She's Dating the Gangster (24 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
2.33Mb size Format: txt, pdf, ePub

“Hinde ko alam pinagsasabi mo.” lumapit sakin yung lalaki tapos sinuntok ako sa may kaliwang pisngi

“Siguro ngayon naaalala mo na.”

“SINO KA PARA SUNTUKIN SI KENJI HA?!?!” sigaw ni Athena. Tapos bigla niyang sinampal yung lalaki,

“Siguro naman naaalala mo na rin na hinde ka namin kilala diba?!” napatingin ako bigla sa kanya.

Ang labo nitong babaeng to. Siya nagsabi sakin na wag makikipag away tapos siya tong nakikipag away!

Hinde niya ba naiisip na lima sila dalawa lang kami? Walang magagawa yung sampal niya. lalo na’t hinde niya pa sinasabi yung permission ko.

“Matapang ka ha!” inangat niya yung kamay niya tapos pasampal n asana siya kay Athena pero

hinawakan ko yung kamay niya

“Ako yung kelangan niyo, hinde siya. gawin niyo na gusto niyong gawin sakin. Wag na wag niyo lang

gagalawin si Athena.”

“Sige.” Sumenyas na siya gamit yung kamay niya.

Naglapitan sakin yung mga lalaki tapos nag form siya ng circle habang nasa gitna ako.

“Tutuparin ko yung promise ko sayo. Tumalikod ka muna, ayokong makita mo yung mangyayari sakin.”

Ngumiti ako sa kanya tapos bigla na akong sinuntok ng mga lalaking hinde namin kilala.

Nakakarami na sila ng suntok sakin. Naririnig ko si Athena, sumisigaw.. sabi ko sa kanya wag siyang tumingin eh! Taena matigas talaga ulo niya! kung ayaw niya akong mabugbog ISIGAW NIYA YUNG

MAGIC WORD!!!! Nagparinig na nga ako eh!!! shyet!

“YA BABO!! FIGHT BACK!!!! YOU DUMBASS! LUMABAN KA!!!!!!”

Napangiti ako bigla, tumayo ako tapos sinimulan ko ng gumanti. Nabigla yung tatlong lalaki dahil hinde ata nila inaakalang lalaban ako, tumakbo na yung tatlo naiwan yung dalawa. Ginantihan ko ng tuluyan yung lalaking sinampal ni Athena. Pero biglang tumakbo na sila. lumapit sa akin si Athena tapos

hinawakan yung mukha ko, “Gag0 yung mga yun ha!! sinira mukha ng sexylove ko.. gwaen chah na??”

[are you alright?]

Umiling ako, “Malamang hinde.. ang tagal mo kayang sabihin ung magic word.. ayan nakarami tuloy sila sakin! Tinupad ko yung promise ko ha..”

Niyakap niya ako tapos bigla siyang umiyak, “Ya! What if wala ako ngayon sa tabi mo then they

suddenly jumped on you.. you won't be able to fight back kasi hinde ko masasabi yung magic word..”

Niyakap ko siya ng mahigpit, “Kaya nga kelangan palagi kang nasa tabi ko.. para hinde ako masasaktan.

Pero sa totoo lang.. mas tatanggapin ko tong sakit ng katawan kesa bigla kang mawala..”

Potek! Nakapag bitaw na naman ako ng cheesy line. Nakakaasar! Bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko yung mga yun! parang.. ah ewan! Hinde ko rin alam gagawin ko minsan. Parang kelangan ko talagang sabihin sa kanya yung mga nafifeel ko eh. Tch.

Naglakad na kami pabalik sa bahay ni Athena. Hinde ko na iniisip yung sakit ng katawan at mukha ko kasi kasama ko siya. Halos 17 hours ko siyang kasama ngayong araw.. lagpas pa ng kalahating araw eh. pero siyempre kelangan na talaga naming mag hiwalay.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Athena, dalawang beses na nangyari tong ngayong araw. Pero ngayon, seryoso na.

“Umm.. Kenji.. gusto mo bang..” pinutol niya yung sasabihin niya. SAY IT D@MMIT!

Naka yuko lang siya. parang nang aalinlangan siyang sabihin sakin yung karugtong nun, “Ano yun? gusto kong ano..?”

“Gusto mo bang..” ANO YUN? AYOKO NA NG PAPUTOL PUTOL PA!!

“Samahan kita ngayong gabi?”

ANO DAW?!

Nagulat ako sa sinabi niya. hinde ako makapag react sa narinig ko, tama nga ba yung narinig ko??

“Kasi, wala kang kasama tuwing gabi sa bahay mo.. eh, walang mag aasikaso sayo.. tingnan mo yung

itsura mo oh..” hinawakan niya yung mukha ko, “kung gusto mo dito ka na lang matulog sa bahay

namin.. Oppa will understand..”

Teka, san ba as walang sagabal? Sa bahay ko o sa bahay niya??? SHIET! SA BAHAY KO!

“Dun tayo sa bahay ko.” nag nod siya, tapos tumalikod siya at nag doorbell.

Napansin kong medyo nag stiff yung katawan niya tapos nakaturo pa rin siya sa doorbell. HAHAHA naisip niya ata na dalawa lang kami sa bahay ko!

Lumabas si Nathan, “Oh bakit ngayon lang kayo??” napatingin siya sa akin, “Ano nangyari sa mukha

mo??? ok lang ba kayo!?”

Nag nod si Athena, “Oppa, Kenji will sleep here tonight. He’s hurt because of me.. he saved your

dongseng so let him sleep here.”

TEKA!!! USAPAN SA BAHAY KO HA?? AMP!! NAISIP NIYA NGA NA DALAWA LANG KAMI DUN!! SHIET!

“Araso araso.” Sinabi niya habang nag nonod. Pumasok na kaming dalawa ni Athena sa loob ng bahay

niya tapos pa tungo na kami sa kwarto niya, “YA!!! You’re gonna sleep together?”

“You wanna sleep with him instead?”

“ANYO!!” *NO!+

“See. So he’ll be sleeping in my room.” Amp! Matalino talaga tong babaeng to! Pati si Nathan

nagagawang mauto eh!

“MALDO ANDWE!” *maldoh andwae = No way+

“Oppa, listen ok? MATUTULOG LANG KAMI.”

“Aish. Kure araso.” Tumingin bigla sa akin si Nathan, “Kenji, I trust you.” *Ok fine+

“Jin jja komawuh, oppa!!” niyakap niya si Nathan tapos kiniss sa pisngi, “Jalja!” *Jin jja komawuh =

thanks a lot; oppa= older brother; jalja= goodnight]

Hinawakan ako ni Athena sa braso nag lakad na kami papunta sa kwarto niya. pagpasok namin umupo

ako sa may couch tapos siya may kinuha sa banyo, lumabas siya ng may dalang first aid kit. Tss. Babae nga siya!

Umupo siya sa tabi ko, binuksan yung first aid kit na bag tapos kinuha yung gamot.

“It might sting.” Nilagyan niya ng gamot yung cotton buds tapos dahan dahan nilagay sa part ng left jaw ko na may sugat. “Masakit ba?” hinipan niya yung sugat, para hinde kumirot.

Nilagyan niya ng band-aid yung sa may jaw ko tapos nilagyan niya naman ng gamot yung sa may lower

lip ko. ang seryoso ng itsura niya habang nag lalagay siya ng gamot. Pati yung sa may kamay ko napansin niya rin yung mga sugat.

“Tanggalin mo yung shirt mo.” napa ‘ha’ ako sa sinabi niya, “Pupunasan kita.. gamitin mo muna yung damit ko..”

Napasmile ako sa kanya tapos tumango ako. lumabas siya ng kwarto tapos pag balik niya may dala na

siyang ice.

“YA!!! WHAT’S THAT FOR!!!” biglang pumasok si Sara sa kwarto, “YA!!!! WHY ARE YOU NAKED???”

“He got into a fight. He’s gangstering again.”

“YA!! Stop gangstering, araso? Goodnight!” sinara ni Sara yung pinto, si Athena nilagyan muna ng ice yung part na may pasa [araso = ok]

“Hinde ko alam kung tama tong ginagawa ko eh haha! Wag na nga lang natin lagyan ng ice! Punasan na lang kita!” kinuha niya yung basin na may water tapos yung small face towel nilubog niya sa basin na may tubig. Piniga niya yun at dahan dahan niya pinunasan yung katawan ko, “Ayoko na, ikaw na

gumawa!”

Binigay niya sakin yung towel

“Tuloy mo! parang maaabot ko eh!” tinuloy niya yung pag punas ng naka simangot. Sususggest suggest hinde naman pala itutuloy. Tss. Pagkatapos niya akong punasan, inabot niya sakin yung shirt niyang malaki.

Humiga na siya sa kama niya, “Sige dito na lang ako sa sofa. Goodnight.”

“Ano ka ba, tabi na tayo.. ok lang naman eh..”

Napangiti ako bigla. Siyempre hinde ko pinakita sa kanya! tumayo ako at umupo sa may kama niya, “Ok lang ba talaga?” tumango siya habang nakangiti.

Humiga na ako sa tabi niya.

“Kenji.. anong ibig sabihin ng happiness para sayo?”

Ano nga ba ang happiness? Yun yung feeling na kuntento ka diba? ewan ko.. hinde ko pa ata nafifeel yun eh.. siguro.. ata.. baka.. hinde ko madescribe kung ano talaga yun eh, mahirap sabihin.

Niyakap ko siya tapos bumulong sa tenga niya, “Etong feeling na to..”

Hinde ko kayang i-explain sa kanya kung ano ba talaga ang happiness, kasi sakin, yung feeling na

nararamdaman ko ngayon, alam kong happiness yun. Alam kong walang makakatalo sa nararamdaman

ko ngayon. Yung tipong sasabog yung puso ko pag hinde ko napatunayan sa kanya na mahal ko siya.

Kung hinde pa siya handa sa mga bagay na gusto kong mangyari, ok lang. sobra sobra respeto ko sa

kanya.. sa sobrang respeto ko, lahat titiisin ko. KAHIT ETONG URGE NA TO!

“I love you.. so much..” bulong ko sa kanya. “Thanks for making me this happy.. please let me spend forever with you..”

Hinde na siya sumagot, sinilip ko kung tulog na siya, tss. Tulog na nga.. pero naka smile pa rin siya.

This is the girl I wanna be with, forever.

Chapter TWENTY NINE

“Huy gising na! mag seseven na, kelangan mo pang umuwi para magready sa school.”

Naramdaman ko yung pag hampas sakin ni Athena sa may braso. Pucha. Parang kakatulog ko lang tapos

kelangan ko ng gumising? Joke ba to? Ang tagal tagal kong nag concentrate para lang makatulog!! Pano ba naman chance na eh.. pero kelangan kong pigilin! Hinde pa eto yung tamang oras para gawin namin yun.

Ano ba tong iniisip ko!! Ang aga-aga tapos yung paghihirap ko kagabi yung naiisip ko. grabe, kung alam niyo lang kung gaano kahirap, jusko! Hinde niyo kakayanin. Lalaki ako! I have my own needs. Mabuti na lang at sobrang nirerespeto ko siya. Ano bang alam ko.. eh hinde ko naman tinanong kung ok lang sa kanya. Anak ng.. dapat pala nag tanong ako kagabi!! WAHAHA!

“YA!! It’s already 7!! I’ve been nudging you for 5 minutes already!” sabi ni Athena pagkatapos niya ako bigyang ng malakas na hampas. Dinilat ko na yung mga mata ko tapos nakita ko si Athena naka upo sa tabi ko.

“Kiss muna.” Demand ko.

“UMUWI KA NA! MAY PASOK PA TAYO!” biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Athena

“WHAT’S HAPPENING?! WHAT HAPPENED? WHY DID YOU SHOUT???”

Napatingin kaming dalawa kay Nathan, halatang nag alala siya dahil kitang kita sa itsura niya.

“Nothing. I was just trying to wake him up.”

“Ya! Stop shouting!! I told you not to stress yourself! Kenji, don’t make her shout! She’s… I mean it’s irritating. Get ready na for school.” lumabas na si Nathan at sinarado yung pinto.

Nginitian ko si Athena, medyo nagsmile din siya. siguro good mood na to. Tumayo na ko sa kama tapos niyakap si Athena, “Oh wag ka daw sisigaw.” Tapos niyakap niya rin ako

“Sorry.. ayoko lang kasing malate ka. Pero wala eh, malalate ka pa rin kahit anong mangyari. Sige na, umuwi ka na, wag ka na kumain ng breakfast sa inyo ok? ipag luluto kita!”

“Sige. Basta siguraduhin mo lang na hinde sasakit tiyan ko, ok? Uwi na ko.” kiniss ko siya sa noo niya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Tumakbo ako pauwi ng bahay para exercise na rin, hassle nakalimutan kong may practice kami. Anong

oras na rin kasi akong nakatulog. Hassle talaga! Ayoko ng mangyari ung ganun! Ang hirap mag pigil eh.

Pagkadating ko sa bahay dumeretso na ko sa banyo para maligo. Nakapagbihis na ko at lahat lahat

siyempre late na late na ko 8 nag sstart yung class 8:45 am na. nagmadali na akong mag lakad dahil alam ko pag kadating ko sa school hahampasin ako ni Athena sa ulo!

Ang masakit pa sa loob ko, 4th floor kami! Bago ako makarating dun, malamang nakapag start na sila ng 2nd period. Gaya nga ng sabi ko nag start na nga ang 2nd period. Pag pasok ko iba yung teacher namin, si Athena napansin kong umiling.

“You’re late Mr. delos Reyes. What have you been doing all night?”

“Nakipag bahay-bahayan kay Athena.”

Nagtawanan buong klase sa sinabi ni Kerb, “Is that true?! You’re with Athena all night? You’re still together pa pala.”

“Sir..” napatingin ako kay Athena yung itsura niya parang nag tataka. Etong teacher na to! Napaka

chismoso!!!

“I thought you two broke up.. glad to hear that you and Miss Tizon are still together, ilang years na nga ba ulit kayo? 4? 5?”

Nagbulungan yung mga kaklase ko. si Athena iniwasan ako ng tingin. Pucha galit na naman to. Ang daldal kasi nitong lalaking to eh! ang sarap sapakin!

“Sir matagal na silang wala. Ibang Athena yung sinasabi nila, Athena Dizon po, hinde TIZON. Ayun siya sa likod.” Tinuro ni Lucas si Athena. THANK YOU LUCAS!

Napatingin si Mr. Castro kay Athena, “Ay ganun ba? Sorry.. Hehe.. tumatanda na talaga ako. hinde na ako updated sa mga balita. Let’s move on. Kenji umupo ka na.” naglakad ako papunta sa may upuan ko at naupo na. Tiningnan ko si Athena pero hinde siya lumilingon sa akin.

Alam ko naman na wala na lang yun sa kanya eh, pero hinde ko lang alam kung bakit naapektuhan siya ngayon. Minsan hinde ko rin maintindihan to si Athena, pagtinatanong kung ok lang ba siya, sasabihin niya ok lang. Pero hinde naman siya ok. Minsan ang haba ng pasensya nya, pero minsan biglang

pumipitik. Pero hinde ibig sabihin na naaasar ako o umaayaw na ko. nakakapagtataka lang yung pag

babago niya. kahit kelan PMS siya, yun na lang ata hinde mag babago sa sistema niya eh.

Buong 2nd period hinde niya ako kinakausap, kahit isang tingin hinde niya ginawa. Ilan beses ko na rin sinubukan mag pacute sa kanya pero hinde umeepkto! Amp. Ano ba kasi ginawa kong mali?? Hinde

naman ako yung nagbanggit nun eh!! bakit ako yung kelangan magsakripisyo ng ganito?

Recess na namin, tumayo si Athena tapos lumabas ng classroom. Gutom na gutom na ko! sabi kasi ni

Athena wag na daw akong kumain sa bahay, ipagluluto niya daw ako kaya eto hinde nga ako kumain.

Pero sa sitwasyon namin ngayon, malaki ang posibilidad na hinde niya ko papansinin hanggang uwian.

“Eto na yung pagkain mo.” Nilapag niya yung green na tupperware sa may armchair ko tapos nag lakad na siya palabas ng classroom. Binitbit ko yung tupperware tapos sinundan si Athena.

Naglalakad siya ng mabagal habang naka yuko. “Athena.”

Napahinto siya sa pag lalakad tapos lumingon sa akin.

“Bakit?”

“Samahan mo akong kumain.”

Lumapit siya sa akin tapos nag lakad na kami pabalik sa classroom. Magkatabi kaming nakaupo sa may tabi ng bintana, nakatingin lang siya sa may bintana. Halatang ayaw niya pa rin akong tingnan.

“Wag mo ng pansinin yung kanina. Teacher kasi namin yun nung 1st year kaya alam niya. siguro hinde niya nabalitaan na ibang Athena na yung girlfriend ko ngayon kaya naisip niya na si Abigail pa ri--”

“Ok lang. Sanay na rin naman ako eh.” sabi niya habang nakatingin pa rin sa may bintana.

“Kanina mo pa ako hinde tinitingnan.. nalulungkot na ko. feeling ko ako yung may kasalanan eh.. Sorry na. Tingnan mo naman ako kahit isang beses lang..”

Hinde pa rin siya lumilingon sa akin, “Tiningnan kita kanina.”

Hinwakan ko yung kamay niya pero bumitaw rin siya kaagad. Hinde ko na pinilit na tingnan niya ako, alam kong hinde ko siya mapipilit. Ayan si Athena, matigas ulo. Sinubukan kong makipag usap sa kanya, oo sumasagot nga siya sa mga tanong ko pero isang tanong isang sagot lang talaga. Ayaw nya makipag converse ng maayos.

Biglang tumayo si Athena at tumakbo papalabas ng classroom, sinundan ko siya pero ang turo sakin ng mga taong nakakita sa kanya sa cr daw siya pumunta. Inintay ko siya sa may tapat ng cr. Alam kong may tinatago siya sa akin. Kahit hinde niya yun sabihin, nararamdaman ko.. Iniwasan niyang sagutin nung tinanong ko siya kahapo. Ngayon gusto ko siyang pilitin para lang sabihin sakin yung tinatago niya! ano ba yun? Big secret ba talaga? Hinde ba niya talaga ako pag kakatiwalaan?

Paglabas niya ng cr nilapitan ko kaagad siya, mukang nagulat siya dahil medyo nanlaki yung mata niya.

“Wala ka naman kinain pero nag suka ka.. May sakit ka ba? Ano ba kasi yung sakit mo??” diretsuhan ko siyang tinanong.

Tumalikod siya sa akin tapos nag simulang mag lakad. “Wala. Bakit mo naman nasabing may sakit ako?

Dahil sa nag susuka ako?” sinundan ko siya, hinde ko pupwedeng palipasin na lang to.

“Napapadalas eh.. kung wala kang sakit edi buntis ka nga?! Sabihin mo na kasi!” hinawakan ko yung

kamay niya tapos para huminto siya sa pag lalakad. “Ayokong makipag laro ng hulaan! Alam mo namang mainipin akong tao eh! Sabi mo rin, ayaw mo ng secrets, eh ano to?! Sabihin mo na yung totoo!”

Hinila niya yung kamay niya kaya napabitaw ako sa pag hawak, “Oo may sakit ako. Under medication pa ko. Ok na ba?” tumalikod siya tapos pumasok na sa loob ng classroom.

Under medication..? Ibig sabihin hinde pa grabe yung sakit niya? inoobserbahan pa lang pag ganun diba?

Alam ko ganun yun eh.. ganun nga ba? Bakit.. kelangan niyang itago pa sakin yun? Diba nga dapat

ipapaalam niya sakin para suportahan ko siya? Akala niya ba iiwan ko siya pag nalaman kong may sakit siya? Ganun ba kababaw tingin niya sa akin? Wala ba siyang tiwala sa pagmamahal ko sa kanya?

Nakakasama ng loob to ha..

Pumasok ako sa loob ng classroom, pagkaupo ko hinde na kami nag pansinan ni Athena. Lunch time

kasama niya si Carlo, sila Kerb naman nag tatanong kung may problema daw ba kami. Siyempre sabi ko wala.

Wala naman eh, masama lang yung loob ko kasi bakit kelangan niya pang itago sa akin yung sakit niya.

Wala akong alam kung anong klaseng sakit ba yun.. hinde ko alam kung dapat ba talaga akong magpanic dahil may sakit siya.. pero ewan. Magulo.

Last subject na, tumayo si Athena tapos tumabi kay Grace kasi wala pa yung teacher namin. Nag usap sila tungkol kay Carlo dahil sa kalagayan nung lola niya, narinig ko rin na pinaguusapan nila yung tungkol sa pagcollege.

“Athena, alam mo na ba kukunin mong course? San mo planong mag college?”

“Oo. Sa South University. Ikaw?” South Univ parin pala papasukan niya gaya ng napagusapan namin,

malapit na yung entrance exam dun siguro nag reready na siya para sa exam. Ako hinde ko alam,

basketball na lang pagasa ko dun.

Napa-palakpak si Grace sa sagot ni Athena, “Sa South University rin. Si Lucas rin ata dun plano mag aral eh..”

“Talaga? Anong kukunin mong course? Plano kong mag MMA or Photography eh. Ay! Baka filmmaking

rin.. ay ewan! Basta isa dun sa tatlo.”

Puro art un ha? Kung sa pareho kami ng university na papasukan.. magkahiwalay pa rin kami ng building.

Sa Science part ako siya naman sa Arts. Pero ok lang naman yun kesa sa malayo kami sa isa’t isa diba?

Nag start na yung last subject, Filipino. Ganun pa rin kami, hinde nagpapansinan. Ayoko na munang

kausapin siya, kanina ko pa sinusubukan makipag usap pero tinatabla niya ako. Masama loob ko kasi

ngayon niya lang sinabing may sakit siya, anak ng! UNDER OBSERVATION PA HA! tss. Nakakasama talaga ng loob.

Tapos na yung Filipino class, lumabas ako papuntang locker para ilagay yung mga libro ko. Tumawag ako sa boss ko para sabihin na mga 7 pm na ako makakapasok. Tinanong niya kung si Athena makakapasok

ng maaga, hinde ko alam ang isasagot ko. Sabi ko na lang na tatawagan ko siya pag papasok si Athena.

Yun ay kung malalaman ko pa.

Sa may center stairs ako bumaba dahil alam ko na sa side stairs baba si Athena. Iwas lang sa gulo.

“Babes!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Jigs at Kerb tumatakbo papalapit sa akin, “Bakit mo kami iniwan! Sabi ko sayo kanina sabay na tayong pumunta ng gym ni Kerb eh. langya nagmadali ka ah.”

“Sorry. hahaha! Nawala sa isip ko!” sabay kamot sa ulo

“Tara na paps. Baka iniintay na nila tayo.” Inakbayan kami ni Kerb tapos naglakad na papuntang gym.

Pagkadating namin sa gym nagpalit kaagad kami ng damit. Buti na lang at may mga extra akong damit sa locker ko kung hinde baka napauwi ako ng di oras para lang kumuha ng damit.

“Kenji, may nag hahanap sayo sa labas.” Sabi sakin ni Alex, teammate ko.

“Oh? Sino?”

Ngumiti siya, “Secret. Puntahan mo na lang sa labas.”

“Sige pare, salamat.” Nag slight nod ako sa kanya tapos lumabas na ako ng locker room

Pagkalabas ko, nakita ko si Athena, nakasandal sa may pader, naka yuko. Nilapitan ko siya tapos

napatingin siya sa akin. Ngumiti siya ng pilit pero yumuko ulit siya.

“May kailangan ka ba?”

Napa tingin siya bigla sa akin, “Ha? Ah.. wala naman..” tapos nag smile, “sige, mauna na ako.. mukhang busy ka eh..”

Tumalikod na siya tapos nagmadali siyang maglakad.

“Athena!” tumakbo ako palapit sa kanya, hinawakan ko wrist niya para pigilan siya, “Hinde ka naman pupunta dito kung hinde importante sasabihin mo diba? Hinde pa naman kami nag sisimula eh..”

Napatingin si Athena sa may likuran ko, pati ako napatingin din. Nakita ko yung teammates ko lumalabas na ng locker room, ibig sabihin mag sisimula na yung practice.

“Tara dito tayo mag usap.” Hinila ko siya papasok sa may gym room. Umupo ako sa may bangko siya

naman sumandal sa may pader. “Game.”

“Sa totoo lang ulcer lang yung sakit ko. wala ka naman talagang dapat ikatakot eh. Pati..” nag smile siya, “Sorry.. Tinopak ako eh..” tapos napa yuko niya, napansin kong humihigpit yung hawak niya sa strap nung backpack niya.

Iniinaty kong tapusin yung sasabihin niya, pero ang tagal naming natahimik. Ayoko rin naman putulin yung sinasabi niya since alam kong may karugtong pa yun.

“Nagselos kasi ako eh.. eto na naman ako. pinairal ang selos. Pagbigyan mo na ako.. minsan lang

naman ako magselos eh.. Hinde ko napigilan eh, tuwing napaguusapan yung tagal ng pag sasama niyo ni Abigail, tuwing yung mga taong nakakaalam nung tungkol sa inyong dalawa pinag uusapan yung past..

nahihirapan akong pigilan yung selos. Weird noh?” natawa siya ng mahina, tapos biglang nagsalita na naman siya, mahina lang pero sakto para marinig ko, “naiinsecure kasi ako.. feeling ko sobrang ang saya niyo kaya umabot kayo ng ganun ka tagal.. feeling ko hinde kita mapapasaya gaya nung ginawa niya..

feeling ko rin bigla mo akong iiwan tapos babalik ka sa kanya.. hinde ko kaya..”

Napatayo ako tapos nilapitan ko siya, tinakpan niya yung mata niya at umiyak.

“Saranghae..” hinawakan ko siya sa may balikat at niyakap, “No moo saranghae.. saranghaeyo..

saranghae.. no moo sarang hae..” *I love you; I love you so much+

Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya, gusto kong iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya.. at hinde ko siya iiwan.

“Sorry din kung iniwasan kita kanina.. naasar lang ako kasi akala ko kung ano na yung sakit mo. Ano ka ba.. Mahal din naman kita eh.. mahal na mahal. Bakit mo ba ako pinapangunahan? Hinde naman kita

iiwan eh.. hinde ko rin kaya.”

Napatingin siya sa akin, tapos nag smile siya at niyakap ako ng mahigpit. Eto yung gusto ko eh!

Pagkatapos ng tampuhan or away, maghuhug kayo.. yung hug na nakakagaan ng loob, yung alam mong

ayaw mo nang matapos yung moment na yun dahil special eh.

Pinunasan niya yung mukha niya tapos nag smile sakin, “Sige na, bumalik ka na sa court. Baka bigyan ka pa ng punishment ng coach mo eh, ako pa sisihin mo.”

Tumango ako, “Papasok ka ba sa work? Nasabi ko naman sayo na ngayon start mo diba?”

Other books

Dog Songs by Oliver, Mary
Deeper Than The Dead by Hoag, Tami
Digitalis by Ronie Kendig
Carry On by Rainbow Rowell
Winning the Alpha by Carina Wilder
Maxine by Sue Fineman
Getting Screwed by Alison Bass