Read Ang Boyfriend Kong Artista Online
Authors: Ella Larena
Bigla siyang sumimangot at parang nasaktan. Napasama yung pagkasabi ko. Tsk. I'm just being honest.
"Sorry."
"Okay lang. Totoo naman kasi. Pero ginawa ko lang naman yun para di siya masaktan sa
katotohanan."
Katotohanan? What is that?
"Anong katotohanan?"
"Wag kang maingay ha. Ikakasal kasi kami ni Errick. Arranged Marriage."
"Wait, what?!"
Nagpapanggap lang pala sila?! O_______O
SO HINDI TALAGA NILA MAHAL ANG ISA'T-ISA?!
"W-why?"
"Long story. Basta, family business."
Medyo nagets ko na. Pero nakakagulat pa rin.
"Uso pa pala yun ngayon?"
"Oo. Malas nga lang namin."
"So, you mean-- wait, alam na ba ni Eya?"
Um-oo siya.
"Ah... so?"
"So, dahil alam naman nating, naging sila, although di ko alam kung mahal pa nila ang isa't-isa, at
least, bigyan natin sila ng closure."
Maganda yun. Para matapos na talaga.
"Sure. Pag-usapan na natin kung paano?"
"Sige. So ganito yung plan...................."
Daldal lang siya ng daldal. Di ako nakikinig masyado pero naiintindihan ko naman. May tanong kasi ako eh.
Paano kung hindi closure yung mangyari? Paano kung mahal pa ni Eya si Errick?! BAKA UMATRAS SIYA SA
CONTRACT! HINDI PWEDE!
=_=
Nainis ako bigla. At nagworry. Ano yun, iiwan na lang ako ni Eya biglaan?
Sumama tuloy loob ko. Di ko alam kung bakit. Para bang nagdilim ng onti yung paningin ko.
"Allison, sa tingin mo mahal pa ba ni Errick si Eya? At sa tingin mo, ganun rin vice-versa?"
Nagulat siya sa tanong ko. Ako nga, nagulat rin eh. Bakit ganun natanong ko?
"Si Errick? SIguro, oo? Ewan. Siguro naaawa lang siya kay Eya. Kasi they had a bad break-up. Pero si
Eya, mahal pa niya si Errick? No, I don't think so."
Napaexhale naman ako dun. At ewan ko ba, napangiti ako. Umabot ata hanggang tenga dahil napansin ni Allison.
"Makangiti wagas?"
"Haha. Wala lang. Haha...."
"In-love ka na kasi masyado kay Eya. Bagay talaga kayo."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Paano mo nasabi?"
"Kasi kanina, nung sinabi kong may chance na magkabalikan sila, sumimangot ka, pero nung sinabi
kong nakamove-on na si Eya, ngumiti ka abot-langit."
Natawa naman ako dun.
"Yan ba ang description mo ng love?"
"No. Vague description lang yun. Ang love, hindi naman nadedescribe. Ang love--"
"Nararamdaman?"
Um-oo siya.
Nacurious tuloy ako.
"Mahal mo na si Errick?"
Siya naman ang nagulat sa tanong ko.
"Uh... I think, I'm starting to fall for him."
BIG WOAH.
"Ikaw? Haha. Alam ko di tayo close, pero, natatawa lang ako. Diba arranged lang naman kayo?"
"Bakit? Arranged na naman kami, tama ka. Kaya mas madaling mainlove!"
Di ko talaga gets ang arranged marriage. >___<
"Tanong lang, sa tingin mo, magagawa natin yung plano ko?"
Um-oo ako.
"Syempre naman, Si Bryan Lim yung kapartner mo sa plan nàto."
Tumawa siya.
"Natatawa talaga ako sa sarili ko. Nagustuhan kasi kita. Dati lang naman. Amputla mo kasing kano
ka."
"ANO? MAPUTLANG KANO?"
"Joke lang. HAHA. Pero seryoso, nagustuhan kita dati."
Ang daming nagcoconfess sakin. T.T
"Buti at nawala na ngayon."
Tumawa siya.
"Kasi naman eh, ugali mo Bryan! Ako na magsasabi sayo, bawasan mo pagiging mahangin mo, baka
mamaya magsawa sayo si Eya. Maging sweet ka naman!"
Baka magsawa si Eya sakin? Paki ko. 3 months lang naman yung contract eh.
Pero bakit biglang may kung anong sumipa sa puso ko? No way. O.o
"Hindi mangyayari yun."
Ngumiti naman siya nun.
"Wag mong sasaktan si Eya ha. Baka ikaw masabunutan ko."
"Papagyera kita sa fans ko! Bahala ka."
"Leader ako ng Bryanbelievers!"
Ay oo nga pala. >___<
"Pero magququit nako. Ang labo naman kasi. HAHA. Di ako obsessed sayo katulad ng dati. Errick
nako."
I felt relieved dahil mawawalan ako ng stalker. HAHAHA. Joke lang. Eh kasi, kung friend ni Eyàtong si Allison, bakit hindi ko rin pwedeng maging friend?
"Bryan! Friends na tayo ha?"
She's thinking the same thing.
Ngayon ko lang napagtanto na parehas kaming mag-isip nitong babaeng `to. HAHAHA.
"Oh sure. Basta, invited ako sa kasal. Kami ni Eya. Kailan ba?"
"Wala. Di pa sure. Pero tuloy na tuloy na yun. Yung groom lang yung kulang."
Nagpout siya bigla.
"Mahal ka rin nun."
"Tss. Si Eya pa rin naman ata eh."
"Hindi yun! Gawin mo ang lahat mapunta siya sayo. Okay?"
Ako ba ang nag-advice? T.T
"Haha. Sige. Basta yung plano ha? Sa friday ba natin gagawin?"
"Sure. Basta ayusin natin ha. Walang papalpak."
Nag-iinarte ako. HAHA.
"I agree. So, paano ba yan. Bye na. Iikot-ikot muna kasi ako sa mall para bumili ng bag. Sama ka?"
"As much as I want to stroll around the mall, may jetlag pa ako. Sunday ngayon at ngayon lang ako
dumating dito. Wala pa kong tulog."
"Sige sige. Bye!"
Kinuha niya yung coffee niya at umalis na.
Maya-maya, umalis na rin ako at umuwi. Bago ako umidlip, naisip ko na naman yung kanina kong naiisip.
Paano nga kung magkabalikan yung dalawang yun?! Ugh. Paano na arranged marriage ni Allison at Errick? Paano na yung contract?
At paano ako?
37.1
Eya's POV
"Class dismissed."
Thank God. Na-syntax error yung utak ko dahil sa Physics. Tsk tsk. Hindi na gumana.
Nag-ayos muna ako ng gamit at sumabay na kay Andie palabas. Nagbbye rin naman kami kay Allison. Bati na naman
kasi kami eh, nagulat nga si Andie. Pero nung nalaman niya yung totoo. Nagulat siya. Syempre, pinsan niya si Errick.
Bakit di alam ng parents niya na magpapakasal na yung pinsan niya? Pero ayun, bati na naman sila. Pero di pa rin kami lahat nagbobonding, or what. Kahit sabay kumain. Okay lang naman kasi eh. Ayaw pa ni Allison.
Ang weird lang nung babaeng yun.
"Guys! Sandali lang!"
Napatingin ako sa tumawag at ayun nga, papalapit si Kevin.
"Nako. Sasabay ka na naman?"
Iritang sabi ni Andie. Pero nagpout lang si Kevin at pinisil yung pisngi niya.
"Ang arte mo. You know? Ako na nga naghahatid sayo everyday."
"Eh kasi naman--"
"Oy tama na nga yan lovebirds!"
"HINDI KAMI LOVEBIRDS!"
K. Sabay pa sila nagsalita. Ang sarap kasi nila asarin. HAHA.
Sumasabay na rin kasi samin si Kevin this past two weeks. Nakakatuwa nga, nadagdagan kami ng isa. Mabait naman siya, pasaway nga lang. Kapag lunch, ang takaw! HAHAHA.
Alam ko rin na matagal na siyang may gusto kay Andie. Inamin niya yun sakin, yun yung sikreto namin kaya close kami. HAHA. Obviously, hindi alam ni Andie yun. Pero sasabihin naman niya sa tamang panahon.