Noli Me Tangere (26 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.34Mb size Format: txt, pdf, ePub

Nan~gagtin~ginan ang matatandá't ang m~ga bátà sa pangguiguilalás; ang m~ga nacatatalos lamang n~g líhim ang hindî nan~gagsikílos.

Iniaanyaya co rin namáng magcaroon tayo n~g maraming totoong m~ga paputóc; huwág n~ga táyong gumamit n~g malilíit na "luces" at n~g m~ga malilíit na "ruedang" kinalúlugdan lamang n~g m~ga musmós at n~g m~ga dalága, huwag táyong gumamit n~g lahat n~g itó. Malalakíng m~ga bomba at sadyáng malalakíng m~ga cohatón ang ibig natin. Iniaanyaya co n~ga sa inyó ang pagcacagugol sa dalawang daang malalakíng bomba na tigalawang píso báwa't isá at dalawang daang cohatong gayón din ang halagá. Ipagawà natin sa m~ga castillero sa Malabón.

--¡Hmjn!--ang isinalábat n~g isáng matandâ:--hindî nacacagulat sa ákin at hindî rin nacabibin~gi ang isáng bombang tigalawang piso; kinacailan~gang maguíng tigatlóng piso.

--¡Isulat pô ninyó ang isáng libong pisong gugugulin sa dalawang daang bomba at dalawáng daang coletón!

Hindî na nacatiís ang m~ga conservador; nan~gagtindigan ang ilan at nan~gagsalitaan n~g bucód.

--Bucód pa sa roon, upang makita n~g ating m~ga capit-bayang tayo'y m~ga taong walang hinayang at nagcacanlalabis sa atin ang salapî--ang ipinagpatuloy ni Don Filipo, na itinaas ang voces at matúling sinulyap ang pulutóng n~g m~ga matatandâ,--aking iniaanyaya: una, apat na "hermano mayor" sa dalawáng áraw na fiesta, at icalawa, ang itápon sa dagatan sa aráw áraw ang dalawáng dáang inahíng manóc na pinirito, isang daang capóng "rellenado" at limampóng lechón, gáya n~g guinagawà ni Sila, sa panahón ni Ciestón, na bágong casasabi pa lámang ni capitang Basilìo.

--¡Siya n~gâ, gáya ni Sila!--ang iculit ni capitang Basilio, na na totowâ n~g pagcábangguit sa canyá.

Lumálaki n~g lumálaki ang pagtatacá.

--Sa pagca't marámi ang dádalong mayayaman at bawa't isa'y may daláng libolíbong piso, at sacâ ang caniláng lalong magalíng na sagabun~gin, at ang "liampó" at m~ga baraja, ini anyaya co sa iyó na tayo'y magpasabong n~g labínglimáng áraw, at magbigay calayaang mabucsan ang lahát n~g m~ga bahay n~g sugalan....

N~guni't nan~gagtindíg ang m~ga cabatáan at siya'y sinalabát: ang boóng acálà nilá'y nasirá ang ísip n~g teniente mayor. Nan~gagtatalotalo n~g mainam ang m~ga matatandâ.

--At sa cawacasan, n~g huwág mapabayaan ang m~ga caligayahan n~g cálolowa....

Natacpáng lubos ang canyáng voces n~g m~ga bulongbulun~gan at n~g m~ga sigawang sumiból sa lahat n~g súloc n~g sálas: yao'y naguing isáng caguluhan na lámang.

--¡Hindî!--ang isinígaw n~g isang matálic na conservador;--ayaw cong maipan~galaratac niyang siya ang nacagawa n~g fiesta, ayaw. Pabayaan, pabayaan ninyong aco'y macapagsalitâ.

--¡Dináyà táyo ni Don Filipo!--ang sinásalitâ naman n~g m~ga liberal. Bovoto cami n~g laban sa canya! ¡Cumampí siya sa matatandâ! ¡Bomoto tayo n~g laban sa canya!

Ang gobernadorcillo, na higuít ang panglulupaypay sa cailan man; walang guinawa cahi't anó upang manag úli ang catiwasayan: naghíhintay na sila ang cusang tumiwasay.

Humin~gíng pahintulot ang capitan n~g m~ga cuadrillero upang magsalíta; pinagcalooban siya, datapuwa't hindî binucsan ang bibig, at mulíng naupóng nakikimî at puspós cahihiyan.

Ang cabutiha'y nagtindîg si capitang Valenting siyang pinacamalamíg ang loob sa lahat n~g m~ga conservador, at nagsalitâ.

Hindi camí macasang-ayon sa palagáy na munacalà n~g teniente mayor, sa pagca't sa ganang amin ay napaca labis naman. Ang gayóng mapacaraming m~ga bomba at ang gayong napaca raming gabi n~g pagpapalabas n~g comedia'y ang macacaibig lamang ay ang isang batang gaya n~g teniente mayor, na macapagpúpuyat n~g maraming gabí at macapakíkinig n~g maraming putóc na dî mabíbin~gi. Itinanóng co ang pasiya n~g m~ga taong matalino at nagcacaisa ang lahat sa hindî pagsan-ayon sa panucalâ ni Don Felipo. ¿Hindí bâ ganito, m~ga guinóo?

--¡Tunay n~ga! ¡tunay n~ga! ang sabay sabay na pinagcaisahang sagót n~g m~ga bata't matandâ. Nan~galulugod ang m~ga bata sa pakikiníg sa gayóng pananalitâ n~g isang matandâ.

--¡Anó ang ating gagawín sa apat na m~ga hermano mayor!--ang ipinatúloy n~g matandâ.--¿Anó ang cahulugan niyóng m~ga inahíng manóc, m~ga capón at m~ga lechóng itatapon sa dagatan? ¡Cahambugan! ang sasabihin n~g m~ga calapit-bayan natin, at pagcatapos ay magsásalat tayo sa pagcain sa loob n~g calahating taón. ¿Anó't makikiwan~gis táyo cay Sila ó sa m~ga romano man? ¿Tayo ba'y inanyayahan minsan man lámang sa canilang m~ga fiesta? Acó sa gannang akin, lamang, caílan ma'y hindî pa acó nacatatanggap n~g anó mang canílang líham na pang-anyaya, ¡gayóng aco'y matanda na!

--Ang m~ga romano'y tumahan sa Roma. Kinalalagyan n~g papa!--ang marahang sa canya'y ibinulóng ni capitáng Basilio.

--¡N~gayon co napagkilala!--ang sinabi n~g matandang hindî nagulomihanan. Marahil guinawa ang canilang fiesta cung "vigilia" at ipinatatapon n~g papa ang pagcain at n~g howag magcasala. N~guni't sa paano mang bágay, hindî mangyayaring masang-ayunan ang inyong panucalang fiesta, sa pagca't isáng caulúlan!

Napilitan si Don Filipong iurong ang canyáng panucálà; dahil sa totoong sinásalansang.

Ang m~ga lalong matatalic na m~ga conservador sa caniláng caaway, hindî nan~gagdamdam n~g anó mang pag-aalap-ap n~g makita niláng tumindig ang isáng bátang cabeza de barangay at humin~gíng pahintúlot na macapagsalitâ.

--Ipinamámanhic co sa inyóng m~ga camahalang ipagpaumanhíng bagá ma't bátà acó'y man~gahás magsalitâ sa haráp n~g lubháng maráming táong totóong cagalanggalang dáhil sa canilang gúlang at dáhil namán sa catalinuhan at carunún~gang magpasiyá n~g tapát sa lahát n~g bagay, n~guni't sa pagca't ang caayaayang mananalumpatìng si capitang Basilio'y nag-aanyayang saysayin dito n~g lahát ang canicanilang m~ga panucálà, maguíng pinacacalásag n~g aking cauntîan ang canyáng mahalagang pananalitâ.

Tumátan~gô, sa pagcalugod, ang m~ga conservador.

--¡Magalíng magsalitâ ang bátang itó!--¡Siya'y mápagpacumbabá!--¡Caguiláguilalás cung man~gatuwíran!--ang sabihan n~g isa't isá.

--¡Sayang at hindî marunong cumíyang magalíng!--ang pasiyá ni capitan Basilio.--N~guni't nangyayari itó dahil sa hindî siya nag-aral cay Cicerón, at sacâ totoong bátà pa.

--Hindî cayâ isinásaysay co sa inyó ang isáng palatuntunan ó panucálà,--ang ipinatuloy na salitâ n~g bátang cabeza,--ay hindî dahil sa ang isip co'y inyóng mámagalin~gin ó inyó cayáng sasang-ayunan: ang aking han~gad, casabáy n~g aking mulî pang pan~gan~gayupápà sa calooban n~g lahát, ay patotohanan sa m~ga matatandang sa tuwî na'y sang-ayon ang aming isípan sa caniláng ísip, sa pagcá't áming ináangkin ang lahát n~g m~ga adhicáng isinaysay n~g boong caningnin~gán ni capitang Basilio.

--¡Mabuting pananalitâ! ¡mabuting pananalitâ!--ang sabihanan n~g m~ga pinauunlacáng m~ga conservador. Hinuhudyatán ni capitang Basilio ang bátà upáng sa canyá'y sabihin cung paano ang marapat na paggaláw n~g bísig at cung paano ang acmâ n~g páa. Ang gobernadorcillo ang tan~ging nananatili sa hindî pagpansín, nalílibang ó may ibáng iniisip: nahihiwatigan ang dalawang bagay na itó sa canyá. Nagpatuloy ang bátà n~g pagsasaysay, na nalalao'y lalong sumásaya ang pananalitâ:

--Náoowî, m~ga guinóo, ang aking panucála sa sumusunod: mag-ísip n~g m~ga bagong pánooring hindî caraniwan at laguing nakikita natin sa aráw-áraw, at pagsicápang huwág umalís díto sa báyan ang salapîng nalicom, at huwág gugúlin sa waláng cabuluháng m~ga pólvora, cung hindî gamítin sa ano mang bagay na pakinaban~gan n~g lahat.

--¡Iyán n~gâ! ¡iyán n~gâ!--ang isináng-áyong salitâ n~g m~ga bátà; iyáng ang ibig n~ga namin--totoong magalíng--ang idinugtóng n~g m~ga matatandâ.

--¿Anó ang máhihitâ nátìn sa isáng linggóng comediang hiníhin~gî n~g teniente mayor? ¿Anó ang matututuhan natin sa m~ga hárì sa Bohemia at Granada, na nan~gag-uutos na putlín ang úlo n~g canilang m~ga anác na babae, ó cung dìlì caya'y ikinacarga sa isáng cañón ang m~ga anác na babaeng iyán at bágo naguiguing trono ang cañón? Tayo'y hindî m~ga hárì, hindî tayo m~ga tampalasang táong-párang, walâ namán táyong m~ga cañón, at cung sila'y ating paráhan ay bibitayin táyo sa Bágongbayan. ¿Anó bagá ang princesang iyáng nakikihalobílo sa m~ga paghahámoc, namamahagui n~g tagâ at úlós, nakikipag-away sa m~ga principe at naglilibot na nan~gag-íisa sa m~ga bundóc at parang, na cawan~gis n~g nan~gatitigbalang? Kinalulugdan natin, ayon sa ating caugalian, ang catamisan at ang pagcamasintahin n~g babae, at man~gan~ganib tayong tumán~gan sa m~ga camáy n~g isáng biníbining narurun~gisan n~g dugô, cahi't na ang dugong ito'y sa isáng moro ó gigante; bagá man ang dugóng itó'y sa pinawawal-an nating halagá, palibhasa'y ipinalálagay náting imbí ang lalaking nagbubuhat n~g camá'y sa isáng babae, cahi't siya'y príncipe, alférez, ó tagabúkid na waláng pinag-aralan. ¿Hindî cayâ libolibong magalíng na ang palabasin natin ay ang laráwan n~g ating sariling m~ga caugalîan, upang mabágo nátin ang ating masasamang m~ga pinagcaratihan at m~ga lihís na hílig at purihin ang magagandang gawâ at caugalian?

--¡Iyan n~gâ! ¡iyan n~gâ!--ang inúlit n~g canyáng m~ga cacampí.

--¡Sumasacatuwíran!--ang ibinulóng na nan~gagdidilidili ang iláng matatandâ.

--¡Hindî co naisip cailán man ang bágay na iyán!--ang ibinulóng ni capitang Basilio.

--Datapuwa't ¿paano ang paggawâ ninyó niyán?--ang itinutol sa canyá n~g isáng mahirap sumang-ayon.

--¡Magaang na magaang!--ang sagót n~g bátà. Dalá co rito ang dalawang comedia, na marahil pasisiyahang totoong masasangayunan at catowatowa n~g m~ga cagalanggalang na matatandang dito'y nalilimpî, palibhasa'y lubós ang pagcatalós nilá sa bawa't magandá at kilalá namán n~g lahát ang caniláng catalinuhan.

Ang pagmagát n~g isá'y Ang pag-hahalal n~g Gobernadorcillo, ito'y isáng comediang patupatuloy ang pananalitâ, nababahagui sa limang pangcat, cathâ n~g isá sa m~ga náriritong caharáp. At ang isa'y may siyam na bahagui, úcol sa dálawáng gabi, isang talinghagang "drama" na ang pamimintás ang tucoy, sinulat n~g isá sa lalong magalíng na poeta dito sa lalawigan at Mariang Makiling ang pamagát. Nang áming mámasdang naluluatan ang pagpupulong n~g nauucol sa paghahandâ n~g fiesta, at sa pan~gan~ganib naming bacâ culan~gin n~g panahón, líhim na humánap camí n~g aming m~ga "actor" at pinapag-aral namin silá n~g canicanilang "papel". Inaasahan naming sucat na ang isáng linggóng pagsasánay upang silá'y macaganáp n~g magalíng sa canicanilang ilálabas. Itó, m~ga guinoo, bucód sa bágo, pakikinaban~gan at sang-ayon sa mahúsay na caisipán at may malakíng cagalin~gang hindî malakí ang magugugol: hindî natin cailan~gan ang pananamit: magagamit natin ang ating suot na caraniwan sa pamumuhay.

--¡Acó ang gugugol sa teatro!--ang isigaw na malaking tawa ni capitang Basilio.

--¡Sacali't may lumalábas na m~ga cuadrillero, akíng ipahihiram ang aking m~ga nasásacop--ang sabi namán n~g capitán n~g m~ga cuadrillero.

--At acó ... at acó ... cung nagcacailan~gan n~g isáng matandâ ... ang sinabing hindî magcatutó n~g isá, at naghuhumiyád n~g pagmamakisíg.

--¡Sang-áyon camí! ¡sang-áyon cami!--ang sigawan n~g marami.

Namúmutlâ ang teniente mayor: napunô n~g m~ga lúhà ang canyáng m~ga matá.

--¡Siyá'y tumatan~gis sa pagn~gingitn~git!--ang inísip n~g mahigpít na conservador, at sumigaw:

--¡Sang-áyon camí, sang-áyon camí, at hindî cailan~gang pagmatuwiranan pa!

At sa canyáng galác sa canyáng pagcapanghigantí at sa lubós na pagcatálo n~g canyáng caáway, pinasimulán n~g lalákíng iyón ang pagpapaunlác sa panucálà n~g bátà. Nagpatuloy itó n~g pananalitâ:

--Magagamit ang ikalimáng bahagui n~g salapíng nalilicom sa pamamahagui n~g iláng gantíng pálà, sa halimbáwà, sa lalong mabuting batang nag-aral sa escuela, sa lálong mabúting pastól, magsasacá, mán~gin~gisdâ, at ibá pa. Macapagtatatag tayo n~g isáng unahán n~g patacbuhan n~g m~ga bangcâ sa ílog at sa dagatan, patacbuhan n~g m~ga cabayo; magtayô n~g m~ga "palosebo" at mag-anyô n~g m~ga laróng mangyayaring makísama ang tagabukid natin. Sumasang-áyon na acó, álang-álang sa totoóng pinagcaugalian na, ang tayo'y magcaroon n~g m~ga paputóc: marikit at catuwá-tuwang panoorín ang m~ga "rueda" at m~ga "castillo", n~guni't inaacalà cung hindî natin cailan~gan ang m~ga bombang panucalà n~g teniente mayor. Casucatan na, sa pagbibigay casayahan sa fiesta, ang dalawáng bandang música, at sa ganya'y maiilagan natin iyang m~ga pag-aaway at pagcacagalít, na ang kinahihinatna'y ang m~ga caawa-awang músicong naparirito't n~g bigyang galác ang ating m~ga pagpifiesta, sa pamamag-itan n~g canilang pagpapagal, naguiguing tunay na m~ga sasabun~ging manóc, na nan~gagsisiowî, pacatapos, na masamâ, ang sa canila'y pagcacabayad, masamâ ang pagcacapacain, bugbóg ang catawán at sugatán pa cung macabihirà. Mapasisimulâan ang pagpapagawâ n~g isang maliit na bahay na magamit na escuelahan, sa pamamag-itan n~g lalabis na salapî, sa pagca't hindî n~ga natin hihintaying ang Dios ay manaog at siyang gumawâ n~g escuelahang iyán: capanglaw-panglaw n~gang bagay, na samantalang tayo'y may isáng sabun~gáng pan~gulo sa lakí at gandá, ang m~ga batâ natin ay nan~gag-aáral halos doón sa alagaan n~g m~ga cabayo n~g cura. Sa maiclíng salita'y narito ang panucalâ: ang pagpapainam nito'y siyáng pagcacapaguran.

Maaliw na bulungbulun~gan ang siyáng sumilang sa salas; halos ang lahát ay sumasang-ayon sa bátà: iilan lamang ang bumúbulong:

--¡M~ga bágong bagay! ¡m~ga bágong bagay! ¡Sa ating m~ga kinabataa'y!...

--¡Ating sang-ayúnan na muna n~gayón iyán!--ang sabihan n~g m~ga ibá;--áting hiyâin iyón.

At caniláng itinutúrò ang teniente mayor.

Nang manumbalic ang catahimican, ang lahát ay sumang-ayon na. Cúlang na lamang ang pasiya n~g gobernadorcillo.

Ito'y nagpapawis, hindî mápacali, hináhaplos ang noo at sa cawacasa'y nasabi n~g pautal-utal, na nacatun~gó:

--¡Acó ma'y sang-ayon din!... n~guni't ¡ejem!

Hindî umíimic ang boong tribunal n~g pakikiníg sa canyá.

--¿N~guni't?--ang tanóng ni capitang Basilio.

--¡Totoong sang-ayon acó!--ang inulit n~g gobernadorcillo;--sa macatuwid baga'y ... hindî acó sang-ayon ... ang sinasabi co'y sang-ayon acó; n~guni't ...

At kinuscos ang m~ga matá n~g camaoo.

--N~guni't ang cura,--ang ipinagpatuloy n~g cúlang pálad--ibáng bágay ang íbig n~g párì cura.

--¿Nagcacagugol bâ ang cura sa fiesta ó tayo ang nagcacagugol? ¿Nagbigáy bâ siyá n~g isáng cuarta man lamang?--ang sigaw n~g isáng voces na nanunuot sa tain~ga.

Tumin~gín ang lahát sa dacong pinanggagalin~gan n~g m~ga tanóng na iyón: si filósofo Tasio ang nároroon.

Other books

Cinderella Sidelined by Syms, Carly
Prater Violet by Christopher Isherwood
The Truth About Alice by Jennifer Mathieu
Being Kalli by Rebecca Berto
Born to Be Wylde by Jan Irving
Colorado Hitch by Sara York