Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
Hinde ka susuko diba?”
I nodded. Sa pagsabi niyang hinde ako susuko, feeling ko tinutukoy niya yung tungkol sa sakit ko. Pero imposible naman kasi hinde ko pa rin nasasabi hanggang ngayon yung tungkol sa akin. Ang alam lang
niya yung hurt na nararamdaman ko dahil kay kenji, hinde dahil sa puso ko. Siguro paranoid lang ako..
double meaning lang para sakin..
Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Kenji halos lahat nung mga taong nasa may park
napatingin sa amin tapos nag bubulungan. Nalilito siguro sila kung sino talaga sa apat yung boyfriend ko.
Dati si Kenji lagi kong nakakasama, tapos naging si Carlo, tapos naging si Lucas bigla at ngayon naman si Kirby. Sirang sira na reputation ko simula nung dumating ako dito sa pilipinas.. mabuti pa nung nasa Korea ako tahimik buhay ko.. well medyo magulo but not like this.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Kenji tumingin bigla sa akin si Kirby. Nakatingin lang siya sa akin.
“Magdoorbell ka na.” tapos nag smile ako
Lumapit siya ng konti samay doorbell tapos tumingin ulit sa akin, “Magdodoorbell na ko ha..” tapos pinindot na niya yung doorbell.
Pareho lang kaming nakatayo ni Kirby, iniintay na pag buksan kami ng gate. Maya maya nag bukas na
yung pinto nung bahay tapos may lumabas na babae.
“Bakit ka nandito?” ngumiti lang siya kay Kirby, “nasa bahay ba si Kenji?”
“Pasok kayo nasa loob siya..” tumabi siya para makadaan kami ni Kirby.
Bago kami pumasok sa loob, hinawakan ni Kirby yung kamay ko tapos dumeretso na kami sa loob.
Napatingin ako sa paligid ko, ganung ganun pa rin. Walang pinag bago yung bahay niya. Yun nga lang nasa loob na nito si Abigail. Bumitaw na si Kirby sa pagkahawak sa kamay ko kaya kumapit na lang ako sa may braso niya.
Tumingin sa akin si Kirby tapos ngumiti, “Uwi na lang tayo?”
Nag smile ako sa kanya tapos umiling, “ok lang ako..” tapos nag nod siya.
Maya maya bumukas yung pinto ng kwarto ni Kenji, “Bee si Kirby na ba yun?” tapos nakita ko siyang
lumabas ng kwarto niya ng naka shorts at walang suot na shirt. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya hinde niya pa siguro kami nakikita.
Nung nakita niya na kami biglang nanlaki yung mata niya, “An-an..andi.. andito ka na pala..”
“Oo. Sabi ko naman sayo diba pupunta na ako? tinext kita diba?”
“Oo nga.. pero hinde mo naman sinabing kasama mo si Ath--”
Nagsmirk si Kirby, “Wala kasi si Lucas eh, hinde ko naman kayang iwanan si Athena mag isa. Kaya sinama ko na siya. Oo nga pala, bakit mo ko pinapunta?”
Pumasok na si Abi sa loob ng bahay tapos nag smile siya sa amin. Lumapit siya kay Kenji tapos may sinabi ata siya sa kanya pero hinde namin narinig ni Kirby. Nag nod si Kenji tapos pumasok na si Abigail sa kwarto ni Kenji.
“Ah.. wala lang.. yayain sana kitang mag xbox eh.” tapos napatingin ulit siya sa akin.
Pinapamukha niya siguro sa akin na mas masaya siya kay Abigail, dahil nabibigay ni Abi lahat ng gusto niya. Ano ba yung gusto niya? Hinde pa ba ko sapat? Hinde pa ba sapat yung mga nagawa ko? Kung
hinde.. he could’ve asked..
Ngayon nagsisise na ko kung bakit pa ko sumama kay Kirby dito kela Kenji. Makita ko pa lang si Abi nasasaktan na ko eh.. what more kung si Kenji yung makita ko?
“Ano? Tara laro tayo!” tumingin siya sa akin tapos nag smile, “Athena pwede mong gamitin yung
computer kung gusto mo..”
Napatingin ako kay Kirby tapos tumingin rin siya sa akin. I shrugged my shoulders, “ikaw bahala. Ok lang sakin..”
PLEASE SAY NO KIRB!
Nagsmile si Kirby kay Kenji, “Potek. Akala ko naman emergency! Sabi mo kasi important eh! Xbox lang pala. Next time na lang.” napakamot ng ulo si Kirby, “May date kami ngayon eh. Sorry paps.”
“Date..? Kayo..?”
Tumango si Kirby, “Oo. Pareho naman kaming single eh. Pati masaya kasama si Athena. Kung hinde
siguro naging kayo noon niligawan ko na siya kaagad!”
“Ha? Ligaw..?”
Nagsmile si Kirby, “Nakakairita nga lang yung mga lalaking lumalapit sa kanya pag nasa mall or park kami. Yung iba nag papapicture pa sa kanya. Akala mo artista eh. Pero karamihan nun mga koreano.
Sikat ata to sa korea eh.”
“Lalaki..? Ahh.. ganun ba..”
Inakbayan ako ni Kirby, “Pano paps? 3:00 na oh. Alis na kami. Tumatakbo yung oras eh.”
Mabagal na nag nod si Kenji, “Sige.. ingat na lang kayo..”
Nagsmile ako sa kanya and he smiled back. Pero bakit parang pilit yung smile niya? Nag seselos kaya siya? Pero bakit siya mag seselos kung masaya naman siya diba? siya naman yung unang umayaw eh..
siya yung sumuko.. iniwan niya ako. Pero.. bakit ganito.. gusto ko siyang magselos.. gusto ko rin siyang masaktan.. gusto ko mafeel niya yung nafefeel ko.. ang sama ko ba..? masama ba yung gusto kong
mangyari?
Lumabas na kami ng bahay ni Kenji at nagpunta sa park. Umupo kami sa swing. Natutulala na naman
ako.. siya na naman naiisip ko. shiet.. sabi ko kakalimutan ko na siya eh.. susubukan ko diba? pero kahit subok hinde ko magawa eh.. lagi ko siyang naiisip, lagi ko siyang iniisip.. pag nakikita ko siya gusto kong lumayo. Pero pag hinde ko siya nakikita hinahanap ko naman siya.. ano ba ang nangyayari sa akin? Hinde na maayos pag iisip ko.. para akong nawala sa sarili simula nung break up namin.. ayoko na.. nahihirapan na talaga ako..
“Sorry kung sinabi ko kay Kenji na may date tayo.. Alam ko kasi yung nararamdaman mo eh..”
napatingin ako kay Kirby, nagsisindi na naman siya ng yosi. “naaalala mo naman siguro si Camille diba?
hehe.. ayokong maramdaman mo yung naramdaman ko dati..”
“Kirby..”
“Pero nahuli ako eh.. hinde kita naiwas sa masakit na feeling na yun.. Hinde ko rin naman kasi
aakalaing magkakahiwalay pa kayo eh..” tumingin siya sa akin tapos nag smile, “akala kasi namin ni Jigs yayayain ka na niyang mag-live in or magpakasal kasi sa sobrang mahal ka niya.. heh.. mali pala kami.
Weak si young master eh..”
Nung narinig ko yung sinabi ni Kirby, parang gumaan yung pakiramdam ko.. parang medyo nabawasan
yung sakit na nafefeel ko kasi alam ko ng minahal niya ako.. pero ano yung kasal? Live in? ano yun? Wala naman siyang nabanggit sa akin tungkol dun eh.. kahit pa-joke wala siyang sinabi sa akin.. tch.. hinde na rin naman mangyayari un eh. why bother asking.
“Athena kung sobra sobra na yung pain na nafefeel mo.. kung hinde mo na talaga kaya.. pwede mo
akong yakapin ok? Kung hinde mo ako mahanap o wala ako sa tabi tawagan mo lang ako. kakausapin
kita hanggang sa maging ok ka na.. sa ngayon ako lang makakaintindi sa nararamdaman mo kasi hinde
pa nila nararanasan yung ganitong situation..”
Hinde ko na naman mapigilan yung luha ko.. Tumayo si Kirby tapos pumunta sa may tapat ko. Nag bend siya tapos nagsmile, “Wag mong kakalimutan yun ha? Nandito lang ako…” tapos pinunasan niya yung
luha ko
Niyakap ko siya. Hinde ako makapaniwala na kay Kirby ko narinig yun. Siguro possible pa kung kay Jigs at Lucas.. pero si Kirby.. bihira lang magsalita.. hinde siya open na tao.. pero ngayong kelangan ko ng kaibigan.. siya yung nandito para sakin..
Pagkatapos nung moment namin ni Kirby nagpunta kami sa bahay namin. Dun na lang siya nag laro ng
xbox. May kalaro naman siya eh, of course my loving brother is home.
“UMMA BEGOPAYO!! NAN MWOUL MOKGO SHIPUH!” *Mom I’m hungry!! I want something to eat!+
“YA!! Jo yoong hee he ra!!!” *Hey!! be quiet!!+
Natawa bigla si Kirby, “Para akong nasa korea ah! Ibang klase! Wala akong naintindihan eh.”
Nag smile ako kay Kirby. Si Kuya Nathan naman nag smile din, yun nga lang nag smile habang nakaharap sa tv. Habang naka upo ako sa may sofa nakita kong lumabas si Mommy galing kitchen may bitbit na
lalagyanan ng food.
“You told me not to speak in Korean when I’m here in the Philippines! How come you’re allowed to
speak Korean??? Wait.. YA! I’M KOREAN!”
Natawa kami nila kuya sa sinabi ni mommy.
“Mom, nasa pilipinas ka! Dapat mag tatagalog ka noh! Marunong ka naman diba?”
“DANGHYUNHAJI!” sabi niya habang naka ok sign siya. biglang lumabas si Daddy sa room ni kuya Nate
tapos inakbayan ni Mommy, “Eto asawa ko, Filipino. Ako Korean! Si Athena Filipino. Si Nathan naman..
mixed!! Ako salita tagalog straight. See?? I can do it.” tapos nag cross ng arms si mommy. Proud pa! [of course]
Natawa kaming lahat sa sinabi ni mommy. Tinanggal niya yung cover nung lalagyanan ng food kaya
naamoy naming lahat yung pagkain.
“Jajangmyun??” napatayo ako tapos tumakbo sa may dining table. Si Kirby at Kuya sumunod na rin.
Tuwang tuwa si Kirby nung nalasahan niya yung jajangmyun. Akala daw niya kasi hinde masarap kasi
color black daw, pero sarap na sarap siya nung natikman na niya. imbis daw spaghetti yung ipapaluto niya tuwing birthday jajangmyun na daw!
“Kirby, sasama ka ba sa party mamaya? Sumama ka na. Masaya dun. Makikilala mo mga pinsan ni
Athena at marami pang iba.” tanong ng dad ko kay Kirby
“Sasama siya dad!! Basta may babae sasama yan!” nagsmile si daddy sa sinabi ko
“Sige ipapakilala kita sa mga pinsan nila Athena. Mag e-enjoy ka dun panigurado..”
“Sige po..” tapos tumingin sa akin si Kirby, yung tingin niya parang gusto niya akong kainin sa sinabi ko kanina. Totoo namang babae lang habol niya dun eh, sinabi niya kaya kanina yun.
After namin kumain umuwi na si Kirby para mag ready. Kelangan 6:30 nasa qc na kami. Sinabi nila sa akin na kay Kirby na raw ako sumabay at baka raw mawala pa si Kirby sa daan. Sinundo ako ni Kirby sa bahay tapos nakarating kami sa qc ng mga 7:08 pm. Madami ng kotseng naka park kaya ibig sabihin
madami ng tao. Hinde naman formal na party to kaya nagdress lang ako na color yellow tapos white
shoes. Tapos si Kirby naman naka stripes na white, red and orange collared shirt. Fit pa! Sexy time eh!
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay kaya tuloy nag mukha kaming fast food chain! (madalas na
color ng fast food red yellow orange)
Lumapit kami sa parents ko tapos gaya ng sabi ng dad ko, pinakilala niya nga si Kirby sa mga pinsan kong babae. Si mom naman dinala ako sa labas kasi may surprise daw siya. After 2 minutes may pumasok sa may gate.
Medyo napa smile ako kasi hinde ko ineexpect na pupunta siya dito sa party. Medyo matangkad pero
mas matangkad pa rin sa kanya si Kirby. Naka yellow rin yung guy.
Papalapit siya ng papalapit sa amin.. hinde pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko..
“Bakit nandito ka..?”
Nung nakita ko si Carlo parang medyo na lungkot ako. Akala ko kasi si Kenji yung makikita kong surprise ni mom since ang alam niya hinde makakapunta kaya isusurprise ako.. false alert.
“YA!!!” nilapitan ko siya tapos hinampas ko siya sa may braso, “Why are you here?!?!? I thought you’re gonna spend Christmas with your family??”
“Aray!!” tapos hawak hawak niya yung part nungbraso niyang hinampas ko, “sabi ni Tita Andrea dito
daw kami mag pasko eh.. dalhin ko raw yung family ko.”
“Tita Andrea?? Who’s Tita Adnrea??” Andrea.. He calls mom, tita.. her names Yoo Min but wait.. her english name is ANDREA!! “My mom?!”
Nag nod si Carlo, “tinawagan niya ko sa cellphone kanina. Nagulat nga ako eh. TAGALOG! Tapos diretso mag salita.. hinde ko nga nabosesan eh.”
Tumawag pala si mommy kay Carlo. Kaya pala ang laki ng ngiti kanina. Tss. Isang beses pa lang silang nagkikita ng personal eh. madalas sa webcam lang pero akala mo ang tagal tagal na mag kakilala. They like him. Everyone does.
“ADEUL!!!!” napatingin kami ni Carlo kay mommy. *son+
“Ano daw? / Adeul?” sabay naming sinabi ni Carlo.
Tumingin ako sa kanya, “Son.”
Nag smile si Carlo tapos nag kiss kay mommy. “Tita, bogoshipda!” tapos hinug ni Carlo si mommy. Ano daw?! I missed you? Kelan niya pa natutunan yung word na yun? Wow. Close nga sila. adeul na nga,
kumiss pa tapos ngayon nag Korean na.
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Pumasok na kami sa loob ng bahay pag ka pasok nung mga
kasama ni Carlo. Siyempre pinakilala niya kami sa kanila. Masaya raw sila at kami yung kumuha ng
responsibilidad kay Carlo. Sinabi pa nila na hinde naman daw namin kelangan gastusan si Carlo eh, sila na lang daw bahala sa financial support. Ang kelangan lang daw ni Carlo yung makakasama sa bahay.
Siyempre etong si inay gustong tumulong. Ok lang daw kahit siya na yung magpaaral kay Carlo. Alam
naman daw kasi niyang mabait na bata siya. Sayangdaw at hinde pwede maampon si Carlo since may
family pa siya na pwedeng mag alaga sa kanya. Pfft.
Sorry Oppa. You’re going to be dethroned twice. I feel bad for you.
Inexcuse ko yun sarili ko sa kanila at hinanap si Kirby. Nung nakita ko na siya aba may kasama ng babae.
Hinde ko na siya nilapitan kaya umupo na lang ako sa may sofa. Nag-iisa na naman ako. naaalala ko na naman yung mga nakita ko kanina. He’s the worst, isn’t he? Psh.
“Ya! Why are you alone??” napatingin ako sa may right side ko tapos nakita ko si Sara, “Missed me?”
Naka color green siya na top tapos naka leggings. Nag smile siya tapos lumapit sa akin. Hinug niya ako tapos nung bumitaw siya tiningnan niya ako from head to toe.
“Why?” tanong ko
“Why did you wear yellow? You should’ve worn your green dress!!”
“Bakit? Para terno tayo?”
“Of course! Ay oo nga pala! may nag hahanap sayo kanina pa!” hinila niya ako papunta sa may garden kung saan nagstastay yung ibang bisita. “Sang Won ah!!”
Biglang lumabas si Sang Won sa may ilalim nung table, “NUNA!!” tapos tumakbo siya at niyakap ako. [big sis]
“Wonnie~ give nuna a kiss!” tapos kiniss ako ni Sang Won, “chal ji ni?” *How have you been?+
Nag nod siya, “Ne. Chal ji ne sso yo. Nuh nyo?” *Yes. Im doing well. And you?+
“Hmm.. ku jo keu re yo..” *so-so]
Lumapit sa amin si Kirby tapos pinakilala namin si Sang Won. Nagulat si Sang Won dahil ang tangkad daw ni Kirby, gusto niya rin daw pag lumaki siya maging kasing tangkad ni si Kirby.
“Nuna! Yeogiyo.” May inabot sa aking makapal na brown envelope si Sang Won. [Here, big sis.]
“Igemoyeyo?” *What's this?+
“Letters. I’ve been writing to you but I don’t know how to send it..”
“Wow. Salamat Wonnie!” naka tingin lang siya sa akin, hinde siya umiimik. “Ya. Speak in Filipino. You’re here in the Philippines, remember?”
“Shiruh! Next time. Anyway, do you know Wonder Girls?? You know their song Tell Me?” I nodded, “I
told the Kuya over there to play that song, he said he doesn’t know Tell Me and so I gave him the CD of Wonder Girls. He said he would play it later. Tch. I’ve been waiting and waiting and waiting but no Tell Me!!!” sinabi niya habang nakafold yung arms niya tapos naka simangot. *don’t like+
Binglang tumawa si Sara, “Favorite niya yun! Pano ba naman crush niya yung isang girl dun, yung rapper nung group. Tuwing magwewebcam kami laging yun yung background song niyan! Tapos minsan
sumasayaw pa.” tumingin siya kay Sang Won, “YA! Are you gay!?”
“ANIYO!!!!!!!!!!” *NO!!+
Natawa ako sa magkapatid. Hinde na nga madalas magkasama pero nagtatalo pa rin! Humarap ako kay
Kirby, “Pina-panood ko na sa inyo ni Lucas yung MV nun, yung sabi mo nakakatawa yung sayaw pero
ginagaya mo!”
“AHH!!!” tapos naka point siya sa akin, “Yung ganito yung sayaw..” tapos dinemonstrate ni Kirby yung first step nung sayaw.
“Tama na. Ang bading mong tingnan. Oo yun nga!” biglang tumugtog yung song na Tell Me napatingin
ako kay Sang Won, naka smile na siya sa akin.
Nag smile ako kay Sang Won, “I don’t like! I don’t know the steps! Ask Sara nuna instead.”
“Ano ka. Lagi mo ngang sinasayaw yan eh.” humarap siya kay Kirby, “Alam mo naman diba?”
Hinila nila kaming dalawa ni Kirby kung saan maluwag at wala masyadong tao tapos nag simula ng
sumayaw silang magkapatid. Natawa na lang ako nung pati si Kirby sumasayaw na kaya wala akong
choice kung hinde sumayaw rin. Karamihan nung tao nanonood sa amin tapos mga naka smile. Yung
mga bata naman ginagaya na nila yung sayaw namin.
Ano ba tong nangyayari sa akin? Hinde naman ako mahilig sumayaw pero etong taon to ilang beses na
ako napasayaw sa tapat ng madaming tao. Ngayon sa tapat naman ng family ko. My God. Bakit napaka
bait sakin ng diyos ngayon?
Pagkatapos nung sayaw nag palakpakan yung mga tao. Nakita ko sila Oppa sa may left side, nag OK sign sa akin, nag smile lang ako habang umiiling. Napatingin ako sa right side ko para tingnan si Sang Won pero ibang tao yung nakita ko.. naka blue na collared shirt tapos jeans… si Kenji? Ano ba to. Ngayon nag hahallucinate na ko.
I closed my eyes then shook my head. I am just seeing things! That’s not Kenji. Impossible.
I slowly opened my eyes. I saw oppa talking to HIM. Wow. I AM SEEING THINGS!
“Is that Kenji or I’m just seeing a Kenji-look-a-like..? Wait. Did you invite him?”
I shook my head, “Maybe you invited him… you did right? You invited him.”
“Na aniya.” *it wasn’t me.+
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sara, “Then who did?” tapos napatingin kaming dalawa kay Kirby.
“Bakit nandito si Kenji?” bigla niyang tinanong. Ibig sabihin hinde rin si Kirby yung nag invite kay Kenji.
Palapit ng palapit sila Kenji sa amin. Bumibilis rin tuloy yung tibok ng puso ko. Tinap ni Kirby yung balikat ko tapos tinuro yung table tapos nag punta sila dun.
Si oppa kaya nag invite sa kanya? Hinde naman kasi niya alam na hinde na kami eh.. baka akala niya kami pa kaya ininvite niya.. sabi ko naman sa kanila na hinde siya makakapunta kasi kelangan niyang mag celebrate kasama ng family niya eh.. bakit ba kasi.. sigh.
“Athena, kanina pa si Kenji dito eh, pinapanood kayo.”
Nag smile ako kay oppa, “Oppa, can you accompany him? Sang Won still wants to play with me.” then
nag smile ako
“No. He’s your boyfriend. You should accompany him.” tapos nag smirk siya then iniwan sa akin si
Kenji.
“Sorry. Hinde ko pa kasi nasasabi sa kanila eh.. Hinde mo naman kelangan pumunta dito eh.. Kumain ka na lang muna tapos ok lang kahit umuwi ka na.. ako na lang mage explain sa kanila.”
“Ano ka ba. Ok lang naman eh.. Hinde ko rin kayang tanggihan Mom mo eh. Tapos yung parents ko
tumawag sakin tapos may binigay na address. Party daw yun, kaibigan nila from Korea.. Pag tingin ko nung address pareho nung binigay ng Mom mo. Galing noh?”
Nag nod ako tapos nag smile ng konti, “Tara. Puntahan natin sila Kirby at Sara.”
Umupo ako sa tabi ni Sara tapos si Kenji naman umupo sa tabi ko. napatingin ako sa kanya nung pagupo niya. “Ay. Bawal ba?” umiling na lang ako sa tanong niya.
Tahimik lang kaming apat. Nagaalinlangan na mag salita. Natatakot mag open ng topic.
Lumapit sa akin si Sang Won tapos humarap kay Kenji, “Nuguseyo?” *Who are you?+
“SangWon ah. Sabi ko diba mag tagalog ka? Hinde ka niya maiintindihan.”
“English then. Nuna, who is this hyung?” *nuna- bigsister; hyung- big brother. for guys]
“His name is Kenji. He’s my..” napatingin ako kay Kenji tapos nag smile ako sa kanya tapos balik ng tingin kay Sang Won, “chingu.” *chin-goo = friend]
“ASSA!” tapos napa clap si Sang Won, “I can marry nuna then! Nuna! You’re going to marry me ok?
give me uhm.. 20 years! Ok??” *ALRIGHT!!+
Natawa kami nila Sara sa sinabi ni Sang Won. Pero yung itsura niya pa rin seryoso. “20 years?! YA! I’m already 17! I’m gonna be 37 after 20 years! I might be dead by that time Wonnie..”
Napatigil sa pag tawa si Sara at napatingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin dahil alam kong
bibigyan niya ako ng death glare.
Hinila ni Sang Won sa may buffet table para kumain sumama rin si Kirby sa kanilang dalawa kaya kaming dalawa ni Sara yung natira sa may table. Tuwing napapatingin ako kay Sara lagi siyang nakatingin sa akin.
Halatang may gusto siyang sabihin sa akin pero nag hehesitate siyang mag salita.
“Nakita ko siya kaninang umaga.. kaya ok lang ako..” nakatingin parin siya sa akin hinde siya nag
sasalita. “nagpunta kami ni Kirby sa bahay niya.. and guess what.. hehe. Nandun si Abigail.”
Nag nod lang si Sara sa sinabi ko tapos hinawakan niya yung kamay ko. siyempre sinubukan kong wag
umiyak dahil ang weird naman kung iiyak ako eh ilang hours na lang at Christmas na. Nilapitan rin kami ni Carlo tapos tinanong niya kami kung bakit invited si Kenji. In-explain ko pa lahat kay Carlo para hinde siya masyadong ma-badtrip kay Kenji.
Nung bumalik na sila Kenji sa table binati niya si Carlo pero tiningnan lang siya ni Carlo. Hinde na lang pinansin ni Kenji yung nangyari kaya umupo na lang siya at kumain. Si Kirby at Sang Won naman nag
bobonding, nag papaturo mag basketball si Sang Won kay Kirby dahil sa itsura pa lang daw ni Kirby
halatang magaling siya mag basketball. Tss. Nakakita lang ng matangkad magaling na kaagad mag
basketball. Pfft
Mabilis tumakbo yung oras. 30 minutes na lang, Christmas na. Biglang naging slow yung kanta, nakita ko parents ko sumasayaw. Tapos tinatawag ako. lumapit ako sa kanila tapos sinayaw ako ng dad ko
“Athena.. gusto ko lakasan mo yung loob mo ha.. wag mong iisipin na may sakit ka. Gawin mo yung
mga gusto mong gawin, pero wag mo lang sosobrahan.. Yung makakastress sayo, iwasan mo na lang..
ha?”
“Opo. Dad.. sabi nung doctor baka daw i-consider yung surgery.. hinde ata tumatalab yung gamot ko
eh..”
Narinig ko siyang nag sniff, “Gagawin ko lahat.. kung kinakailangan isuko ko pa lahat ng pinag hirapan ko gagawin ko gumaling ka lang..”
Tumigil ako sa pag sayaw tapos tiningnan ko yung daddy ko, umiiyak siya, “Dad naman eh! wag ka ngang umiyak! Gagawin ko rin ang lahat para gumaling ako!”
Sakto pag tapos ng sinabi ko natapos na yung kanta tapos dumating si mommy kasama si Kenji.
Napatingin siya kay daddy tapos nag smile, “Stop crying you’re not a baby! Let’s give them some privacy first. They have to talk. I already told him.”
Nagulat ako sa sinabi ni mommy. “What did you tell him?” hinde niya sinagot yung tanong ko. nag smile lang siya tapos umalis na lang sila ni daddy.
Napatingin ako kay Kenji. Nagplay na yung song. Kung hinde ba namna talaga mabait yung destiny, Fall Again pa ni Glenn Lewis yung pinatugtog. Wala kaming choice kung hinde sumayaw. Ang awkward ng
situation namin ngayon. Hinde kami nag uusap o kaya nag titinginan. Nag sasayaw lang talaga kami.
Gusto ko sanang mag start ng conversation pero hinde ko alam kung pano ko sisimulan. Hinde ko
magawang itanong kung ano yung sinabi sa kanya ni mommy.. natatakot ako at baka alam na niya yung
sakit ko.. ayokong maawa siya sa ako. Hinde ko rin masabing ‘kamusta ka na?’ kasi halata namang ok siya. Ang weird naman kung itatanong ko yung tungkol sa kanila ni Abigail. Amp! Konting pride naman para sa akin.. teka meron pa ba ako nun?
“Alam mo bang ang dami kong plano para sayo ngayon Christmas..” sinabi niya sa akin ng mahina.
Hinde ko pinansin yung mga sinabi niya. natatakot akong malaman.. natatakot ako na baka once na
malaman ko.. hinde ko na naman siya kayang i-let go..
“Isa rin to sa mga plano ko.. yung makasama ka habang iniintay mag Christmas.. dapat nga susurprise pa kita ng flowers eh.. alam ko kasing matagal mo ng gustong gawin ko yun sayo..”
Eto na naman siya.. hinde na naman niya naiisip na pwede akong masaktan sa mga sinasabi niya
ngayon.. sensitive na kung sensitve, pero nakakahinayang kasi eh..
“Gusto rin kita makasama buong araw ng Christmas.. gusto kong mag kasama tayo kahit saan.. kahit
alam kong parang halos pasko na para sakin araw araw pag kasama kita..”
Bumitaw ako sa pagka hawak ko sa balikat niya, “Kenji tama na..”
Napayuko si Kenji tapos nag nod. “Sorry.. Gusto mong umupo muna tayo dun?” tinuro niya yung mag
sofa sa living room.
Naglakad na ako papunta sa living room at sumunod si Kenji sa akin. Umupo kami sa iisang sofa pero siyempre may personal space na.
“Athena! Phone call for you.” Inabot ni oppa yung cellphone niya sa akin.
“Yoboseyo?” *Hello?+
“MERI KURISUMASU!!” napa smile ako sa sinabi nung nasa kabilang line. Napatingin ako kay Kenji,
baka kasi narinig niya yung boses ng kausap ko
“We still have 5 minutes here before Christmas. Anyway, Merry Christmas to you, too, oppa!”
napatingin sa akin si Kenji nung pagkarinig niya ng ‘oppa’. umiwas ako ng tingin tapos hininaan ko yung boses ko, “Stop that fobby accent.. I don’t like it.”
“Don’t you find my accent sexy?” tapos tumawa siya. napasmile na lang ako.