She's Dating the Gangster (38 page)

Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

BOOK: She's Dating the Gangster
8.44Mb size Format: txt, pdf, ePub

nilang dalawa.

Sa kalagitnaan ng practice may kumatok ng pintuan at nakita namin si Miss Marie, yung secretary ng prefect.

Pumasok si Miss Marie sa room, “Call slip for Miss Dizon and Miss Jung.”

“Athena and Sara call slip daw.”

Tumayo sila Sara at Athena tapos sumunod kay Miss Marie palabas ng classroom. Nung napatingin ako

sa paligid ko napansin kong lahat sila nakatingin sa akin.

“Wala akong alam!” sabi ko agad sa kanila bago pa sila mag tanong sa akin.

Natapos na yung lunch break tapos nag babaan na kami papunta sa Gym para sa program. Sabay kami ni Kenji bumaba dahil na una na si Jigs at Kirby. Nung nakita namin sila Jigs nilapitan na namin sila.

May kausap si Athenang mga Korean na reporter. Hinde ko maintindihan yung pinaguusapan nila pero

dahil sa mga hand gestures ni Athena mukha sinasabi niyang ‘hinde’ hehehe. Pero all in all, wala akong naintindihan. Nakita ko rin na tinuro nung babae si Kenji tapos tumingin lang si Athena kay Kenji at ngumiti.

Sinabi sa amin ni Athena na mauuna na raw sila ni Sara sa gym kasama yung mga koreano.

“Jigs, ano ba meron?”

Napalingon sa akin si Jigs, “Yung babae yung Ji Yeon na sinasabi nila kanina. Mag MC ata si Sara tapos si Athena kakanta? Hinde ako sure eh.. Pero alam ko may something sila na ibibigay sa mga teachers.

Ewan!” Sabi ni Jigs.

“Tara punta na lang rin tayo sa gym para malaman natin yung mangyayari. Nandun na rin naman si

Grace diba?”

Nung nag simula na yung program si Sara nga yung MC, tapos yung mga kasama nilang koreano nasa

first row sa left side. Masaya naman yung program sumayaw yung mga teachers tapos nag games din

sila. Nung malapit ng matapos inintroduce ni Sara si Athena tapos nag simula ng kumanta si Athena.

Korean song yung kinakanta niya pero may video na piniplay at may english translation.

Yung mga teachers naman halos maiyak na sa nakita nilang video pag tapos nung song ni Athena

umakyat si Sara kasama yung koreana at nag salita yung babae.

“On behalf of Jung Corporation and Park Hyatt Hotel, we are giving you these cellphones as a simple thank you gift for doing your best on educating your students.”

Nag palakpakan yung mga tao tapos yung mga teachers nagulat dahil may regalo silang matatanggap,

hinde lang simpleng regalo eh, CELLPHONE!!! Tapos may nagpasukan na mga tao dala dala na yung mga

cllphones. Amp! Big time eh!

Pagtapos nung program na uwian na kami. Siyempre masayang umuwi yung mga teachers dahil sa

natanggap nila. Si Athena naman at Sara nagpaiwan sa school.

Mabilis umandar yung araw. Nung valentine’s day maraming nagbigay ng flowers at chocolates kay

Athena. May mga babaeng nag bigay din sa akin ng chocolates at cards. Kaya nahirapan kaming umuwi

dahil kelangan namin bitbitin yung mga dala namin. Siyempre hinde naman pupwedeng hinde kami

lumabas ni Athena. Secret na muna yung nangyari.

Nung birthday naman ni Carlo nag dinner silang lahat sa labas. Siyempre nagpaparty rin yung mom ni Athena para kay Carlo. Mahal nga diba? Masaya naman kasi kumpleto kaming lahat, oo kasama si Kenji.

Wala nga lang si Abi. Andun din yung friends ni Carlo siyempre. At may pinakilala siyang babae sa amin.

Napansin namin na nagiging close na ulit si Kenji at Athena. Napapadalas na rin yung pagsasama nila sa school at yung pag uusap nila. Walang kaso yun sa akin dahil alam kong magiging masaya sa kanya si Athena.

Day before magprom nag lakas loob akong tanungin kung pwedeng maging prom date ako ni Athena.

Imposibleng yayain siya ni Kenji dahil obvious naman na si Abi ung yayayain niya. Natatakot naman kasi akong mareject gaya nung ibang nag yaya sa kanya. Kaya ayun sa kaduludulohan ng araw tinanong ko

siya, guess what? PANALO

PROM NIGHT

White suit yung susuotin ko with black tie. Wala pa akong clue kung ano yung susuotin ni Athena.

Kinakabahan na ako. Naligo ako at nagbihis na para masundo ko na si Athena sa bahay nila at para rin hinde kami ma-traffic dahil Saturday ngayon.

Pinahanda ko na yung kotse sa driver at pagtapos ko sinundo na namin si Athena. Nagdoorbell ako, yung mom niya yung lumabas.

“OMO! You look so handsome!! I want to be in your prom to~ but my daughter doesn’t want me to

go!!”

Napasmile naman ako sa sinabi nung mom ni Athena, “You can come with us if you want, Tita.”

“Nonono!! I don’t want to ruin your night!” nag bago bigla yung facial expression nung mom niya, “did Athena and Kenji break up? He doesn’t visit Athena here anymore..”

Nakita ko na si Athena sa may lukuran ng mom niya tapos nag sign siya sa akin na wag daw akong

maingay

“UMMA!!”

“Oh no. My mean daughter is here!! Anyway Lucas, have fun with this monster ok?? Take good care of her!!”

Nag nod ako sa kanya. bago kami umalis ni Athena pinicturan muna kami ng mom niya.

Hinde ako makapag react sa nakita ko, ibang klase yung itsura ni Athena. Para siyang yung mga artistang nakikita ko sa mga website na tinitingnan niya. wala siyang clip o kung ano man dahil maiksi na nga yung buhok niya. Bob cut siya, sa pilipinas Mariel cut, pag international bob cut. Pero bagay sa kanya. naka black na tube gown siya tapos mahaba.. waaah. Hinde ko madescribe masyado. ang simple ng itsura niya pero elegante tignan.

Nung nakarating na kami sa place nag register kami pareho tapos pumasok na sa ballroom. Unang nakita namin si Kenji at Abi. Lumapit si Kenji kay Athena tapos ngumiti

“Ganda mo ngayon ah.”

“Matagal na.” sabi naman ni Athena tapos hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta sa table nila Jigs.

Kalagitnan na ng program siyempre iaannounce na nila yung prom’s King and Queen pati yung Couple of the night na award.

Nagsalita na yung MC

“The envelopes are with me! I will first announce the King and Queen followed by the special award.”

Binuksan niya yung isang envelope, “The Proms King and Queen are none other than.. Kenji delos Reyes and Athena .. Dizon!”

Nagpalakpakan yung mga tao pagka announce nung King and Queen. Napatingin ako kay Athena tapos

halatang gulat pa rin siya sa narinig niya.

“Babes pamatay kasi yung gown mo eh! tama lang sayo mapunta yung award!”

Lumapit si Kenji kay Athena tapos inabot niya yung kamay niya. nakatingin lang si Athena kay Kenji

“Bilisan mo. nangangawit na ko.” nagmile si Athena sa kanya tapos humawak sa kamay ni Kenji at nag punta na sila sa may harapan.

Inannounce naman yung couple of the night, si Sara at Jigs yung nanalo. Siyempre first dance yung king and queen. Kaya sila yung nag simula nung slow na dance.. tinitingnan ko pa lang sila.. nakakaselos na.

bagay kasi silang dalawa. May something na makikita mo pag sila yung magkasama. Parang maiinlove

ka.. ewan kabadingan yung mga pinagsasabi ko. hinde ko nga alam kung bakit ko to nasasabi eh.

Pagtapos nung slowdance bumalik na sa table si Athena. Si Kenji naman bumalik na rin sa table nila.

Nakita kong tumayo ulit si Kenji tapos lumabas ng ballroom.

“CR lang ako.” sabi ko kay Athena

Pag punta ko sa cr nakita ko si Kenji doon. Nilapitan ko siya tapos nag hugas ako ng kamay

“Mahal mo pa siya diba?” tanong ko kay kenji. napatingin siya bigla saakin, “Si Athena.. mahal mo pa diba?”

Napayuko lang si Kenji tapos tinuloy yung pag hugas niyang kamay.

“Wala na rin silbe pa kung mahal ko siya o hinde. Hinde na namin mababalik yung dati. Hinde niya na ako babalikan..”

“Tutulungan kitang makipag balikan sa kanya. Pero..” Ano na naman ba tong pinagsasasabi ko..?

huminto ako sa pag sasalita kaya napatingin ulit siya sa akin, “siguraduhin mo lang na hinde mo na ulit siya sasaktan. Kasi kung hinde..”

“Kung hinde ano?”

‘Kung hinde ilalayo ko na siya sayo.’

Ngumiti ako sa kanya, “basta wag mo na lang siya sasaktan ulit.”

Sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako ng cr para bumalik sa table namin.

Ano na naman ba tong ginagawa ko? Mali ba ako? Ang gulo ko na naman. Gusto ko na siya eh.. mali.

Mahal ko na siya eh.. Pero bakit ganun? Parang gusto ko pa silang magkabalikan ulit.. Cinocontradict ko masyado yung sarili ko..

Chapter FORTY ONE

Athena’s POV

“ATE!! Ano bang nangyayari sayo?? Kanina ka pa dyan paikot ikot sa upuan! Hinde ako maka focus sa

pinapanood ko kasi napapatingin ako sayo!” sabi ni Carlo habang nakatayo siya.

Umikot na naman ako sa sofa. Hinde ako mapakali sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

“ATE!!! ANO BAAAA!!” sabay kamot niya ng ulo. Lumapit siya sa akin tapos hinila ako pabangon.

“Umupo ka na lang ha?? Hinde ko mapanood yung pokemon ng maayos eh!”

“Ang tanda tanda mo na pokemon parin pinapanood mo. Halos magkasing tangkad na nga kayo ni

oppa eh.” humiga na naman ako sa sofa

Ngumuso si Carlo, “Hinde lang naman pambata yung pokemon noh!! Meron nga mas matanda sakin

nanonood ng pokemon eh!”

“Whatever you say, dork.”

“Wag ka ng umikot, ha? PLEASE??”

“Pag hinde ako umikot baka mabaliw ako! gusto mo bang mangyari yun??” umupo sa may paanan ko si

Carlo, “hinde ko na nga alam gagawin ko eh!”

“Bakit? Ano ba kasi nangyari?? Si ungas na naman ba?” tanong ni Carlo sakin habang nakasalubong

yung kilay niya.

Hinde pa rin niya kayang maging kaibigan ulit si Kenji dahil sa nangyari sa aming dalawa. Hinde na niya binabanggit yung pangalan ni Kenji dahil umiinit yung ulo niya pag naalala niya yung nangyayari. Wow, parang siya yung naloko noh?

“Ate? Bakit natutulog ka ng gising??” hinampas hampas ako ni Carlo sa may paa ko, “Ano na

nangyari?? Bakit ba ang wirdo mo ngayon? Tama ako noh?? Yung mokong na yun na naman!!”

“Hinde siya! Bakit ba siya yung una mong naisip?? SIYA LANG BA YUNG TAONG GUSTO KO?!”

“Oo. Obvious ba.” sabi niya na may seryosong mukha.

“YA!!!!!!” napatayo tuloy ako sa pagkahiga ko ng di oras.

“ANO!!!!!” sigaw ni Carlo

“YA!! SHIKURUWO!!!”

Napatingin kami ni Carlo sa may likuran namin. Nakita namin si Sara at Oppa mukhang nairita dahil sa ingay namin ni Carlo.

“Mianhaeyo. / Sorry po.” sabay naming sinabi ni Carlo sa kanilang dalawa. Pag sorry namin bumalik ulit sila sa kanya kanya nilang kwarto.

“Ikaw kasi eh!” sabay ulit naming sinabi tapos natawa bigla kami

“Di nga, seryoso. Ano nangyari?” napatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan. Nagkamot ng ulo si Carlo

“Kasi.. ganito yun.. May kaklase ako, tapos may gusto siyang lalaki yung lalaking yun may girlfriend na eh may gusto rin sa kanya yung lalaking gusto niya dati tapos ngayon may lalaking lagi siya nakakasama tapos kaibigan yun nung lalaking gusto niya kaya nagkakasama parin sila tapos yung lalaking gusto ni--”

“Ulitin mo nga. Hinde ko naintindihan. From the top. Pati kung ok lang, bigyan mo sila ng pangalan.”

“Ganito may kaklase ako, yung friend kong yun meron siyang gustong lalaki, si Mr. X.”

“Oh anong kinalaman mo dun sa friend mo at kay Mr. X?”

“Hinde pa ko tapos pwede?” tapos ngumiti sa akin si Carlo. “Si Mr. X dating may gusto dun sa kaklase ko pero ngayon may girlfriend na siya. So yung classmate ko nalungkot ng sobra sobra. Nung mga araw na malungkot siya may nagcocomfort sa kanya, si Mr. Y.”

“Ano ba yan. X, Y, meron pa bang Z??” hinampas ko si Carlo sa ulo

“Pwedeng makinig ka na lang? Kasi kung lagi kang sisingit hinde ko na lang itutuloy.” Tinakpan ni Carlo yung bibig niya ng kamay. “Asan na ba ako?.. Ah! Kay Mr. Y. So si Mr. Y lagi niyang sinasamahan yung classmate ko, AS IN LAGI SILANG MAGKASAMA. Tapos Nung valentine’s day, akala nung classmate ko sa

bahay lang siya kasi wala naman siyang bf para magkadate sa gabi tapos lahat nung nagtanong sa kanya na gusto siya maka date tinanggihan niya.”

“So lumabas sila nung Mr. X? Tama ba ko?” tanong niya sa akin habang nakangiti

“May girlfriend nga diba? Kaya yung nagyaya sa kanya si Mr. Y. Eto pa yung nakakatuwa dun eh.. Nung pagtapos ng dinner date nila meron pa raw last na surprise si Mr. Y, flowers!! Siyempre hinde naman niya ineexpect yun eh, kasi nga friends sila. At hinde lang iyon, friend din siya ni Mr. X.”

Napa snap si Carlo, “Parang yung kakilala ko ganyan din ah!”

“Oh?? Sino??”

Ngumiti siya sa akin, “Ikaw.”

Tinuro ko sarili ko, “Ako? Talaga?” napaisip ako, “hinde ah, baka nagkataon lang. Classmate ko to eh.”

“Sige na nga. Tuloy mo na lang.”

“Ayun nga.. Teka! kukuha lang ako YanYan!” tumakbo ako sa may cabinet sa kusina tapos kumuha ng

YanYan. Nakita kong tumayo rin si Carlo tapos nagmadali rin kumuha ng YanYan at may hinalungkat sa fridge. “Ako rin kuha mo ko ng juice!!”

Bumalik na ako sa may couch tapos umupo si Carlo bumalik ng may dalang isang YanYan, isang v-cut,

isang piatos tapos dalawang zesto. Nilagyan na niya ng straw yung zesto ko at inabot na niya to sa akin.

“Game kwento na.” binuksan niya ung Yanyan at nag simula ng kainin ito

“San na nga ba ulit ako?.. Ok alam ko na. Nung prom naman magkadate sila ni Mr. Y, tuwang tuwa

yung classmate ko nung tinanong siya ni Mr. Y, hinde niya nga alam kung bakit siya natutuwa eh.. basta after nung valentine’s day nag iba na raw yung tingin niya kay Mr. Y. Nung prom, hinde niya first dance si Mr. Y dahil kay Mr. X. Pero ok lang naman sa kanya yun. Ang sweet sweet nga nila nun eh.. Alam ko kasi nkita ko silang dalawa!”

“Kilala ko ba yung classmate mo, si Mr. X at Mr. Y?” tanong niya habang umiinom ng zesto at

nakahawak sa YanYan niya.

I shrugged, “I don’t know. Anyway, Yun nga, at last nakasayaw niya na rin si Mr. Y, pero si Mr. X laging napapatingin sa kanya tapos mag ssmile! Eto namang classmate ko natuwa. Siyempre..hinde ko alam!

Basta natuwa lang siya.”

“Matutuwa talaga yun kasi nakatingin sa kanya yung taong gusto niya eh! Kahit naman ako pag ganun

yung situation matutuwa ako. Cloud nine yun noh!”

“Eto na nga yung catch dun eh.. Masaya yung classmate ko kasi ok na sila nung Mr. X, akala niya ok na siya, pero parang magulo pa. Pag nakikita niya si Mr. X ng malayuan nasasaktan siya, pagnaiisip naman niya napapasmile siya tapos pag magkatabi sila bumibilis tibok ng puso niya. Pero..” napaisip ako sa kasunod na sasabihin ko

“Pero..?”

“Naguguluhan siya. Kasi tuwing naiisip niya naman si Mr. Y gusto niyang makasama siya.. tapos

pagnakikita niya pa kinikilig siya. Pag magkasama sila ang saya saya niya..”

Hinde nagsasalita si Carlo, patuloy pa rin siya sa pagkain niya ng v-cut habang nakatingin siya sa akin.

Ako naman tinuloy ko yung pagkain ko ng YanYan.

Naguluhan ata sa kwento ko si Carlo. Ang haba kasi nung kwento eh bakit ba hinde ko na lang iniklian?

“Tanong ko lang.” sabi ni Carlo habang ngumunguya

“Ano?”

“Ano bang gusto mong malaman?”

“Hinde ko nga rin alam eh. Hinde ko nga alam kung bakit ko kinuwento sayo eh! pambihira.”

Kinuha ni Carlo yung zesto niya tapos uminom, “Alam mo, sa tingin ko na-iin love na yung ‘classmate mo’

kay Mr. Y. At the same time, I think.. mahal niya pa rin si Mr. X. kasi ang sabi mo, bumibilis yung tibok nung puso niya pag katabi niya si Mr. X tapos pag nakikita niya pa siya ng malayuan sumasakit naman yung puso niya.”

“Ganun? Bakit mo naman nasabing na-iin love na siya kay Mr. Y kung mahal niya pa pala si Mr. X?”

tanong ko naman.

“Kasi, pag naiisip nung ‘classmate mo’ si Mr. X napapasmile siya, pero pag naiisip niya naman si Mr. Y

gusto niya siyang makasama siya. Tapos pag magkasama sila ang saya saya niya, eh pag katabi naman

niya si Mr. X diba nasasaktan siya? And last, nakikita niya pa lang yung Mr. Y kinikilig na siya, what more kung magkausap sila o mag holding hands o mag kiss, diba?”

“Sa bagay..” sabay kagay sa YanYan ko.

“Bakit? In love ka na kay Lucas?” tanong niya sa akin habang naka smile, as in malaking smile, “Ate aminin mo na.. secret lang nating dalawa yun.. promise.”

“HINDE NGA AKO YUN ANG KULIT MO!!! CLASSMATE KO NGA!! CLASSMATE!” tumayo akong tapos

tumalikod, “DYAN KA NA NGA! MAGAARAL NA KO! WALA KANG SENSE KAUSAP!”

Pumasok na ako ng kwarto ko tapos binuksan yung physics book ko. magmemorize na lang ako ng mga

formula.

“Na iin love.. tss. Ang kulit niya! Sinabi na ngang classmate ko yun eh!”

Naisip ko bigla si Lucas. Hinde ko kasi siya nakasama ngayong arawdahil niyaya siya nung Marymount friends niya na gumimmick. Tss. Thursday na Thursday gigimmick.

Tiningnan ko yung cellphone ko baka kasi nag text na siya or tumawag. Disappointed. Walang tawag o text galing sa kanya.

Tinext ko siya pero hinde siya nag rereply. Inintay ko pa rin. 20 minutes ng nakalipas wala pa ring message. Hinde ko na nakayanan tinawagan ko na siya.

Aish. He’s not answering!!! Ano kayang ginagawa niya ngayon.. may girls kaya? Bakit ba kasi malalakas yung tugtog sa mga lecheng bar na yan eh!!

Pinagpatuloy ko na lang yung pagaaral ko pero hinde ko parin matanggal sa isip ko si Lucas.

“Baka nanchichicks.. Bakit ba kasi hinde niya ako niyaya eh..”

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko, unang pumasok sa isip ko ‘IT’S LUCAS!!!’

Pero pag tingin ko sa screen

Calling..

+63917801****

Parang familiar sa akin yung number pero hinde naman siya nakastore sa phonebook ko. inanswer ko

yung call nila

“Hello?”

“Na ya..” *it’s me+

“Tae Sung oppa?”

“Aniyo..”

“Noo goo?” hinde siya nagsalita, “Kenji?” *who?+

“Mismo! Hehe”

“Pano mo nalaman number ko?”

“Secret!”

“Parang yung dati lang ah.. yung una tayong nagkakilala haha ganito rin eh.”

“Oo nga eh..”

“Ano nga palang kelangan mo?”

“Wala. Sige babay na! Kita na lang tayo bukas!”

“Sige! Bye”

“Bogoshipo, bogoshipda.” *I miss you, I want to see you.+

“An--”

Binaba na niya yung phone.

Bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Bakit ganun.. Kenjiya.. Why are you confusing me..?

Hinde na ako nakapag aral dahil sa phone convo namin ni Kenji. Ano na naman kayang gusto niyang

sabihin sa akin? Pero.. nung sinabi niya yung mga yun.. parang.. bigla ko siyang gustong makita..

Hinde ko namalayan na nakatulog na pala ako. pagmulat ko ng mga mata ko mataas na ang sikat ng

araw at naririnig ko na yung boses at katok ni Carlo.

“Ate gising na!”

“Gising na.” sabi ko.

Bumangon na ako at nagpunta na sa bathroom para maligo. Habang naliligo bigla ko na naman nalala

yung boses ni Kenji. Totoo ba yun? Hinde ba talaga ako nananaginip? Parang hinde kasi

kapanikapaniwalang nakausap ko siya.. at ang nakakagulat sa bago kong number.

Nung gabing yun rin kaya.. totoong nangyari? Pero.. bakit parang panaginip lang yung lahat?

“Athena.. sorry.. naguguluhan kasi ako ngayon eh.. pati tuloy ikaw nasasaktan ko.. alam kong hinde mo ako maiintindihan kasi nasasaktan ka pa..” tumigil siya sa pag sasalita niya

Nakatingin lang ako sa kanya nung time na yun, hinde ako makapagsalita, hinde ako makapagreact sa

mga sinasabi niya

“Bakit ayaw mong magsalita? Hinde mo ba ako tatanungin kung ano yung gumugulo sa akin? Hinde mo

ba ako sisigawan kasi sa mga ginagawa ko sayo?”

‘Gusto.. gusto kong malaman lahat ng naiisip mo ngayon, lahat ng gumugulo sayo.. Kenji sabihin mo

lang sa akin yung totoo maiintindihan ko lahat, lahat lahat..’ sabi ko sa sarili ko. hinde ko alam kung bakit ganun.. bakit hinde ko masabi kay Kenji yung gusto kong iparating..

“Sa ngayon, hinde na muna kita makakasama.. Mawawala muna ako sa tabi mo.. Kaya mo naman diba?

Ikaw pa..”

Naiyak ako bigla sa mga sinabi niya, ‘Hinde ko kaya.. Mahina ako..’ gusto ko ulit iparating sa kanya pero hinde ko masabi

Hinawakan niya kamay ko at inilapit ito sa mga bibig niya, “Saranghae” sabi niya habang nararamdaman ko yung patak ng mga luha niya sa kamay ko [I love you]

‘Nado saranghae..’ patuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko. *I love you too+

“Uhnjena.. youngwonhee..” tapos dahan dahan niyang binibitawan yung mga kamay ko. sinubukan ko

ulit hawakan yung kamay niya pero palayo na siya ng palayo sa akin [always..forever..]

‘KENJIYAH!! KA JI MA!!’ hinahabol ko pa rin siya pero ang layo na niya. patuloy pa rin ako sa pag iyak,

‘Ka ji ma… Ka ji ma..’

“Athena nandito na tayo.”

Napatingin ako sa paligid ko, nasa school na nga kami. Nakita ko si Carlo nasa labas na ng kotse iniintay ako. Binuksan ko yung pintuan at lumabas na ako. Inakbayan ako ni Carlo at naglakad na kami paakyat ng stairs.

Hinde ko talaga matandaan kung lahat ng nangyari noon panaginip o totoo. Hinde ko na halos alam yung pag kakaiba nung dalawa..

Pagdating namin sa 2nd floor nag hiwalay na kami. Habang umaakyat pa rin ako ng hagdanan

naramdaman kong may kumalabit sa akin sa right side ng balikat ko. nung lumingon ako nakita ko si

Lucas kasama si Kenji.

Ngumiti sa akin si Lucas, “Morning!”

“Good morning!” nakangiti kong sinabi kay Lucas. Nung napatingin ako kay Kenji ngumiti ako sa kanya,

“Morning..”

“Morning..”

Inakbayan kaming dalawa ni Lucas, “Pano mga paps, mauna na muna ako sa inyo ha?”

Tinanggal niya yung kamay niya sa balikat namin at nagmadaling tumakbo paakyat sa classroom.

“Ano na naman kayang problema nun.. Hinde na nga siya nag reply pati tumawag tapos ang wirdo pa

niya kumilos..”

“May sinasabi ka ba?” napatingin ako kay Kenji. nagsmile siya bigla, “ok ka lang ba?”

I nodded.

“Akin na nga yang mga libro mo. Ako na lang mag dadala.” Kinuha niya yung mga bitbit kong libro,

“sabi ko naman sayo mag backpack ka na lang para hinde hassle eh. hinde ka talaga marunong makinig noh?”

Ngumiti siya pagtapos nung sentence na sinabi niya. OMG. Bakit parang.. may butterflies sa tummy ko?

Hinde ko na naman maintindihan yung sarili ko. Teka, bakit sarili ko yung hinde ko maintindihan!? Dapat siya yung hinde ko maintindihan ha!! Grabe to.. Parang nung pag gising ko biglang nag bago yung lahat eh. Mahabang tulog lang ba talaga yung nangyari?

Nakaramdam na lang ako biglang may humampas ng ulo ko

“Aish! Jjinja!” sabay himas sa may noo ko. pag tingin ko sa kanya nakatakip yung bibig niya pero

Other books

New World in the Morning by Stephen Benatar
Gun in Cheek by Bill Pronzini
MinetoChase by Laurann Dohner
Renegade Lady by Dawn Martens, Emily Minton
Maelstrom by Paul Preuss
Maggie's Man by Alicia Scott
Divine Intervention by Lutishia Lovely