Noli Me Tangere (4 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.2Mb size Format: txt, pdf, ePub

[29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán.

[30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hindî militar.--P.H.P.

[31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating "biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na "biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" n~g m~ga dî nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y gumágawâ na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hindî saból sa m~ga nanggagaling sa Inglaterra, ang
La Perla
ni G.J.E. Monroy, ang
La Fortuna
ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawâ.--P.H.P.

[32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa Fort.--P.H.P.

[33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó.

[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P.

[35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P.

[36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò.

[37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P.

[38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P.

[39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî sacerdote.

[40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo.

[41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino.

[42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man.

[43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma.

[44] M~ga fraile.

[45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856.

[46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan.

[47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon.

[48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre.

[49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang m~ga fraile cayâ ang nagtatag n~g salitang iyan?

[50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ... ¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P.

[51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P.

[52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa.

[53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang "hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana.

[54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P.

[55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang nananahang tao.--P.H.P.

[56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas, San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo, ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia, n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P.

[57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád.

[58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan" ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan.

[59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa canyang kinamulatang bayan.

[60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip.

[61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile sa pakikipag-usap sa canila.

[62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P.

[63] Ang kinácatawan n~g Dios.

[64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general.

[65] Maliit na general Capansanan.

[66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P.

[67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan sa wicang tagalog--P.H.P.

[68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P.

[69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal. Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì. Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito, lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni William McKinley. Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc. Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha. Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903, tomo I, página 342--P.H.P.

[70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang Macapangyarihan Harì."

[71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g Teniente.

[72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà. Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g 1861.

Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't walà itóng nagawáng may cahulugán.

Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g 1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa."

Other books

Educating Peter by Tom Cox
One Way by Norah McClintock
The Uncertain Years by Beryl Matthews
Undercover by Maria Hammarblad
The Long Utopia by Terry Pratchett
Shiver by Cooke, Cynthia
Johnny: #2 (Special Forces) by Madison Stevens
Holding You by Kelly Elliott
HWJN (English 2nd Edition) by Ibraheem Abbas, Yasser Bahjatt