Noli Me Tangere (9 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
6.83Mb size Format: txt, pdf, ePub

Ipinalalagay na siyá'y isá sa m~ga lalong m~ga mayayamang "propietario"[116] sa Binundóc, at isá sa lalong m~ga pan~gulong "hacendero"[117], dahil sa canyáng m~ga lúpà sa Capampan~gan at sa Laguna n~g Bay, lalonglalò na sa bayan n~g San Diego, na doo'y itinataas taón taón ang buwis n~g lúpà. Ang San Diego ang lalong naiibigan niyáng báyan, dahil sa caligaligayang m~ga páliguan doon, sa balitang sabun~gán, ó sa m~ga hindî niyá nalilimot na canyáng naaalaala: doo'y nátitira siyá n~g dalawáng buwán sa bawa't isáng taón, ang cadalian.

Maraming m~ga báhay si Capitang Tiago sa Santo Cristo, sa daang Anloague at sa Rosario. Siyá't isáng insíc ang may hawác n~g "contrata" n~g opio at hindî n~ga cailan~gang sabíhing silá'y nan~gagtutubò n~g lubháng malakí. Siyá ang nagpapacain sa m~ga bilanggô sa Bilibid at nagpapádala n~g damó sa maraming m~ga pan~gulong báhay sa Maynilà; dapat unawâing sa pamamag-itan n~g "contrata." Casundô niyá ang lahát n~g m~ga pinunò, matalinò, magalíng makibagay at may pagcapan~gahás, pagcâ nauucol sa pagsasamantalá n~g m~ga pagcâ iláng n~g ibá; siyá ang tan~ging pinan~gan~ganibang capan~gagáw n~g isáng nagn~gan~galang Perez, tungcól sa m~ga "arriendo" at m~ga "subasta" n~g m~ga sagutin ó pan~gan~gatungculang sa towi na'y ipinagcacatiwálâ n~g Gobierno n~g Filipinas sa m~ga camáy n~g m~ga "particular"[118]. Cayâ n~ga't n~g panahóng nangyayari ang m~ga bagay na itó, si Capitang Tiago'y isáng taong sumasaligaya; ang ligaya bagáng macacamtan sa m~ga lupaíng iyón n~g isáng táong maliit ang báo n~g úlo: siyá'y mayaman, casundô n~g Dios, n~g Gobierno at n~g m~ga táo.

Na siyá'y casundô n~g Dios, itó'y isáng bagay na hindî mapag-aalinlan~ganan: halos masasabing marapat sampalatayanan: waláng cadahilanan upang mácagalit n~g mabaít na Dios, pagcâ magalíng ang calagayan sa lúpà, pagcâ sa Dios ay hindî nakikipag-abot-usap cailán man, at cailán ma'y hindî nagpapautang sa Dios n~g salapî. Cailán ma'y hindî nakipag-usap sa Dios, sa pamamag-itan n~g m~ga pananalan~gin, cahi't siyá'y na sa lalong malalakíng m~ga pagcaguipít; siyá'y mayaman at ang canyáng salapî ang sa canyá'y humahalili sa pananalan~gin. Sa m~ga misa at sa m~ga "rogativa'y" lumaláng ang Dios n~g m~ga macapangyarihan at m~ga palalong m~ga sacerdote. Lumaláng ang Dios, sa canyáng waláng hanggáng cabaitan, n~g m~ga dukhâ, sa iguiguinhawa n~g m~ga mayayaman, m~ga dukháng sa halagáng piso'y macapagdarasal n~g cahi't labing anim na m~ga misterio at macababasa n~g lahát n~g m~ga santong libro, hanggáng sa "Biblia hebráica" cung daragdagan ang bayad. Cung dahil sa isáng malakíng caguipita'y manacánacáng kinacailan~gan ang m~ga saclolo n~g calan~gitan at waláng makita agád cahi't isáng candilang pulá n~g insíc, cung magcagayo'y nakikiusap na siyá sa m~ga santo at sa m~ga santang canyáng pintacasi, at ipinan~gan~gacò sa canilá ang maraming bagay upang silá'y mapilitan at lubós mapapaniwalaang tunay na magalíng ang canyáng m~ga han~gád. Datapuwa't ang totoong lálò niyáng pinan~gan~gacuan at guináganapan n~g m~ga pan~gacò ay ang Virgen sa Antipolong Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje; sapagcá't sa iláng may caliliitang m~ga santo'y hindî n~ga lubháng gumáganap at hindî rin totoong nag-uugaling mahál ang táong iyón; ang cadalasa'y pagcâ kinamtán na niyá ang pinipita'y hindî na muling nágugunítà ang m~ga santong iyón; tunay n~ga't hindî na namán silá mulíng liniligalig niyá, at cung sacali't napapanaho'y talastás ni Capitáng Tiagong sa calendario'y maraming m~ga santong waláng guinágawâ sa lan~git marahil. Bucód sa roo'y sinasapantáhà niyáng malakí ang capangyariha't lacás n~g Virgen de Antipolo cay sa m~ga ibáng Virgeng may dalá mang bastóng pilac, ó m~ga Niño Jesús na hubó't hubád ó may pananamít, ó m~ga escapulario, m~ga cuintás ó pamigkís na cuero ("correa"): marahil ang pinagmumulaàn nitó'y ang pagcâ hindi mápalabirô ang Guinoong Babaeng iyón, mápagmahal sa canyáng pan~galan, caaway n~g "fotografía"[119], ayon sa sacristán mayor sa Antipolo, at sacâ, pagca siya'y nagagalit daw ay nan~gín~gitim na cawan~gis n~g luyong, at nanggagaling namán sa ang ibáng m~ga Virgen ay may calambután ang púsò at mapagpaumanhin: talastás n~g may m~ga táong iniibig pa ang isáng haring "absoluto"[120] cay sa isáng haring "constitucional"[121], cung hindî náriyan si Luis Catorce[122] at si Luis Diez y Seis[123], si Felipe Segundo[124] at si Amadeo Primero[125]. Sa cadahilanan ding itó marahil cayâ may nakikitang m~ga insíc na di binyagan at sampóng m~ga castilang lumalacad n~g paluhód sa balitang sambahan; at ang hindî lamang napag-uusísà pa'y ang cung bakit nan~gagtatanan ang m~ga curang dalá ang salapî n~g casindácsindác na Larawan, napasa sa América at pagdatíng doo'y napacácasal.

Ang pintuang iyán n~g salas, na natátacpan n~g isáng tabing na sutlâ ay siyáng daang patun~gó sa isáng maliit na capilla ó pánalan~ginang dî dapat mawalâ sa alin mang báhay n~g filipino: naririyan ang m~ga "dios lar"[126] ni capitan Tiago, at sinasabi naming m~ga "dios lar," sa pagca't lalong minamágaling n~g guinoong ito ang "politeismo"[127] cay sa "monoteismo"[128] na cailan ma'y hindî niyá naabót n~g pag-iisip. Doo'y may napapanood na m~ga larawan n~g "Sacra Familia"[129] na pawang garing mulâ, sa ulo hangang dibdib, at gayon din ang m~ga dacong dulo n~g m~ga camáy at paa, cristal ang m~ga matá, mahahabà ang m~ga pilíc matá at culót at culay guintô ang m~ga buhóc, magagandáng yárì n~g escultura sa Santa Cruz. M~ga cuadrong pintado n~g óleo n~g m~ga artistang taga Pácò at taga Ermita, na ang naroroo'y ang m~ga pagpapasakít sa m~ga santo, ang m~ga himalâ n~g Vírgen at iba pa; si Santa Lucíang nacatitig sa lan~git, at hawác ang ísáng pinggáng kinalalagyan n~g dalawá pang matáng may m~ga pilìc-matá at may m~ga kílay, na catulad n~g napapanood na nacapintá sa "triángulo" n~g Trinidad ó sa m~ga "sarcófago egipcio"[130]; si San Pascual Baylon, San Antonio de Padua, na may hábitong guingón at pinagmámasdang tumatan~gis ang isáng Niño Jesús, na may damit Capitan General, may tricornio[131], may sable at may m~ga botang tulad sa sayáw n~g m~ga musmós na batà sa Madrid: sa ganáng cay Capitan Tiago, ang cahulugan n~g gayóng anyó'y cahi't idagdág n~g Dios sa canyáng capangyarihan ang capangyarihan n~g isáng Capitang General sa Filipinas, ay paglalaruan din siyá n~g m~ga franciscano, na catulad n~g paglalarò sa isáng "muñeca" ó larauang taotauhan. Napapanood din doon ang isáng San Antonio Abad, na may isáng baboy sa tabí, at ang ísip n~g carapatdapat na Capitan, ang baboy na iyó'y macapaghihimalâng gaya rin ni San Antonio, at sa ganitóng cadahilana'y hindî siyá, nan~gan~gahás tumawag sa hayop na iyón n~g "baboy" cung dî "alágà n~g santo señor San Antonio;" isáng San Francisco de Asís na may pitông pacpác at may hábitong culay café, na nacapatong sa ibabaw n~g isáng San Vicente, na walâ cung dî dádalawang pacpac, n~guni't may dalá namáng isáng cornetín; isáng San Pedro Mártir na biyác ang ulo, at tan~gan n~g isáng dî binyagang nacaluhod ang isâng talibóng n~g tulisán, na na sa tabi n~g isáng San Pedro na pinuputol ang tain~ga n~g isáng moro, na marahil ay si Malco, na nan~gan~gatlabi at napapahindîc sa sakít, samantalang tumatalaoc at namamayagpag ang sasabun~ging nacatuntong sa isáng haliguing "dórico"[132], at sa bagay na ito'y inaacalà ni Capitang Tiago, na nacararating sa paguiguîng santo ang tumagâ at gayon din ang mátagà. ¿Sino ang macabibilang sa hucbóng iyón n~g m~ga larawan at macapagsasaysay n~g m~ga canicanyáng tún~go't m~ga cagalin~gang doo'y natitipon?!Hindî n~ga magcacasiyang masabi sa isáng capítulo lamang! Gayón ma'y sasabihin din namin ang isáng magandang San Miguel, na cahoy na dinorado at pinintahán, halos isáng metro ang táas: nan~gan~gatábì ang arcángel, nanglilisic ang m~ga mata, cunót ang noo at culay rosa ang m~ga pisn~gí; nacasuot sa caliwáng camay ang isáng calasag griego, at iniyayambâ n~g canan ang isang kris joloano, at handang sumugat sa namimintacasi ó sa lumapit sa canyá, ayon sa nahihiwatigan sa canyáng acmâ at pagtin~gíng hindî ang tun~go'y sa demoniong may buntót at may m~ga sun~gay na ikinacagat ang canyáng m~ga pan~gil sa bintíng dalaga n~g arcángel. Hindî lumalapit sa canyá cailán man si Capitang Tiago, sa tacot na bacâ maghimalâ. ¿Mamacailán bagáng gumaláw na parang buháy ang hindî lamang iisáng larawan, cahi't anóng pagcapan~gitpan~git ang pagcacágawang gaya n~g m~ga nanggagaling sa m~ga carpintería sa Paete, at n~g man~gahiyâ at magcamít caparusahán ang m~ga macasalanang hindî nananampalataya? Casabiháng may isáng Cristo raw sa España, na nang siyá'y tawaguing sacsí n~g m~ga nan~gacò sa pagsinta, siyá'y sumang-ayo't nagpatotoo, sa pamamag-itan n~g minsang pagtan~gô n~g úlo sa haráp n~g hucóm; may isáng Cristo namáng tinanggál sa pagcapácò ang canang camáy upang yacapin si Santa Lutgarda; at ¿anó? hindî ba nababasa ni Capitang Tiago sa isáng maliit na librong hindî pa nalalaong inilalathalà, tungcol sa isáng pagsesermong guinawâ sa pamamag-itan n~g tinan~gòtan~gô at kinumpáscumpás n~g isáng larawan ni Santo Domingo sa Soriano? Waláng sinabing anó man lamang salitâ ang santo; n~guni't naacalà ó inacalà n~g sumulat n~g librito, na ang sinabi ni Santo Domingo sa canyáng m~ga tinan~gòtan~gô at kinumpáscumpás ay ipinagbibigay alâm ang pagcatapos n~g santinacpán[133] ¿Hindi ba sinasabi namáng malaki ang pamamagà n~g isáng pisn~gi cay sa cabilâ n~g Virgen de Luta n~g bayan n~g Lipá at capol n~g putic ang m~ga laylayan n~g canyáng pananamít? ¿Hindi bâ itó'y lubós na pagpapatotoong ang m~ga mahál na larawa'y nagpapasial din namá't hindî man lamang itinataas ang caniláng pananamít, at sinásactan din namán silá n~g bagang, na cung magcabihira'y tayo ang dahil? ¿Hindi bâ namasdán n~g canyáng sariling matang maliliit ang lahát n~g m~ga Cristo sa sermón n~g "Siete Palabra"[134] na gumágalaw ang úlo at tumatan~gong macaitló, na siyáng nacaaakit sa pagtan~gis at sa m~ga pagsigáw n~g lahát n~g m~ga babae at n~g m~ga calolowang mahabaguing talagáng m~ga taga lan~git? ¿Anó pa? Napanood din namán naming ipinakikita n~g pári sa m~ga nakíkinig n~g sermón sa canyá sa oras n~g pagpapanaog sa Cruz cay Cristo ang isáng panyóng punô n~g dugô, at camí sana'y tatan~gis na sa malaking pagcaáwà, cung di lamang sinabi sa amin n~g sacristan, sa casaliwang palad n~g aming cálolowa, na iyón daw ay birò lamang: ang dugóng iyon-anya-ay sa inahíng manóc, na pagdaca'y inihaw at kinain, baga ma't Viernes Santo ... at ang sacristan ay matabâ. Si Capitang Tiago n~ga, palibhasa'y taong matalinò at banál, ay nag-iin~gat na huwag lumapit sa Krís ni San Miguel.--¡Lumayô tayo sa m~ga pan~ganib!--ang sinasabi niyá sa canyáng sarili--nalalaman co n~g isáng arcángel; ¡n~guni't hindî, walâ acong tiwalà! ¡walâ acong tiwalà!

Hindî dumaráan ang isáng taóng hindî siyá nakikidaló sa pagpasa Antipolong malaki ang nagugugol, na ang dalá'y isáng orquesta: cung nároroon na'y pinagcacagulan niyá ang dalawá sa lubháng maraming m~ga misa de graciang guinágawâ sa boong tatlóng siyám, at sa m~ga ibáng araw na hindî guinágawâ ang pagsisiyám, at nalíligò pagcatapos sa bantóg na "batis" ó bucál, na ayon sa pinasasampalatayana'y naligò roon ang mahál na larawan. Nakikita pa n~g m~ga mapamintacasing táo ang m~ga bacás n~g m~ga páa at ang hilahis n~g buhóc n~g Vírgen de la Paz sa matigás na bató, n~g pigaín niyá ang m~ga buhóc na iyón, anó pa't waláng pinagibhan sa alín mang babaeng gumagamit n~g lan~gis n~g niyóg, at para manding patalím ang canyáng m~ga buhóc, ó cung dili cayá'y diamante at waláng pinag-ibhán sa may sanlibong tonelada ang bigát. Ibig sana naming ihaplít n~g cagulatgulat na larawan ang canyáng mahál na buhóc sa m~ga matá n~g m~ga táong mapamintacasing itó, at canyáng tuntun~gan ang caniláng dilà ó úlo.--Doón sa tabí rin n~g bucál na iyón ay dapat cumain si Capitang Tiago n~g inihaw na lechón, dalág na sinigáng sa m~ga dahon n~g alibangbang, at ibá pang m~ga lutong humiguít cumulang ang saráp. Mahiguíthiguít sa apat na raang piso ang nagugugol sa canyá sa dalawáng misang iyón, datapuwa't maipalálagay na múra, cung pag-iisip-isipin ang capuriháng tinatámo n~g Iná n~g Dios sa m~ga ruedang apóy, sa m~ga cohete, sa m~ga "berso," at cung babalacbalakin ang pakinabang na kinákamtan sa bóong isáng taón dahil sa m~ga misang itó.

N~guni't hindî lamang sa Antipolo guinagawâ niyá ang canyáng main~gay na pamimintacasi. Sa Binundóc, sa Capampan~gan at sa bayan n~g San Diego: pagcâ magsasabong n~g manóc na may malalakíng pustahan, nagpápadala siyá sa cura n~g m~ga salapíng guintóng úcol sa m~ga misang sa canyá'y magpapálà, at tulad sa m~ga romanong nan~gagtátanong muna sa caniláng m~ga "augur"[135] bago makipaghamoc, na pinacacaing magalíng ang caniláng m~ga sisiw na iguinagalang; pinagtatanun~gan din ni Capitang Tiago ang canyáng sariling m~ga "augur"; n~guni't tagláy ang m~ga pagbabagong hatol n~g m~ga panahón at n~g m~ga bagong catotohanan. Pinagmámasdan niyá ang nin~gas n~g m~ga candílà, ang úsoc n~g incienso, ang voces n~g sacerdote at ibá pa, at sa lahát n~g bagay pinagsisicapan niyáng mahiwatigan ang canyáng maguiguing palad. Pinaniniwalaang bihirang matalo si Capitáng Tiago sa m~ga pakikipagpustahan, at ang canyáng manacânacang pagcatalo'y nagmúmulâ sa m~ga cadahilanang ang nagmisa'y namámalat, cacaunti ang m~ga ílaw, masebo ang m~ga "cirio"[136], ó napahalò cayâ ang isáng achoy sa m~ga salapîng ipinagpamisa, at ibá pa: ipinaaninaw sa canyá n~g celadon n~g isáng Cofradía, na ang gayóng pagcápalihis n~g palad ay m~ga pagtikím lamang sa canyá n~g Lan~git, at n~g lalong mapapagtibay siyâ sa canyáng pananampalataya at pimimintacasi. Kinalúlugdan n~g m~ga cura, iguinagalang n~g m~ga sacristán, sinusúyò n~g magcacandiláng insíc at n~g m~ga castillero, si Capitang Tiago'y lumiligaya sa religión dito sa lupà, at sinasabi n~g m~ga matataas at banal na m~ga táong sa lan~git man daw ay malakí rin ang lacás n~g canyáng capangyarihan.

Na siyá'y cásundò n~g Gobierno, ang baga'y na itó'y hindî dapat pag alinlan~ganan, bagá man tíla mandín may cahirapang itó'y mangyari. Waláng cáyang umísip n~g anó mang bagong bagay, nagágalac na sa canyáng casalucuyang pamumuhay, cailán ma'y laguing laang tumalima sa catapustapusang Oficial quinto sa lahát n~g m~ga oficina, maghandóg n~g m~ga hítang jamón, m~ga capón, m~ga pavo, m~ga bun~gang cáhoy at halamang gáling sa Sunsông sa alin mang panahón n~g isáng taón. Cung náririn~gig niyáng sinasabing masasamâ ang m~ga tunay na lahing filipino, siyáng hindî nagpapalagay sa sariling dî siyá dalisay na tagalog, nakikipintas siyá at lálò pa manding masamâ ang canyáng guinagawang pagpulà; sacali't ang pinipintasa'y ang m~ga mestizong insíc ó mestizong castilà, siyá nama'y nakíkipintas, marahil sa pagca't inaacalà na niyáng siyá'y dalisay na "ibero"[137]: siyá ang unaunang pumupuri sa lahát n~g m~ga pagpapabuwís, lalo't cung sa licuran nitó'y naáamo'y niyáng may "contrata" ó isáng "arriendo." Lágui n~g may handâ siyáng m~ga orquesta upang bumatì at tumapát sa canino mang m~ga gobernador, m~ga alcalde, m~ga fiscal, at iba pa, sa caniláng m~ga caarawán n~g santong calagyô, caarawán n~g capan~ganacan, pan~gan~ganác ó pagcamatáy n~g isáng camag-anac, sa maiclíng salitá'y ang anó mang pagbabagong lacad n~g pamumuhay na caraniwan. Nagpápagawâ n~g m~ga tuláng pangpuri sa m~ga táong sinabi na, n~g m~ga himnong ipinagdíriwang ang "mabait at mairog na Gobernador; matapang at mapagsicap na Alcalde, na pinaghahandaan sa lan~git n~g palma n~g m~ga banál" (ó palmeta) at iba't iba pang m~ga bagay.

Other books

Absolution Gap by Alastair Reynolds
Damaged Goods by Reese, Lainey
June (Calendar Girl #6) by Audrey Carlan
Twist by John Lutz
Runemarks by Joanne Harris
The Devil in Gray by Graham Masterton
Exhibition by Danielle Zeta
What The Heart Desires by Erica Storm
Maggie MacKeever by Jessabelle