Noli Me Tangere (42 page)

Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

BOOK: Noli Me Tangere
10.68Mb size Format: txt, pdf, ePub

Ibinulusoc niyá ang m~ga sumpâ lában sa lácad n~g m~ga caasalan n~g sangcataohan, lában sa pagwawaláng gálang, lában sa bagong sumísilang na paglabág sa religión. Tila mandîn ang ganitóng bágay ang siyang totóong canyáng cáya, sa pagca't nag-aalab ang canyáng ísip, at nagsásalitâ n~g boóng caríinan at caliwanagan. Tinúcoy n~g canyáng pananalitâ ang m~ga macasalanang, hindî nagsisipan~gumpisal, na nan~gamamatay sa bilangguang hindî nacatatanggap n~g m~ga sacramento, n~g m~ga familiang sinumpâ n~g Dios, n~g m~ga palalo't m~ga sopladong "mesticillo" n~g m~ga binatang nagdudunongdunun~gan, m~ga "filosofillo" ó "pilosopillo", n~g m~ga "abogadillo", m~ga "estudiantillo" at iba pa. Hindî cailâ ang caugalîang tagláy n~g marami, pagcà ibig niláng libakín ang caniláng m~ga caaway: dinuduluhan nilá ang m~ga pananalitâ n~g "illo", palibhasa'y walâ na mandíng mapigâ sa caniláng útac, at sa ganitóng gawá'y lubos na siláng lumiligaya.

Naririnig na lahát ni Ibarra at canyáng nalalaman ang m~ga pasaring na iyón. Nananatili sa canyá ang paimbabáw na catahimican n~g lóob, hinahanap n~g canyáng m~ga matá ang Dios at ang m~ga púnong may capangyarihan, datapuwa't doo'y walà cung dî m~ga laráwan n~g m~ga santo at ang humihímlay na Alcalde.

Samantala'y náraragdagan n~g náraragdagan ang silacbó n~g álab n~g loob n~g nagsesermón. Sinasabi niyáng n~g m~ga unang panahón daw, ang lahát n~g filipino, cung nacacasalubong ang isáng sacerdote ay nagpupugay, iniluluhód ang isáng páa sa lúpà at hinahagcán ang camáy n~g párì.--"Datapua, gayón, ang idinugtóng--an gawa nínyo láman, inaális nínyo an salácot ó an "sombrero de castorillo", na nalalágay nínyo nacakilin sa ibabaw nan ínyo úlo, para húwac masisíra ang súclay nan ínyon búhoc! Hústo na sabihin nínyo: ¡Magandanaraw, "amon"! at may maná palalo, na maná "estudiantillos de poco latin", na dahil sila naaáral sa Manila ó sa Europa, acala na níla mayron na sila catuwiran makicámay síla sa ámin, sa lugar na síla mahahálic nan cámay sa amin ...¡Ah! madáli na darásin an paghuhúcom, matatápos an múndo, maramî maná sánto an huhúla níto uúlan nan ápoy, báto, sáca ábo, para parusahan an capalaluan nínyo!"

At bago niyá iniaral sa báyang huag tuláran ang gayóng m~ga "salvaje", cung dî bagcós pang lumayô at casusutan ang gayóng m~ga táo, sa pagcá't silá'y páwang m~ga "excomulgado."

--"Din-guin ninyo an sabi nan maná "santos concillos!"--anya--"Cun nasasalûbun nan ísan indio sa calle an ísan cura, itutún-go an úlo, ihahánda an cányan lilo, at nan an amon ay cumapît dóon; pácca nacacabayo capuwa, an cura saca an indio, pacca gáyon, hihinto an indio, mapupúgay nan salácot ó sombrero nan boon gálan; sa catapúsan, cun an indio nacacabáyo at nadlalácat an cura, iíbis sa cabayo an indio at hindî sasácay úli hángan híndî nasasábi sa cánya nan cura ¡sólon! ó cun totoo maláyo na an cura. Maná sabi íto n~g santos concillos, at an hindî nasusúnod, síya maguiguin "excomulgado."

--At ¿pagca ang sinasacyán n~g isá'y isáng calabaw?--ang tanóng n~g isáng masuring magsasacá sa canyáng calapít.

--¡Cung gayó'y ... macapagpapatuloy ca!--ang isinagót nitó na totoong marúnong umíbag.

Datapuwa't marami ring nacacatulog ó nalilibang, bagá man nagsisisigaw ang nagsesermón at cumikiyang magalíng; paano'y iyón n~g iyón ang isenesermón sa anó mang áraw at sa anó mang bagay: nawalán n~g cabuluháng magbuntóng-hinin~gá at magtan~gistan~gisan ang iláng mápagbanal na babae, dahil sa m~ga casalanan n~g m~ga pusóng, napilitang itiguil nilá ang caniláng gawâ dáhil sa walâ sino mang sa canílá'y makisapì. Si Hermana Putî ma'y laban doon ang iniisip. Nacatulog n~g mainam ang isáng lalaking nacaupô sa canyáng tabí, na waláng ánó-anó'y natumbá sa canyáng ibabaw, na anó pa't nalúcot ang canyáng hábito: dinampót n~g mabait na matandáng babae ang canyáng bacyâ at guinísing sa cáhahampas ang lalaking iyón, casabay n~g sigaw na:

--¡Ay! ¡láyas, salvaje, háyop, demonio, calabáw, áso, condenado!

Nagcaguló n~gà dahil dito. Humintô ang nagsesermón, itinaás ang m~ga kílay, sa pagtatacá niyá sa gayóng calakíng caligaligan. Linúnod n~g cagalitan ang salitâ sa canyang lalamúnan, caya't walâ siyang nagawâ cung dî umatún~gal at, suntukín ang palababahan n~g púlpito. Namún~ga ang gayóng gawâ: binitiwan n~g matandang babae ang bacyâ, nagbubulóng at pagcatapos na macapagcruz na macailan, naluhód siya n~g boong cataimtiman.

--"¡Aaah! ¡aaah! ¡ang sarisawa'y!--naisigaw n~g nagagalit na sacerdote, na naghalukípkip at naipailíng-ilíng;--¡sa ganyan baga cun caya acó nangagaral dito sa inyó sa boon umaga, maná salvajes! Dito sa baháy nan Dios cáyo naaáway at cayo nasasábi nan maná salitan masasáma, maná walan híya! ¡Aaaah! cayo wála nan iguinágalan!....Ito an maná gawa nan calibugan at nan hindî paglayo sa calupaan nan panahon ito! Sinasabi co na sa inyo ¡aah!"

At ipinatuloy niya ang pagsesermón tungcól sa bagay na itó sa loob n~g calahating oras. Humihilic na ang Alcalde, tatan~gotan~go na si María Clara sa pagcaantoc, hindî na mapaglabanan n~g abang dalaga ang pagtutucá, palibhasa'y walâ n~g ano mang pintura at ano mang larawan man lamang na mapagsiyasat sa mapagliban~gan. Hindî na nacalingit cay Ibarra ang m~ga sinasabi at gayón din ang m~ga pasaring; ang canyang iniisip n~gayó'y isang maliit na bahay sa taluctóc n~g isang bundóc, at doo'y nakikita niyang si María Clara'y na na sa halamanan. ¡Anóng masakit sa canya cung doon sa capataga'y gumagapang ang m~ga tao sa canilang m~ga imbing bayan!

Macaalawang ipinatugtóg ni Párì Sibyla ang campanilla, n~guni't itó'y parang guinagatun~gan n~g cahoy ang apóy: palibhasa'y "tercero" si fray Dámaso'y lalò nang pinahabà niya ang sermón, Nan~gan~gagat-labi si Fray Sibyla, at ulit-ulit na pinagbubuti niya ang canyáng salamín sa matáng "cristal de roca", na guintô ang kinacacabitan. Si Fray Manuel Martín ang tan~ging tíla mandín nakikinig n~g boóng ligaya, sa pagca't n~gumin~giti.

Sa cawacasa'y sinabi n~g Dios na siya na, napagal ang nagsesermón at nanaog sa púlpito.

Nan~gagsiluhód ang lahat upang magpasalamat sa Dios. Kinuscós n~g Alcalde ang canyang m~ga mata, inúnat niya ang isang brazo na para manding nag-iinat, nagbitiw n~g isang malalim na ¡"ah"! at naghicab.

Ipinagpatuloy ang misa.

Nang cantahín na ni Balbino at ni Chananay ang "Incarnatus est", n~g magasiluhód na ang lahat, at n~g magsitun~gó na ang m~ga sacerdote, ibinulóng n~g isang lalaki sa tain~ga ni Ibarra ang ganitó:--"Sa ceremonia n~g bendición ay huwag pô cayóng lálayô sa cura, huwag cayóng lulusong sa húcay, huwag cayóng lalapit sa bató; mapapan~ganyayà ang inyóng búhay cung di ninyó acó sundin!".

Nakita ni Ibarrang nawalâ si Elias sa caramihan, pagcasabi sa canya n~g bagay na iyón.

TALABABA:

[258] Hindî dapat calimutan n~g bumabasang ang sermóng ito'y sa wicang castilà na aking isinatagalog, bagay na ipinaalaala co, upang maisaysay kung bakit hindî utál ang pananagalog, at gayón din ang cadahilanan cung bakit natacot ang isáng taong iyón. Sa sermóng wicang castilà ni Párì Dámaso'y ganitó ang canyáng sabi: ..."sí, hermanos mios, patente, patente á todos, patente".--Maraming cahulagan ang sabing
patente.
Ang ilan sa m~ga cahulugang iya'y ito: nahahayag, na kikita, waláng takip. Tinatawag namang patente n~g panahón n~g Gobierno n~g m~ga castilà, ang catibayang ibinibigay n~g Administracion n~g Hacienda publica sa m~ga taong gumaganap n~g pagbabayad n~g buwis sa Gobierno dahil sa canyáng calacal. Pinarurusahan n~g mabigát na
multa
ang nan~gan~galacal na waláng
patente,
sa macatwid ay hindî nagbabayad n~g buwis sa calacal na canyáng hanap-buhay, caya totoong nagulat ang taong dito'y sinasaysay, sa pagca't ang boong acala niya'y ang sinasabing
patente
ay ang nauucol niyáng pagbayaran.--P. H. P.

=XXXII.=

=ANG "CABRIA".=

Guinanáp n~g taong naniniláw ang canyáng pan~gacò: hindî isáng madaling wariing "cábria" (pangbabâ ó pangtaas n~g anó mang bágay na mabigát) ang itinayô sa ibábaw n~g nacabucás na húcay upang ibabâ roon ang lubháng malaking batóng "granito"; hindî ang panukalang "trípode" (tatlóng tungcóng caláng m~ga mahahabang cahoy) ni ñor Juan, upang ibitin sa dúlo niyá ang isáng "polea," yao'y mahiguít, yao'y bucód sa isáng máquina'y isáng pamuti, n~guni't isáng dakílà at nacahahan~gang pamúti.

Sa ibábaw n~g walóng metro ang táas ay nátatayô roón ang totoóng maguló at mahírap na liríping m~ga "andamlo": apat na malalaking cáhoy na nacabaón sa lúpà ang siyáng m~ga pinacahalígui, na nagcacacabitcabit sa pamamag-itan n~g m~ga malalakíng cahab ang pahaláng, na nagcacacabit cabit namán sa pamamag-tan n~g malalaking pácong hanggáng sa calahatì lamang ang nacabaón, marahil sa pagcá't aalisin din lamang agad ang bagay na iyón, ay n~g magaang na mapagcalás-calás. Ang malalaking m~ga lubid na nacabitin sa lahát n~g m~ga panig, ang siyáng nacapagbíbigay anyóng catibáyan at cadakilâan n~g caboôang nacocoronahan doón sa itáas n~g m~ga banderang may sarisaring cúlay; man~ga gallardete na nagsisiwagaywáy at lubháng malalakíng m~ga guirnaldang bulaclác at m~ga dahong totoóng nacalulugod panoorin.

Doon sa caitaasan, sa lilim n~g m~ga anino n~g m~ga malalaking cáhoy, n~g m~ga guirnalda at n~g m~ga bandera, nacabiting ang tálì ay m~ga lúbid at m~ga ganchong bácal, ang isáng pagcálakilakíng "polea" na may tatlóng "rueda," at sa m~ga nagniningning na taguiliran nito'y nacasulót at nacasacáy ang tatlóng lúbid na lálò pa mandíng malalaki cay sa m~ga ibá, at nacabitin sa tatlóng pagsálalaking m~ga lúbid na itó ang isáng pagcálakilaking "sillar" na buò na may hucay sa dácong guitnâ, na cung itámà sa cápuwâ gúang n~g isáng bátong capapatun~gang na sa ilálim na n~g húcay, siyang maguiguing gúang na láang paglálagyan n~g casaysayang casalucuyan, n~g m~ga pámahayagan, n~g m~ga casulatan, n~g m~ga salapi, n~g m~ga medalla at ibá pa, at n~g maibalità ang m~ga bagay na iyôn sa m~ga táong mabubuhay sa cáhulihulihang panahón. Nagmumulâ ang m~ga malalakíng lúbid na itó sa itáas na patun~gó sa ibabá, at nasusulot sa isá pang "poleang" malaki ring nacagápos sa paanan n~g "aparatong" iyón, at ang dácong dúlo n~g m~ga lúbid na iyó'y nacabilibid sa "cilindro" n~g isáng "torno", na nacapacò sa lúpà n~g malalaking cáhoy. Ang tornong itó, na napagagalaw sa pamamag-itan n~g "dalawáng manubrio" ay nagdáragdag sa lacás n~g tao n~g macasandaang ibayo, dahil sa nagcaca-camá-camáng m~ga ruedang may n~gipin, bagá man ang nasusunduang lacás ay naguiguing cabawasán namán sa catulínan.

--Tingnán pô ninyó,--ang sabi n~g taong nanínilaw samantalang pinipihit ang "manubrio;"--tingnán pó ninyó, ñor Juan, cung di sa lacás co lamang ay laking naitátaas at naibábabâ ang calakilakihang bató.... Nápaca buti ang pagcacaanyô-anyô, na áyon sa maibigan co'y aking naitátaas ó naibábabâ n~g isá n~g isáng dálì, at n~g magawâ n~g boóng caal-wanan n~g isáng táong nasasailalim n~g hûcay ang paglalapat n~g dalawáng bató, samantalang aking pinan~gan~gasiwáan búhat díto.

Hindî n~gâ mangyayaring dî pangguilalasán ni ñor Juan ang taong n~gumín~giti n~g anyóng totoóng cacaibá. Nan~gag-uusap-usapan ang m~ga nanónood, at caniláng pinupuri ang lalaking naninilaw.

--¿Sino pó bâ ang nagtúrò sa inyó n~g "maquinaria?"--ang tanóng sa canyá ni ñor Juan.

--¡Ang aking amá, ang aking nasirang amá!--ang sagót na casabáy ang canyáng cacatuwáng n~gitî.

--¿At sa inyóng amá?...

--Si Don Saturnino, ang núnò ni Don Crisóstomo.

--Hindî co nalalamang si Don Saturnino'y....

--Oh! maraming bagay ang canyang nalalaman! Hindî lámang mainam mamalò at ibinibilad sa araw ang canyang m~ga trabajador; bucód sa roo'y marunong pumúcaw sa natutulog, at magpatulog sa naguiguising. Darating ang panahóng inyó ring makikita cung anó ang itinurò sa akin n~g aking amá,--¡makikita rin pô ninyó!

At n~gumin~gitî ang lalakíng nanínilaw, n~guni't sa isáng cacatuwang anyò.

Sa ibabáw n~g isáng masang natatacpan nang isáng "lapíz" (pangladlad sa m~ga dingding ó pangtakip sa m~ga mesa) na galing sa Persia'y nacalagáy roon ang cawan~gis n~g hihip na tinggâ, at ang m~ga bagay na iin~gatan sa pinacalibin~gang iyón: isáng caja na ang m~ga pinacadingding ay macacapal na cristal ang siyang paglalagyan n~g pinacabangcáy na iyóng hindî mabubulóc n~g isang panahón at siyáng caliligpitan n~g m~ga macapagpapaalaala sa m~ga tao sa haharapíng panahón n~g m~ga bagay na ucol sa isáng panahóng nacaraan na. Itó ang ibinúbulong n~g filósofo Tasio na doroon naglalacadlacad.

--Marahil isáng áraw, pagca ang gawang nagpapasimulá n~gayón n~g pagsilang sa maliwanag ay cung matandâ na at maguibâ dahil sa iláng m~ga sacunáng sa canyá'y nagdaan, cung magcabihira'y dahil sa m~ga pagpapagpág (paglindol) n~g Naturaleza, cung magcabihira'y dahil sa mapagwasac na camay n~g tao, at sumiból sa ibabaw n~g m~ga casangcapan n~g guibáng itó ang damó at baguing; at pagcatapos, cung pugnawin na n~g panahón ang damó, ang baguing at ang m~ga siráng casangcapan n~g bahay na itó, at catcatin sa m~ga dahon n~g Casaysayan (Historia) ang sa canyá'y gunitâ, at gayón din ang m~ga gumawâ sa canyá, na malaon n~g panahóng nawalâ sa alaala n~g m~ga tao: marahil, cung napalibing na ó nawala na ang m~ga lahing casama n~g m~ga pinacabalát n~g lúpà, sa isá lamang pagcacataon, cung pasilan~gin ang tilamsíc n~g apóy sa batóng matigás n~g pico n~g sino mang manghuhucay n~g mina, mangyayaring masunduan sa sinapupunan n~g malakíng bató ang m~ga talinghagà at m~ga lihim. Marahil ang m~ga pantás n~g isáng nacióng dito'y tumirá'y man~gagsisicap, na gaya naman n~g pagsisicap n~gayón n~g m~ga "egiptólogo" (ang m~ga malulugdin sa m~ga bagay na na sa Egipto) sa nan~gatiráng bagay n~g isáng dakilang "civilizaciong" nagpagal sa pagsisiyasat n~g waláng hanggan, at hindî sinapantahang sa canya'y bababá ang isáng pagcahabàhabang gabi. Marahil sabihin n~g isáng paham na "profesor" (tagapagturò) sa canyáng m~ga alagàd, na may limá hanggang pitóng taon, sa isang wicang siyang sinasalita n~g lahát n~g m~ga tao;--"Mga guinoo! Pagcatapos na matingnán at mapagsiyasat n~g boong catiyagaan ang m~ga bagay na nasumpun~gan sa ilalim nitóng ating lupà, pagcatapos na mausisà ang cahulugán n~g iláng m~ga tandà, at pagcatapos na maihulog sa wica natin ang iláng m~ga salitâ, masasapantahâ nating walang anó mang tacot na magcamalî, na nauucol ang m~ga bagay na iyon sa panahón nang cahunghan~gan nang tao, sa madilim na panahóng caraniwan nating tawaguing panaguinip nang isip. Tunay n~ga, m~ga guinoo; sucat na ang sabihin sa inyó, upang mapagcuròcurò ninyo cung gaano ang cahan~galan n~g m~ga canúnonunuan natin, na ang tumira rito'y hindî lamang cumikilala pa silá n~g m~ga hari, cung di upang macapagpasiyâ silá n~g anó mang bagay na nauucol sa pamamahalâ sa caniláng sariling bayan, kinacailan~gan pa niláng dumaló sa cabilang dulo n~g daigdíg, na ano pa't masasabi nating sila'y catulad n~g isáng catawang upang gumaláw ay kinacailan~gang magtanóng sa canyáng ulo, na na sa cabílang ibayo n~g Sanglibután, marahil sa m~ga lupaing itinatagò n~gayón n~g m~ga alon. Itong di mandin mapaniniwalaang cahidwaan n~g ísip, cahi't acalain ninyóng hindi sucat mangyari, inyóng kilalaning gayón n~ga cung didilídilihin ang calagayan n~g m~ga kinapal na iyóng bahagyâ na lamang nan~gan~gahas acóng tawaguing tao! N~g m~ga caunaúnahang panahóng iyón, ang m~ga kinapal na ito'y nakipag-uusap pa (ganitó marahil ang caniláng boong acalà) sa Lumikhâ sa canilá, sa pagca't silá'y may m~ga kinikilálang m~ga Ministro (kinacatawan) n~g Lumikhá iyán, m~ga kinapal na iba cay sa m~ga ibá na caniláng sa tuwi na'y pinan~gan~galanan n~g m~ga talinghagang letrang M. R. P. Fr., na sa pagbibigay cahulugan sa m~ga letrang ito'y hindî nan~gagcacaisa ang ating m~ga marurunong. Alinsunod sa pangcaraniwang profesor n~g m~ga wicà, sa pagca't walà cung dí sasandaan lamang ang m~ga profesor n~g m~ga wicang malakí ang caculan~gan na siyang gamit n~g nacaraang panahón, marahil "Muy Rico Propietario" daw ang cahulugan n~g M. R. P., sa pagca't may pagca pan~galawang Dios ang m~ga Ministrong itó, m~ga cábanalbanalan m~ga cágaling galin~gang mananalumpatì, m~ga carunong-dunun~gan, at bagá man totoóng malakí ang caniláng capangyarihan at sa canila'y pagcaaalang-alang, cailan ma'y hindi silá gumagawâ n~g cahi't babahagyang capaslangan, bagay na nagpapatibay sa akin n~g paniniwala sa aking sapantahang hindî cawan~gis ang canilang pagcatao sa pagcatao n~g ibâ. At cung hindî maguing casucatan itó upang mapapagtibay ang aking panucalâ may natitirá pang isáng catuwirang hindî sinasalansang nino man at bawa't áraw na nagdaraa'y lalò at lalòng nagtútumibay, na pinapananaog n~g m~ga talinghagang kinapal na iyón ang Dios sa ibábaw n~g lupà, sabihin lamang nilá ang ilang wicà, na hindî nasasalita n~g Dios cung dî sa pamamag-itan n~g canilang bibig, at ang Dios na iyá'y caniláng kinacain, iniinóm nilá ang canyáng dugô at madalas na ipinacacain nilá naman sa m~ga táong caraniwan."

Other books

A View From a Broad by Bette Midler
Bait by Viola Grace
Salt Rain by Sarah Armstrong
Abandon by Carla Neggers
Anita Blake 22 - Affliction by Laurell K. Hamilton
Triple Play by B. J. Wane
The Midnight Man by Paul Doherty
Lost Nation by Jeffrey Lent
Camille by Tess Oliver
Morning Star by Mixter, Randy