Noli Me Tangere (45 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
11.78Mb size Format: txt, pdf, ePub

Nanag-uli ang salitaan sa lacad na caugalian.

¡Namamasid cong walâ rito ang ating dákilang mán~gan~garal!--ang kiming sinalità n~g isá sa m~ga naroroong cawaní n~g gobierno, na mahinhin ang anyô at hindî binubucsán ang bibig hanggang sa oras n~g pagcain, at sa boong umaga'y n~gayon n~gâ lámang nagsalità.

Ang lahát n~g nacaáalam n~g m~ga nangyari sa amá ni Crisóstomo'y cumilos at cumindát, na ang cahuluga'y:--"¡Halá cayó! ¡Sa unang hacbáng pa lámang ay cayo'y násilat na!"--Datapuwa't sumagót ang iláng mapagmagandang loob:

--Marahil nápapagal siyá n~g cauntí....

--¿Anóng caunti lámang?--ang bigláng sinabi n~g alférez;--pagód na pagód marahil, at ayon sa casabihán dito'y "malunqueado" (bugbóg na bugbóg ang catawán). ¡Nacú ang pan~garal na iyón!

--¡Isáng mainam na sermón, cadakidakilaan!--anang escribano.

--¡Maran~gal, malalim!--ang idinugtóng n~g corresponsal.

--Upang macapagsalità n~g gayóng catagál, kínacailan~gang magcaroon n~g lálamunang gaya n~g canyáng lálamunan,--ang ipinahiwatig ni párì Manuel Martín.

Waláng pinupurì ang agustino cung di ang lalamunan lámang niyá.

--¡Nalalaman ba ninyóng si guinoong Ibarra'y siyáng lalong may magalíng na tagapaglutò sa boong lalawigan?--anang Alcalde upang putulin ang salitaan.

--Iyan n~gâ ang sinasabi co, datapuwa't ang magandang babaeng canyáng calapít ay áayaw paunlacán ang hayin, sa pagca't bahagyâ na lámang tiniticman ang pagcain,--ang tutol n~g isá sa m~ga cawaní n~g gobierno.

Nagdamdam cahihiyan si Maria Clara.

--Napasásalamat acó sa guinoo ... napacalabis naman ang canyáng pan~gan~gasiwà sa aking cataohan,--ang kimíng sinalitâ n~g pautál,--datapuwa't....

--Datapuwa't pinaúunlacan pô ninyó n~g malakí ang pagsasalosalong itó sa inyó lámang pagparito,--ang sinabing pangwacás sa salità n~g Alcaldeng malin~gap sa babae, at sacá humarap cay párì Salví.

--Párì Cura,--ang malacás na idinugtóng,--námamasid co pong sa maghapo'y hindî cayó umíimic at may iniísip....

--¡Catacot-tacot na magmamasid ang guinoong Alcalde!--ang bigláng sinabi sa isáng cacaibáng anyô ni párì Sibyla.

--Itó na ang aking ugali,--ang pautál na sinabi n~g franciscáno;--ibig co pang makinig cay sa magsalitâ.

--¡Ang pinagsisicapang lagui n~g camahalan pô ninyo'y ang makinabang at huwag man~gulugui!--ang sinabi n~g alférez, na aglahî ang anyô n~g pananalità.

Hindî inaring birô ang bagay na iyón ni párì Salví; sandaling numingníng ang canyáng panin~gin, at sacá sumagót:

--Magalíng ang pagcatalastas n~g guinoong alférez na sa m~ga áraw na ito'y hindî n~gâ acó ang lalong nakikinabang ó nan~gun~gulugui!

Hindî inalumana n~g alférez ang dagoc na iyón sa pamamag-itan n~g isáng cunua'y tawa, at winalang bahalà ang pasaring na iyón.

--N~guni, m~ga guinoo, hindî co mapagwarì cung bakit macapagsasalitaan n~g m~ga pakikinabang ó m~ga pan~gun~gulugui,--ang isinabat n~g Alcalde;--¿anó ang mawiwicà sa atin n~g m~ga magagandang loob at matatalinong binibining nan~garitong nagbibigay unlác sa atin n~g caniláng pakikipanayam? Sa ganáng akin, ang m~ga dalaga'y tulad sa m~ga taguintíng n~g arpa n~g calan~gitan sa guitna n~g gabi! kinacailan~gang pacauliniguin at silá'y pakinggan, at n~g ang m~ga caayaayang tinig niláng nagpapailanglang sa calolowa sa calan~gitang kinarorooran n~g waláng hanggan at n~g lalong cagandagandahan....

--Naghahanay ang camahalan pô ninyó n~g m~ga matitimyás na sasay!--anang escribano n~g boong galác, at ininóm niyá at n~g Alcalde ang álac na na sa canicaniláng copa.

--Hindî mangyaring hindî co gawín,--anang Alcalde, na pinapahid ang canyáng m~ga labì;--cung hindî laguing gumagawâ n~g magnánacaw ang capanahunan, ay gumagawâ namán n~g manunulâ. N~g cabataan co'y cumathâ acó n~g m~ga tulâ, na hindî namán masasamâ.

--Sa macatuwid po'y naglilo ang inyóng camahalan sa m~ga Musa upang sumunód cay Themis!--ang sinaysay n~g ating "corresponsal" na mahiliguín sa m~ga diosa n~g panahóng una.

--Psch! anóng ibig ninyóng aking gawin? Sa tuwi na'y naguing hilig co ang aking mapagkilalà ang lahát n~g calagayan n~g pamúmuhay. Namúmupol acó cahapon n~g m~ga bulaclác, n~gayó'y aking hawac naman ang tungcod n~g Justicia at naglilingcód acó sa sangcataohan, búcas....

--Búcas ay ihahaguis n~g camahalan pô ninyó ang tungcód na iyán sa apóy at n~g inyóng mapainit ang maguináw na dacong hápon n~g buhay, at ang cucunin pô namán ninyo'y ang catungculang pagca ministro,--ang idinugtóng ni párì Sibyla.

--Psch! oo ... hindî ... ang maguing ministro'y hindî siyáng lalong aking pinacahahangad na camtan: sino mang waláng carapata'y naguiguing ministro. Isang mainam na bahay sa dacong timugan n~g España at n~g matirahan cung panahông tag-init, isang malaking bahay sa Madrid at tahanan at m~ga lupaín sa Andalusia cung panahong tag-lamig ... Hindî n~gâ masasabi sa akin ni Voltaire: "Nous n'avons jamais été chez ces peuples que pour nous y enrichir et pour les calomnier".

Ang boong ísip n~g m~ga cawaní n~g gobierno'y nagsalità ang Alcalde n~g isáng catatawanán, caya't nagtawanan silá't n~g bigyáng capurihan ang gayóng pagpapatawá; silá'y guinayahan n~g m~ga fraile, palibhasa'y hindî nilá talós na si Voltaire ay yaóng Voltaireng hindî mamacailang caniláng sinumpâ at inilagay sa infierno. N~guni, sa pagca't nalalaman ni parì Sibyla cung sino si Voltaire, siya'y magpakilang galit, sa pagsasapantaha niyang nagsalitâ ang Alcalde n~g isáng laban ó paglabag sa religion.

Nagsisicain naman sa isáng "kiosko" ang m~ga batang lalakì, na ang caniláng maestro ang sa canila'y nan~gun~gulò.

Gumagawâ silá n~g malakíng cain~gayan, gayóng silá'y m~ga batang filipino, sapagca't ang caraniwan, cung ang m~ga batang filipino'y na sa pagcain at na sa haráp n~g ibáng m~ga tao'y hindî ang cagaslawán ang caniláng naguiguing caculan~gan, cung di ang cakimian. Ang isa'y nagcacamalí n~g paggamit n~g m~ga "cubierto" at sa gayo'y sinásala n~g calapit; dito'y nagmumulâ ang isáng pagmamatuwiran, at ang dalawang nagtatalo'y nagcacaroon n~g canicaniyáng m~ga cacampí: ang wicà n~g iba'y ang cuchara, anang iba nama'y ang tenedor ó ang cuchillo, at sa pagca't walâ silang kinikilalang capuwà batang lalong marunong cay sa ibâ, doo'y nan~gagcacain~gay n~g di sapalâ, ó, sa lalong maliwanag na sabi, sila'y nan~gagmamatuwirang wan~gís sa pagtatalò n~g m~ga teólogo.

Ang m~ga magugulang ay nan~gagkikindatan, nan~gagsisicuhán, nan~gaghuhudyatan, at nababasa sa caniláng m~ga pagn~gitî na sa sila'y lumiligaya.

--¡Abá!--ang sabi n~g isáng babaeng tagabukid sa isáng matandang lalaking nagdidicdic n~g hitsó sa canyáng calicot;--magpaparì ang aking si Andoy, cahi't áayaw ang aking asawa. Tunay n~ga't m~ga dukhâ cami, n~guni't cami'y magsisipag sa paghahanap buhay, at cami'y magpapalimos cung cacailan~ganin. Hindî nawawalan n~g nagbibigay n~g salapi at n~g macapagpárì ang m~ga mahihirap. Hindî ba sinasabi ni hermano Mateo, taong hindî nagsisinun~galing, na si papa Sixto'y isáng pastol lamang n~g calabaw sa Batan~gan? Tingnan na ngâ lamang ninyó ang aking si Andoy, ¡tingnan ninyó siyá cung dí camukhâ na ni San Vicente!

At cumacayat ang laway n~g mabaít na ina sa panonood sa canyáng anác na hinahawacan ang tenedor n~g dalawang camay.

--¡Tulun~gan nawa siyá n~g Dios!--ang idinugtóng n~g matandang lalaki, na n~ginun~guyâ ang sapá;--cung maguing papa si Andoy, cami pa sa sa Roma ¡je!--¡je! nacalalacad pa acóng mabuti. At cung sacali't mamatay acó ... ¡jeje!

--¡Huwag pô cayóng mabahalà, incong! Hindî malilimot ni Andoy na tinuruan ninyó siyá n~g paglála n~g m~ga bilao at n~g dikin.

--Tunay ang sabi mo Petra; acó ma'y naniniwala ang anác mo'y nagcacaroon n~g mataas na catungculan ... ang cababaa'y patriarca. ¡Hindî pa acó nacacakita n~g batang hiniguit sa canyá sa cadaliang natuto n~g hanap-buhay! Oo, oo, maaalaala na niya acó, cung siyá'y papa na ú obispo at maglibang sa paggawa n~g m~ga bilauhang gagamitin n~g canyáng tagapaglutong babae. Oo, ipagmimisa n~ga niyâ ang aking calolowa, ¡jeje!

At taglay n~g mabait na matanda ang ganitóng pag asa'y sinicsicang mainam n~g maraming hitsó ang canyáng calicot.

--Cung pakikinggan n~g Dios ang aking m~ga pagsamò at magaganap ang aking m~ga pag-asa, sasabihin co cay Andoy: "Anác, pawiin mo sa amin ang lahát n~g casalanan at ipadalá mo camí sa lan~git". Hindî na tayo man~gan~gailan~gang magdasál, mag ayuno ó bumilí pa n~g m~ga bula. Maaarì n~g gumawâ n~g m~ga casalanan ang may isáng anác na santo papa!

--Paparoonin mo siyá sa bahay búcas, Petra,--anang matandang lalakì na totoong nagagalác;--¡tuturuan co siyá n~g pagcacayas n~g nito!

--¡Hmjo! ¡abá! ¿Anó pô ba, incóng ang pagcaalam ninyó? ¿Inaacalà pô ba ninyóng iguinagaláw pa n~g m~ga papa ang caniláng m~ga camáy? ¡Ang cura n~gâ, gayóng siya'y cura lamang, cayâ lamang nagpapagal ay cung nagmimisa, pagca nagpapapihitpihit! Ang arzobispo'y hindî na pumipihit, paupô cung magmisa; cayâ n~gâ't ang papa ... ¡ang papa'y nacahigá cung magmisa, at may abanico pa! Anó pô ba ang ísip ninyó?

--Hindî isáng calabisán, Petra, ang canyáng malaman cung paano ang guinagawang paghahandâ n~g nito. Mabuti na ngâ ang siyá'y macapagbili n~g m~ga salacót at m~ga petaca at n~g huwag macailan~gang magpalimos na gaya n~g guinagawâ rito n~g cura sa taón-taón sa pan~galan n~ga papa. Nahahabag acong makita ang isáng santong pulubi, caya't aking ibinibigay ang lahat cong nalimpoc.

Lumapit ang isáng tagabukid at nagsalitâ.

--Aking pinagtibay na, cumare, magdodoctor ang aking anac, ¡walâ n~g magaling na gaya n~g doctor!

--¡Doctor! huwag n~gâ cayóng main~gay, cumpare;--ang sagót ni Petra;--¡walâ n~g magalíng na gaya n~g magcura!

--¿Cura? ¡prr! ¡Sumísin~gil n~g maraming salapî ang doctor; silá'y sinásamba n~g maysakít, cumare!

--¡Magnilaynilay cayó! Sucat n~g magpapihitpihit n~g macaatlo ó macaapat ang cura at magsalità n~g "déminus pabiscum," upang canin ang Dios at tumangap n~g salapî. Sinâsabi n~g lahát sa canyá, patí n~g m~ga babae, ang caniláng m~ga lihim.

--¿At ang doctor? ¿At anó bang acalà ninyó sa doctor? ¡Nakikita n~g dóctor na lahat, patì n~g itinatagò ninyông m~ga babae, pumúpulso sa m~ga dalaga.... ¡Ibig cong maguing doctor isáng linggó man lamang!

--¿At ang cura? ¿hindî ba nakikita n~g cura ang nakikita n~g inyóng doctor? ¡At magaling pa sa riyan! Nálalaman na ninyó ang casabihan; "¡sa cura ang matatabang inahing manóc at gayón din ang binting mabilog!"

--¿At anó, cumacain ba ang m~ga manggagamot n~g tuyóng lawlaw? ¿nasasactán ba ang m~ga dalirì sa pagdidildil n~g asín?

--¿Narurumhán ba ang camáy n~g cura na gaya n~g m~ga camáy n~g manggagamot? ¡N~g huwag magcagayo'y may malalakíng hacienda silá, at sacali't gumagawâ, gumagawáng may música at siyá'y tinutulun~gan pa n~g m~ga sacristan!

--¿At ang cumumpisál cumare? ¿Hindî ba pagpapagal ang cumumpisál?

--¡Nacú, ang pagpapagal na iyán! ¡Ang pagcaibig ninyóng sa inyó'y man~gumpisal ang lahát n~g tao! ¡Diyata't nagcacapagod at nagcacapangpapawis pa n~gâ tayo sa pagcaibig nating masiyasat cung anó ang m~ga gawâ n~g m~ga lalaki't m~ga babae at cung anó ang m~ga gawâ n~g ating m~ga capit-bahay! Waláng guinagawâ ang cura cung dî maupo, at pagdaca'y sinasabi na sa canyá ang lahát; cung minsa'y nacacatulog, datapuwa't ¡sucat na ang maggawad n~g dalawa ó tatlóng benedición upang tayo'y maguing anac ulí n~g Dios! ¡Maanong maguing cura na n~gâ lamang acó sa isáng hapon n~g cuaresma!

--¿At ang ... ang magsermón? ¿sasabihin naman ninyó sa aking iya'y hindî pagpapagod? ¡Nákita na ninyó cung paano ang pagpapawis n~g curang malaki caninang umaga!--ang itinututol n~g lalaking nacacaramdam na siya'y nalulupig sa matuwiranan.

--¿Ang magsermón? ¿Isáng pagpapagal ba ang magsermón? ¿Saan naroon ang inyóng pag-iisip? ¡Maanong macapagsasalitâ na n~gà acó hanggang tanghalì, mulà sa púlpito, na aking macagalítan at mapagwicaan ang lahát, na sino ma'y waláng macapan~gahás na tumutol, at pagbabayaran pa acó sa gayóng gawâ! ¡Maanong maguing cura na n~gâ acó isáng umagang nan~gagsisimbá ang m~ga may utang sa akin! ¡Pagmasdan ninyó cung paano ang pagtabà ni párì Dámaso sa canyáng capagmumurá at capapalò!

At dumarating n~gâ naman si párì Dámaso, taglay ang paglacad n~g taong matabà, na halos nacan~giti, n~guni't sa isáng anyóng nagpapakilala n~g pan~git niyáng caisipán, caya't pagcakita sa canyá ni Ibarra'y nalitó sa canyáng pagtatalumpatî.

Binatì nilá si párì Dámaso, baga man may halong pagtatacá, datapuwa't nagpakita ang lahát n~g galác sa canyáng pagdating, liban na lamang cay Ibarra. Nan~gaghihimagas na at bumubulâ na ang sa m~ga copa ang "champaña".

Naowi sa pan~gan~gatál ang n~gitî ni párì Dámaso, n~g canyáng mamasdan si María Clarang nacaupô sa dacong canan ni Crisostomo; n~guni't umupô siyá sa isáng silla sa tabí n~g Alcalde, at sacá tumanóng sa guitna n~g isáng macahulugang catahimican:

--¿May pinag-uusapan ba cayóng anó man, m~ga guinoo? ¡Ipagpatuloy ninyó ang salitaan!

--Nan~gagtatalumpatian,--ang sagót, n~g Alcalde. Binabangguit ni guinoong Ibarra ang lahát n~g sa canya'y tumulong sa adhicáng icagagaling n~g madlá, at sinasaysay ang nauucol sa arquitecto, n~g ang camahalan pâ ninyó'y....

--Hindî n~gâ acó nacacamuang n~g tungcól sa arquitectura,--ang isinalabat ni párì Dámaso,--datapuwa't tinatawanan co ang m~ga arquitecto at gayón din ang m~ga tan~gáng tumatacbô sa canilá. Náriyan, acó ang gumuhít n~g piano n~g simbahang iyán, at lubós sa cagalin~gan ang pagsacagawâ: ganyan ang sabi sa akin n~g isáng inglés na maglalacó n~g m~ga hiyás, na tumuloy isáng áraw sa convento. ¡Sucat n~g magcaroon n~g dalawang daling noo upang macagawâ n~g piano!

--Gayon man,--ang mulíng isinagót n~g Alcalde, n~g mamasid niyáng hindî umiímic si Ibarra,--pagca nauucol na sa m~ga tan~gíng bahay, gaya na n~gâ baga n~g isáng escuela, sa halimbawa, nagcacailan~gan tayo n~g isáng "perito" (isáng taóng pantás sa paggawâ n~g anó man).

--¡Anó bang "perito ni peritas"!--ang sinabing malacás na palibac ni párì Dámaso.--Ang nagcacailan~gan n~g m~ga "perito" ay isáng "perrito" (tuta ó maliit na áso)! ¡Kinacailan~gang maguing hayop pa cay sa m~ga "indio", na gumagawang mag isá n~g caniláng m~ga bahay, upang hindî matutong magpagawâ n~g apat na pader at saca patun~gan sa ibábaw n~g isáng tangkil, na siyá n~gang isáng tunay na escuela!

Tumin~ging lahát cay Ibarra, datapuwa't ito'y baga man lalong namutlà, nagpatuloy na parang nakikipagsalitaan cay María Clara.

--N~guni't dilidilihin pô ninyóng....

--Tingnan pô ninyó,--ang ipinagpatuloy na sabi n~g franciscano, na ayaw papagsalitain ang Alcalde,--tingnan pô ninyó cung paano ang guinawâ n~g isáng "lego" namin, na siyáng lalong pinacahayop sa lahát naming m~ga lego, na yumari n~g isáng magalíng, mabuti at murang hospital. Marunong magpagawang magalíng at hindî nagbabayad cung dî walong cuarta lámang sa araw-araw sa bawa't isá sa m~ga taong nanggagaling pa sa ibáng bayan. Nálalaman n~g legong iyán cung paano ang nauucol na pakikisama sa m~ga "indio", na hindî gaya n~g maraming m~ga haling at m~ga "mesticillo", na nagpapasamâ sa m~ga taong iyán sa pagbabayad sa canila n~g tatlóng bahagui ó isáng salapî.

Other books

Resistance by Barry Lopez
Enclave by Aguirre, Ann
Seeds: Volume Two by Kin, M.M.
The Perils of Judge Julia by DrkFetyshNyghts
Waiting for Time by Bernice Morgan
Answered Prayers by Danielle Steel
Saint Errant by Leslie Charteris
Corroboree by Graham Masterton