She's Dating the Gangster (51 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
4Mb size Format: txt, pdf, ePub

Tuloy tuloy parin yung pag tulo ng luha ko. Hinde ko alam kung gaano katagal akong iiyak habang buhay pa ko. Pero alam kong matatagalan to.

“Hintayin mo ko.. Kahit anong mangyari hintayin mo ko..”

“Hihintayin kita.. Kahit gano pa katagal.. Basta hihintayin kita..”

Tiningnan ko yung mukha niya

“Athena tumingin ka sakin. Tingnan mo ko.” dinilat niya yung mga mata niya, “Ang kelangan mo lang

gawin ay hintayin ako. Ako na bahalang mag hanap sayo.. ha?”

Nagsmile siya sa akin at ipinikit niya ulit yung mata niya.

“Kidarulkke..” *I'll be waiting..+

“I love you, Athena..”

“I love you too..”

“I love you..”

“Hmm.. I love you.. Kenjiya.. can I sleep now?” Hinalikan ko siya sa may lips at niyakap siya ng mahigpit.

naramdaman ko ulit yung pagpatak ng luha niya, “Nuhrul youngwonhee saranghalkke.. Good night.” *I

will love you forever..]

“I love you, Athena. Sweet dreams.”

Epilogue

kidarulke = i'll wait for you

nal kidaryeo = wait for me

unjaena = always

youngwonhee = forever

Seobang = hubby/husband

Nararamdaman ko na yung sinag ng araw sa aking mukha. Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Sa sobrang pagkasilaw ihinarang ko yung kamay ko sa may tapat ng mata ko. Umaga na naman.

Tumingin ako sa may tabi ko at nakita si Athena. Napangiti ako nung nakita ko siya.

“Athena.. gising na. Uuwi na tayo maya maya.”

Nakita ko yung ngiti niya. Yung ngiting nagpapalakas ng loob ko sa araw araw na dumating.

Bumangon ako para mag hilamos at maghanda ng almusal. Dahil maya maya ay lilipad na ulit kami

pabalik ng pilipinas.

“Athena, masaya ka ba? Tama ka.. maganda nga dito sa Jeju Island.”

Hinde siya sumagot sa akin. Tumingin lang ulit ako sa kanya pagkatapos kong magluto. Nakangiti parin siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya, “I love you..”

Hinde parin siya sumagot. Naramdaman ko lang yung pagyakap niya sa akin. Masaya na ako dun.

“Wag mo muna akong iwanan.. Hinde ko pa kaya. Ha?” Naramdaman ko yung paghalik niya sa akin sa

pisngi ko.

Kumain na ako at naligo na. Pagkatapos ay nag empake na ko. Nagcheck-out na ako sa hotel nila Athena at dumeretso sa airport.

Sa eroplano, hinde ko mapilitang hinde malungkot.

“Masaya naman diba, Athena? Nasayahan ka naman kahit na saglit lang tayo dun?” hinawakan niya

yung kamay ko. naramdaman ko yun, kahit na nakatingin ako sa may bintana.

Tinupad ko yung promise ko sa kanya. Dinala ko siya sa Jeju Island. Same date. March 26. Hinde ko kasi pwedeng i-break yung promise ko na yun sa kanya. Ayokong ma-disappoint na naman siya sa akin.

Kahit na kelangan umuwi na ng 28.. basta tinupad ko parin. Hinde kasi ako pwedeng mag tagal. Meron pang masimportanteng kelangan gawin sa pinas.

Hinde ko naramdaman masyasdo yung feeling na nasa eroplano ako dahil masyadong malalim ung iniisip ko. Narinig ko na lang na maglalanding na kami at kelangan mag seatbelt na.

Pilipinas.. nandito na kami ulit. Naglakad ako papalabas ng airport. Sinalubong ako ni Lucas at Kirby ng yakap.

“Kamusta Korea? Masaya ba?” tanong sa akin ni Kirby habang naka akbay sakin

“Masaya naman kahit papaano.. Ata.”

“Ata? Sige.. sasabihin ko sa kanila na magbakasyon tayo sa korea. Para maging mas masaya yung trip mo!”

Tumango na lang ako sa kanila at pilit ngumiti. Sumakay na kami sa kotse ni Lucas. Stinart na niya yung kotse pero bago kami umandar may sinabi si Kirby

“Dun na nga raw pala tayo dumeretso sabi ni Tita Andrea.”

Tumango ako habang nakatingin sa may bintana, “Ok. Sige..”

Click for the song: Can't Cry Hard Enough

15 minutes.. Athena.. 15 minutes na lang..

“I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..”

Tinakpan ko yung bibig ko. Pinipigilan kong wag umiyak. Nung nakita ko na yung sign ng Manila

Memorial. Bumilis na yung tibok ng puso ko. Halong kaba at sakit yung nararamdaman ko. Biglang

tumulo yung luha ko pagpasok namin sa loob. Pinunasan ko kaagad ito dahil ayokong makita na naman

nila akong umiiyak.

Sinubukan kong pigilan ito. Kailangan hinde ko ipakita sa kanila na mahina ako. Na mahina parin ako..

“Isang taon na. Ang tagal na rin pala noh?” sabi ni Kirby samin ni Lucas

“Ano ba… wag ka ngang ganyan!” mahinang sinabi ni Lucas kay Kirby. “Tara na, bumaba na tayo.

Hinihintay na nila tayo dun.”

Binuksan ko yung pintuan ng kotse at bumaba. Inakbayan ako ni Kirby si Lucas naman nilagay yung

kamay niya sa may balikat ko at pi-nat.

Dahan dahan kaming nag lakad. Papapunta sa may.. Sigh.

Nakita ko na yung litrato ni Athena. Bumibigat na naman yung puso ko. Sinubukan kong maging masaya para kay Athena, pero para paring may malaking butas yung puso ko.

Tumabi yung mga tao para makadaan ako at makalapit sa may puntod ni Athena. Bumitaw sa akin si

Kirby at Lucas. Napaluhod ako at habang nanginginig yung mga kamay ko ay hinawakan ko yung tomb

niya. Hinde ko na napigilan ang luha ko.

Isang taon… Isang taon na rin ang nakalipas simula nung iwan niya ako. Hinde ko alam kung paano ako naka survive ng isang taong wala siya. Minsan gusto ko na lang sumuko. Minsan naiisip ko, wala na

talagang silbi buhay ko. Pero dahil sa pamilya ko at mga tao sa paligid ko.. gusto ko paring lumaban.

Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito. Ngayon ko lang ulit naramdaman na iniwan na niya talaga ako.

Hinde kasi namin madalas pagusapan si Athena. Hangga’t maari, iniiwasan naming banggitin pangalan

niya.

Nung napatingin ako sa paligid ko, lahat na rin sila nagiiyakan. Sinimulan ko na naman kasing ipakita sa kanila yung kahinaan ko.

Lumuhod ako sa kanila at yumuko, “Sorry. Hinde ko lang talaga mapigilan yung sarili ko.. Ngayon lang..

Pagbigyan niyo muna ako maging mahina.. kahit ngayong araw lang..”

Dahil sa araw na to, bumalik yung sakit. Yung pag tusok sa puso ko naulit. Namuhay ako na katabi ko sa pagtulog yung litrato ni Athena. Pero hinde pa ko nakuntento dun. Sinurpresa nila ako ng isang stuffed toy na kamukha ni Athena. Para akong naging bata na umaasa sa mga tao sa paligid ko.

Sa Jeju Island, litrato ni Athena ang sumuporta sakin para makayanan kong mag ikot ikot. Mas masaya kung siya mismo ung nakasama ko.. mas nagenjoy siguro ako..

Para akong living dead. Sabi nga nila, nawalan na ko ng expression. Pilit ko na lang ginagapang yung sarili ko, para lang sa kanila. Sa taong sumusuporta sakin.

Naguwian na yung mga bisita. 4:00 pm na rin kasi. Ako rin ba uuwi na rin? Ayoko pa siyang iwanan.

“Kenji, pinapabigay nga pala to sayo ni Athena..” napatingin ako sa inaabot sakin ni Sara

“Ano to?? Kelan niya to binilin??? Bakit ngayon mo lang binigay?!” agad kong kinuha yung yung box na hawak ni Sara.

“Few hours bago siya mamatay.. Sabi niya, buksan ko raw yung diary niya online pag nawala na siya.

Last text message niya sa akin yun. Nung chineck ko yung diary niya, nabasa ko yung message niya para sa akin. May kanya-kanya tayong box. Ikaw, ako, si Jigs, Grace, Kirby, Carlo at Lucas. Kahapon naman may dumating na regalo family ni Athena.. yung doctor niya yung nag bigay.”

Nakatingin lang ako sa box nahawak hawak ko. Gusto ko na siyang buksan, gusto ko ng makita kung ano yung nasa loob. Kaya sa tapat nila Sara, binuksan ko ito.

“Pinaburn niya sa akin yan. Wag kang mag alala. Hinde ko pinanood. Binilin ko rin sa nag convert na wag panoorin. Sulat lang yung samin pati pictures. Sige na, mauna ka nang umuwi. Panoorin mo na yan.

Alam ko namang sabik ka ng makita si Athena eh.” Nag smile siya sa akin habang lumuluha. Pinunasan niya bigla yung luha niya

“Sige na. Kami na lang bahala dito.” sabi sa akin ni Grace

“Oo nga babes, kami na lang bahala..”

Niyakap nila ako isa isa. Nilapitan ko yung in-laws ko tapos niyakap sila. Nagpaalam ako na umuwi na kasi may kelangan pa akong gawin. Pumayag naman sila.

Pagkadating ko sa bahay dumiretso kaagad ako sa kwarto at ipinasok yung cd sa dvd player.

Nung nagplay na, una kong nakita yung sarili ko. Natutulog.

Click for the song: Byul (Star)

“Haha! Natutulog ka! Pagod ka kasi sa mini party natin kanina e! AY!!! Nakikita mo ba yung laway mo?

Ayan oh.. tulo laway!” pinunasan niya yung bibig ko tapos nakita ko na yung mukha niya. Hinalikan niya ako dun sa video.

Tumayo na naman siya, sa palagay ko nilagay niya sa tripod yung video cam kasi inaayos niya yung

position kung nasaan ako natutulog nun. maya maya ay umupo na siya. Nasa pink room siya.

Nag smile siya sa camera tapos kumaway. “Seobang, annyong!”

Natahimik siya bigla. “Hinde ko alam sasabihin ko sayo ngayon.. malamang habang pinapanood mo to,

wala na ko. Binilin ko kay Sara na ibigay to sayo pag one year na kong wala. Ginawa niya ba? O baka maaga niya binigay sayo?! Nako!! Pag maaga niyang binigay to, mumultuhin ko siya!” ngumiti siya, “Joke lang.. Oo nga pala, kamusta ka na? Nalulungkot ka pa rin ba?”

“Hinde ok.. Oo.. nalulungkot parin ako, araw-araw.”

“YA! Ayaw kong malungkot ka.. Kasi.. malulungkot rin ako. Araw araw naman kitang sasamahan eh..

araw araw kitang babantayan.. Kahit na hinde mo ko nakikita, ipaparamdam ko sayo, na nasa tabi mo

lang ako. Ang dami na nating pinagdaanan noh? Etong kwarto na to.. dito ko unang na tulog nung

medyo masama pa ugali mo sakin nun! Tapos nung may sakit ka, si Abi parin hinahanap mo!! Nung

panahon nay un gusto kitang sakalin eh! Hehe.. pero siyempre.. Hinde ko kaya. Kenjiya.. Saranghae..

Nomoo saranghae..”

Biglang tumulo yung luha ko. Umiiyak na rin kasi si Athena sa video.

“Sorry kung hinde ko sayo sinabing nag stop na ko sa pag iinom ng gamot ko. Wala na kasing

nangyayari eh.. parang niloloko ko na lang yung sarili ko pag pinagpatuloy ko pa. Naiintindihan mo naman ako diba? Magbabatangas tayo bukas.. sana maging masaya tayo pareho.. Sana maging

memorable yung trip natin. Gusto ko kasing saya ng honeymoon natin! Pero natatakot ako… baka kasi

habang nag sasaya tayo, iwanan kita. Sana wag naman. Ayokong malungkot ka bigla.” Nagpunas siya ng luha tapos natagalan bago siya mag salita ulit

“Magsalita ka lang.. wag kang tumigil.. kahit na abutin ako ng isang taon kakapanood nito.. wala akong pakialam..”

“Hinde ba pwedeng samahan mo ako? Hinde ba pwedeng magkasama parin tayo..? Naiisip ko palang

na magkakahiwalay tayo, hinde ko na kinakaya. Ano ba tong sinasabi ko. Sana i-edit to ni Sara. Kenjiya..

don’t read my blog.. it’s not good for you.. Anyway, ayoko ng pahabain pa to. Iintayin kita Kenji.. hinde mo kelangan magmadali.. iintayin naman kita e.. ako naman lagi yung nagiintay diba? Kaya ok lang sa akin.. Kahit matagalan ka pa.. iintayin parin kita.. Pero.. ok lang ba kung wag ka ng maghanap pa ng iba?

Hinde ko kasi ata kakayanin.. Eto na naman ako.. Edit this Unni!! Kenjiya, gusto kong lakasan mo loob mo.. kung gusto mong magasawa ulit, ok lang rin.. kasalanan ko naman kung bakit ka naging malungkot eh… Pero sana wag mo parin akong kalimutan.. kahit na yung pangalan ko lang.. Ha? Kidarulke..

Saranghae.. Unjaena, youngwonhee..” tapos nag wave na siya.

“Bakit mo ba laging binabawi yung sinasabi mo? Iniintay ko lang naman na sabihin mo sakin yun eh..

gagawin ko naman eh.. Gusto mo ba talaga?”

Ni-rewind ko yung video, “Hinde ba pwedeng samahan mo ako? Hinde ba pwedeng magkasama parin

tayo..? Naiisip ko palang na magkakahiwalay tayo, hinde ko na kinakaya.”

Pinause ko ulit to dun at nirewind ko ulit para marinig ko yung sinabi niya. Bumulong siya..

“Please..”

Kinuha ko yung video cam, sinaksak ko sa may tv para mapanood yung video namin ni Athena. Nung

plinay ko na parang bumalik na naman sa akin..Yung araw na yun… kaya pala parang ang weird niyang

kumilos dahil alam na niya.. Kung hinde pa ako humiling nun.. Siguro mas napaaga pa yung pagkuha sa kanya.

Lord,

Ok lang naman diba?

Malungkot si Athena..

Kailangan niya ko..

Kailangan ko rin siya..

Ok lang diba?

Tinapos kong panoorin yung video namin. Kumuha ako ng panibagong tape tapos nilagay sa cam. Kinuha ko rin yung tripod at nilagay yung camera dun.

Nirecord ko yung sarili ko. Kelangan sabihin ko through this video ang lahat ng nararamdaman ko

ngayon. Hinde ko hahayaang sisihin nila si Athena. Maiintindihan naman nila diba? Alam nila kung gaano kaimportante si Athena sa akin. Dahil sa pagmamahal ko sa kanya, hinde ko hahayaang malungkot siya sa lugar kung nasaan siya ngayon. Hinde ko rin hahayaan malungkot ang sarili ko dito habang wala siya sa tabi ko. Kaya kelangan.. kelangan.. masabi ko na lahat sa kanila kung bakit kelangan kong gawin to..

Nung tapos na yung pagrerecord ko, tinabi ko na yung camera. May kinuha ulit ako sa may cabinet.

Matagal tagal ko na rin tong tinatago itong boteng to... Hinde ko lang magamit.

Humiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Para sakin din to. Kelangan ng matigil lahat ng sakit na nararamdaman ko pag gising ako.

Athena, Intayin mo ko.. Sandali na lang at magkakasama na rin tayong dalawa. Wala ng

makakapaghiwalay pa sa ating dalawa. Hinde ko na hahayaang magkahiwalay pa tayo. Romeo ang Juliet

nga tayo diba? Wala ng makakapag hadlang pa sa atin.. Dun tayo sa lugar na hinding-hinde tayo

malulungkot. Sa lugar na tayong dalawa lang. Sa lugar na pwede tayo bumuo ng pamilya.

Athena, hinde ka na mag hihintay pa ng matagal.. kasi napagdesisyonan ko na. Hinde na kita hahayaan pang masaktan. Hinde ko na hahayaan na paghiwalayin pa nila tayo. Lalaban tayong dalawa, diba?

Ipaglalaban natin ang isa’t isa. Wag mong sisihin ang sarili mo.. Wala kang ginawa. Kagustuhan ko lahat ng gagawin ko ngayon. Desisyon ko to. Sinabi ko na rin lahat sa video ko kung bakit eto kahahantungan ko.. Sandali na lang at magkakasama na tayo.. Nal kidaryeo.

Athena, I love you.. this much. Unjaena, Youngwonhee..

T H E E N D

Other books

Mr. Shivers by Bennett, Robert Jackson
You Can Run... by Carlene Thompson