Read She's Dating the Gangster Online
Authors: Bianca Bernardino
Nanood kami kami ng dvd, naka plano na pala tong araw na to. Tss. Lagi na lang kelangan ako yung
nahuhuli sa balita. Step up yung pinanood namin, I must say that CHANNING TATUM’S HOT! Sara, Grace and I were already drooling while watching him dance! OMG! I love him ^.^ but the guys don’t like him.
Tss. Whatever. After the movie, Jigs Kirby and Grace went home. Si Kenji nag stay muna ng 5 minutes.
Siguro tatapusin niya yung araw ng aasarin ako. Ganun naman siya eh!
“Simula bukas ako na mag susundo sayo ok?” nag smile siya sa akin. That smile.. Aww..
“Ha? May practice ka eh. Sa Wednesday na lang..” nag nod siya. Hinatid ko na siya sa may gate.
“Asan na yung necklace??” kinuha ko sa bulsa ko at inabot sa kanya.
Kinuha niya ito. “Talikod ka, kakabit ko.” I obeyed him. Nung naka kabit na humarap ako sa kanya. He smiled at me, “Oh Lovebabe, aalis na si Sexy Love ha. Goodnight!” nagwink siya sa akin tapos tumalikod na.
Ang daming nangyari ngayong araw.. Parang halos isang week yung equivalent dahil sa mga nangyari.
But I’m happy coz yung ending ng araw, masaya. SL.. Sexy Love.
Hinde niya ako pinatapos sa sasabihin ko kanina.. Natatakot ako kasi baka pag nalaman niya na habang kami lumalabas kami ni Lucas, although friendly date lang naman yun.. Eh naisip ko rin na bakit siya magagalit eh hinde naman maganda trato niya sa akin PLUS hinde talaga kami nag dadate, DATE. And isa pang kinakatakot ko, paano pag ma-in love ako sa kanya.. is he going to catch me?
“Na neun jin jja jo-a hae..” *I really like you+
“Na do..” *Me too]
“Athena! WAKE UP!!!” there goes that voice again..
“5 minutes..”
“NO! Bangon na!! PPAL LI!!! Nasa Labas na si Lucas!” *Ppal li = faster+
Bumangon kaagad ako pag sabi ni Sara na nasa labas na raw si Lucas.. I forgot to tell him not to pik me up.. This is going to be weird.. Last night si Kenji kasama ko then ngayon si Lucas naman.. Should I tell him? Of course. But.. How?
I took a bath, then dressed up for school.
Pag labas ko ng bahay, nakita ko si Lucas, he’s smoking again. Ugh.
Kinuha ko yung cig niya then handed him a gum
“Kesa nag yoyosi ka, eto na lang oh.” he smiled then took the gum.
We started walking..siyempre tahimik kami pareho. Walang may gustong mag salita. Nakakabingi.
Nakakailang. Hanggang sa makarating kami ng school ko walang nag salita.
“So, I’ll see you later ok?” nag wave siya then tumakbo. Hinde ko nasabi na hinde na kami pwedeng
magkita. Pinabayaan ko na lang yung thought na yun at pumasok sa loob ng school.
Sara’s weird. Alam na nga niyang ok na kami ni Kenji yet hinayaan pa rin niya akong ihatid ni Lucas.
What’s with her? Jesus.
“Tingnan mo!! Maganda pa rin siya kahit walang salamin!” weird. Nakita na nila akong walang salamin eh, ano naman kung naka contacts ako ngayon?
“Bagay rin sa kanya yung contacts niya!! Ang pretty niya talaga noh?? Maganda na siya mabait pa! Buti ok lang sa kanya na nag uusap pa rin si Kenji at Athena!” ano ba to!! Yung iba Abigail, yung iba naman Athena!! Naguguluhan na ko!
At anong meron ngayon sa mga tao? Ang tagal ko na dito pero ngayon lang nila na rerealize na mabait ako??
Pag dating ko sa classroom nakita ko na si Kenji, nag grin siya sa akin. Nakakabwiset talaga yang grin na yan. Pag nag grigrin siya alam kong may something eh.
“Nagugutom ako.. Bilhan mo naman ako ng pagkain..” ok lang siya?! 4th floor to baka nakakalimutan
niya! Ang aga agang exercise nito noh!! “Sige na!!!” nag pout siya bigla! OMG I THINK IM HAVING A
HEART ATTACK!!
“Bumili ka mag isa mo!”
“SIGE NA!!!!! MINSAN LANG EH!!! NAGUGUTOM NA AKO!”
“WHY DIDN’T YOU EAT BEFORE KA UMAKYAT NG CLASSROOM, YOU BOOBY BIRD!”
“BAKIT BA PALAGI MO AKONG TINATAWAG NA BOOBY BIRD?! ANONG IBON BA YUN?! GWAPO?!
CUTE?! MAYAMAN?!?!?”
OMG! Ayan na naman pagiging hambog niya! Jesus! I cant stand him!!
“SHUT UP.”
“NO YOU SHUT UP!”
“BOOBY BIRD!!”
“COO COO BRAIN!”
“STUPID! MAS WORST ANG BOOBY BIRD SA COO COO BRAIN!”
“WHATEVER!” he lost again. Of course.
Pagupo ko sa upuan, napansin kong naka tingin samin lahata ng classmates namin. See. He will never change. Still a gangster. Walang pinipiling lugar. Psh.
“Ang aga aga nag aaway sila.”
“Korek. Paano kaya nila natitiis ang isa’t isa?”
“Baka ganun sila mag lambingan, nag sisigawan.” napatingin ako sa tatlong lalaki, binatukan nila yung huling nag salita. Weird.
Siyempre nag start yung umaga namin ng nag tatalo, matatapos din sa pag tatalo, pero hinde na katulad ng dati… I think. Hinde niya ako mahahatid pauwi kasi may practice ulit sila. AYAW NILA MAG PRACTICE
EH! AYAW!
Nagpunta kami sa may inner circle (village) para kumain ng kwek kwek! Hah! I’ve learned a lot from Southville High! Dun sa may bilihan ng kwek kwek, nakita namin si Lucas, nag yoyosi mag isa.
‘Bakit kaya siya nandito? Sinundan niya kaya kami dito..?’ I asked myself.
“Lucas!!” tinawag ni Grace si Lucas tapos nag wave.
Nag smile naman si Lucas sa kanya. Mag kakilala sila? Paano? Eh diba galit si Kenji sa kanya, so I suppose galit din si Jigs at Kirby sa kanya.. Since kambal si Jigs at Grace, dapat galit rin si Grace kay Lucas.. Or not?
“Mag kailala kayo?” nag nod si Grace
“Seatmate ko siya nung 1st year at 2nd year. Mabait yan! Sobra! Wag mo sasabihin kay Kenji na sinabi ko to sayo ha.. Pero kasi..” uminom si Grace ng tubig “magkakaibigan sila niyan nila Lucas.. 1st year..
New student si Lucas nun, wala talagang ‘welcome’ sa kanilang tatlo, pero si Lucas sinuwerte, naging kabarkada sila. Pero yun nga, nagkagulo.”
So ibig sabihin, malaki pa yung chance na maging magkaibigan ulit si Lucas at Kenji? Kasi magkaibigan naman sila eh.. Pero bakit sila nag away? Dahil kaya kaya Abigail..? Napaka swerte naman nun!
Dalawang lalaking gwapo. Psh.
Lumapit sa amin si Lucas, omg. Anong gagawin ko? Kelangan nga iwasan ko na siya eh. Baka magkagulo na naman kami ni Kenji pag nalaman niya to. Pero sa bagay, hinde naman kami nagsosolo eh. Hinde siya mukhang date. Parang barkada lang kami. Pinakilala namin ni Grace si Lucas kay Sara kasi palagi nga silang nagkikita, hinde naman sila magkakilala! Ang weird kaya ng feeling ng ganun.
Hinatid kaming tatlo ni Lucas. Ang bait niya talaga… kaya ang hirap mag desisyon pag papipiliin ako kay Lucas at Kenji eh. Buti na lang at hinde pa nangyayari sa akin yun. Kung hinde.. Psh. >_<
Sa bahay dinaldal na ako ni Sara. Naiintindihan niya daw ako, mabait daw si Lucas, gwapo at masaya kasama. Hinde raw talaga siya mag tataka kung mas pipiliin ko si Lucas kay Kenji.. Ano ka ba Sara.. Wag mo naman ganunin boyfriend ko.. >_<
Friday, October 6, 2006
3 days na ang nakalipas, etong si Kenji hinde pa rin nagbabago! Ang sama pa rin sa akin. Utos dito utos dun! Akala niya ata aso ako eh!
“BOOBY BIRD KA TALAGA! SIMPLENG TANONG LANG HINDE MO PA MASAGOT!!!”
“EH SA HINDE KO ALAM EH!!”
“OMG! You’re impossible!! Lahat ng pilipino alam na LUPANG HINIRANG yung title ng national anthem
ng pilipinas! Bakit BAYANG MAGILIW sagot mo?!!”
“Eh nasanay ako eh!!! Bakit ba!!!”
“Mas masaya pala nung magkaaway sila noh? Tahimik.” tapos tumawa silang tatlo (jigs, kirby, sara)
“SHUT UP!” sabay namin sinabi ni Kenji.
“Booby bird ka talaga!”
“ALAM KO NA YUN!!! Yun yung pinaka bobong ibon!” nagtawanan kam nila Jigs, Kirby at Sara.
“Buti naman at alam mo na. Ang tagal mo bago nalaman eh!” sabay tap sa balikat ni Kenji.
“EH KASI TONG PAYATOT NA TO EH! BOOBY BIRD NG BOOBY BIRD! Sasapatusin ko na to eh!”
“JOO GOO LAE?!?!” *wanna die?!+
“Eto na naman sila. Josko! Hinde na nag bago. Pagkatapos ng malagkit nilang yakapan, ganito pa rin ang babagsakan nun! Sayang lang.. Amp! Yun oh!” sabay namin hinampas si Jigs.
“Oh easy lang!! kayo naman oh! Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh..” inakbayan niya si Sara t
Kirby, “Love can make miracles, right?” natawa lang yung dalawa. Bakit ba nasa hot seat kami ni Kenji??
Hinde porket may 45 minutes pa kami dahil break pwede na nila kaming i-hot seat!.
*bzzzzzztt*
“Yeoboseyo?… UMMA! … WHAT?! … Philippines?? … Really??? Stop joking mom.. ASSA!! I will be
there! Yes!! … No no …… I wanna see you na! I‘ll hang up ok?” *yeoboseyo = hello? ; Umma = mom ; assa
= oh yeah!]
Tumayo ako tapos kinuha ko yung bag ko, “Sara we have to go na! Nandito sila mommy!” nag smile si
Sara, tapos kinuha yung bag tapo tumayo. “tell the teachers that we’ll give them our excuse letter on monday, ok? Let‘s go na!” hinila ko na si Sara
Paglabas namin ng school, tsaka lang namin naalala na wala kaming way papunta dun. Yung driver kasi pinag bakasyon muna namin dahil pwede naman kaming mag lakad.. Pag tinawagan ko naman siya,
matatagalan pa, eh nasa airport na sila Umma.
Oppa has class… naglakad kami ni Sara papalabas ng village, nag babakasakaling makahanap ng taxi!
May humintong SUV sa gilid ni Sara, “Sara?? Athena? Saan kayo pupunta?” napalingon kami ni Sara sa taong tumawag sa kanya.
“LUCAS!!” sabay naming tinawag ni Sara si Lucas,
“Sa airport, susunduin sana namin yung parents ni Athena pero wala kasi yung driver eh, kaya mag
hahanap kami ng taxi.”
“Ah ganun ba? Tara, sakay na kayo! Samahan ko na kayo mag sundo.” tapos nag wink siya, hinde na
kami nag dalawang isip ni Sara, sumakay kaagad kami sa kotse niya. Siyempre, ako sa harapan..
Pag dating namin sa airport nakita na namin sila. OMG ang dami naman nilang dala!! Mag kakasya kaya yan sa kotse ni Lucas?
“UMMA!!! APPA!!!!” tapos nag wave ako habang tumatalon. Jesus. Can you picture how excited I am?
“Aigoo.. Look at my baby and Sara, you’ve changed since the last time I saw you..” nagkatinginan kami ni Sara.
“Umma! You saw us 2 weeks ago! Nothing changed.. but I missed you and Appa!”
“Athena, nag tatampo na ko, lagi ka na lang sa Umma mo nag huhug and kiss, sakin hinde..”
“Appa~ I missed you so much!” tapos ni yakap ko dad ko. Pag bitaw namin ng hug nakalimutan kong
ipakilala sa kanila si Lucas! Ano ba to, nadala ako masyado.
“Umma, Appa, this is Lucas.” nilagay ko yung hand ko sa shoulder ni Lucas.
“Nice meeting you po.” nag smile sila tapos nag bow.
“Athena, is he your boyfriend? I heard from Sang Min that you have one..”
“UMMA!” natawa na lang sila, pati si Lucas. Nung sumakay na kami sa kotse ni Lucas ako pa rin yung nasa harapan, pinilit kasi nila ako! Si Sara nakikipag kwentuhan sa kanila, samantalang ako, nakatalikod!
>_<
Kumain kami sa labas, siyempre kasama rin si Lucas, si mommy kanina pa sinasabi na gwapo daw si
Lucas, ang swerte ko daw! Mas gwapo naman si Kenji ah..? Nako, ano na lang magiging reaction nya pag nakita niya si Kenji?? Oh no.
Pag tapos namin kumain, dumeretso na kami sa bahay, hinde pa rin pinapauwi nila mommy si Lucas,
mag stay daw muna siya for dinner. Kenji yah.. Mi an hae yo.. *Kenji I’m sorry+
Mga 8:30 na umuwi si Lucas, buti na lang at hinde pumunta si Kenj, tinext ko na rin naman siya na
kasama ko parents ko kaya hinde na siya dapat pa mag alala. Sabi ko rin na bukas na lang kami mag kita.
Saturday, October 7, 2006
Pumunta ako sa may tindahan para bumili ng soda kasi walang mauutusan dahil busy silang lahat sa
bahay. Habang nasa may tindahan ako nakita ko si Lucas, bibili rin ata siya dito.
“Uy! Anong ginagawa mo dito?”
“Ano pa? edi bumibili!! Psh.” nag smile siya sa akin. Haaay. Ayan na naman yang smile na yan! >_<
“ikaw, anong bibilhin mo?”
“Bubble gum.” bubble gum? Bakit kaya siya bibili nun?? Ang weird.. Kahapon din kumakain din siya ng gum eh.. Baka.. Sinunod na niya yung payo ko na mag gum na lang siya if nafefeel niyang mag smoke?
Hinde kaya? Ok, assuming.
Inabot sa akin ni manang yung binili ko, “Sige, mauna na ako ah?” hinawakan niya yung braso ko
“Hatid na kita.”
“HINDE.” napaligon kami pareho, si Kenji.
Paano niya kaya nalaman na nandito ako?? Sinabi kaya ni Sara?
“Athena ano ka ba? Akala ko ba exclusive? Bakit ganito?” ihahatid lang eh. Hinde naman sinabing mag dedate kami!
“Hahatid lang naman ako eh..” nagsalubong yung kilay niya, ano ba nagiging mababaw na siya!
“Sabi ko rin sayo na bawal kang makipag kita na kay Lucas.” WALA KANG SINABI. Pfft.
“Kenji, wala kang karapatan sabihan si Athena kung ano ang dapat niya gawin. May sarili siyang isip.”
hinde na nag salita si Kenj.. mas lalong nagalit si Kenji sa sinabi ni Lucas. Tama naman si Lucas eh, pero..
Meron naman kahit papaanong karapatan si Kenji. I have to do something.
Humarap ako kay Lucas, “Sorry.. Pero siguro dapat wag na muna tayong mag kita ng tayong dalawa
lang.. ayoko rin mag away kami ni Kenji, at ayoko rin mag away kayo ni Abigail. Sige, muna na kami..”
nagbow ako tapos nag smile. tumingin ako kay Kenji, “Tara na.” mukhang gulat siya sa ginawa ko, what?
Diba yun naman dapat ang gagawin ng girlfriend? Ipag tanggol ang boyfriend na nag seselos.
Kinuha ni Kenji yung hawak kong mga bote ng soda tapos sabay kaming nag lakad papunta sa bahay. Ang saya niya siguro kasi kinampihan ko siya. Hinde ko man nakikita sa mukha niya, pero nafefeel ko na naka ngiti siya. Tss. Dapat lang.. I feel sorry for Lucas, after what he did yesterday. Ganito lang aabutin niya sa akin.. I’ll explain it to him na lang later.
Pag dating namin sa bahay, nakita ni mommy at daddy na may kasama na akong lalaki. I bet nag tataka sila kung sino yun, yesterday it was Lucas and now, I have a new one.
“Athena, sino siya? Asan si Lucas?” uh oh. Hinde alam ni Kenji na kasama ko si Lucas kahapon.. Omg.
Appa! Do you want me to die??
Napatingin sa akin si Kenji, “Kasama mo si Lucas kahapon!?” mahina niyang sinabi pero halatang galit siya. Nag smile na lang ako. Pilit na smile.
“Oh!! Tae sung ah! What brings you here??” Umma!!! >_<
“Umma! He’s not TaeSung oppa!” ano ba tong parents ko! una Lucas pangalawa TaeSung!
“Oh~ Mi an hae.” tapos nag smile siya. *I'm sorry+
“Aigoo~ my daughter is very popular here with the handsome guys!” lumapit si mommy sa amin, “Hi!
I’m her Umma.”
“Umma, Appa, this is Kenji..” nag smile si Kenji tapos nag bow “kurego.. igeo namja.. joahanda. ” *and I like this guy]
Napatingin silang lahat sa akin, as in LAHAT! Kenji, Sara, Mom and Dad. Pati si ate Marie..wait,
naintindihan kaya niya yun?
“Talaga? / jin jjaro?” sabay sinabi ng parents ko. Nag nod ako sa kanila.
“Well that’s good! Kenji yah, take good care of her ok?” hinawakan ni mommy yung kamay ni Kenji.
Umma!! We’re not yet getting married!
“Anak, bantayan mo si Athena ha, nasaktan na yan dati.. Ayokong maulit uli yun.” nag nod si Kenji.
Anak? Kelan pa nila inadopt is Kenji?
Pagkatapos ng meeting the Dizon, back to normal na an lahat, nag aayos ng gamit, luto at siyempre kami ni Kenji hinde nag paawat ng pag tatalo! Bakit ba kasi siningit ko pa yang I like this guy na yan eh! Ayan tuloy!
“Hinde ko masyadong naintindihan yung sinabi mo, pero alam kong may like dun.” inasar na naman
niya ako. Kanina sinabi niyang in love na in love ako sa kanya tapos ngayon hinde niya na naintindihan!
Ang labo talaga niya!
Lumapit siya sa akin tapos hinug niya ako. Kenji!! Nandito parents ko!!!
“Kumpleto na araw ko.. Napasaya mo ako ng sobra sobra..”