She's Dating the Gangster (50 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
10.84Mb size Format: txt, pdf, ePub

internet. Kinuha namin yung madaling gawin.

Gianmit na namin yung video cam. Ni-record namin lahat ng ginagawa namin. Malakas loob namin mag

aksaya ng tape kasi madami kaming extra. Nung tapos ng maluto ung cake nilagay na namin sa may ref para lumamig. Lumabas ulit kami ni Athena para pumunta sa beach para panoorin ung sunset.

“Sana palagi tayong ganito.. Kung pwede lang.. gusto ko dito na tayo tumira.”

“Wala ka na bang iba pang gustong puntahan?”

“Meron.. gusto ko siyempre pumunta ng Korea kasama mo. Sa Jeju Island maganda dun! Gusto ko next

year dun naman tayo.. ganitong date rin! March 26..”

“Sige.. pupunta tayo sa Jeju Island next March 26..”

Bigla siyang sumiksik sa may dibdib ko. Nilagay niya yung isa niyang kamay sa may chest niya.

Nararamdaman ko yung pag bigat ng hinga niya.

“Athena!!! masakit ba???” tumigin ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya, “Sabihin mo sakin

kung masakit!! Kasi tuwing tinatago mo sakin, mas nasasaktan ako!”

Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Sobra sobra yung pagkahigpit nung paghawak niya. Ibig

sabihin sobra rin yung sakit nung nararamdaman niya.

“Seobang.. it hurts..” niyakap ko siya gamit yung isang kamay ko. Naramdaman ko yung pag tulo ng lua niya sa kamay ko, “Pero natatakot ako.. kasi mas masasaktan ka. Masasaktan kita..”

Umiling ako habang nag sisimula ng tumulo yung mga luha ko, “wala akong pakialam kung mas masakit

sa part ko.. wala akong pakialam kung masasaktan mo ko.. Kasi handa na ko.. handa akong masaktan..”

Tapos bigla siyang nawalan ng malay. Kinabahan ako bigla. Binuhat ko siya para dalhin sa pinakamalapit na ospital. Bawat hakbang ko feeling ko unti-unting nadudurog puso ko. feeling ko mawawala bigla lahat ng saying nararamdaman ko ngayon.

“Athena.. malapit na tayo.. konting tiis na lang..”

Nung nakarating na kami sa ospital binuhat ko na ulit siya papasok ng ospital

“TULONG!! TULUNGAN NIYO KO!!!” sigaw ko sa loob ng ospital.

Agad agad namang nag-lapitan sakin yung mga nurse. Ginuide nila ako kung san ko pwedeng i-higa si

Athena. Maya maya ay may kasama ng doctor yung nurse. Chineck nila si Athena. kung anuano na ang

kinabit nila sa kanya. Wala akong magawa kung hinde ang panoorin sila.

Athena.. sorry.. wala akong magawa para sayo.. wala akong magawa para mapagaling ka..

“Sir, maupo na po muna kayo dun sa labas. Kami na lang ho ang bahala sa kanya.” sinabi sa akin ng

isang nurse.

“Hinde.. hinde pwede.. Ayoko. Hinde ko kayang malayo sa kanya ngayon.. Please.. gawin niyo lahat..

iligtas niyo siya.. Iligtas niyo asawa ko.”

Bigla na naman akong naiyak. Hinde ko kayang tanggalin yung mata ko kay Athena. Kelangan makita ko kung ano yung ginagawa nila.. kelangan makita ko bawat hinga niya.. kelangan nandun ako hanggang sa huli.. Kaya hinde pwede..

Tumango yung nurse, “Pag ok na ho, may ipapapirma ho ako sa inyo.”

“Thank you..”

Idinala nila si Athena sa isang kwarto. Maya maya ay lumabas na yung doctor at lumapit sa akin.

Tinanong niya sa akin kung ano yung nangyari. Sinabi ko na biglang sumakit yung chest niya at may hcm siya. Binigay ko sa kanya yung number ng doctor ni Athena sa manila. Pinapasok niya ako sa loob ng kwarto at iniwan niya ako para kausapin si Dr. Sison, yung doctor ni Athena.

“Ano ba ang nangyari bago siya mawalan ng malay?” napatingin ako kay Dr. Ramos

“Namasyal kami saglit sa Tagaytay, nag swimming saglit, nag-bake.. tapos umupo sa may beach..

Masaya kami pareho.”

“Ah. Baka naexcite lang siya masyado. Bawal yun sa kanya. Pero wag kang mag-alala. Stable na yung

kalagayan niya. Natutulog na lang siya. Hayaan mo na lang muna siyang magpahinga. Gigising rin siya.”

Medyo nabawasan yung takot ko. Pero alam kong meron pang problema. Hinde ko naman pwedeng

pabayaan na lang to..

“Hinde na ba talaga siya pwedeng operahan pa? Ano pa bang pwedeng ipainom sa kanya na gamot?

Mukha kasing hinde tumatalab yung iniinom niya eh! Kahit gano karami.. kahit gano kamahal!! Sabihin mo sakin..” Tinanggal nung doctor yung salamin niya at nilagay ita sa bulsa niya. napayuko siya bigla.

“May solusyon pa naman diba? Sabihin mo na sakin..”

“Aware ka naman siguro na wala talagang cure ang sakit niya diba? Nakausap ko si Dr. Sison.. ang sabi niya sa akin, tumawag sa kanya si Athena at sinabing parang hinde na raw tumatalab yung gamot niya.

Kahit daw doblehin niya yung dosage, wala pa rin daw..”

Biglang sumakit yung puso ko. Kaya ba napapadalas yung pag sakit ng dibdib niya dahil wala ng epekto un?? Pero umiinom pa rin siya ng gamot eh.. bakit ganun.. bakit..

“Yun parin kasi yung gamot niya eh! walang kwenta yung gamot na yun!”

“Mister delos Reyes makinig ka sakin.. itinigil na ni Athena yung pag inom niya ng gamot.. mag aapat na linggo na daw.”

“Ano..?” napatingin ako kay Athena.. “Hinde.. imposible.. magkasama kami sa iisang bahay.. nakikita ko siyang umiinom ng gamot.. imposible..”

“Vitamins yun..” dahan dahan akong lumapit sa may kama ni Athena. narinig ko yung mga yapak niya,

nilagay niya yung kamay niya sa may balikat ko. “Ang kelangan mo na lang gawin ay magdasal. Wag mo siyang hayaang mapagod. Kelangan i-ready mo na rin yung sarili mo..”

Hinawakan ko yung kamay ni Athena. Tinitigan ko lng siya. Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa..?

Napatingin ako sa orasan. 12 na ng madaling araw.

“Athena.. ilang oras ka ng tulog.. hinde ka pa ba gutom? Yung cake na ginawa natin hinde pa natin

natitikman.. Gumising ka na..”

“Ang kelangan mo na lang gawin ay mag dasal..”

Magdasal?! Pano ko yun gagawin..? Ang tagal tagal kong nineglect ang diyos. Halos nawala paniniwala ko sa kanya.. Pano ko sisimulan yung pagdadasal ko? Makikinig pa ba siya? Papakinggan niya ba ako?

Anong sasabihin ko sa kanya?

Lord,

Makinig ka sakin.

Minsan lang ako nag mahal ng ganito.

Mali. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito.

Wag mo naman hayaang mawala siya sakin.

Alam mo naman na mabait si Athena, di ba?

Bakit siya pa yung kelangan mong pahirapan?

Bakit hinde na lang ako?

Eto ba parusa mo sakin? Ang masaktan ng ganito?

Kung alam ko lang na ganito kasakit ang magiging parusa ko

Sana hinde na lang ako nagloko. Sana naniwala na lang ako.

Lord, Wag mo muna siyang kunin..

Natanong mo na ba siya kung handa na siya?

Malulungkot siya paginiwan niya ko.

Hinde niya kakayanin yun.

Hinde ko rin yun kakayanin.

Masaya pa kami.. Masayang masaya.

Kakapalan ko na yung mukha ko,

Bigyan mo pa ko ng panahon..

Para lang ihanda yung sarili ko.

Yun na lang hinihiling ko.

Panahon.

Kahit konti lang,

Nagmamakaawa ako sayo.

Kahit konti lang talaga,

Please.

Dahan-dahang iminulat ni Athena yung mga mata niya. Tiningnan niya yung paligid niya. Tinanggal niya yung thing na para makahinga siya. Nagsmile siya sa akin.

“Uwi na tayo.. Ayoko na dito sa ospital..”

Tumango ako. Kinausap ko yung doctor. Pumayag siya sa sinabi ko kahit na medyo labag sa kalooban

niya. Pinabihisan ko siya sa nurse at inayos ko yung bill namin sa ospital. Tinulungan nila akong dalhin si Athena sa may kotse. Umuwi kami sa may rest house.

Sa kwarto na kami dumiretso para makapag pahinga. Hinde ko mabitawan si Athena kaya kahit sa

pagtulog hawak ko yung kamay niya.

Nung nagising ako kinabukasan pagtingin ko sa oras 10 am na. Halos wala akong tulog dahil lagi akong gumigising para tingnan kung ok lang siya. Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Athena. Bumangon ako kaagad at bumaba.

“ATHENA!!! NASAN KA!!” ilang beses akong sumigaw pero walang sumasagot. Halos nalibot ko

nabuong bahay pero hinde ko pa rin siya makita.

Nagpunta ako sa may kusina para hanapin siya.

Nakita ko yung likod niya. May suot siyang apron tapos may nilalagay sa plato.

Napahinga ako ng malakas kaya napatingin siya sa akin

“Morning..” sabi niya na halos parang ang hina niya.

“Good morning.” tapos nag smile ako

Gusto ko sanang magalit pero hinde ko magawa. Natakot ako. Akala ko iniwan na niya ako. Pero mabuti na lang.. mabuti na lang at nandito parin siya..

Tinulungan ko siyang dalhin yung mga plato sa dining room.

“Ikaw ba gumawa nitong lahat?”

“Oo naman. Nagpatulong ako kay manang, pero ako lahat ung gumawa. Gusto ko kasing ipagluto ka..

Kahit ngayon lang..”

Lord,

Ipinagluto niya pa ako.

Ibig sabihin malakas pa siya.

Nakikinig ka ba sakin?

Wag muna.. Wag pa..

Hinde pa ko pumapayag..

“Bawal kang mapagod.. papagalitan nila ako pag napagod ka..”

“Opo daddy! Pasyal tayo mamaya?”

“Bawal nga mapagod eh..”

Sumimangot siya bigla. “Hinde ako magpapapagod.. Pramis.”

“Sige na nga..”

Pagkatapos naming kumain at naligo na kami at umalis para mamasyal. Nagikot-ikot kami sa may bayan.

Fiesta pala kaya may mga banda at kainan dun. May palaro at kung anu-ano pa kaya medyo natagalan

kami ni Athena sa labas.

Tuwing napapatingin ako kay Athena sumasakit yung puso ko. Bakit siya pa yung kelangan magsakripisyo samin? Bakit hinde na lang ako?

Lord,

Nakikita mo ba si Athena ngayon?

Ang saya saya niya ngayon, diba?

Sa ganitong sitwasyon mo ba siya,

Gustong kunin sakin?

Nung bumalik kami sa may rest house gusto naman ni Athena mag stroll sa beach. Wala akong choice

kung hinde ang pumayag. Dala dala namin yung video cam.

“Kenjiya! Say hi!!” nakatutok sa akin yung video cam, “Ya say something!”

Lord,

Ipapakita ko sayo,

Kung gano kaimportante

yung taong to, sakin.

Yung taong gusto mong

ilayo sa akin.

Tingnan mo.

Makinig ka.

“I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng

simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka

sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka

magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.”

Nagtakip ng bibig si Athena tapos naiyak. Pinindot niya yung cam tapos niyakap ako.

“I’m sorry.. I'm sorry.. I love you..”

7:37 kami bumalik sa bahay. Dinala ko si Athena sa may patio dahil ma surpresa ako sa kanya.

Cadnlelight dinner. Nung nakita niya to, tuwang tuwa siya. Niyakap niya ako sa sobrang tuwa. Ipinakuha niya yung tripod sa kwarto namin para daw ma videohan niya yung nangyayari.

Nakaready na rin yung sounds namin kaya niyaya ko siyang sumayaw.

“This is so perfect.. Thank you.. I will never forget this.” sabi sakin ni Athena.

“Ako rin..” Hinigpitan ko yung pagyakap ko sa kanya, “Hinde ko rin to makakalimutan..”

Lord,

Bakit ganun..

Bakit ganito..

Nahuhulog na ko sa patibong..

“Umuwi na tayo satin..” naramdaman ko ang pagtango niya

“Tara.. Gusto ko na rin umuwi eh.. Pagod na ko, gusto ko na mag pahinga..”

Pinakuha ko yung mga gamit namin at umuwi na kami sa manila. Hawak-hawak ko yung kamay ni

Athena kahit na nag mamaneho ako. Hinde ko kasi kayang bitawan.

11:30pm kami nakarating ng bahay. Ipinasok ko yung gamit namin. Si Athena naman dumiretso sa may

banyo. Limang minuto na siya sa loob pero hinde parin siya lumalabas. Dahil sa takot ko, kinuha ko yung susi ng banyo at binuksan to. Nakita ko si Athena nakaupo sa sahig. Umiiyak.

“Masakit ba??” Tumingin siya sa akin, “Masakit na naman ba??!!”

Umiling siya bigla, “Hinde na.. Baliwala na lang tong sakit sakin.. Pero, natatakot lang talaga ako kasi baka masaktan ka.. ayokong masaktan ka..”

Niyakap ko siya bigla, “Wag mo ngang isipin yun! wala akong pakiaalam kung masaktan ako! Di bale ng ako.. wag lang ikaw.. sinabi ko naman sayo diba? kung nasasaktan ka.. sabihin mo..”

“Hinde nga masakit..” Tiningnan ko siya, “Tara na.. dun na tayo sa kwarto..”

Tinulungan ko siyang tumayo at nagpunta na kami sa kwarto namin. Nakahiga kami sa kama, gamit niya yung braso ko as unan tpos naka yakap siya sa akin. Naka lagay yung kamay ko sa may braso niya habang nakatingin ako sa taas.

“Kenji.. I love you..” tapos hinigpitan niya pag yakap niya sa akin, “I love you so much..”

“I love you too.. so much.” tapos hinalikan ko siya sa may noo niya. “Sana kahit after 10 years ganito parin tayo..”

“Ang tagal masyado nun..”

“Ayaw mo akong makasama ng matagal?”

“Hinde sa ayaw ko.. hinde ko lang kaya..”

“5 years?” naramdaman ko yung pag iling niya, “1 year..?”

“Matutulog na ko in 10 minutes..” tumulo bigla yung luha ko

Lord,

Saglit na lang.. please..

“1 hour..? Please.. 1 hour? Tumango siya bigla. Niyakap ko siya. Hinde ko mapigilan yung pagtulo ng luha ko. “Magsalita ka lang.. kwento ka.. kahit ano. Basta gusto ko lang marinig boses mo.. Athena..

magsalita ka lang..”

“I love you.. Kahit na san ako mag punta, ikaw lang mamahalin ko. I love you.. Kahit na ilang beses mo akong saktan, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit na pagod na pagod na ko, ikaw parin ang mamahalin ko. I love you.. Kahit sa kabilang buhay.. ikaw parin ang mamahalin ko.” Naramdaman ko

yung pagpatak ng luha niya sa may braso ko. “I love you.. kahit na sobra sobra na yung pagmamahal ko sayo, patuloy parin yung pagmamahal ko sayo. I love you.. Kahit na sandali lang yung pagsasama natin, masaya ako dahil nakasama parin kita kahit papaano.. I love you, Kenji.. I love you.. I love you.. I love you.. UhnJaeNa,YoungWonHee..” *Always, forever.+

Other books

The Gift by Julie Garwood
The Stand-In by Evelyn Piper
Tough to Tackle by Matt Christopher
Candy's Daddy by Cherry Lee
The Passenger by Jack Ketchum
Secrets of a Runaway Bride by Bowman, Valerie
Late Harvest Havoc by Jean-Pierre Alaux
You Can See Me by A. E. Via
Shadows on the Rock by Willa Cather