She's Dating the Gangster (44 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
13Mb size Format: txt, pdf, ePub

Bigla siyang umalis na lang. Naiwan na naman ako dun magisa. Bakit ba pag siya na yung nag sasalita parang ang sakit lagi para sakin? Kahit na mas masakit pa yung mga sinasabi ko sa kanya..

Tinawagan ko si Jigs sabi ko mag kita kami sa may basement ng ospital at isama niya s Kirby. Habang iniintay sila paikot ikot sa ulo ko yung sinabi ni Athena.

“Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”

Hinde ko lang talaga matanggal sa isip ko yun.. ang seryoso pa ng mukha niya. Parang tototohanin niya nga..

“Kenji.”

Paglingon ko nakita ko si Jigs at Kirby. Nag lakad sila papalapit sa akin tapos biglang sumulpot si Lucas.

“Bakit niyo yan sinama? Sinabi ko bang isama niyo siya?!” hinawakan ako sa may balikat ni Kerb

“Paps kelangan niyo mag usap.”

Bigla lumapit sa akin si Lucas tapos ngumiti. “Oo kelangan natin mag usap.” Tapos bigla niya akong sinuntok.

“Teka usapan walang sakitan diba?! Lucas teka lang!”

“SAKITAN?! ETONG HAYOP NA TO SINAKTAN SI ATHENA!!” tapos sinuntok niya ulit ako

Tarantad0 tong hayop na to ah. Anong ginawa ko sa kanila?! Ako yung naargabyado diba?!

“Hoy! Bago ka mag salita tingnan mo muna sarili mo! Dalawang beses mo na tong ginagawa sakin!

Alam mong seryoso ako kay Athena, pero langya, anong ginawa mo?! Habang nakatalikod ako

gumagalaw ka na!” binawian ko siya ng suntok

Hinde na kami napigilan nila Jigs at Kirby kaya patuloy kaming nag suntukan. Nacorner ko si Lucas kaya wala na siyang ligtas sa akin. Para yun sa panloloko nilang ginawa sa akin.. at para rin sa pagsisira ng tiwala ko sa kanya. Tama lang na mag dugo yang bibig mo at magka pasa yung pisngi mo.

“Tama na Kenji!!”

Tinulak niya ako bigla tapos bigla akong sinuntok, “dahil sayo muntik ng mamatay si Athena! Hinde mo pa ba alam!?!? Hinde mo pa ba nararamdaman na yung ginawa niyang panloloko sayo ay para rin

sayo?!”

“Tama na Kenji! Nakakarami ka na masyado!!” bigla akong pinigilan ni Jigs

“Anong para sa akin!? Anong ikabubuti nun sa amin?! HA?! Gag0 ka pala talaga eh! Magiging Masaya

ba ako dahil inagaw mo girlfriend ko?! EDI MAMATAY SIYA!!!”

“Eh tarantad0 ka pala talaga eh!! Nakita ni Athena yung paghihirap mo tuwing binibisita mo si Abi sa ospital! Nakita niya kung paano ka saktan ni Anthony! Hinde niya matiis na ganun yung nangyayari sayo ng dahil sa kanya! HINDE MO PARIN BA ALAM NA IKAW YUNG MAHAL NIYA?!?!?”

“AKO NAMAN YUNG NAHIHIRAPAN EH! HINDE SIYA! KUNG MAHAL NIYA AKO HINDE NYA AKO

LOLOKOHIN!”

“Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan siya!! Ilang beses ko bang sasabihin sayong hinde ka niya

niloko?! HINDE KAMI.” Nagulat ako nung sinabi ni Lucas na hinde sila. “Hinde ko na talaga hahayaan pang masaktan mo si Athena.. hinde ko hahayaan na ikaw ang papatay sa kanya..”

Seryoso na naman yung itsura niya. pareho sila ng expression ni Athena kanina. Parang bigla na lang silang tatakbo at maglalaho sa paningin ko.

“Lucas.. sa tingin ko kelangan na niyang malaman yung totoo..”

Napatingin si Lucas kay Jigs, “Alam mo…?”

Tumango si Jigs. Anong alam niya? anong hinde ko alam!? Ano bang meron?!

Binitawan ako ni Jigs tapos may kinuha siya sa bulsa niya. isang lalagyanan ng gamot.

“Lagi ko tong dala.. incase of emergency. Nahulog to ni Athena last year… nung nag batangas tayo..

nakita ko yung sa may sofa tapos nakalimutan kong nailagay ko sa bag ko, kaya nung inatake si Athena..

wala akong nagawa. hinde ko pa alam na ganun ka seryoso ung sakit niya hanggang nung pinacheck ko

to. Hinde ko masoli kasi hinde ko alam kung paano..” Nakatingin lang ako kay Jigs. Si Kirby nag sindi ng yosi. Si Lucas nakikinig rin.

“Ako narinig ko lang kayong nag uusap ni Athena nun bago tayo pumunta ng batangas.. hinde ko

sinasadya.. nahimasmasan kasi ako nun. Alam mo naman yun diba Luke?” nag nod si Lucas

“Ano bang meron? Ano ba yung hinde ko alam? Meron nga ba talaga akong dapat malaman?”

Hinawakan ni Jigs yung kamay ko tapos nilagay sa palad ko yung lalagyanan ng gamot, “mas maganda

sana kung ikaw yung makakadiskubre.. para hinde sa amin nanggaling yung malalaman mo..”

Napatingin ako sa kanilang tatlo. Nagpunas ng bibig si Lucas tapos nauna nang umalis. Tinapon naman ni Kirby yung sigarilyo niya tapos sumunod na kay Lucas. Si Jigs naman tinapik ako sa may balikat at

sumunod na rin sa dalawa.

Habang pinapanood silang umalis. Napansin ko na lang bigla na ako na lang yung nandoon. Mag-isa ako.

hawak hawak ko yung lalagyanan ng gamot. Tiningnan ko to.. hinde ko alam.. pero bumilis yung tibok ng puso ko.. gusto ko ba talagang malaman kung para san to?

Oo, gusto kong alamin pero.. Natatakot akong malaman yung sagot…

Chapter FORTY SEVEN

Ilang araw na rin akong nandito sa hospital. Hinde pa raw kasi ako pupwedeng makalabas dahil mahina pa ang katawan ko. Siyempre hinde na nila ako pinagalitan dahil sa pag sosoccer ko. Hinde na daw yun ang issue ngayon.

Dahil one big happy family kami dahil umuwi ang aking daddy, yung presidential suit yung kinuha nila para sa akin. Para daw lahat sila nandun at malaki yung space para sa mga bibisita. Feeling ko nga nasa hotel ako at hinde sa hospital. Kung wala lang yung dextrose, hospital bed at kung anu-ano pang nasa gilid ng kamang to siguro papasa na tong hotel.

“December 23 na ngayon.. 24 na bukas.. sa isang isang araw naman 25 na. tapos next next month

birthday ko na naman.. ang bilis ng araw noh?” tapos umupo si Carlo sa may gilid ng kama ko

“Yup. Time flies.” sabi ko kay Carlo

Time flies.. sa sobrang bilis ng panahon halos nakalimutan ko ng kakaiba ako sa normal na tao. Parang alien lang ah.

“Si Kuya Lucas umalis lang saglit. Babalik rin daw siya kaagad.” I nodded.

I miss Kenji. Kung mababalik ko lang yung time na nag away kami matagal ko na sanang ginawa. Pero sa ngayon.. kelangan ko na lang munang mag bear sa pain na naffeel ko.. hinde ako pwede pang makipag

sabayan sa mga nangyayari. Hinde ko kayang pahirapan pa si Kenji.. ako na lang.. ok lang sakin kahit na ako yung mahirapan at masaktan.. wag lang siya.. kasi hinde ko kaya.

Kelangan hinde niya malaman yung sakit ko.. kasi pag nalaman niya.. baka mag tago lang ako sa kanya.

Ang tagal ko ng nakakulong dito . Hinde na ko nakakalanghap ng polusyon sa labas, at namimiss ko na yun. Pareparehong tao ang nakikita ko.. pero kahit papaano.. feeling ko safe ako. Parang kahit kelan ako atakihin feeling ko maliligtas ako..

Tumayo ako tapos tumayo rin si Carlo.

“San ka pupunta?? Ate sabi nung doctor bawal ka daw mapagod!”

“I just wanna go out for a bit.. I’m bored here..” binigyan ko siya ng isang sad face.

Napakamot sa batok si Carlo. “Aish. Fine!!”

Binatukan ko siya, “Ya. How many times do I have to tell you stop using the word aish!?”

Napakamot na naman siya pero ngayon ibang klase na kasi naka simangot na siya. Tss. Kung ayaw niyang mabatukan, sumunod siya.

Tumawag si Carlo sa Nurse’s station para magpadala ng wheelchair. Psh. Hinde naman ako pilay eh!

Pero sa bagay.. ayoko rin naman mag lakad dito noh. Nung dumating na yung wheelchair nagsmile sa

akin si Ate Gina yung nurse na naka assign sa akin.

Sabi ko kay Carlo na maiwan na lang siya at kay Ate Gina na lang ako mag papasama. Pumayag naman si Ate Gina sa gusto ko at siyempre si Carlo wala ng magagawa.

Inikot ako Ate Gina dun sa hospital. Unang stop namin yung nursery. Sabi sakin nung nurse na araw araw daw may nanganganak sa hospital nila. Tinuro niya sa akin yung baby na kakapanganak pa lang. Si Baby Kristof…

“Alam mo ba ang bait niyan ni Kristof, nung nag lalabor yung mom niya hinde niya masyadong

pinahirapan. Tapos bihira lang rin siyang umiyak. Tuwing bumibisita yung parents niya umiiyak yan bago sila makarating. Nagpapakitang gilas kasi alam niya na dadalawin siya.. Ang swerte talaga nung parents niya.”

“Swerte rin siya sa parents niya.. kasi dahil sa kanila nandito siya.” sabi ko habang nakatingin kay Kristof.

“Ay nako! Oo swerte talaga yan sa parents niya! Ang ganda ng lahi eh! Nagkataon pang unang anak..

nako.. spoiled yan for sure.” Nagsmile siya sa akin, “Alam mo pag nakikita ko sila ng mga kaibigan nila..

naaalala ko kayo ng mga kaibigan mo..”

Napatingin ako sa kanya, “Bakit naman?”

“Wala lang. Kasi parehong masaya yung room niyo pag ganun eh. Tara na. dun ka na lang sa may

garden para maganda ganda yung view mo.”

Tumango tapos nag punta na kami sa may garden ng hospital.

Hinde ko mapigilang hinde tingnan yung babies sa nursery. Parang ang sarap kasi ng feeling pag may baby ka. Iba raw kasi pag may sarili ka ng family.. may sarili kang anak.. kaya napaisip ako.. Ako kaya..

Pwede pang magka baby?

Pagkadating namin sa may garden nakita ko yung mga batang ng lalaro.. bakit ganun noh, pag bata ka kahit na may sakit ka pa parang ang dali lang mawala nun. Nakakapag laro ka pa, nakakatawa,

nakakapag saya.. pero pag tumanda ka na parang kahit ngumiti ka hinde mo na magawa.. kasi ang sakit sakit na masiyado.

“Ate, gusto ko sanang mag-isa.. ok lang ba?”

Nagsmile siya sa akin, “Oo naman. Alam ko naman na sawang sawa ka ng makita mukha ko eh. Puntahan

mo na lang ako dun sa may nurse’s station pag gusto mo nang umakyat sa kwarto, ok?”

Nag nod ako at nag thank you sa kanya bago niya ako iwan.

“Kenji.. odiya? Bogoshipda” *where are you? i miss you+

“Bakit ba kasi kelangan mo pang mag sinungaling..?” Napatingin ako sa may left side ko. nakita ko si Abi nakasmile sa akin tapos naka suot ng hospital gown. I thought nakalabas na siya? “Gulat ka ba?

Sinumpong na naman eh..”

Dahan dahan akong tumango, “How are you?”

“Eto ok lang naman.. ikaw? Teka.. ok lang ba kung dun tayo mag usap?” tinuro niya yung malapit na

bench. Tumango ako tapos tinulungan niya akong itulak yung wheelchair ko malapit sa may bench.

Umupo siya tapos nag smile sa akin. “Bakit ka nag sinungaling kay Kenji? Siya naman talaga yung gusto mo diba?”

Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Sasabihin ko ba na para sa kanya yung ginawa ko? hinde ba parang ang bastos naman kung yun ung isaagot ko? I’ll make up an excuse again.

“Mahihirapan lang siya pag nagstay pa siya sa tabi ko. marami pa siyang hinde alam tungkol sa akin.

Pati, kelangan mo siya.”

“Bakit siya mahihirapan? Dahil may sakit ka? Ikaw ba hinde mo siya kailangan?”

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya, “Alam mo..?”

Pano niya nalaman? Eh halos hinde nga namin ito pinaguusapan in public eh. Baka naman nag aassume

lang ako? Baka naman sinasabi niya lang yun kasi nasa hospital ako ngayon..

Tumango siya, “sa may cr.. narinig ko kayong nag uusap ni Sara.. hinde ko naman sinasadyang making sa pinag uusapan niyo pero hinde ko napigilan. Nung time na yun gusto ko talagang agawin sayo si Kenji..

dahil alam mo yun.. may sakit din ako eh. Hinde ko lang masabi sa kanya noon kasi natatakot ako. pero nung nalaman kong may sakit ka rin tapos yung pag trato niya sayo kakaiba.. hinde ko mapigilang

mainggit.”

“Kaya ba… naging kayo ulit?”

Kung dahil pala dun maaasar ako. Kasi alam naman pala niya, pero hinayaan niya ako masaktan.. Pero sila ni Lucas diba?? Bakit pa siya maiinggit kung si LUCAS na yung nasa tabi niya? Pati kung gusto niya talaga si Kenji.. bakit niya pa siya pinakawalan ulit? Tapos sisisihin ng parents niya na si Kenji may kasalanan kaya hinde siya nag papaopera? Mali naman ata yun.

“Saglit lang lang naging kami. Sabi niya sa akin..

‘Hinde na pwedeng maging tayo, dahil si Athena na talaga yung mahal ko. Gagawin ko lang yung gusto mo, sige magsstay ako sa tabi mo, pero hinde mo pwedeng sabihin sa akin na dapat kalimutan ko na

siya.. na dapat mahalin kita ulit, na dapat ikaw lang. Kasi hinde ko kaya. Hinde na pwede’

Kaya ayun.. nasaktan ka niya. Pero hinde niya yun sinasadya.. mahal na mahal ka nung lalaking yun..”

tumawa siya bigla, “memorize ko parin yung sinabi niya sa akin.. hinde ko kasi makalimutan eh.. alam mo ba kung kelan niya yun sinabi?”

“Abi.. wag na natin siya pagusapan.. Tapos na rin naman ang lahat eh.”

“Ganun ba.. sorry.. akala ko kasi gusto mong malaman yung nangyari dati..” umiling ako.

Gusto ko malaman, pero ayoko rin. Siguro mas maganda kung hayaan ko na lang yung past mabura.

Ayoko na kasing isipin pa si Kenji, ayoko na rin isipin na nasaktan ko siya, at nasaktan niya ako. mas makabubuti yun.

“So are you planning to take the operation now?”

Nag nod siya, “Alam mo kaya ayoko mag paopera noon kasi, naoperahan na ko dati. Siyempre akala ko

dun na natatapos ang lahat. Biglang bumalik eh.. kumalat daw. So sabi nila kelangan ko daw ulit

magpaopera. Nakakainis lang kasi, kung paopera ako ng paopera tapos sa dulo babalik lang rin.. edi para san pa yung pagpapaopera ko diba?”

“So.. hinde talaga si Kenji yung dahilan kung bakit ayaw mo magpaopera?”

Umiling siya, “NO. I got tired from it. Medications.. Operations.. Therapies. Pero ngayon, I’m willing to do it again. Kahit mag chemo na ko gagawin ko na.”

Nag smile ako sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na willing talaga siyang i-take ulit ung risk ng

pagpapaopera. Sana pareho kami, pero hinde eh.

We talked about a lot of things. Yung mga gusto at ayaw namin, hobbies, movies, music, everything. And I must say, may similarities kami. Except nga lang sa attitude. She’s like the good girl gone bad type and I’m like the good girl forever. Haha.

I told her about my story, how my parents hid my disease from me. Yes, they kept it a secret. All my life akala ko ‘asthma’ lang yung nagpapahirap sa buhay ko, yun pala kaya napaka strict nila sa akin kasi mas malala pa sa asthma yung sakit ko.

Weird, I know. Yung day na yun.. sobrang hinde ko makalimutan.. paglabas ng room ni Lucas.. dun nasira yung dreams ko.

“Oppa.. wae geu rae??” I asked oppa. He looks I don’t know, bothered? *SangMin what’s wrong?+

“No ege malhejoolgeissuh.” *There’s something I have to tell you..+

“Geuraeyo? Oddun neyongindeyo?” *Oh, really? What is it about?+

Umiling siya tapos umupo sa may tabi ng kama ko, “Najoongeh.” *Later+

After ten minutes biglang pumasok ung parents ko kasama yung doctor.

“Athenaya.. we have something to tell you.. We should’ve told you about this long time ago but..”

umma held my hand “we don’t want you to think that you’re different from other people that’s why we kept it from you.. you understand?”

Biglang tumulo yung luha niya. pati yung dad ko naiiyak na rin. Even oppa! What’s wrong with them??

“Oppa, Umma, Appa, musun iliyeyo?” *What’s wrong?+

Umiyak na bigla yung mom ko.

“Athena, listen carefully ok? You’ve been suffering from a disease of the myocardium...” Ano daw?

Myo-what? No cure? Hinde na magagamot? Ano ba yung sakit na yun??

“I don’t.. understand. Am I sick? Huh? Appa! Am I sick??” i asked while looking at my dad

“Athena.. Nakuha mo yung sakit ng mom mo…” sabi ng dad ko sa akin.

“Athena, hcm.. has no cure. You just have to be strong.. and believe in yourself.”

Hinde ako makapaniwala.. tinago nila sa akin yung sakit ko ng ganun katagal.. pano nila nagawa sakin to?

Pano pag bigla na lang akong namatay..?

“Am I going to die, too? Appa.. na jookkuh? Unjeh?” *am I dying? When?+

Nagiyakan kami dun sa room ko. Of course ang ending nung time na yun? Kelangan ko na lang tanggapin lahat. Wala na rin naman kasi akong magagawa eh.. ganun lang daw talaga ang buhay.. gagawin daw nila lahat para lang daw gumaling ako. Hinde ko naman sila masisise eh.. kasi kung matagal ko ng alam na may sakit ako.. siguro, hinde ako masyadong nakipag socialize sa ibang tao.

Nung nalaman ni Abi yung tungkol dun nagulat siya. kasi ibig sabihin daw parang halos sabay lang namin na may sakit ako. yun nga lang daw, mas nauna kong nalaman.

“Ano daw treatment sa sakit mo? May gamot ba para maayos na yung muscle sa heart mo?”

I shook my head, “There’s no cure. Medicines lang to prevent the symptoms, operation pag lumala na.

And I’m getting there.”

“Walang… cure?” I shook my head again, “Umiinom ka naman ng gamot mo diba?”

“Oo naman. I don’t want to disappoint them.”

Natahimik kaming dalawa. Wala na kasi kaming mapagusapan. Isa pa, ang awkward kasi ng situation. Ex niya naging boyfriend ko, tapos nagging sila ulit tapos nagging kami ulit tapos ANG GULO.

“Athena.. alam kong meron parin gap satin ngayon kahit gaano tayo katagal nagusap.. pero pero sana kahit papaano nabawasan yung gap na yun.” Nag smile sa akin si Abi.

Yung pagtingin ko sa mata niya, napansin kong sincere siya sa sinasabi niya. parang walang halong

sarcasm. Hinde ko alam kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Abi ngayon na nag kausap

kami. Bigla na lang nawala yung inis at asar ko sa kanya noon. Siguro kasi nadala lang ako sa kwento ni Kenji nun, siguro masyado akong nag judge base dun sa nakita ko and never heard her side.

“Sorry Abi..” unti unting nawala yung smile niya, “I misjudged you. You aren’t that bad naman pala.”

Nag smile siya ulit, “Ikaw rin eh, masyado kong minaliit yung kakayahan mo. Tama nga si Lucas. Mabait ka nga. ”

“Lucas?”

“Nakausap ko siya kanina, dinalaw niya ako.. tapos nakwento niya lahat sa akin.. ayun, akala niya

ganun yung nangyari, siyempre inexplain ko yung totoo. Tapos na pag kwentuhan ka namin.” I nodded

slowly, “sorry.. sorry talaga kung pati ikaw nasasaktan ng dahil sa akin.. Wag kang magalala ieexplain ko kay Kenji. Nag text na rin naman siya eh. Sasabihin ko lahat sa kanya..”

Nag smile ako sa kanya, “Wag na. Ok lang yun. Malalaman naman niya yun eventually eh. Basta ang

mahalaga mag pagamot ka na lang ok na yun bilang kapalit nung sacrifice ko.”

Pag nalaman pa kasi ni Kenji ang totoo, baka mas masaktan siya. At Baka mas itulak ko siya papalayo sa akin.. baka pagtaguan ko pa siya.

“Oo, sana ikaw rin. Kung kinakailangan magpaopera ka or heart transplant sana pumayag ka.”

Hinawakan niya yung kamay ko, “Alam kong ang awkward para maging magkaibigan tayo ngayon.. pero

sana.. kahit papaano pwede tayong mag batian pag nagkakasalubong tayo. At sana sa next life time

natin.. pwede na tayong maging magkaibigan.”

Hinawakan ko yun yung kamay niya tapos nag smile at nag nod.

Tinulungan niya akong makabalik sa loob ng hospital tapos nag wave na kami sa isa’t isa. Papunta na ako sa may nurse’s station para puntahan si Ate Gina pero nag stop muna ako sa may lobby ng hospital para tumingin ulit sa may labas. Maya maya may bigla na lang tumabi sa akin

Ayoko na muna sanang tingnan kung sino yung taong yun pero hinde ko mapigilan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya.

Other books

Fifteen Weekends by Christy Pastore
The Last Burden by Chatterjee, Upamanyu
Children of Dust by Ali Eteraz
Undercover Hunter by Rachel Lee
Walkers by Gary Brandner
A Belated Bride by Karen Hawkins