Ang Boyfriend Kong Artista (21 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
6.4Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Saan tayo punta, Bes? Gala tayo?"

"Masama pakiramdam ko e. Bukas na lang? 11AM pa rin naman labas natin bukas e."
Inayos ko na yung backpack ko. Onti na lang pala kami sa classroom. LOL. Madaming excited umuwi ha.

"Aww. Osige. Ay, Bryan!"
Napatingin ako sa likod ko, andun pa pala yung mokong!

"Bakit Andie?"

"Thanks kanina ha? Sorry sa abala."
Whuut? Anong kanina?

"Wala yun. Sige, alis na ko. Bye Andie. Bye... Eya."
Tumingin naman ako sa kanya at naalala ko na naman.

"Maganda ka kaya."

"Maganda ka kaya."

"Maganda ka kaya."

"Ugh! Epal ka talaga Bryan Lim@"
Tumawa lang siya nun at umalis na.

"Asar ka dun?"

"Hindi ba obvious? Ugh. Lika na nga, Bes."

Naglakad na rin kami papalabas ni Andie. Sumabay nga kami kay Ella, Garlyn at Sharleen e, Friends rin namin. Kaso nasa kabilang section.

"Hoy, Ikaw ha."
Sabi ni Garlyn.

"Close pala kayo ni Bryan my labs!"
Sabi ni Ella.

"Di mo man lang kami pinakilala!"
Sabi Sharleen.

"Leshe! Magtigil nga kayo!"
Grabètong tatlong `to, tinadtad pa ako ng mga tanong tungkol sa ungas na yun.

LOL. Tawa lang kami ng tawa ni Andie. HAHAHA.

Nung kumaliwa na yung tatlo, kasi dun street nila, kaming dalawa na lang ni Andie yung natirang naglalakad. Mas malayo pa rin yung street namin kaysa sa kanila. Medyo malapit lang yung sa kanila e. Ay basta, mauuna siyang

umuwi. Yun na yun.

"Bes. Bili muna tayo ng ice cream!"

"Sige."
Pumunta muna kami sa
Icecreaman ni Author
at bumili ng aming favorite na chocolate ice cream. (Naks nasama si author haha). Tapos naglakad na uli kami.

"Bes..."

"Oh?"
Tinignan ko si Andie at ayun, nakangiti ang bruha.

"Nangyari sayo?"

"Ang sweet niya pala noh?"
Huh?

"Sino?"

"Sino pa, edi si Bryan."

"Whuut? Si Bryan? Sweet? HAHAHAHA. Nagjojoke ka? HAHAHAHA. Benta yun ha!"
Binatukan naman

niya ako. Huh?

"Tumigil ka nga dyan. Sweet niya kaya."
Napatigil ako, don't tell me... nagkakacrush na si Andie kay Bryan?

OHNOES.

"Paano naging sweet yun? Teka, ano pala yung nangyari kanina? I'm just curious."
Ngumiti na naman siya.

"Sira ka Bes. Uhm, ganito kasi yun. Kanina, diba hinanap niya ako para sabihin na kailangan mo ng

extra uniform? Nasa may school supplies station ako nun. Bumili kasi ako ng ballpen. Eh

nakalimutan ko, kulang na pala pera ko. Siya na lang nagbayad nun."
Tapos ngumiti na naman siya.

"Alam mo, mukha kang tanga kakangiti diyan. May icecream ka pa sa labi mo. LOL."
Binatukan naman ako ni Andie. Hindi naman niya hilig mambatok noh?

"Ang sweet kaya. Sabi niya, libre na lang daw niya yun sa akin. Hihi."

"Landi ha. Wala na palang pera. Pero nakabili ka ng ice cream?"
Tumawa naman siya.

"HAHAHA. May pera pa pala ako, kaso nasa bag. Di ko napansin. Pero diba? Pinagtagpo kami ng

tadhana."
Ako naman bumatok sa kanya.

"Baliw. Oh ayan na, bahay mo. Malalagpasan mo pa."

"Ay oo nga! Haha. Gusto mo bang pumasok?"

"Wag na. Uwi na nga ako diba?"
Nagpout naman siya.

"Sige, Bes. Bye! Mwa!"
Nagbeso naman kami. Tapos ayun, pumasok na siya sa bahay niya. Ako na lang yung naglalakad mag-isa. Forever alone? HAHA.

Loljk~

Other books

The Chieftain by Margaret Mallory
Secret Father by James Carroll
Gunslinger: A Sports Romance by Lisa Lang Blakeney
The White Dragon by Salvador Mercer
The Road to Rowanbrae by Doris Davidson
Flight Dreams by Michael Craft
Touching Evil by Kylie Brant