Authors: JosÈ Rizal
Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ:
Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés, ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi.
N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España, at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at "mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P.
[73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili.
[74] Sa galit ay nabiglaanan.
[75] Sa bibíg lamang.
[76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò.
[77] Na sa pag-iisip.
[78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya.
[79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin.
[80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España, halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!]
[81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó pámahayagan.
[82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P.
[83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó si guinoong Fulano."--P.H.P.
[84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P.
=II.=
=CRISOSTOMO IBARRA=
Hindî magagandá at mabubuting bíhis na m~ga dalaga upang pansinín n~g lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na casama ang canyang m~ga ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang teniente at sumalubong n~g ilang hacbáng, at si Fr. Dámaso'y maguíng tila nawal-an n~g díwà: sila'y walâ cung dî ang "original" n~g larawang naca frac, na tan~gan sa camáy ang isáng binatang luksâ ang boong pananamit.
--¡Magandang gabí pô, m~ga guinoo! ¡Magandang gabí pô "among"[85]!--ang unang sinabi ni Capitang Tiago, at canyáng hinagcan ang m~ga camáy n~g m~ga sacerdote, na pawang nacalimot n~g pagbebendicion. Inalís n~g dominico ang canyang salamín sa mata upang mapagmasdan ang bagong datíng na binatà at namumutlâ si Fr. Dámaso at nangdídidilat ang m~ga matá.
--¡May capurihan acóng ipakilala pô sa inyó si Don Crisòstomo Ibarra, na anác n~g nasirà cong caibigan!--ang ipinagpatuloy ni Capitang Tiago.--Bagong galing sa Europa ang guinoong ito, at siya'y aking sinalubong.
Umalin~gawn~gaw ang pagtatacá n~g márin~gig ang pan~galang ito; nalimutan n~g tenienteng bumatì sa may bahay, lumapit siya sa binatà at pinagmasdan niya ito, mulâ sa paa hanggang ulo. Ito'y nakikipagbatian n~g m~ga ugaling salitâ n~g sandalíng iyon sa boong pulutóng; tila mandin sa canya'y walang bagay na naíiba sa guitnâ n~g salas na iyon, liban na lamang sa canyang pananamít na itím. Ang canyang taas na higuít sa caraniwan, ang canyang pagmumukhâ, ang canyang m~ga kílos ay pawang naghahalimuyac niyang cabataang mainam na pinagsabay inaralan ang catawa't cálolowa. Nababasa sa canyang mukháng bucás at masayá ang cauntíng bacás n~g dugong castilà na naaaninag sa isang magandáng culay caymanggui, na mapulapulá sa m~ga pisn~gi, marahil sa pagcápatira niya sa m~ga bayang malalamíg.
--¡Abá!--ang biglang sinabi sa magalác na pagtatacá--¡ang cura n~g aking bayan! ¡Si parì Dámaso: ang matalic na caibigan n~g aking amá!
Nan~gagtin~ginang lahat sa franciscano: ito'y hindi cumilos.
--¡Acó po'y pagpaumanhinan ninyó, aco'y nagcámali!--ang idinugtong ni Ibarra, na ga nahihiyâ na.
--¡Hindî ca nagcámali!--ang sa cawacasa'y naisagot ni Fr. Dámaso, na sirâ ang voces.--N~guni't cailan ma'y hindî co naguíng caibigang matalic ang iyong amá.
Untiunting iniurong ni Ibarra ang canyang camáy na iniacmáng humawac sa camáy ni parì Dámaso, at tiningnan niya itó n~g boong pangguiguilalas; lumin~gón at ang nakita niya'y ang mabalasic na anyô n~g teniente, na nagpapatuloy n~g pagmamasíd sa canya.
--Bagongtao, ¿cayó po bâ ang anác ni Don Rafael Ibarra?
Yumucód ang binatà.
Ga tumindíg na sa canyang sillón si Fr. Dámaso at tinitigan ang teniente.
--¡Cahimanawarî dumatíng cayong malualhatì dito sa inyong lupaín, at magtamó nawâ pô cayó n~g lalong magandang palad cay sa inyong ama!--ang sabi n~g militar na nan~gin~ginig ang voces. Siya'y aking nakilala at nácapanayam, at masasabi cong siya'y isa sa m~ga taong lalong carapatdapat at lalong may malinis na capurihán sa Filipinas.
--Guinoo--ang sagót ni Ibarrang nababagbag ang púsò--ang inyo pong pagpuri sa aking amá ay pumapawì n~g aking m~ga pag-alap-ap tungcol sa caniyang kinahinatnang palad, na aco, na canyang anác ay di co pa napagtátalos.
Napunô n~g lúhà ang m~ga matá n~g matandà, tumalicód at umalís na dalídálì.
Napag-isa ang binata sa guitnâ n~g salas; at sa pagca't nawalâ ang may bahay, walâ siyang makitang sa canya'y magpakilala sa m~ga dalaga, na ang caramiha'y tinitingnan siya n~g may paglin~gap. Nang macapag-alinlang may iláng minuto, tinun~go niya ang m~ga dalagang tagláy ang calugodlugod na catutubong kilos.
--Itulot ninyo sa aking lacdan~gan co--anya--ang m~ga utos n~g mahigpit na pakikipagcapwa tao. Pitóng taón na n~gayong umalís acó rito sa aking bayan, at n~gayong aco'y bumalíc ay hindi co mapiguilan ang nasang aco'y bumáti sa lalong mahalagang hiyas niya; sa canyang m~ga suplíng na babae.
Napilitan ang binatang lumayò roon, sa pagca't sino man sa m~ga dalaga'y waláng nan~gahás sumagot. Tinun~go niya ang pulutóng n~g ilang m~ga guinoong lalaki, na n~g mámasid na siya'y dumarating ay nan~gagcabilog.
M~ga guinoo--anya--may isang caugalían sa Alemaniang pagca pumaparoon sa isang capisanan, at walang masumpun~gang sa canya'y magpakilala sa m~ga ibá; siya ang nagsasabi n~g canyáng pan~galan at napakikilala, at sumasagot naman ang m~ga causap n~g sa gayón ding paraan. Itúlot pô ninyó sa akin ang ganitóng ugálì; hindî dahil sa ibig cong dito'y magdalá n~g m~ga asal n~g m~ga tagá ibáng lupain, sa pagca't totoong magaganda rin naman ang ating m~ga caugalian, cung dî sa pagca't napipilitan cong gawín ang gayong bagay. Bumati na acó sa lan~git at sa m~ga babae n~g aking tinubuang lúpà: n~gayo'y ibig cong bumati naman sa m~ga cababayan cong lalaki. ¡M~ga guinoo, ang pan~galan co'y Juan Crisóstomo Ibarra at Magsalin!
Sinabi naman sa canya n~g canyang m~ga causap ang canicanilang m~ga pan~galang humiguit cumulang ang pagca walang cabuluhan, humiguit cumulang ang pagca hindî nakikilala nino man.
--Ang pan~galan co'y A--á!--ang sinabi't sucat n~g isang binata at bahagya n~g yumucód.
--¿Bacâ po cayá may capurihan acong makipagsalitaan sa poetang ang m~ga sinulat ay siyáng nacapagpanatili n~g marubdób cong pagsintá sa kinaguisnan cong bayan? Ibinalità sa aking hindî na raw po cayó sumusulat, datapuwa't hindî nila nasabi sa akin ang cadahilanan ...
--¿Ang cadahilanan? Sa pagcá't hindî tinatawag ang dakílang nin~gas n~g isip upang ipamalingcahod at magsinun~galíng. Pinag-usig sa haráp n~g hucóm ang isang tao dahil sa inilagáy sa tulâ ang isang catotohanang hindi matututulan. Aco'y pinan~galanang poeta, n~guni hindî aco tatawaguing ulól.
--At ¿mangyayari po bagang maipaunawà ninyo cung anó ang catotohanang yaon?
--Sinabi lamang na ang anac n~g león ay león din namán; cacaunti na't siya'y ipinatapon sana.
At lumayô sa pulutóng na iyón ang binatang may cacaibang asal.
Halos tamátacbo ang isáng táong masayá ang pagmumukhâ, pananamit filipino ang suot, at may m~ga botones na brillante sa "pechera." Lumapit cay Ibarra, nakipagcamay sa canyá at nagsalitâ:
--¡Guinoong Ibarra, hinahan~gad cong mákilala co pô cayó; caibigan cong matalic si Capitang Tiago, nakilala co ang inyóng guinoong amá ...; ang pan~galan co'y Capitang Tinong, nanánahan aco sa Tundóng kinálalagyan n~g inyóng báhay; inaasahan cóng pauunlacán ninyó acó n~g inyóng pagdalaw; doon na pô cayó cumain búcas!
Bihág na bihág si Ibarra sa gayóng calakíng cagandahang loob: n~gumín~gitî si Capitang Tinong at kinucuyumos ang m~ga camay.
--¡Salamat po!--ang isinagót n~g boong lugód.--N~guni't pasasa San Diego po acó búcas ...
--¡Sáyang! ¡Cung gayo'y sacâ na, cung cayo'y bumalíc!
--¡Handâ na ang pagcain!--ang bigáy álam n~g isáng lingcod n~g Café "La Campana." Nagpasimulâ n~g pagpasamesa ang panauhín, bagá man nagpapamanhíc na totoo ang m~ga babae, lalong lalò na ang m~ga filipina.
TALABABA:
[85] Caraniwan sa catagalugan tawaguing "among" ang parì, marahil sa turò rin n~g fraile. Ang sabing "among" ay galing sa "amo," na ang cahuluga'y "pan~ginoon," at ang tumatawag n~g "amo" ay "alipin." ¿Bakit hindi sila nagpatawag n~g "ama" na siyáng cahulugan sa wicang tagalog n~g sabing "padre?" ¿Bakit itinutulot n~g m~ga sacerdote na silá'y tawaguin "amo?"
=III.=
=ANG HAPUNAN=
Jele jele bago quiere,
[86]
Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nan~gin~gilis at manipís na m~ga labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot n~g putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ n~g loob n~g franciscano, sinisicaran ang m~ga sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán n~g masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casaganàan n~g haying pagcain. Pinacunot ni Doña Victorina, gayón man, ang canyáng ilóng; n~guni't caracaraca'y lumin~góng malakí ang gálit, cawan~gis n~g natapacang ahas: mangyari'y natuntun~gan n~g teniente ang "cola" n~g canyáng pananamít.
--Datapuwa't ¿walâ pô bâ, cayóng m~ga matá?--anyá.
--Mayroon pô, guinoong babae, at dalawáng lalóng magalíng cay sa m~ga matá ninyó; datapowa't pinagmámasdan co pô iyang inyóng m~ga culót n~g buhóc--ang itinugón n~g militar na iyong hindî totoong mápagparayâ sa babae, at sacâ lumayô.
Bagá man hindî sinasadya'y capuwâ tumun~go ang dalawáng fraile sa dúyo ó ulunán n~g mesa, marahil sa pagca't siyáng pinagcaratihan nilá at nangyari n~gâ ang mahíhintay, na tulad sa nan~gagpapan~gagaw sa isáng cátedra[87]: pinupuri sa m~ga pananalitâ ang m~ga carapatán at cataásan n~g ísip n~g m~ga capan~gagáw; datapua't pagdaca'y ipinakikilala ang pabaligtad, at nan~gag-úun~gol at nan~gag-uupasalà cung hindî silá ang macapagtamó n~g caniláng han~gád.
--¡Ucol pô sa inyó, Fr. Dámaso!
--¡Ucol pô sa inyó, Fr. Sibyla!
--Cayo ang lalong unang cakilala sa bahay na itó ... confesor n~g nasirang may bahay na babae, ang lalong may gulang, may carapatán at may capangyarihan....
--¡Matandáng matanda'y hindî pa naman!--n~guni't cayo pô naman ang cura nitong bayan!--ang sagót na matabang ni Fr. Dámasong gayón ma'y hindî binibitiwan ang silla.
--¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod!--ang iniwacás ni Fr. Sibyla.
--¡Aco'y hindî nag-uutos!--ang itinutol n~g franciscano--¡aco'y hindî nag-uutos!
Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang m~ga pagtutol na iyón, n~g macasalubong n~g canyang m~ga matá ang m~ga matá n~g teniente. Ang lalong mataas na oficial sa Filipinas, ayon sa caisipán n~g m~ga fraile, ay totoong malakí ang cababaan sa isáng uldog na tagapaglútò n~g pagcain. "Cedant arma togæ"[88], ani Cicerón sa Senado; "cedant arma cotae"[89] anang m~ga fraile sa Filipinas. Datapuwa't mapitagan si Fr. Sibyla, caya't nagsalitâ:
--Guinoong teniente, dito'y na sa mundo[90] po tayo at walâ sa sambahan; nararapat po sa inyo ang umupô rito.
Datapuwa't ayon sa anyô n~g canyang pananalita'y sa canya rin nauucol ang upuang iyón, cahi't na sa mundo. Ang teniente, dahil yatà n~g siya'y howag magpacagambalà, ó n~g huwag siyang umupô sa guitnâ n~g dalawáng fraile, sa maiclíng pananalita'y sinabing áyaw siyang umupô roon.
Alín man sa tatlóng iyo'y hindî nacaalaala sa may bahay. Nakita ni Ibarrang nanonood n~g boong galác at nacan~gitî sa m~ga pagpapalaman~gang iyón sa upuan ang may bahay.
--¡Bakit pô, Don Santiago! ¿hindi pô bâ cayó makikisalo sa amin?--ani Ibarra.
N~guni't sa lahat n~g m~ga upuan ay may m~ga tao na. Hindî cumacain si Lúculo[91] sa bahay ni Lúculo.