Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
Athena.”
I nodded. “Emotionally.”
“Boyfriend? Family matter? Friends? Tell me.”
“Boyfriend...?”
“Does he know about your condition?” I shook my head. “To tell you honestly, lumala yung condition mo.. kaya ka namin binigyan ng list ng mga gamot mo para ma-prevent yung complications pero hinde
mo naman pala tinetake yung mga gamot. Hinde rin namin ineexpect na magiging mabilis yung pag lala nung sakit mo. Kaya nag MRI ka pa kasi akala ko nung una nagkamali ako. Pero pareho yung naging
resulta.” he showed me the the x-ray film
“I don’t understand.” Holding the x-ray film
“This is the muscle, it got thicker compared last time.” I stared at it closely. “Kaya napapadalas yung chest pain mo kasi insufficient yung oxygen sa myocardium. Pwede rin maging cause nung chest pain mo yung emotional stress. Now we have to inform your parents about this matt--”
“Medicines can’t cure me now, is that what you’re trying to say?” I asked him. while putting down the x-ray film
He ignored my question. "You know how serious this is, right? Usually sa athletes lang yung ganitong sakit, but it can also be inherited. This may lead to a more serious one if na-reach na yung ‘end stage’ or
‘burnt out’ and pag na-reach na yung stage na yun, serious actions na ang kelangan gawin.” He wrote something, “drug treatment muna ulit tayo, pag hinde parin nag progress yun, then we’ll be taking
surgical options.”
Surgical options?? Am I that fragile..? Is he telling me na sobrang mag babago yung buhay ko dahil ganun na ako ka-fragile? Tiningnan ko ulit yung film. Hinde pa rin ako makapaniwala.
“You have to change your lifestyle. You have to stop smoking, drinking and eating salty foods. Kelangan mo rin iwasan yung mga bagay na nakakapag pastress sayo. As much as possible, avoid getting hurt..
emotionally. You have to exercise regularly, too.”
Avoid getting hurt? Parang imposible yun ah.. ngayon pa nga lang nasasaktan na ko eh, kahit walang na nanakit. Drinking rin mukhang hinde maiiwasan.. bahala na nga lang.
“Am I allowed to do sports?”
“Good question. Golf, casual swimming, power walking and dancing. That’s it.”
“Soccer?” I asked with excitement
“No. High-intensity sports are not allowed.” I pouted.
“I’ve always wanted to play soccer.. but my mom and dad forbids me.” I stated.
Gaya nga ng sabi ng doctor dito daw ako sa hospital matutulog. Oppa and Carlo went home to get some stuff. Oppa gave Carlo a ride back to the hospital since he’ll be the one staying with me here.
Ang weird ng feeling kasi si Carlo yung kasama ko ngayon. Mas bata siya sa akin pero siya pa yung nag aalaga sakin ngayon. And to think na may boyfriend ako, pero hinde siya yung kasama ko ngayon.
Tumawag si Lucas sa cellphone ni Kenji pero siyempre hinde ko siya pwede makausap dahil under
observation pa ako. Instead, si Carlo yung kumausap sa kanya. Matagal tagal din silang nag usap ni Lucas. Mga 30 minutes ng nakalipas hinde pa rin pumapasok si Carlo. Nung nag open yung door nasa isip ko na si carlo yun and ready na kong sermonan siya, but.....
I saw Lucas’ face.
“Bawal daw ikaw makausap sa cellphone eh.. kaya pumunta ko para makausap ka ng harap-harapan.”
Tapos nag smile siya.
“Buti ka pa tinawagan mo ako, pero yung ibang tao parang baliwala na lang ako sa buhay niya.” I said then I smiled.
Tss.. parang ang kapal ng mukha kong sabihin yun ah.. eh diba parang pinilit ko na lang siyang mag stay sa tabi ko? hinde naman siya pumayag actually.. pero parang gaun na rin un eh.. nag sstay na lang siya sa tabi ko kasi sabi ko mag stay siya. wow. Ako na tuloy yung lumalabas na kontrabida.
12 am na at nasa tapat ko pa rin si Lucas nakikipag daldalan. Hinde ko aakalain na si Lucas pa ang makakasama ko ngayon. Mas pinili ko na nga si Kenji kesa sa kanya pero in the end siya yung kasama ko.
Why didn’t I fall for Lucas instead?
“Hinde ka ba napapagod? Sabihin mo lang kung pagod ka na. Uwi na lang ako para makapag pahinga
ka na..”
He’s going to leave me? But I’m having fun with him beside me. Feeling ko wala akong problem pag siya kausap at kasama ko..
“Ka ji ma..” I smiled at him, “I.. umm.. I said don’t leave. Sleep here instead!”
Nagulat ata siya sa sinabi ko, “Sigurado ka ba?” I nodded. Why would I joke diba?
“Carlo’s sleeping na sa may sofa. You can sleep…there.” Tinuro ko yung pang isang tao na sofa. Man.
Mukang hinde siya magiging comfortable sa position na yun ha. “Ay. You want to take the bed instead? I can sleep there na lang.”
“Sira ok lang. Matulog ka na.. babantayan kita hanggang sa makatulog ka.” i nodded at him with a
smile on my face.
Tumayo siya then umupo siya sa dun sa sinasabi kong upuan na tutulugan niya. I closed my eyes then tried sleeping.
2 days after
Wednesday, December 13, 2006
Hinde na ako nakakareceive ng tawag or text from Kenji. 2 days na rin ang nakalipas simula nung na-hospitalize ako. lumabas na yung resulta nung mga test na tinake ko sa hospital. 2 days ko na rin tinatry tanggapin yung katotohanan.
“You just have to accept the fact that you are fragile Athena! You’re not alone.. remember that. No matter what happen, we’re here to support you.”
That’s what Oppa said. I’m fragile. Lahat sila sa bahay sobra yung pag aalaga nila sakin. Si Grace rin halos araw araw na rin binibisita ako, Lucas keeps on sending text messages, the three thugs know nothing.
“Did he call you already? You wanna go to his house? Come on! Let’s visit him!” hinila ako ni Grace papunta sa bahay nila Kenji.
Nasa may park pa lang kami nakita na namin sila ni Abi..
“What the f*ck is he doing with that b*tch??” I didn’t say anything.
Nakita namin silang dalawa. Sila talaga yun. Nakaupo si Kenji sa may bleachers tapos si Abi nakatayo.
Nakita ko siya.. nakangiti.. tumatawa. Nagtatawanan silang dalawa… sabi ko naman sa kanya na mag
stay lang siya sa tabi ko diba? sapat na yun sa akin eh.. pero bakit parang hinde niya kayang gawin?
Hinde ba siya pwedeng mag pretend na kaya niya?
Hinila ako ni Grace papalapit sa kanila. Napatigil sila sa pag tawa nung nakita nila kami.
“Ano to?” sabi ni Grace. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanilang dalawa. “Kenji anong problema mo? bakit nagkakaganito ka na naman?? Hinde pa ba sapat yung ginawa niyang babaeng yan sayo?”
napayuko si Abi sa sinabi ni Grace.
“Grace..”
“Ano?? Niloko ka na naman ba niyan? Nadala ka na naman ba sa mga kasinungalingan niya?? KENJI
WAKE UP! Nakalimutan mo na ba yung ginawa niyang pag agaw niya kay Gino sakin??”
“Grace.. break na kami.. alam kong mali yung ginawa ko.. pero ok na.. hinde ko na kayo guguluhin ni Gino..” natawa si Grace sa sinabi ni Abi
“Kaya ba buhay ng ibang tao gusto mong guluhin ngayon? Pati EXCUSE ME! Hinde ako tumatanggap ng
BASURA.”
Napatayo si Kenji sa sinabi ni Grace, napansin ko rin na nagiba yung facial expression ni Kenji. Naisip ako sa sinabi ni Grace kasi.. pinulot ko yung basura ni Abi nun eh..
“GRACE ANO BA! ISA PA PAPATULAN NA KITA!” nagulat ako nung sumigaw si Kenji. May mali bang
ginawa si Grace? Wala naman eh. She’s just trying to protect her friend.
“Diba ikaw nagsabi na kung mahal mo talaga yung tao, hinde ka na mag hahanap pa ng iba.” She
stated, “Bakit Kenji… hinde mo na ba mahal si Athena kaya ka bumalik kay Abigail?” sa pag sabi ni Grace nun.. naalala ko yung sinabi ni Kenji kay Grace
“…Kung mahal ka talaga nung lalaking yun hinde siya mag hahanap ng iba.”
Sumakit bigla yung chest ko, pero hinde ko na lang ipinahalata na may mali akong nararamdaman.
Hinawakan ko yung kamay ni Grace kaya napatingin siya sa akin.
“Grace tama na.. let them be.” I looked at Kenji with a blank expression, “can we switch phones now?”
I gave him his cellphone, he looked at it for awhile then took it.
“Hinde ko dala phone mo eh.”
“You can have it. i don’t need it anymore.” Nag twitch yung arm niya. “You gave it to me remember?
So I’m giving it back. Or do whatever you want with it. it has nothing to do with me anymore. You can even keep the simcard. Nan sang gwan opsuh.” *I don’t care+
Tumalikod na ako sa kanilang tatlo. I felt the pain again. I just closed my eyes. ‘don’t cry Athena.’ I was shouting it in my head. “na ppeun nyuh suhk..” *bad guy+
“Pero Athena..” Grace said
“I told you, I don’t care anymore. Nan kal kou ya.” *I’m going+
I said leaving them there standing. Tinanggap ko na nga yung fact na fragile ako eh. kelangan ko pa rin bang tanggapin ngayon na wala na talaga..? Geuneun naegiboneul sanghageh haettda.. hajiman..
hajima... naneun ajikdoh Kenjiya saranghae.. [He hurt my feelings..; but; I still love Kenji]
Pagkauwi ko sa bahay dumeretso na ako sa kwarto ko tapos natulog. Of course I locked the door. Alam kong papasukin ako ni Grace dahil sa nangyari. Surprisingly nakatulog ako. nagising na lang ako ng mga 9
pm. at pag gising ko humarap kaagad ako sa monitor. I checked if he’s on. Well.. yes, he is on.
Athena 프린세스: Sushi boy, can we talk?
I am Sushi: oks.
Athena 프린세스: ako tatawag o ikaw?
I am Sushi: ako na lang. sa landline ba?
Athena 프린세스: landline.
Narinig ko ng nagring yung phone, of course si Kenji yung ineexpect kong tatawag.. eto na yung time na kelangan sabihin ko na lahat ng nararamdaman ko, lahat ng kelangan niya malaman at lahat dapat
sabihin. Pero pano ko sisimulan yung conversation? Ano ba dapat una kong sabihin? Ano ba dapat yung malaman niya? My heart’s palpitating.
Once I’ll hear his voice, I might cry.. What do I do?
“Hello..?” I said after picking up the phone. This is it. The moment of truth..
“Wasap?” he replied. He said that as if nothing happened.
We talked about the things that happened these past few days. I told him that I went to the hospital for a check up. He said that I should be taking good care of my health that I shouldn’t be stressing myself.
Hello? He’s the one stressing me out.
We idled for 15 minutes. But I broke the ice.
SONG PLAYING: HILING - PARAMITA
“Kenji what happened to us?” I asked him with a soft voice
“Wala naman nangyari ha..?”
“Anong wala? You’re slowly slipping away.. You’re wavering…” I need him to say ‘No.. you’re still the one..’
“Ah.. sorry..” as expected..
“Ano ba kasing nangyari?”
“May sakit kasi si Bee eh.. Kelangan niya ako.. Sorry Athena..” she’s sick? but I’m also sick.. I need him too..
“Pero.. Kelan pa to nagsimula?” gusto kong malaman kung kelan pa sila nagkaayos.. gusto kong sabihin niyang hinde sila at gusto niya lang suportahan si Abi..
“2 weeks ago..” two weeks.. ganun katagal na silang nag kaayos. Bakit hinde ko to napansin? Ganun ba akong nabulag sa kanya? Masyado ba akong naniwala sa mga pinagsasabi niya sa akin noon?
“Ang tagal na pala.. Bakit hinde mo sa akin sinabi?” tinanong ko siya.
“Natatakot akong masaktan ka..” sabi niya ng mahinang boses.
“Eh ano bang nangyayari sakin ngayon? Diba nasasaktan?” hinde siya sumagot. “Niloko mo lang ba
ako? Ginamit mo lang ba ako para hinde mo maramdaman na mag isa ka noon?” I asked with a shaky
voice.
“Hinde.. lahat ng sinabi ko sayo noon totoo. Sorry Athena.. Sorry umabot pa tayo sa ganito..”
Ayoko mag hiwalay kami.. gusto kong ayusin lahat ng dapat ayusin.. pero hinde ko alam kung pano..
hinde ko alam ang gagawin ko pag wala siya..
“Ganun ba ka lala yung sakit niya para balikan mo siya? Paano ako?”
“Oo.. kaya nga nag sosorry ako sayo eh.. Hinde ko alam.. nalilito na ako..” nag sosorry siya kasi
kelangan niya bumalik sa kanya?
“Pano kung ako yung may sakit..? babalik ka ba ulit sa akin? Iiwan mo rin ba siya?” naiyak na ko. hinde ko na kaya..
“Oo. Kasi kelangan mo ako eh..”
‘I am sick. I have HCM. HCM means hypertrophic cardiomyopathy... yung muscle nung heart ko
abnormal. I might die… Ngayon pwedeng wag mo na lang akong iwan?’
Gusto ko yun sabihin… gusto kong iexplain sa kanya yung sakit ko.. But my heart won’t allow me. “Pero may sakit din naman ako ah..” I said softly and with no details.
“Pwedeng magkaroon ng ulcer ang lahat ng tao.. Athena kelangan ako ni Bee..” nanghina na ako sa
sinabi niya. gusto kong mag makaawa sa kanya, gusto kong piliin niya ako.. gusto kong gawin lahat ng makakaya ko para magstay lang siya sa akin…
“Minahal mo ba talaga ako..?” please… say yes.. marinig ko lang na oo masaya na ako..
“Sobra..”
‘Pero bakit ganito ang nangyayari? Bakit kelangan bumalik ka sa kanya.. bakit kelangan siya yung
pinipili mo..’ I thought.
“Alam kong maiintindihan mo ako kasi kelangan niya ko.. alam kong mabait ka Athena.. hahayaan mo
naman ako diba?”
‘Hahayaan mo naman ako diba..’ paulit ulit umikot sa isip ko… pano kung hinde ko kaya? Paano kung
hinde ako pumayag sa gusto niya? Gusto kong huminde.. Pero hinde ko magawang sabihin..
“I’ll wait for you.. I can do that, right? hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakaintay sayo..
hanggang sa mapagod ako.. hanggang sa mawalan na ako ng lakas kakaintay sayo..”
“Wag na Athena.. please. Wag mo na akong intayin..”
“Pero gusto ko.. Hayaan mo na lang akong mag hintay kahit na alam kong wala na akong iniintay pa..”
“Tama na, please.. Wag mo na akong intayin.. yun na lang hinihiling ko..” he sighed while I cried. “Wag ka namang umiyak oh.. please..”
“Bakit hinde ako iiyak? Eh mawawala ka na sakin..”
“Hinde naman ako mawawala eh.. Magkatabi naman tayo sa classroom diba? Magkakasama rin naman
tayo.. Magkaibigan pa rin tayo..” naiyak ako lalo sa huling sinabi niya.. “I love you.. I’m sorry Athena..
Bye..”
Binaba na niya yung phone.
“I love you.. I’m sorry Athena, Bye..”
Those were the last words I heard from him. Eto na ba talaga yung final goodbye? Hinde ba niya pwede i-reconsider? Ayokong isipin na wala na talaga.. hinde naman niya sinabing break na kami eh.. Pero bakit ganun? Bigla na lang siya nagwaver dahil sa may sakit si Abi..
Mahal niya ako? Sobra..? bakit hinde niya ako pinili? Bakit hinde niya ko pinag laban.. hinde ba pwedeng bumalik na lang siya kay Abi pag namatay na ko? Bakit nga ba hinde ako naging honest sa sakit ko..? Sa bagay.. ayoko rin naman na dahil lang sa awa.. babalikan niya ako. pero diba sinabi ko nga na mag stay lang siya sa tabi ko ok na sakin? Wag ko na raw siya hintayin.. yun lang daw hiling niya.. hinde na ba talaga dapat akong mag hintay? Siguro nga… -- Why am I contradicting myself now?
How am I supposed to wait?
I wasn’t able to sleep. After that phone call.. I tried hard not to cry.. I tried hard not to think of it.. but I failed.
How am I going to face him tomorrow? Uupo pa ba ako sa tabi niya? Gusto ko ulit siya makausap.. I miss him already. Pero hinde ko na siya dapat pang guluhin.. I’ve decided… Susundin ko yung hiling niya..
kahit gaano kasakit.. titiisin ko na lang.. even if it kills me.
music will stop here
Dahil hinde ako makatulog, blinog ko na lang lahat ng nangyari ngayong araw. Lahat ng napagusapan
namin nilagay ko. Feelings, emotions.. lahat lahat nilagay ko.
Pagcheck ko sa clock 6:30 am na. Hinde pa rin sumisikat yung araw.. nakikishare din ba ng pain yung weather?
Lumabas ako ng room para kumain ng breakfast. Nakita ko si Grace nasa may kitchen nag luluto.
Nakauniform siya tapos may suot na apron. Napatingin siya sa akin tapos nag smile. Kinain ko yung
nilutong food ni Grace tapos na ligo na.
Sinabi sakin ni Grace na si Lucas yung magsusundo sa akin tapos iniwan na ako nung tatlo, hinatid na ni kuya Nate sila Sara at Grace. Dumating rin siya after 3 minutes. May dala siyang car. Wala pang 15
minutes nakarating na kami sa front gate ng school. He parked his car then pumasok na kami sa loob.
Nakasalubong namin si Kenji at Abi.. holding hands silang dalawa. Napatigil kami ni Lucas sa pag lalakad, tumingin sa akinsi Lucas as I looked away. Nag lakad na lang ako papunta ng classroom habang si Lucas naman nasa likuran ko.
Gaya ng sabi ko.. gagawin ko yung hiling niya.. hinde ko na lang siya hihintayin.. I’ll just love him secretly.. wala naman sigurong masama dun siba? Hahayaan ko na lang mawala yung pagmamahal ko sa
kanya hanggang sa mapalitan ng galit..
Nadaanan naming yung first classroom sa 4th floor, may tatlong babaeng nakatayo sa may tapat ng
pinutan ng classroom nila. Napatingin sila sa amin
“Bakit si Lucas na yung madalas makasama ni Athena? Break na ba sila ni Kenji?”
“Ewan ko. Si Lucas at Athena Abigail alam ko break na.” sagot nung isang babae.
Nakita namin yung isang girl bumulong dun sa isang babae, “Ang alam ko napapadalas pagsasama ni
Kenji at Athena Abigail eh. baka sila na ulit?”
Ipinatong na lang ni Lucas yung kamay niya sa balikat ko. ayoko na lang pansinin lahat ng mga masasakit na words kelangan wag ko na lang patulan. Makakasama sakin.
Umupo ako sa usual seat ko. Si Lucas naman umupo sa seat ni Kenji.
“Alam mo na rin..?” tanong sakin ni Lucas.
“Ha? Ang alin?”
“Yung kay Abi pati Kenji..” hinde ako sumagot. I just gave him a weak smile. “Sasabihin ko dapat sayo eh.. pero hinde ko alam kung pano. Hinde rin kasi ako sigurado.. Pati kaibigan ko si Kenji, ayoko masira ulit yung friendship namin.”
So he knows?? Why didn't he warn me? Pinili niya si Kenji kesa sa akin.. “Kaya mas pinili mo yung
friendship niyo kesa sa friendship natin? Wow.. hinde ko aakalaing gagawin mo to sa akin. Kilala ba talaga kita?” I asked him bluntly.
“Ayaw kitang masaktan Athena.. hinde ko alam kung kakayanin mo pag bigla mong malaman. Pati..
akala ko kasi maiintindihan mo ko eh..” there it goes again.. maiintindihan.
“Hinde ko naiintindihan. I don’t understand it at all. Bakit ba lahat kayo sinasabing maiintindihan ko kayo?? sa totoo lang hinde ko maintindihan eh.”
“Lahat?”
“Chi. Nevermind Let it go. Anyway, kelan mo pa nalaman?” I changed the topic because I was trying to avoid his question.
“Last week?” ang tagal na niyang alam!? Bakit hinde niya sinabi sa akin.. oh yeah. ‘friendship’ nga pala nila ni Kenji. What’s the point of getting angry. “Sorry kung tinago ko to sayo.. ayoko lang talagang magkagulo ulit saming apat.. maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin.. pero Athena hinde talaga ako sigurado nung time na yun..”
“There’s no use of getting angry. It’s my fault. I’ve been too nice. Sige Lucas, labas muna ako.” tumayo ako tapos lumabas ng classroom.
No where to go, I found myself idling. Hinayaan ko na lang yung paa kong dalhin ako kung saan saan.
Then there I was.. Inside the cubicle, crying.
‘Bakit ba kelangan maging mabait pa ako.. bakit kelangan ako yung makaintindi? Bakit kelangan ako
yung masaktan at magsakripisyo ng ganito…?’ I said to myself.
I don’t understand why things are being so complicated right now. I mean, I want to understand. I’m eager to know. But why does it always bring me pain in return? Can I not live happily starting right now?
Was my disease not enough to make me suffer? Why do the people I trust keep on betraying -- wait, I should rephrase it, why do they keep on lying to me? Am I not a good friend to them? Have I done
something wrong? Their excuses.. Their fcuking excuses are not acceptable. I don’t understand it.. at all.
I heard the first bell so I went back to my classroom. I saw Kenji already seated. He saw me looking at him so I gave him a weak smile then I sat beside him, like I always do.
Our Filipino class was boring. Physics was not that fun too. Break time I was eating with Carlo. English class was not that interesting. Basically half of my day was boring.
Lunch time, I was trying to avoid Lucas and Kenji. I was avoiding Kenji not because of our conversation but because he was all lovey dovey with Abi. And that hurts me. Again I was alone with Carlo eating our lunch.
“Ate, itali mo nga yang buhok mo. naka sabog eh! mas maganda sa babae pag nakapony tail.” He said
after taking a bite on his burger.
“Ya. Mind your own hair.” I said to him while clipping my bangs.
“Itali mo na.” I tied my hair. Im being too nice again. See! mas bagay sayo. Kamukha mo na yung mga Korean dito!” then he grinned
After eating our lunch, we went back to the canteen to buy candies. Everyone started staring at me.
There were two boys beside us, they were also buying something.
The other guy started whispering to his friend, “Siya si Athena diba? Yung girlfriend ni Kenji.”
And so the other guy whispered back. “Oo. Hinde ko alam na maganda pala siya.” good enough to hear, I saw Carlo smirked.
We went out of the canteen and saw Abigail. She looked at me straight in the eyes then smirked.
‘What was that for?’ I asked to myself.
Tss. She must be that happy huh? Well I don’t care.. Maybe.. just.. maybe. It must be fun hurting me this way right? Torturing me like I’m some kind of a loser.
“Eto yung mga gamot.” Carlo handed me my pill box and a bottled water.
“komawuhyo..” I said. *thank you+
Nagstop kami sa may bench malapit sa may center stairs para inumin ko yung gamot. Simula ngayon, si Grace, Sara, Carlo and Oppa may dalang gamot for me. at least tag dalawang piraso sila each pill. Para daw incase makalimutan ko dalhin yung akin, meron silang naka reserve.
Nakita namin sila Lucas papunta sa may side stairs, napatingin si Lucas sa amin umiwas ako ng tingin.
“Akala ko ba hinde ka galit sakin.. pero bakit mo ako iniiwasan?” napatingin ako sa right side ko, nilapitan kami ni Lucas
“May gagawin pa pala akong assignment! Mauna na ako ha!” tumayo si Carlo
“Teka Carl--” napatigil ako kasi bigla na siyang tumakbo paakyat sa classroom niya.
Umupo si Lucas sa tabi ko, kung saan unang nakaupo si Carlo. Tahimik lang ako, hinde ko siya
tinitingnan. “Bakit mo ba kasi ako iniiwasan? Galit ka ba?”
Galit nga ba ako? bakit ko nga ba siya iniiwasan? Sinabi kong wala na ring silbe yung magalit diba.. pero bakit nagagalit ako? Bakit ba ako masyadong nag papaapekto..? Bawal nga akong mastress diba? pero
bakit hinahayaan kong mastress ako..?
“Hinde naman ako galit eh.” I lied.
“Liar. Bakit mo ako iniiwasan kung hinde ka galit?” he got me.
“Ayoko lang ma tsismis tayo. Baka kung ano pa ang isipin ni Kenji. Masira pa friendship niyo..” again. i lied.
“Walang masama kung mapadalas niyang makita magkasama tayo. Una, niloko ka niya, pangalawa,
magkaibigan tayo at huli, kung natatakot siyang maagaw ka ng iba o makita ka niyang may kasamang
iba.. bakit ka niya pinagpalit? Bakit siya bumalik kay Abi?”
Napayuko ako sa sinabi niya. Hinde ko pa nakukwento sa kanya yung nangyari kagabi pero bakit parang alam na alam niya yung mga nangyari? Bakit parang alam niya yung nafifeel ko ngayon? Si Lucas… bakit hinde na lang siya?
“Sorry… Hinde ko lang talaga maisip na magagawa mo sa akin yun.. Akala ko kasi ikaw na yung least na taong gagawa sa akin yun besides kay Sara at Grace.. Comrade kita eh. Pero siguro nga hinda pa talaga kita ganun ka kilala..” napatingin siya sa akin na para bang hinde niya ineexpect na sasabihin ko yun.
Kahit ako hinde ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya yun.. masyado akong naging honest kay Lucas..
mas nauna niya pang nalaman yung sakit ko kesa kay Sara.. biglang umulan na naman. Nakikishare
talaga ng pain yung weather.
Hinila ako ni Lucas sa may lounge para hinde kami mabasa ng ulan. “Tara na. malapit na mag first bell.
PE tayo ngayon diba? Nasan na yung gamit mo?”
“Excused na ko ngayon eh. Soccer kasi yung PE natin ngayon.. bawal ako mapagod.. kaya sa ballroom