Authors: JosÈ Rizal
Sumusunod sa música ang isáng estandarte na kinalalarawanan n~g santo ring iyon, datapuwa't may pitóng pacpac. Dalá ang estandarteng iyón n~g m~ga "hermano tercero," na nacahabitông guingón at nagdarasal n~g malacás at sa anyóng caawá-awáng tiníg.--Ayawàn cung ano ang dahil n~g pagcacagayón, sumúsunod doon si Santa María Magdalena, na pagcagandagandang larawang may saganang buhóc, may panyong pinyang bordado sa m~ga daliring punô n~g m~ga singsíng, at nararamtán n~g damit na sutlang may pamuting m~ga malalapad na guintó. Naliliguid siyá n~g m~ga ilaw at n~g incienso; nan~gan~ganino sa canyáng m~ga luhang virdrio ang m~ga culay n~g m~ga ìlaw "bengala," na nagbibigay sa procesión n~g anyóng cahimahimalá, caya n~ga't cung minsá'y lumuluha ang santang macasalanan n~g verde, cung minsa'y pulâ, minsa'y azul at iba pa. Hindî nagpapasimulá ang m~ga bahay n~g pagpapanin~gas na m~ga ilaw na itó cung dî cung nagdaraan si San Francisco; hindî tinatamo ni San Juan Bautista ang ganitong m~ga caran~galan, caya't dalidaling nagdaraán, na canyáng pagcahiyá na siyá lamang ang bucód na ang pananamìt ay balát n~g m~ga hayóp sa guitnâ n~g gayóng caraming m~ga taong lipós n~g guintô at m~ga mahalagang bató.
--¡Nariyán na ang ating santa!--anang anác na babae n~g gobernadorcillo sa canyáng m~ga panauhin; ipinahirám co sa canyá ang aking m~ga singsíng, n~guni't n~g aco'y magtamó n~g lan~git.
Nan~gagsisitiguil ang m~ga nan~gagsisi ílaw sa paliquid n~g tablado upáng mapakinggan ang LOA (pagpupuri), gayón din ang guinagawá n~g m~ga santo; ibig na man nilá ó n~g sa canilá'y nan~gagdadalang makinig n~g m~ga tulá. Sa pagca pagód n~g cahihíntay n~g m~ga nan~gagdadala cay San Juan, sila'y nan~gagsiupo n~g patingcayad, at pinagcaisahan nilang ilagay muna sa lupa ang santo.
--Baca maggalit ang aguacil ang tutol n~g isà.
--¡Hes! ¡diyata't sa sacristia'y inilalagay lamang siyá sa isáng suloc na may m~ga bahay n~g gagambá!
At n~g mapalagay na sa lupa si San Juan, siya'y nagmúkhang tila isá sa m~ga taong-bayan.
Nagpapasimula ang hanay n~g m~ga babae buhat cay Magdalena, ang caibhân lámang ay hindî nagsisimula muna sa hanay n~g m~ga batang babae, na gaya n~g m~ga lalaki, cung di ang m~ga matatandáng babae ang nan~gun~guna at sumusunod ang m~ga dalaga na siyang nan~gasahulí n~g procesión hanggang sa carro n~g Virgen na sinusundan n~g cura na napapandun~gan n~g palio. Pacana ang caugaliang itó ni pari Damaso, na siyang may sabi: "Hindî ang m~ga matatandang babae ang kinalulugdan n~g Virgen cung di ang m~ga dalaga", bagây na isinasamà n~g mukha n~g maraming babaeng mapag-anyong banál, n~guni't sumasang-ayon sila at n~g mapagbigyang loob ang Virgen.
Sumúsunod cay Magdalena si San Diego, baga man sila hindî niya ikinatutuwa ang gayóng calagayan, sa pagca't nananatili sa canyang mukha ang cahapisan, na gaya rin caninang umaga n~g sumusunod siya sa licuran ni San Francisco. Anim na m~ga "hermana tercera" ang humihila sa canyáng carro, dahil sa cung anong pan~gaco ó pagcacaramdam; ang catotohana'y sila ang humihila, at taglay nila ang boong pagsusumipag. Huminto si San Diego sa harap n~g tablado at naghihintay na siya'y handugan n~g bati.
Datapuwa't kinakailangang hintayin ang carro n~g Virgeng pinan~gun~gunahan n~g m~ga taong suot "fantasma" ó multó, na nacagugulat sa m~ga bata; caya n~ga't naririnig ang iyacan at sigawan n~g m~ga sanggol na m~ga haling ang caisipan. Gayón man, sa guitna n~g madilim na pulutóng na iyon n~g m~ga hábito, m~ga capuchón, m~ga cordón (lubid) at m~ga lambóng, na caalacbay yaóng dasál na pahumál at hindi nagbabago ang tinig, na papanood na wan~gis sa m~ga mapuputing m~ga jazmin, tulad sa m~ga sariwang sampaga nahahalo sa m~ga lumang m~ga basahan, ang labing dalawang batang babaeng nagagayasan n~g puti, nacocoronahan n~g m~ga bulaclac, culót ang buhóc, nagniningning ang m~ga matang cahuad n~g caniláng m~ga collar; waláng pinag-ibhan sa m~ga angel n~g caliwanagang napipilit n~g m~ga multó. Sila'y pawang nacacapit sa dalawang m~ga sintas na azul na nacatali sa carro n~g Virgen, na nagpapaalaala sa m~ga calapating humihíla sa "Primavera" (larawan n~g pasimula n~g tag-araw.)
Pawang handa na sa pakikinig ang lahat n~g m~ga larawan, na nagcacadaidaiti sila sa pag-ulinig n~g m~ga tula; nacatitig ang lahát sa nacasiwang na cortina (tabing n~g pintuan); sa cawacasa'y isang "aaah!" n~g pangguiguilalas ang nagpumiglas sa m~ga labi n~g lahat.
At carapatdapat n~gang pangguilálasan: siya'y isáng malakilaki n~g batang lalaking may m~ga pacpac, "botas" na pangpan~gabayo, banda, cinturón at sombrerong may m~ga plumaje.
¡Ang señor Alcalde mayor!--ang sigaw n~g isá; datapuwa't nagsimula ang himala n~g m~ga kinapal n~g pagsasaysay n~g isang tuláng cawan~gis din niyá, at hindî niyá isinama n~g loob ang sa canya'y pagtutulad sa Alcalde.
Bakin pa sasaysayin dito ang m~ga sinabi sa wicang latín, tagalog at wicang castila, na pawang tinula, n~g caawaawang binigyang pahirap n~g gobernadorcillo? Linasap na n~g m~ga bumabasa sa amin ang sermón ni pari Damaso caninang umaga, at ayaw n~ga caming sila'y lubhang palayawin n~g napacarami namang m~ga caguilaguilalas na m~ga bagay, bucód sa baca pa sumama ang loob sa amin n~g franciscano cung siya'y ihanap namin n~g isang macacapan~gagaw, at ito ang aayaw cami, palibhasa'y cami taong payapa, sa cagalin~gan n~g aming capalaran.
Ipinagpatuloy pagcatapos ang procesión: ipinagpatuloy ni San Juan ang malabis n~g saclap na canyang paglalacad.
N~g magdaan ang Virgen sa tapat n~g bahay ni cápitang Tiago'y isang awit-calan~gitan ang sa canya'y bumati n~g m~ga sinalita n~g Arcángel. Yao'y isang tinig na caayaaya, matining, mataguinting, nagmamacaawa, itinatan~gis warî ang "Ave María" ni Gounod, na sinasaliwan n~g pianong siya rin ang tumutugtóg at caacbay niyang dumadalan~gin. Nagpacapipi ang música n~g procesión, huminto ang pagdarasal at tumiguil pati ni pari Salvi. Nan~gan~gatal ang voces at bumúbunglos n~g m~ga luha: higuit sa isang pagbati, ang sinasaysay niya'y isáng mataós na dalan~gin, isang carain~gan.
Narinig ni Ibarra ang tínig mula sa kinálalagyang durun~gawan, at nanaog sa ibabaw n~g canyang puso ang pan~gin~gilabot at calungcutan. Napagkilala niya ang sa caluluwang iyong dinaramdam, na isinasaysay sa isang pag-awit, at nan~ganib siyang magtanong sa sarili n~g cadahilanan n~g gayong pagpipighati.
Mapanglaw at nag-iisip-isip n~g siya'y masumpong n~g Capitan General.
--Sasamahan ninyó acó sa pagcaín sa mesa; pagsasalitaanan nátin doon ang nauucol sa m~ga batang nán~gawala, ang sa canya'y sinabi.
--Acó caya baga ang pinagcacadahilanan?--ang ibinulóng n~g bìnata, na baga man tinitingnán niya'y hindi niya nakikita ang Capitan General, na canyáng sinundan n~g wala sa canyang loob.
=XXXIX.=
=SI DONA CONSOLACION.=
¿Bákit nacasará ang m~ga bintana n~g bahay n~g alférez? ¿saan naroroon, sámantalang nagdaraan ang procesión, ang mukháng lalakí't nacabarong francia na Medusa ó Musa n~g Guardia Civil? Napagkilala caya ni doña Consolacióng lubhang nacasususot ang canyang noong nababalatayan n~g m~ga malalaking ugât, na wari'y siyang pinagdaraanan, hindî n~g dugó, cung di n~g suca at apdó; ang malakíng tabacó, carapatdapat na pamuti n~g caniyang moradong m~ga labi, at ang canyang mainguiting titig, na sa canyang pagsang-ayon sa isang magandang udyóc ay hindî niyá inibig na gambalain sa canyang calaguimlaguim na pagsun~gaw, ang m~ga catuwaan n~g caramihang tao.
¡Ay! sa ganáng canya'y nagnawnáw lámang, n~g panahón na naghaharí ang caligayahán, ang m~ga magagandang udiyóc n~g budhi.
Mapan~gláw ang báhay, sa pagca't nagcacatuwâ ang bayan,--na gaya na n~gâ n~g sinasabi ni Sínang; waláng m~ga faról at m~ga bandera. Cung dî lámang sa centinela (bantay na sundalo) na nagpapasial sa pintuan, mawiwicang walang táo sa báhay.
Isáng malamlám na ílaw ang siyáng lumiliwanag sa waláng cahusáyang salas, at siyáng nagpapan~ganínag sa m~ga marurumíng capís na kinapítan n~g m~ga báhay-gagambá at dinikitán n~g alabóc. Ang ginóong babae, ayon sa canyáng pinagcaratihang huwág gumawâ at cakilakilabot; waláng pamuti ang canyáng buhoc liban na lamang sa isang panyong nacatalì sa canyang úlo, na doo'y pinababayaang macatacas ang m~ga maninipis at maiicling tungcos n~g m~ga gusamót na buhoc ang bárong franelang asúl, na siyang na sa ibabaw n~g isa pang barong marahil n~g una'y putî, at isang sáyang cupás, na siyang bumabalót at nagpapahalatâ n~g m~ga payát at lapád na m~ga hità, na nagcacapatong at ipinag-gagalawan n~g mainam. Lumalabas sa canyang bibig ang bugál-bugál na asó, na ibinúbuga n~g boong pagcayamot sa alang-alang, na canyang tinitingnan-pagca ibinubucas ang m~ga mata. Cung napanood sana siya ni don Francisco Cañamaque, marahil ipinalagay na siya'y isang hariharian sa bayan, ó cung dilìcaya'y mangcuculam, at pinamutihan pagca tapos ang caniyang pagcatuclas na iyon n~g m~ga pagwawariwari sa wicang tinda, na siya ang may likhâ upang canyang maguing sariling gamit.
Hindi nagsimba n~g umagang iyon ang guinoong babae, hindi dahil sa siya'y aayaw, cun di baligtad, ibig sana niyang siya'y pakita sa caramihan at makinig n~g sermón, n~guni't hindi siya pinahintulutan n~g canyang asawa, at ang pagbabawal ay may calakip, na gaya n~g kinauugalian, na dalawa ó tatlong lait, m~ga tun~gayaw at m~ga sicad. Napagkikilala n~g alférez na totoong catawatawang manamit ang canyang babae, na naaamoy sa canya yaong tinatawag n~g madlang "calunya n~g m~ga sundalo," at hindi n~ga magaling na siya'y ilantad sa m~ga mata n~g m~ga matataas na tao sa pan~gulong bayan n~g lalawigan, at cahi't sa m~ga taga ibang bayang doo'y nan~gagsidalo.
Datapuwa't hindi gayon ang pinag-iisip n~g babae. Talós niyang siya'y maganda, na siya'y may pagca anyong reina at malaki ang cahigtan niya cay María Clara sa cagalin~gang manamit at gayon din sa karikitan n~g caniyang m~ga damit: si Maria Clara'y nagtatapis, siya'y hindi't naca "saya suelta." Kinailan~gang sa caniya'y sabihin n~g alferez: "ó itatahimic mo ang iyong bibig ó ipadadala cata sa bayan mo sa casisicad!"
Hindi ibig ni doña Consolacióng umuwi sa canyang bayan sa casisicad, n~guni't umisip siya n~g gagawing panghihiganti.
Cailan ma'y hindi naguing carapatdapat macaakit sa canino man n~g pagpapalagay n~g loob ang marilim na pagmumukhâ n~g guinoong babaeng ito, cahi't cung siya'y nagpipinta, n~g canyáng mukhâ, n~guni siya'y totoong nacapagbigay balisa n~g umagang iyon, lalong lalo na n~g siya'y mapanood na magpabalicbalic n~g paglacad sa magcabicabilang dulo n~g bahay, na walang imic at wari mandi'y nagbabalacbalac n~g isang bagay na cagulatgulat ó macapapahamac: taglay n~g canyang panin~gin iyang sinag na ibinubuga n~g isang ahas pagca inaacmaang lusayin cung siya'y nahuhuli; ang panin~ging yao'y malamig, nagninining, tumataos at may cadulin~gasan, carumaldumal, malupit.
Ang lalong maliit na pagcacahidwa, ang lalong babahagyang hindi sinasadyang alatiit, humuhugot sa canya n~g isang salaula at napacaimbing lait na sumasampal sa caluluwa; datapuwa't sino ma'y walang sumasagot: maguiguing isa pang malaking casalanan ang mahinahong pakikiusap.
Nagdaan sa gayong calagayan ang maghapon. Palibhasa'y walang ano mang nacahahadlang sa canya--sapagca't piniguing ang canyang asawa,--ang budhi niya'y pinupuno n~g guiyaguis: masasabing untiunting pinupuspos ang canyang m~ga silacbo n~g tilamsic at init n~g lintic at nan~gagbabalang magsambulat n~g isang imbing unos. Nan~gagsisiyucod na lahat sa canyang paliguid, tulad sa m~ga uhay sa unang hihip n~g bagyo: walang nasusunduang hadlang, hindi nacatitisod n~g ano mang dulo ó catayugang sucat mapagbuntuhan n~g canyang cayamutan; nanghihinuyo at nan~gan~gayupapang lahat ang m~ga sundalo at m~ga alilà sa paliguidliguid niya.
Ipinasara niya ang m~ga bintana upang huwag niyang marin~gig ang m~ga pagcacatuwa sa labas; ipinagbilin sa centinela na huwag papasukin ang sino man. Nagbigkis n~g isang panyo sa ulo at n~g wari'y ito'y mailagang huwag sumambulat, at pinasindihan ang m~ga ilaw baga man may sicat pa ang araw.
Ayon sa ating nakita na, piniit si Sisa, dahil sa panggugulo sa catiwasayan n~g bayan at inihatid sa cuartel. Niyo'y wala roon ang alférez, caya napilitan ang cahabaghabag na babaeng maglamay na magdamag na nacaupo sa isang bangco, na walang diwa ang titig. Nakita siya kinabucasan n~g alférez, at sa pagcaibig na siya'y maipan~gilag sa ano mang casacunaan sa m~ga araw na iyon n~g caguluhan, at sa caayawan namang huwag magcaroon n~g ano mang hindi calugodlugod panoorin, ipinagbilin n~g alférez sa m~ga sundalong alagaan si Sisa, caawaang pagpakitaan n~g maguiliw na calooban at pacanin. Gayon ang naguing calagayan sa loob n~g dalawang araw n~g babaeng sira ang pag-iisip.
N~g gabing ito, ayawan cung dahil sa calapitan doon n~g bahay ni capitang Tiago'y dumating hanggang sa canya ang mapanglaw na canta ni María Clara, ó cung dili caya'y pinucaw n~g ibang m~ga tinig ang pagcaalaala niya n~g canyang m~ga dating canta, sa papaano man ang dahil, pinasimulaan niyang cantahin ang m~ga "cundiman" nang canyang cabataan. Pinakikinggan siya nang m~ga sundalo at hindi nan~gagsisiimic: ¡ay! sa canila'y nagpapagunitâ ang m~ga tinig na iyón n~g m~ga panahong una, yaóng m~ga gunitâ n~g panahóng hindi pa narurun~gisan ang calinisan n~g canilang budhî.
Narinig din siyá ni doña Consolación sa oras na iyón n~g canyáng cainipan, at n~g canyáng maalaman cung sino ang cumacanta'y nag-utos:
--¡Papanhikin ninyó siyá agad-agad!--ang canyang sinabi pagcaraan n~g iláng sandaling canyang pag-iisip-isip. Isang bagay na nacacahuwad n~g n~giti ang siyang nasnaw sa canyang tuyong m~ga labi.
Ipinanhíc doon si Sisa, na humaráp na dî nagulomihanan, na hindî nagpahalata n~g pagtatacá ó tácot: tila mandin wala siyáng nakikitang sino mang guinóong babae. Ito'y nacasugat sa loob n~g mapagmataas na Musa, na ang bóong acala'y nacaáakit sa paggalang at pagcagulat ang canyáng calagayan.
Umubó ang alfereza, humudyát sa m~ga sundalong man~gagsiya-o, kinuha ang látigo n~g canyang asawa sa pagca sabit, at nagsalita n~g maban~gis na tinig sa babaeng sira ang isip:
--"¡Vamos, magcantar icaw!"
Isa sa m~ga magagandang caugalian n~g guinoong babaeng ito ang magpacasumicap na huwag niyang maalaman ang wicang tagalog, ó cung dili ma'y nagpapacunwaring hindî niyá nalalaman ang tagalog na ano pa't sinasadyang magpautal-utal at magpamalimali n~g pananalita: sa gayo'y magagawa niyá ang pag-aanyo n~g tunay na "orofea", na gaya n~g caniyáng caraniwang sabihin. ¡At magaling n~ga naman ang canyáng guinagawa! sa pagca't cung pinahihirapan niyá ang wicang tagalog, ang wicang castila'y hindi lumiligtas sa gayóng catampalasanan, sa nauucol sa gramática at gayon din sa pan~gun~gusap. At gayon man'y ¡guinawa n~g canyáng asawa, n~g m~ga silla at n~g m~ga zapatos ang boong caya upang siya'y maturuan! Isa sa m~ga salitang lalong pinagcahirapang totoo niyá, na ano pa't daig ang pagcacahirap ni Champollion sa m~ga geroglífico, ay ang sabing "Filipinas."