Noli Me Tangere (53 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
2.42Mb size Format: txt, pdf, ePub

--¿At bakit?--ang tanong ni don Filipo na nagtataca.

--Sa pagca't nagsuntucan ang alférez at ang guinoong babae ay hindi sila macatulog.

--Sabihin po ninyo sa alférez, na binigyan cami n~g capahintulutan n~g Alcalde Mayor, at "wala sino man" sa bayang may capangyarihan sumalangsang sa capahintulutang ito, cahi't ang gobernadorcillo man, na siyang tan~gi cong mataas na puno.

--¡Talastasin ninyong kinakailan~gang itiguil ang palabas!--ang inulit n~g m~ga sundalo.

Tinalicdan sila ni don Filipo. Nan~gagsialis ang m~ga guardia.

Hindi sinabi canino man ni don Filipo ang nangyaring ito at n~g huwag magulo ang catahimican.

N~g matapos na ang bahaguing iyon n~g zarzuela na totoong pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon n~g away ang lahat n~g m~ga morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan sila n~g bayaning puputlan silang lahat n~g úlo, at ang m~ga ulong ito'y ipadadala sa buwan. Sa cagalin~gang palad n~g m~ga moro, na nan~gagsisipaghanda na sa labanang tinutugtugan n~g "himno de Riego", ay siyang pagcacaroon n~g isang gulo. Biglang nagsihinto n~g pagtugtog ang m~ga bumubuo n~g orquesta at canilang linusob ang teatro, pagcatapos maipaghaguisan ang canilang m~ga instrumento. Ang matapang na si Villardo, na hindi inaacalang man~gagsisirating ang m~ga taong iyong, canyang ipinalagay na cacampi n~g m~ga moro, inihaguis naman ang canyang espada at escudo at saca bumigay n~g tacbo; nang makita n~g m~ga morong tumatacas ang cakilakilabot na cristianong iyon, hindi sila nag-alinlan~gang siya'y canilang gagarin: may naririn~gig na m~ga sigawan, m~ga daing, tun~gayawan, m~ga salitang capusun~gan, nagtatacbuhan ang m~ga tao, nan~gamatay ang m~ga ilaw, ipinaghahaguisan sa impapawid ang m~ga vaso n~g ilaw, at iba pa.--¡M~ga tulisan! ¡M~ga tulisan!--ang sigaw n~g m~ga iba.--¡Sunog! ¡sunog! ¡m~ga magnanacaw!--ang sigawan naman n~g m~ga iba; nan~gagsisitan~gis ang m~ga babae't ang m~ga musmos, gumugulong sa lupa ang m~ga banco at ang m~ga nanonood, sa guitna n~g ligalig, pagcacain~gay at caguluhan.

¿Ano ang nangyari?

Ilinagad n~g dalawang guardia civil na may tan~gang pamalo ang m~ga músico at n~g pahintuin ang pinalalabas; sila'y narakip, baga man nagsisilaban, n~g teniente mayor, na casama ang caniyang m~ga cuadrillerong ang dalang sandata'y ang canilang m~ga lumang sable.

--¡Inyong ihatid sila sa tribunal!--ang sigaw ni don Filipo,--cayó ang bahala pagca sila'y nacawala!

Bumalic na si Ibarra at canyang hinanap si María Clara. Nan~gagsicapit sa canya ang natatacot na m~ga dalagang pawang nan~gan~gatal at nan~gamumutla; dinarasal ni tía Isabel ang m~ga letanía sa wicang latin.

N~g pagbalicang loob n~g caunti ang m~ga tao sa pagcagulat, at n~g canilang matalastas cung ano ang nangyari, nag-alab ang galit sa lahat n~g m~ga dibdib. Umulan ang m~ga bato sa pulutong n~g m~ga cuadrillerong naghahatid sa dalawang guardia civil; may isang nagyayacag na silabin ang cuartel at iihaw roon si doña Consolacióng casama ang alférez.

--¡Sa ganyan lamang sila pinakikinaban~gan!--ang sigaw n~g isang babaeng naglililis n~g canyang mangas at iniunat ang canyang m~ga bisig;--panggugulo n~g bayan! ¡Wala silang nalalamang pag-usiguin cung di ang mababait na m~ga tao! ¡Nariyan ang m~ga tulisan at ang m~ga magsusugal! ¡Sunuguin natin ang cuartel!

Hinihipò n~g isa ang canyang bisig at humihi~ngi n~g confesión; cahabaghabag na m~ga taghoy ang lumalabas sa ilalim n~g m~ga bangcong nan~gatumba: yao'y isang caawaawang músico. Punongpuno ang escenario n~g m~ga artista at n~g m~ga taong bayan. Nariyan si Chananay, na nacasuot n~g Leonor sa Trovador, na nakikipagsalitaan n~g wicang tinda cay Ratia, na nacasuot maestro n~g escuela; si Yeyeng na nacabalot n~g malaking panyong sutla na na sa tabi n~g príncipe Villardo; pinagpipilitan ni Balbino't n~g m~ga morong aliwin ang m~ga músicong may m~ga nasactan at hindi. Nagpapacabicabila ang ilang m~ga castila at pinagsasabihan ang bawa't canilang nasasalubong.

Datapuwa't may nagcacabilog n~g isang pulutong. Napag-unawa ni don Filipo ang canilang adhica at canyang tinacbo upang sansalain.

--¡Huwag sana ninyong sirain ang catahimican!--ang isinisigaw ni don Filipo;--¡hihin~gi tayo bucas n~g carapatang tumbas sa caguluhang canilang guinawa, bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran; nananagot aco sa inyong bibigyan tayo n~g nauucol sa ating catuwiran!

--¡Hindi!--ang isinasagot n~g ilan; ¡gayon din ang guinawa sa Calambà (n~g 1879), gayon din ang ipinan~gaco, datapuwa't walang ano mang guinawa ang Alcalde! ¡Ibig naming gumawa n~g pagca justicia sa aming camay! ¡Tayo na sa cuartel!

Nawalang cabuluhan ang m~ga pakikiusap n~g teniente mayor; nagpapatuloy ang pulutong sa canilang panucala. Lumin~gap si don Filipo sa canyáng paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si Ibarra.

--Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain, samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero!

--Anó ang aking magagawa?--ang itinanong n~g binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.

Si Ibarra naman ang naglin~gap-lin~gap sa canyáng paliguid, at naghahanap siya n~g hindi nalalaman cung sino. Sa cagalin~gang palad ay anaki'y canyáng nasuliapan si Elías, na walang bahalang pinanonood ang gayóng kilusan. Tinacbó siya ni Ibarra, hinawacan siyá sa bisig at sinabi sa canya sa wikang castila:

--¡Alang-alang sa Dios! ¡gumawa po cayó n~g bahagya, sacali't may magagawa; wala po acong magawang anó man!

Tila mandin siya'y nawatasan n~g piloto, sapagca't nawala siya't sinuot ang m~ga bumubuo n~g pulutong.

Narin~gig ang masilacbóng pagmamatuwiran, mabilís na tutulán; pagcatapos ay untiunting nagpasimula n~g paghihiwahiwalay n~g m~ga magcacapulutóng, at naalis sa bawa't isá ang anyóng may gagawing caguluhan.

At panahón na n~ga, sa pagca't lumalabas na ang m~ga sundalong may dalang m~ga sandata at nacalagay sa dulo n~g fusil ang bayoneta.

¿Samantala'y ano ang guinagawa n~g cura?

Hindi pa nahihiga si párì Salví. Nacatindig siya, nacatuon ang noo sa m~ga "persiana", sa dacong plaza ang tanaw, hindi cumikilos, at manacanacang pinatatacas niya ang pinipiguil na buntong hinin~ga. Cung hindi sana napacadilim ang liwanag n~g canyang ilaw, marahil napagmasdang napupuno n~g m~ga luha ang canyang m~ga mata. Gayon ang caniyang naguing anyo sa isang horas halos.

Pinucaw siya sa ganitong calagayan n~g pagcacagulo sa plaza. Sinundan n~g canyang m~ga matang nangguiguilalas ang walang tuos na pagpaparoo't parito n~g m~ga tao, at ang m~ga tinig nila'y dumarating sa canyang hagawhaw na lamang.--Isa sa m~ga alilang dumating ang sa canya'y nagbigay alam n~g nangyayari.

Dumaan sa canyang panimdim ang isang isipin. Sa guitna n~g m~ga cain~gayan at caguluhan, sinasamantala n~g m~ga may mahahalay na budhi ang pagcagulat at cahinaan n~g loob n~g m~ga babae; nan~gasisisiticas at nan~gagliligtas sa sarili, sino ma'y walang nacacaalaala sa can~gino man, hindi nariri~nig ang sigaw, hinihimatay ang m~ga babae, nan~gagcacasaguian, nan~gasusun~gaba; dahil sa pagcagulat at pagcatacot ay hindi pinakikinggan ang hibik n~g capurihang nalulugso, at sa calaguitnaan n~g gabi ... ¡at pagca nagcacaibigan! Tila mandin nakikinikinita niyang calong ni Crisostomo si María Clarang hindi nacamamalay-tao, at sila'y nan~gawala sa cadiliman.

Lumulucsong nanaog sa m~ga hagdanan, walang sombrero, walang bastón at parang sira ang isip na tinu~ngo ang plaza.

Nasumpun~gan niya roon ang m~ga castilang pinagwiwicaan ang m~ga sundalo, canyang tiningnan ang m~ga upuang kinalalagyan ni María Clara at n~g canyang m~ga caibigan, at nakita niyang wala na sila roon.

--¡Padre Cura! ¡padre Cura!--ang sigawan sa canya n~g m~ga castila; n~guni't hindi niya pinansin sila. Doo'y nacahin~ga siya: nakita niya sa manipis na tabing na naroon ang isang anino, ang carapatdapat sambahing anino, ang puspos n~g biyaya at calugodlugod na pan~gan~gatawan ni María Clara, at ang sa canyang tía na may dalang m~ga taza at m~ga copa.

--¡Magaling na lamang!--ang canyang ibinulong,--tila mandin walang nangyari cung di ang pagcacasakit lamang.

Sinarhan ni tía Isabel, pagcatapos ang m~ga capis n~g bintana, at hindi na napakita ang caibig-ibig na anino.

Lumayo sa lugar na iyon ang cura, na di man lamang nakikita ang caramihan. Nalaladlad sa harap n~g canyang m~ga mata ang cagandagandahang pan~gan~gatawan n~g isang dalaga, na tumutulog at humihin~ga n~g catamistamisan; naliliman ang bubong n~g m~ga mata n~g mahahabang pilicmata, na ang calantican ay tulad sa m~ga pilicmata n~g m~ga Virgen ni Rafael; n~gumin~giti ang maliit na bibig; nalalarawan sa boo n~g pagmumukhang yaon ang pagca Virgen, ang calinisang wagas, ang pagca walang malay casalanan; ang pagmumukhang iyo'y isang lubhang matimyas na panaguinip sa guitna n~g maputing damit n~g canyang higaan, wan~gis sa isang ulo n~g querubín sa guitna n~g m~ga alapaap.

Nagpatuloy n~g pagcakita ang panimdim ni pari Salví n~g iba't iba pang m~ga bagay ...; ¿n~guni't sino ang macapaglilipat sa papel n~g lahat n~g mapapanimdim n~g isang nag-aalab na budhi?

Marahil ay ang Corresponsal n~g periódico, na winacasan ang pagsaysáy n~g fiesta at n~g lahat n~g m~ga nangyari sa ganitong paraan:

"Macalilibong salamat, walang hangang salamat sa sumapanahon at masicap na pamamag-itan n~g totoong cagalanggalang na si pari fray Bernardo Salví, na hindi kinatacutan ang lahat n~g pan~ganib, sa guitna n~g bayang iyóng nagn~gin~gitn~git n~g galit, sa guitna n~g caramihang wala n~g pinagpipitaganan; waláng bastón, walang sombero'y pinayapa niyá ang m~ga galit n~g caramihan, na waláng ibang guinamit liban na lamang sa canyáng mapanghicayat na pananalita, at ang cadakilaan at capangyarihang cailan ma'y hindi nagcuculang sa sacerdote n~g isang Religión n~g Capayapaan. Linisan n~g banal na religioso ang m~ga catamisan n~g pagcahimbing, na tinatamasa n~g lahat n~g magandang diwa na gaya n~g canyang taglay, upáng mailagang mangyari ang isang munting casacunaan sa canyáng m~ga oveja. Hindi n~ga marahil calilimutan n~g m~ga mamamayan sa San Diego ang ganitong lubhang magaling na guinawa niyá at magpacailan ma'y kikilanlin sa canyang utang na loob!"

=XLI.

DALAWANG PANAUHIN.=

Dahil sa calagayan n~g calooban ni Ibarra'y hindi siya mangyaring macatulog, caya n~ga't n~g upang liban~gin ang canyáng isip at ilayo ang m~ga malulungcot na panimdim na lalong lumalaki n~g di cawasa cung gabí, nagtrabajo siyá, sa napag-iisang canyang "gabinete". Inabot siya n~g araw sa m~ga paghahalohalo at pagbabagaybagay, na doo'y canyáng inilulubog ang capucaputol na m~ga cawayan at m~ga iba pa, na ipinapasoc pagcatapos sa m~ga frascong may m~ga número at natatacpan n~g lacre.

Ipinagbigay alam n~g isang alilang lalaking pumasoc ang pagdating n~g isang taong bukid.

--¡Papasukin mo!--ang canyáng sinabi, na hindi man lamang lumin~gon.

Pumasoc si Elías, na nanatili sa pagcatindig at hindi umiimic.

--¡Ah! ¿cayo po ba?--ang biglang sinabi ni Ibarra sa wicang tagalog, n~g siya'y canyang makita;--ipagpaumanhin po ninyó ang aking pagca pahintay sa inyó, hindi co napansin ang inyóng pagdating: may guinagawa acong isang mahalagang pagtikim....

--¡Ayaw co pong cayo'y abalahin!--ang isinagot n~g binatang piloto; ang unang ipinarito co'y upang sa inyo'y itanong cung cayo'y may ipagbibiling ano man sa lalawigang Batan~gang aking patutun~guhan n~gayon din, at ang icalawa'y upang sabihin co po sa inyo ang isang masamang balita....

Tinanong ni Ibarra n~g mata ang piloto.

--May sakit po ang anac na babae ni capitang Tiago,--ang idinugtong ni Elias n~g sabing mahinahon,--datapuwa't hindi malubha.

--¡Iyang na n~ga ang aking ipinan~gan~ganib!--ang sinabi n~g marahan,--¿nalalaman po ba ninyo cung ano ang sakít?

--¡Lagnat po! N~gayon, cung wala cayong ipag-uutos....

--Salamat, caibigan co; hinahan~gad cong cayo'y magcaroon n~g maluwalhating paglalacbay ...; datapuwa't bago cayo umalis, itulot po ninyo sa aking sa inyo'y macapagtanong n~g isa; cung sacali't lihís sa tapat na pag-iin~gat n~g lihim ay huwag cayong sumagot.

Yumucod si Elias.

--¿Paano ang inyong guinawa't inyong nasansala ang panucalang gulo cagabi?--ang tanong ni Ibarra na tinititigan si Elias.

--¡Magaang na magaang!--ang isinagot ni Elias n~g boong cahinhinan;--ang namamatnugot n~g gayong kilusa'y magcapatid na nan~gulila sa ama na pinatay n~g guardia civil sa capapalo; nagcapalad aco isang araw na mailigtas co sila sa m~ga camay rin n~g m~ga iyong umamis sa buhay n~g canilang magulang, at dahil dito'y capuwa cumikilala sa akin n~g utang na loob ang dalawa. Sa canila, aco nakiusap cagabi, at sila naman ang sumaway na sa m~ga iba.

--¿At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?...

--Ang cahahanggana'y cawan~gis din n~g ama,--ang isinagot ni Elias n~g marahang tinig;--pagca minsang tinatacan na n~g casacunaan n~g canyang tanda ang isang mag-anac, kinacailan~gang mamatay n~ga ang lahat n~g bumubuo n~g mag-anac na iyan; pagca tinatamaan n~g lintic ang isang cahoy ay naguiguing alaboc na lahat.

At sa pagca't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y nagpaalam.

N~g nag-iisa na siya'y nawala ang anyong panatag ang loob na canyang naipakita sa harap n~g piloto, at nan~gibabaw sa mukha ang sákit n~g canyang loob.

--¡At aco! ¡acó ang nagpahirap n~g di ano lamang sa babaeng iyan!--ang ibinulong.

Dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan.

Bumati sa canyá n~g boong capacumbabaan ang isáng maliit na lalaking nacasuut n~g lucsa at may isáng malaking pilat sa caliwang pisn~gi, at pinahinto siyá sa paglacad.

--¿Ano ba ang ibig ninyó?--ang tanong ni Ibarra.

--Guinoo, Lucas ang aking pan~galan, acó ang capatid n~g namatay cahapon.

--¡Ah! ¡Inihahandog co sa inyó ang pakikisama sa inyóng pighati!... at anó pa?

--Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac na nan~gulila sa aking capatid.

--¿Ibabayad?--ang inulit n~g binata, na di napiguil ang sama n~g canyang loob;--pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó n~gayon hapon, sa pagca't nagmamadali acó n~gayón.

--¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad!--ang pinipilit itanong ni Lucas.

--¡Sinabi co na sa inyóng mag-uusap na tayo sa ibang araw, n~gayo'y wala acong panahon!--ani Ibarrang naiinip.

--¿Wala po cayong panahón n~gayón, guinoo?--ang tanóng n~g boong saclap ni Lúcas, na humalang sa harapan ni Ibarra;--¿wala cayong panahon sa pakikialam sa m~ga patay?

Other books

Lydia Trent by Abigail Blanchart
Truth or Dare by Misty Burke
Rebel on the Run by Jayne Rylon
My Life Without Garlic by Bailey Bradford
Tumbleweed Weddings by Donna Robinson
Hadrian by Grace Burrowes
The World According to Bertie by Alexander McCall Smith