó at sinagot siyá n~g lalong malaking pagmamayabang:

--N~g m~ga panahóng una'y hindi sinasabing Felipe cung hindi Filipi: tayong m~ga tao n~gayón, palibhasa'y naguiguing "franchute" (nakikigagad n~g ugali sa m~ga francés), hindi natin matiis na magcasunod ang dalawang "i". Caya n~ga ang taong may pinag-aralan, lalong lalo na sa Madrid, ¿hindi ca ba napaparoon sa Madrid? ang taong may pinag-aralan ang wica co, nagpapasimula na n~g pananalita n~g ganito: "menistro", "enritación", "embitación", "endino", at iba pa, sa pagca't ito ang tinatawag na pakikisang-ayon, sa casalucuyang lacad n~g caugalian.

Hindi napaparoon sa Madrid cailan man ang cabo, ito ang cadahilana't hindi niya nalalaman ang cung bakin gayon ang pananalitâ. ¡Pagcalalaking bagay ang natututuhan sa Madrid!

--¿Sa macatuwid n~gayon ang dapat na pananalita'y?...

--Ayon sa pananalita n~g una, ¿alam mo na? Ang lupaing ito'y hindi pa pantas, ¡iayon mo sa caugalian n~g una: Filipinas!--ang tugón ni Gómez n~g boong pagpapawalang halaga.

Sacali't masama ang pagcatanto n~g cabo sa m~ga sarisaring wica, ang capalit nama'y magaling siyang asawa: ang bagong canyang napag-aralan ay dapat maalaman naman n~g canyang asawa, caya't ipinagpatuloy niya ang pagtuturo.

--Consola, ¿ano ang tawag mo sa iyong p--bayan?

--¿Ano ang aking itatawag sa canya? alinsunod sa itinuro mo sa akin ¡Felifenas!

--¡Haguisin cata n~g silla, p-!,--cahapo'y magalinggaling na ang pagsasalita mo n~g pan~galang iyan, sa pagca't naaayon sa bagong caugalian; datapuwa't n~gayo'y dapat mong sabihin n~g alinsunod sa matandang ugali Feli, hindi pala, ¡Filipinas!

--¡Tingnan mo, hindi pa acó luma! ¿ano ba ang pagca isip mo?

--¡Hindi cailan~gan! ¡sabihin mong Filipinas!

--¡Ayaw aco! Aco'y hindi isang lumang casangcapan ... ¡bahagya pa lamang nacagaganap aco n~g tatlompong taón!--ang isinagot na naglilis n~g mangas na parang naghahanda sa pakikiaway.

--Sabihin mo, napacap--, ó ¡babalabaguin cata n~g silla!

--Namasdan ni Consolasión ang galaw, nagdilidili at nagsabi n~g pautal, na humihin~ga n~g malacas:

--Feli ...Fele ...File ...

¡Pum! ¡erraes! ang silla ang siyang tumapos sa pananalita.

At ang kinawacasan n~g pagtuturo'y suntucan, calmusan, m~ga sampalan. Binuhucan siya n~g cabo, tinangnan naman n~g babae ang balbas n~g lalaki at ang isang bahagui n~g catawan--hindi macapan~gagat sa pagca't umuugang lahat ang caniyang m~ga n~gipin,--bumigay n~g sigaw ang cabo, binitiwan siya n~g babae, humin~ging tawad sa lalaki, umagos ang dugo, nagcaroon n~g isang matang mahiguit ang capulahan cay sa isa, isang barong gulagulanit, lumabas ang maraming m~ga casangcapan sa canilang pinagtataguan, datapua't ang Filipinas ay hindi lumabas.

M~ga cawan~gis n~g ganitong bagay ang m~ga nangyari cailan man at canilang mapapag-usapan ang nauucol sa pagsasalità. Binabalac n~g cabo n~g sakit n~g loob, sa caniyang pagcamasid sa pagsulong n~g pagcatututo n~g pagsasalita n~g caniyang asawa, na sa loob n~g sampong taó'y hindi na ito macapagsasabi n~g ano man. Gayon n~ga naman ang nangyari. N~g sila'y icasal, nacacawatas pa ang canyang asawa n~g wicang tagalog, at nacapagsasalita pa n~g wicang castilà upang siya'y mawatasan; n~gayon, dito sa panahón n~g pangyayari n~g aming m~ga sinasaysay, hindi na siya nacapagsasalità n~g ano mang wicà: totoong nawili na siya sa pagsasalita n~g pacumpas-cumpas, patan~go-tan~gò at pailing-iling na lamang, na ano pa't canyang hinihirang pa naman yaong m~ga sabing maririin at maiin~gay, caya n~ga't linaluan pa niya n~g hindi ano lamang ang nagmunacala n~g "Volapuk".

Nagcapalad n~ga si Sisa na hindi siya mawatasan. Umunat n~g caunti ang cunot n~g m~ga kilay n~g alfereza, isang n~giti n~g catuwaan ang siyang nagbigay saya sa caniyang mukha: hindi na n~ga mapag-aalinlan~ganang hindi siya marunong n~g wicang tagalog, "orofea" na siya.

--¡Asistente, sabihin mo sa babaeng ito sa wicang tagalog, na siya'y cumanta! ¡hindi niya aco mawatasan, hindi siya marunong n~g castila!

Nawatasan ni Sisa ang asistente at kinanta niya ang canción n~g Gabi.

Pinakinggan ang paunang canta na may halong tawang palibac, n~guni't untiunting nawala sa canyang m~ga labi ang tawa, pinakinggang magaling, at n~g malao'y lumungcot at nag anyong nag-iisip n~g caunti. Ang tinig, ang cahulugan n~g m~ga tulâ at pati n~g canta'y tumatalab sa canya. Nawawatasan niyang magaling: marahil nauuhaw sa ulan ang pusong iyong mabato at tuyò, ayon sa "cundiman", tila baga mandin ay nanaog naman sa ibabaw n~g canyang pusò:

"Ang calungcuta't guinaw at ang calamigang sa lan~git ay buhat, putos n~g balabal n~g gabing marilim at labis n~g panglaw"....

"Ang lanta at cupas na abang bulaclac sa boong maghapo'y nagladlad n~g dilag sa nais na camtam pagpuring maalab sa udyoc n~g dib-dib na mapagmataas."

"Pagdating n~g hapon pawang cahapisan ang inaning bun~ga sa han~gad na dan~gal, at ang pagsisisi ang taglay na lamang sa m~ga nagawang lihis sa catuwiran."

"Pinagpipilitang itaas sa lan~git ang pinacadahong lanta na't gulanit, at caunting dilim ang hin~gi n~g hibic upang maitago ang puring naamis."

"At mamatay siyang hindi namamasdan n~g nacapanood na sicat n~g araw, n~g ningning n~g caniyang naamis na dan~gal at n~g hindi wastong mataas na asal."

"Mataos ding hin~gi n~g canyang dalan~gin cay Bathalang Poong lubhang mahabaguin, ang canyang libin~ga'y mangyaring diliguin n~g hamog na luhang sa lan~git ay galing."

"Ang ibong panggabi'y sadyang iniiwan ang lubhang maluncot na canyang tahanan sa matandang cahoy na lihim na guang at liniligalig tahimic na parang..."

--¡Huwag, huwag ca n~g cumanta!--ang sigaw n~g alfereza, sa ganap na wicang tagalog, at tumindig na malaki ang balisa; ¡huwag ca n~g cumanta! ¡nacalalaguim sa akin ang m~ga tulang iyan!

Tumiguil ang ul-ol na babae n~g pagcacanta: nagbitiw ang asistente n~g isang:--¡Aba! ¡sabe pala tagalog! (marunong pala n~g tagalog) at nacatun~gan~gang tinitingnan ang guinoong babae na puspos n~g pagtataca.

Napagkilala nito na ipinagcanulo niya ang sariling catawan; nahiyà at palibhasa'y hindi sa babae ang catutubo niyang damdamin, ang cahihiya'y nauwì sa masilacbong galit at pagtatanim. Itinurò ang pintuan sa hindi marunong mag-in~gat na asistente, at sa isang sicad ay sinarhan ang pintò, pagcalabas niya. Lumibot na macailan sa silid, na pinipilipit n~g nan~gin~gilis niyang m~ga camay ang látigo, tumiguil na bigla sa tapat n~g ul-ol na babae, at saca sinabi sa canya sa wicang castilà;--¡Sayaw!

Hindi cumilos si Sisa.

--¡Sayaw, sayaw!--ang inulit-ulit n~g tinig na nacalalaguim.

--Tiningnan siya n~g ulol na babae n~g titig na walang diwa, walang cahulugan; itinaas n~g alfereza ang caniyang isang bisig, at ang isa namang bisig pagcatapos, at saca ipinagpag ang dalawang bisig: walâ ring naguing cabuluhan. Hindi nacacawatas si Sisa.

Siya'y naglulucsó, naggagalaw, ibig niyang sa gayóng gawa'y gagarin siyá ni Sisa. Naririnig sa dacong malayo ang música n~g procesióng tumutugtog n~g isáng marchang malungcót at dakila, datapuwa't naglulucso ang guinoong babae n~g catacot tacot na ang sinusunod ay ibang compás, ibang música ang tumútunog sa loob n~g canyáng budhi. Tinititigan siya ni Sisang hindi gumágalaw; isang wangki sa pagtatacá ang naguhit sa canyáng m~ga matá, at isáng bahagyáng n~giti ang siyáng nagpapagalaw sa canyáng m~ga putlaing m~ga labi: kinalulugdan niyá ang sayaw n~g guinoong babae.

Huminto itó at tila mandin nahihiyâ, iniyaang ang latigo, yaong calaguim laguim na látigong kilalá n~g m~ga magnanacaw at n~g m~ga sundalo, na gawa sa Ulan~go at pinag-inam n~g alferez sa pamamag-itan n~g m~ga cawad na doo'y ipinulupot, at nagsalita:

--¡Icaw naman ang nauucol sumayáw n~gayon!... ¡sayáw!

At pinasimulang paluin n~g marahan ang waláng ano mang takip na m~ga paa n~g ul-ol na babae, hanggáng sa magcan~giwin~giwi ang pagmumukha nito sa sakít, na anó pa't pinilit niyáng magsanggalang n~g m~ga camáy.

--¡Ajá! ¡nagpapasimula ca na!--ang isinigaw na taglay ang catuwaang malupit, at mula sa "lento" (madalang) ay iniuwi sa isang "allegro vivace" (masaya at madalas).

Sumigaw ang cahabaghabag na babae n~g isang daing sa sakít, at dalidaling itinaas ang paa.

--¡Sasayaw ca ba, p-india?--ang sinasabi n~g guinoong babae, at tumutunog at humahaguinit ang latigo.

Nagpacalugmoc si Sisa sa sahig, tinangnan n~g dalawang camay ang m~ga binti, at tinitigan ang canyang verdugo n~g m~ga matang nacatiric. Dalawang malacas na hagupit n~g látigo sa licod ang pilit sa canyang tumindig, at hindi na isáng daing, cung di dalawang atun~gal ang siyang isinigaw n~g culang palad na sira ang isip. Nawalat ang canyang manipis na barò, pumutoc ang balat at bumalong ang dugò.

Nacapagpapagalac n~g mainam sa tigre ang pagcakita n~g dugô: nagpasilacbo n~g loob ni doña Consolación ang dugo n~g canyang pinahihirapan.

--¡Sayaw, sayaw, condenada, maldita! ¡Mapacasamà nawà ang inang nan~ganac sa iyo!--ang isinigaw;--¡sayaw ó papatayin cata sa capapalò n~g látigo.

At ang canyang guinawa'y hinawacan niya n~g isang camay ang babaeng ulol, samantalang pinapalo naman niya, ito at n~g canyang isang camay, at nagpasimulà siya n~g paglukso at pagsayaw.

Sa cawacasa'y napagkilala n~g ulol na babae ang sa canya'y ibig, caya n~ga't ipinagpatuloy niya ang paggalaw na walang wasto n~g canyang m~ga bisig. Isang n~giti n~g ligaya ang siyang nagpacubot sa m~ga labì n~g maestra, n~giti n~g isang Mefistófeles na babae na nangyaring nacapag-anyo n~g isang alagad; ang n~giting iyo'y may taglay na pagtatanim, pagpapawalang halaga, paglibak at kalupitan, datapuwa't walang magsasabing yao'y may cahalong halakhac.

At sa pagcatigagal n~g pagtatamong lugod sa caniyang gawa'y hindi niya narin~gig ang pagdating n~g canyang esposo, hangang sa biglang nabucsan n~g malaking in~gay ang pinto sa isang tadyac.

Sumipot doon ang alférez na namumutla't marilim ang mukhâ; napanood ang doo'y nangyayari at ibinulusoc sa canyang asawa ang isang catacottacot na titig. Ito'y hindi cumilos sa kinalalagyan at nanatiling nacan~giti n~g boong pagcawalang kinahihiyaan.

Inilagay n~g alférez n~g lubos na pagpapacamairuguin ang canyang camay sa balicat n~g magsasayaw na caiba sa lahat, at ipinag-utos na tumiguil n~g pagsayaw. Humin~ga ang ulol na babae at dahandahang naúpo sa lapag na narurumhan n~g canya ring dugò.

Nagpatuloy ang catahimican: humihin~gasing n~g malacas ang alférez; kinuha ang látigo n~g babaeng sa canya'y humihiwatig at tumitin~gin n~g m~ga matang wari'y tumatanong, at saca sa canya'y nagsabi n~g tinig na payapa at madalangdalang:

--¿Ano ang nangyayari sa iyo? ¡Hindi ca man lamang nagbigay sa akin n~g magandang gabi!

Hindi sumagot ang alférez, at ang guinawa'y tinawag ang "asistente."

--Dalhin mo ang babaeng ito,--anya;--¡pabigyan mo siya cay Marta n~g ibang baro at sabihin mo tuloy na gamutin! Pacanin mo siyang magaling at bigyan mo n~g isang magaling na higaan ... ¡icaw ang bahala, pagca siya'y inyong pinaglupitan! Bucas ay ihahatid siya sa bahay ni guinoong Ibarra.

Pagcatapos ay sinarhang mabuti ang pintuan, inilagay ang talasoc at saca lumapit sa canyang asawa.

--¡Naghahanáp icaw na basaguin co ang mukha mo!--ang sa canya'y sinabing nacasuntoc ang m~ga camay.

--¿Ano ang nangyayari sa iyo?--ang tanong n~g babae na tumindig at umurong.

--¿Ano ang nangyayari sa akin?--ang sigaw n~g tinig na cahawig n~g culog, casabay n~g isang tun~gayaw, at pagcatapos na maituro sa babae ang isang papel na puspos n~g sulat na tila cahig n~g manoc, ay nagpatuloy n~g pananalita:

--¿Hindi mo ba ipinadala ang sulat na ito sa Alcalde, at iyong sinabing pinagbabayaran aco upang aking ipahintulot ang sugal, babaeng p--? ¡Aywan co cung bakit hindi pa kita linûlusay!

--¡Tingnan natin! ¡tingnan natin cung macapan~gan~gahas ca!--ang sinabi sa canya n~g babaeng nagtátawa't siya'y linilibac;--¡ang lulusay sa aki'y isang malaking totoo ang cahigtan n~g pagcalalaki sa iyo!

Narinig n~g alférez: ang gayong alimura, n~guni't namasdan niya ang látigo. Dumampot n~g isang pinggan sa m~ga na sa ibabaw n~g isang mesa, at ipinukol sa ulo n~g asawa: ang babaeng dating bihasa na sa ganitong pakikiaway, agad-agad yumucod, at ang pingga'y sa pader tumama at doon nabasag; gayon din ang kinahangganan n~g isang mangcoc at n~g isang cuchillo.

Other books

A Wolf's Pride by Jennifer T. Alli
The Labyrinth Makers by Anthony Price
Into the Fire by Anne Stuart
All She Wanted (2) by Nicole Deese
Lucca by Karen Michelle Nutt
Bullets Don't Die by J. A. Johnstone
The First End by Victor Elmalih